40-Comic Con
(Leianne)
Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Ako na nga ang naghahabol, ako na nga ang nagpapakita na nagsisisi ako, pero tinanggihan pa rin niya ako.
Naiintindihan ko na labis din siyang nasaktan sa nangyari. Ang pagkakamali ko lang, pinairal ko ang pride at piniling di makinig sa kanya. Siguro nga tama siya nang sinabi niyang wala na siyang chance na ibibigay pa sa akin.
Naalala ko ang tagpo namin sa Carpe Diem Restaurant habang mag-isa akong umiiyak sa aking condo unit. Naipundar ko iyon matapos magtrabaho sa Dubai, at masayang-masaya ako na natupad ang pangarap ko para sa akin, at maging sa aking ama. Ang pagkakaiba nga lang, wala akong Bearwin Cho na matatakbuhan para ibahagi ang masayang balita.
Ngayon ko lang nalaman na I let go of a good guy. In letting go of him, I have to pay a great price for my pride and stupidity.
***
Hindi ko muna kinulit si Bearwin by sending him origami notes and stalking him at his restaurant. Nagpaka-busy na lang ako sa trabaho and went out sometimes. Nagkunwari akong masaya, pero sa totoo lang, hindi.
Siguro dapat na nga akong bumalik sa Dubai para makasama ang tatay ko at magkaroon din ng trabahong maganda ang kita. I can sell the condo unit if I want. Di naman sa hindi maganda magtrabaho sa kompanya ko ngayon; kagaya lang din ito ng sweldo ko sa Dubai. Parehong win-win situation kung dito o doon man ako magtrabaho. But for some reason, parang may pumipigil sa akin na bumalik abroad.
Alam ko umaasa pa rin ako na patatawarin niya ako. Pero sa kanya na mismo galing na di na niya ako bibigyan ng isa pang pagkakataon.
No, I won't stop at that. Okay, I'll give myself three months to win him over, tapos pag wala talaga, I'll pack my bags and go back abroad.
I just need to think of a good plan to convince him of my sincerity.
***
Nang dumating ang weekend, niyaya ako ng isa kong officemate na mag-shopping, pero tinanggihan ko ito.
"Ano ka ba, Leianne, please naman, samahan mo ako! Sale ng sapatos sa department store, tapos balita ko may Sci-Fi Convention sa Mega Hall sa itaas! Kasama doon Star Wars! Alam ko favorite mo iyon!" excited na kwento sa akin ni Steph, my officemate.
Halos best friend na ang turing ko kay Steph after working with her for a year and a half. And yes, she knows about my Star Wars addiction. Fan din kasi siya, but not as much as me. Minsan ko lang ito nabanggit sa kanya, pero di ko akalaing matatandaan niya iyon. Nagulat nga ako nang binigyan niya ako na flashdrive ni BB-8 noong pasko, tapos nanoood pa kami ng The Force Awakens. Ang weird na di ko pa natatanggal ang pagiging fangirl sa systema ko. Pinilit ko itong kalimutan dahil kay Bearwin, pero doing so would mean lying to myself.
"Leianne, di ka na nakasagot diyan. Samahan mo ako! Puhleeease?" pagmamakaawa ni Steph sa kabilang linya.
"Hay nako, sige na nga! Mag-aayos lang ako, then meet me at the condo lobby in 15 minutes," sagot ko.
"Yehey! Thanks Lei! You're the best! Mwah!"
Nang matapos ang usapan namin ni Steph ay agad akong nag-shower at nagbihis. Nagsuot ako ng isang gray skater dress, light pink cardigan, at sandals. Mahilig mag dress si Steph, kaya naisip kong mag-ayos din para mukha naman kaming BFF kahit papano.
Nagsusi na ako ng aking condo unit at bumaba sa lobby, kung saan naghihintay na si Steph sa akin. Medyo napakunot-noo ako nang makita ko ang bihis niya today: isang Stormtrooper t-shirt, jeans, and sneakers.
"Teka, himala, di ka naka-dress ngayon," biro ko sa kanya.
"Ah eto?" turo ni Steph sa t-shirt niya. "Makikibagay lang sa mga nasa Sci-Fi convention! Fan din naman ako, girl! Parang ayaw maniwala oh!" tawa niya.
