5-Summer Break
Pagbalik namin ni Jabe sa klase pagkatapos naming ma-suspend, agad naming napansin ang pagbabago ng pagtrato ng mga classmates ko kay Leianne. Simula ng nagpakitang-gilas siya sa pag-akyat sa puno, mukhang nagkaroon na rin siya ng mga kaibigan dahil doon. Napasama siya sa grupo ng barkada nila Leslie. Lima sila sa grupo: si Leianne, si Leslie, yung best friend ni Leslie na vice president na si Nicole, at dalawa pa, na sila Katy at Olive. Lahat sila sa barkadang iyon ay nasa Top Ten ng klase. Siya nga pala, matalino rin si Leianne, at hindi siya natitinag sa pang-lima sa Top Ten list.
Mas naging outgoing si Leianne kahit papaano. May kasama na siyang grupo tuwing recess at lunch, at pagkatapos ng klase ay tumatambay sila sa may school garden. Minsan ko silang nadaanan habang papauwi na ako kasama si Jabe. Mukhang masaya si Leianne na nakikipag-tawanan sa kanila.
"Buti naman, may friends na si Nerdy," komento ni Jabe.
"Yeah," walang-gana kong tugon.
Bakit ba may kutob ako na parang may di magandang mangyayari kay Leianne sa pagsama niya sa mga iyon?
☆☆☆
Dumaan ang Christmas season at New Year. Pagbalik ko sa school noong January, unti-unti kong napansin na loner na ulit si Leianne. At ino-ostracize na siya ng grupo nila Leslie.
Gusto ko sanang tanungin ang mga kaklase ko kung anong nangyari. Pero ayoko naman magmukhang pakialamero.
Hanggang sa narinig ko ang kwento kay Jabe.
"Tol, alam mo ba, galit-galit sila Leslie kay Leianne?"
"Bakit naman?" Tanong ko sabay kagat ng sandwich. Recess kasi nun at nasa canteen kaming dalawa.
"Kasi, nasa Top One na si Leianne. Nang malaman ito ni Leslie, ay inaway niya raw ito. Sinugod daw niya sa girls' C.R. Ang usapan daw ng magbabarkada na iyon, walang aalis sa mga rankings nila sa Top Ten list. Di ba, noong 3rd quarter, number 5 pa si Leianne? Tapos number 4 at 3 sila Katy and Olive, number 2 si Nicole, at number 1 si Leslie. After ng exams last December, si Leianne ang may highest score sa Hekasi at Science. Kaya biglang usad ang rank niya, from 5 to 1. Number 2 na lang si Leslie. Kaya nagalit si Leslie. Sabi daw niya, di tumutupad sa usapan si Leianne."
"Ang sahihin mo, selfish si Leslie. Kasalanan ba ni Leianne na siya may mataas na scores sa Hekasi at Science?" katwiran ko. "Mas mabuti nang di siya sumama kina Leslie. Mga nagpapataasan lang sila ng scores at grades against each other."
"Hmmm... may point ka. Di ko rin naman sila gusto." Napatango na lang si Jabe sa sinabi ko.
Natapos ang school year na balik sa dati si Leianne. Loner, tahimik, at walang barkada.
☆☆☆
Summer vacation na. Ibig sabihin nito, kailangan kong tumulong sa kainan na pagmamay-ari ng mga magulang ko.
Hindi naman ito bonggang resto. Para lang itong hole-in-the-wall na kainan na ang specialty ay Chinese food. Minana pa ito ng tatay ko sa lolo ko. Tonyo's ang pangalan ng kainan, na kayang mag-accomodate ng trentang katao. Dinadayo pa talaga ito, dahil ang sabi, masarap daw ang lomi, fried chicken, at sweet and sour pork. Hindi ko naman maikakaila na masarap naman talaga. Syempre, tatay ko nagluluto nun! Masarap magluto si Papa. Bukod sa marming kumakain sa amin ay marami rin ang order ng paluto. May suki kami na isang kompanya sa malapit na dinadalhan namin ng short orders maya't maya. Na-feature na rin ang kainan sa isang national broadsheet na dinescribe ang Tonyo's na "Must-Eat Hole-In-The-Wall".
Tuwing bakasyon ay ako ang nag-a-assist sa mga waiter na kumuha ng order. Minsan, naghuhugas din ako ng plato, at pag closing na, ay ako ang nagwawalis at nag-aayos ng mga tables at chairs. Hindi naman ata totoo na nawawala ang swerte pag gabi ka nagwawalis; sa katunayan nga, mas lalo lang dumadami ang kumakain sa Tonyo's. Di ko rin nirereklamo ang pagtulong sa resto, kasi lagi naman akong binabayaran. Ibig sabihin nito, may allowance ako kahit bakasyon.
Dumating ang panahon na kailangan kumuha ni Papa ng isa pang cook, kasi dalawa lang sila dito. Ayaw kasi ni Papa na may ibang nagluluto bukod sa kanya at sa isa pang cook na si Noel, na kaibigan pa niya mula pagkabata. Kaya isang araw, pagdating ko sa Tonyo's, ay nilapit ako ni Papa sa bago nilang cook.
"Anak, si Tito Ramon ito, ang bagong cook," pangiti niyang bati sa akin. May kasama siya na lalaking naka salamin, balingkinitan ang katawan, at mukhang nasa late forties.
"Hello po," inextend ko ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya.
"Anak mo pala ito. Anong pangalan mo, hijo?" Tanong niya habang nakipag-shake hands siya sa akin.
"Bearwin po," magalang kong sagot.
"Tumutulong ka raw dito sa restawran?" Tanong ni Manong Ramon.
"Opo, taga-hugas ng pinggan at taga-linis."
"Masipag ang batang iyan kahit nasu-suspend siya sa school. Mahilig kasi mang-asar, ilang beses ko nang sinabihan iyan," natatawang kwento ni Papa.
"Dad! Bakit mo naman kinuwento?!" Napahiya tuloy ako.
"Winawarningan ko lang si Ramon, kasi tutulong din dito ang anak niyang babae. Sa palagay ko, kilala mo siya."
Kilala? "Pareho po ba kami ng school na pinapasukan?" Tanong ko kay Papa.
"Oh, andyan na pala si Leianne!" Sabi ni Manong Ramon habang napalingon siya sa entrance.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kong papasok si Leianne Avila.
"Pa, dito po ba ako magsu-summer job?" Tanong agad ni Leianne. Napatingin siya sa direksyon ko. "Hah? Taga-dito siya?!" Gulat niyang tanong nang makita niya ako.
"Anak siya ng may-ari ng resto," sagot ng daddy niya. "Kilala mo ba si Bearwin?"
"Classmate ko po siya," mahina niyang sagot.
Napangisi ako sa kanya. "Hi Leianne," bati ko.
Umismid lang siya sa akin.
Teka, magiging awkward ata pag buong summer ko makakasama si Leianne.
(To be continued)
A/N: Ang resto na Tonyo's ay inspired ng kainan na Charlie's sa Mandaluyong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top