41-The Final Chapter
(Bearwin)
"Um... Leianne, will you marry me?"
Nagulat ang mga tao when I said another name. Nanigas si Stephanie sa kinatatayuan niya, at nanlaki ang mga mata niya sa akin. Magsasalita na sana siya nang makita ko si Leianne na tumatakbo papunta sa gitna.
Tinignan ko si Leianne, na mukhang pagod na sa kakaiyak, at ito lang ang nasabi niya:
"Bearwin, did you just said my name?"
Nanahimik ang buong kapaligiran. Di nga makapagsalita ang mga taong nanonood at naghihintay sa susunod na mangyayari.
That's when I finally decided to let our secret out. Tumingin ako kay Stephanie at tumango sa kanya.
"Yes, Leianne, I just said your name," wika ko sa kanya.
At isa-isang naglapitan ang mga kasama kong Stromtrooper. Tinanggal na nila ang mga helmet nila. May dalawang Stromtrooper na nagsilapitan sa aming tatlo, at di ako makapaniwala sa mukha ni Leianne nang makita niyang sila Tammy at Jabe pala ito.
"Surprise! You've been pranked!" Sigaw namin kay Leianne. Dito na siya bumigay at napaluhod siya sa amin habang umiiyak.
Tilian ang mga tao sa excitement at nagkakagulo sila talaga. Nakita ko si Stephanie na inakbayan si Leianne at tinulungan siyang tumayo. Ang unang nasabi niya kay Steph ay, "Walang hiya ka!" Tapos tumingin siya sa aming lahat na umiiyak. "Anong kagaguhan ito?!" sigaw niya.
Nilapitan ko si Leianne. "Yes, I've pranked you, Leianne Avila. Kaya ko sinabi ang pangalan mo, kasi I realized I still want to give you another chance."
Tuloy ang agos ng kanyang mga luha at wala nang ibang nasabi si Leianne. Napayakap ito sa akin at sinuklian ko ito ng mas mahigpit pang yakap sa kanya. Nang pinakawalan ko siya, ito ang mga sinabi ko:
"I am giving you this chance right now, at wala na itong bawian. Sana natuto na tayo sa mga pagkakamali natin dati, and with this, I am opening my heart to you. Let's start all over again."
Palakpakan ang mga tao habang nagyakapan ulit kami ni Leianne. Narinig ko siyang bumulong sa tainga ko ng "Thank you... thank you talaga."
Ang ingay ng mga manonood habang tinutunghayan ang pinaka-successful na prank na nagawa ko with Jabe. Syempre, kinikilig silang lahat.
Nagtanong si Leianne habang nakaakbay pa rin siya sa mga balikat ko. "Paano niyo pinalano ito ni Steph?" tanong niya.
"Magaling na researcher iyan si Bearwin mo," tawa ni Stephanie sa kanya. "Tumawag siya sa office natin at inalam kung sinong pinakaclose mo dito. Tapos nagkita kami with your two other friends, and sinabi niya na ayun, kinukulit mo siya tapos na realize niya gusto ka pa niya balikan. So there, tinaon namin ang flash mob-slash-proposal-slash-prank ngayon sa Comic Con. Tinulungan kami ni Terrence, na isa sa mga organizers nitong convention. Galing ng acting ko noh? Napapaniwala kita," tawa niya.
May matangkad na lalaking lumapit kay Steph at inakbayan siya nito. "Hi Leianne, I'm the real Terrence," asar niyang ngiti.
Iyak-tawa na ngayon si Leianne sa mga nabalitaan niya. "Dinamay mo pa ang boyfriend mo, bruha ka!" tugon niya kay Steph.
"Oo nga eh, nagpipigil lang ako ng selos kanina," biro ni Terrence. Hinalikan niya ang noo ni Steph at nagpatuloy. "Ayan, there's your happy ending guys! Sige, Bearwin, ituloy mo na ang real proposal mo!"
Palakpakan ang mga tao nang nilabas ko na ang box ng silver ring at kinuha ang singsing sa lalagyan nito. Hinawakan ko ang kamay ni Leianne at marahan kong sinuot ito sa ring finger niya.
"Leianne, wala ka na talagang kawala sa akin magmula ngayon. Patunay ang singsing na ito na malapit na tayo magsama habang buhay."
Umiyak ulit si Leianne, but this time, luha na ito ng kaligayahan. Di ko na mapigilan ang sarili ko na umiyak.
"We don't have to do this right away, but we have a promise now. We'll build our friendship, slowly but surely, and our love is included. Para pagharap natin sa altar, ready na tayong dalawa. Payag ka ba doon?"
"Oo, payag ako!" Sigaw ni Leianne.
Mahigpit siyang yumakap sa akin. Mahigpit na ang hawak ko sa kanya ngayon.
Magmula ngayon, di na kami maghihiwalay. Hindi ko na siya papakawalan.
***
Naging magkaibigan ulit kami ni Leianne. Even if it was a bumpy ride at first, naging mas matatag ang pagsasama namin dahil sa aming mga karanasan. Patuloy na nagtrabaho si Leianne sa kumpanya niya, habang ako naman ay chef pa rin sa Carpe Diem Restaurant. Umusad ang mga career namin, pati na rin ang aming pagkakaibigan at pag-iibigan.
And three years later, humarap na kami sa altar. Best man ko si Jabe, habang Maid-Of-Honor naman si Tammy. Bridesmaid si Steph, na mas nauna pang kinasal kay Terrence a year earlier. Syempre, tuwang-tuwa ang daddy ni Leianne na si Mang Ramon, na umuwi na ng Pilipinas pagkatapos makapag-ipon sa Dubai. Meanwhile, di maitago ang kagalakan ng parents ko, lalo na ng sinabi na ng pari na You may now kiss the bride.
At that moment, I gave her the sweetest kiss she can receive from me.
Now we're Mr. and Mrs. Bearwin Cho. Wala na akong mahihiling pa.
We'll face the future together with hope and strength.
She loves me, and I know. And I will love her always, My Star Wars Girl.
-Wakas-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top