"At least ako naman ang postura ngayon," ngiti ko. "Sige, let's go na."
Sumakay ako sa kotse ni Steph at nag-drive kami papunta ng mall. Pagdating namin doon, we spent almost an hour sa pamimili ng mga sapatos. Dahil sale ng mga sapatos, nakabili si Steph ng dalawang pares ng heels, tapos yung naka-promo na ballet flats na 2 for 299 pesos. Tinanong ni Steph kung bibili ba ako ng sapatos, pero tumanggi ako. Wala ako sa mood ngayon.
"Finally, let's go to the convention!" excited na tili ni Steph pagkatapos niyang magbayad ng mga pinamili niya. Dumiretso kami sa fourth floor, kung saan nandoon ang Mega Hall. Bumili kami ng tickets sa may entrance. Di naman mahal, sulit na. Sa bagay, ngayon lang ako makakapunta sa ganitong convention, kaya pinagbigyan ko na ang sarili ko. It's almost a step closer to attending the San Diego Comic Con, na pangarap kong puntahan since I was a child.
Na-overwhelmed ako the moment I stepped inside the convention hall. Ang daming booths ng mga sci-fi TV series, comics, and movies! May mga cosplayers din na naka-bihis ng iba't ibang characters, gaya nila Professor Spock ng Star Trek, mga Stromtroopers, at pati na rin sila Batman.
Naglibot-libot lang muna kami ni Steph at nagpa-picture sa mga cosplayers. Wala namang mabibili doon unless loaded ka, and in my case, di naman ako hardcore fan na collector ng mga action figures at comic books.
Sa di-kalayuan ay may nakita akong couple na nakabihis Agent Mulder at Agent Scully mula sa The X-Files. Naka-back hug si Agent Mulder kay Agent Scully habang kumukha sila ng couple selfie sa iPhone. Naalala ko na naman si Bearwin, at agad bumalot sa akin ang kalungkutan.
Naisip ko nang ayain si Steph na kumain at umuwi. May ka-text si Steph sa cellphone niya nang sinabi kong, "Steph, kain na tayo, nakakagutom dito."
Binulsa ni Steph ang phone niya. "Gutom ka na? Teka, pwede muna ako magpunta sa ladies' room? You can wait for me here," bilin niya.
Tinignan ko ang katabi naming booth, na nagtitinda ng mga character keychains. Booth No. 151. "Okay, hihintayin kita dito," pagpayag ko.
"Five minutes lang ito, Lei," ngiti niya sa akin bago siya maglakad papalayo.
Naghintay ako sa booth at naisipang tignan ang mga keychains na binebenta nila. Nakakita ako ng Stormtrooper Lego Keychain, kagaya ng binigay ko kay Bearwin noong high school kami.
Nakakainis, why is this place reminding me so much of him?
I brushed the thought away from my mind as soon as it came. Tinignan ko ang wristwatch ko. Aba, lagpas na ng five minutes, di pa rin bumabalik si Steph?
Kinuha ko na ang cellphone ko mula sa aking handbag at ite-text ko na sana siya, nang biglang nagkagulo ang mga tao sa harapan ko. The space in front of me cleared, at may mga nagtilian habang may isang Stromtrooper na pumagitna. Iniwan ko na ang Booth 151 at nakisali sa umpukan para panoorin ang gagawin ng Stromtrooper.
Nagsimula nang sumayaw ang Stromtrooper sa background music. It was "Di Bale Na Lang" by Gary Valenciano:
Minsan, sabi niya sa akin
Sandali na lang
Akala ko naman ay sigurado na ako
Handa kong tanggapin ang kanyang oo
Unti-unting naglabasan ang iba pang mga Stromtroopers na nakatago sa mga sulok para sabayan ang kasamahan nilang nagsasayaw sa harapan:
Bigla na lang nagbago ang isip niya
Hindi ko akalain na gano'n pala siya
Pinaasa niya lang ako
Bitin na bitin ako
Oooh woh
Palakpakan ang mga tao sa nakaka-aliw na choreography ng mga Stormtroopers. In fairness, napangiti rin ako, kasi ang cute nilang tignan habang nagsasayaw.
Hindi ko na alam kung makakaya ko pa
Di bale na lang kaya
Ako pa ba kaya ang nasa puso niya
Di bale na lang kaya
Ngunit mahal ko siya
Di bale na lang
Di bale na lang
Di bale na lang...
Natapos ang pagsasayaw ng mga Stromtroopers. Binigyan sila ng masigabong palakpakan ng mga tao. May sumisigaw pa nga ng "Encore!". Pero ang Stromtrooper sa harapan ay tinaas ang kamay niya at sinenyasan sila na manahimik. May nag-abot ng microphone sa kanya. Mukhang may speech pa itong kasama.
"Good afternoon to everyone," bati ng Stromtrooper. "First of all, we apologize for disturbing this Comic Con. We are glad you liked our flash mob, but we did this for a reason. May we call Stephanie Quintos to come here in front?"
Tilian ang mga taong nanonood. Na-recognize ko ang pangalang tinawag nila. Si Steph ito! Teka, magpo-propose na ba sa kanya ang boyfriend niya?
Nakita kong lumabas si Steph sa gilid na tuwang-tuwa ang mukha. Di ko maikaila ang kasiyahan kong nadarama para sa kanya. Mukha ngang magpo-propose na sa kanya si Terrence, ang boyfriend niya na ilang beses na rin niyang kinuwento sa akin pero di ko pa nakikita. Pero teka, bakit Di Bale Na Lang ang sayaw nila kanina?
"Hi Stephanie," bati sa kanya ng Stromtrooper nang makalapit na ito dito. Lalong nagtilian ang mga tao nang tinanggal na ng Stromtrooper ang kanyang helmet.
At laking gulat ko nang makita ko ang mukhang nagtatago sa loob nito.
Ang nasabing Stromtrooper ay si Bearwin Cho.
Halos nanlata ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Bearwin at Stephanie na nakatingin sa isa't isa. Ang dami kong mga katanungan sa isipan.
"First of all, I would like to introduce to all of you my girlfriend of one year, Stephanie Quintos," simula ni Bearwin habang hinarap niya ang audience na kaakbay si Steph. "It may be too soon to do this now, but I would like to grab this opportunity."
Nakita kong may nag-abot kay Bearwin ng isang maliit na box. Kinuha niya ito at binuksan upang ipakita kay Steph ang isang silver ring sa loob. Magsasalita na sana siya nang di ko na mapigilan ang damdamin ko.
"BEARWIN!"
Agad tumahimik ang mga tao pati na rin sila Bearwin at Steph. Wala na akong pakialam sa mga nanonood sa amin nang nilapitan ko silang dalawa.
Agad kong binigyan ng malakas na sampal si Bearwin.
"Sana sinabi mo man lang sa akin nang magkita tayo na may girlfriend ka na kaya ayaw mo akong balikan! Tapos sa lahat ng pwede mong maging girlfriend, officemate ko pa at BFF!"
Nag-boo ang mga tao at may mga nagbubulungan sa ginawa kong eksena. Binalingan ko si Steph at di ko na napansin na umiiyak na pala ako.
"Sana man lang, naging honest ka sa akin. Akala ko kayo ni Terrence, yun pala, ibang lalaki pala kinakatagpo mo! At di lang basta ibang lalaki iyan, kundi kababata ko! Minahal ko iyan si Bearwin Cho, tapos palihim mong aagawin sa akin?!"
Sasampalin ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa kamay para mapigilan ito.
"Leianne, in the first place, wala namang aagawin sa iyo, kasi pinakawalan mo si Bearwin! We've met in his resto, and we've been dating for a year, kaya okay lang. At malay ko ba na kababata mo siya? In fact, nang maikwento kita sa kanya, he recognized you, and he told me of your past together. Kaya Terrence ang tawag ko sa kanya, because it's my code name for him, para di mo malaman." Steph smirked at me victoriously. "He deserves a better girl than you. Kaya dinala kita dito, para tigilan mo na si Bearwin sa kaka-stalk mo sa resto niya. I hope you'll leave him alone after this."
"See? Kaya nga sinabi ko wala ka nang chance, Leianne," sabi ni Bearwin.
Napayuko ako at tahimik na lumuha dahil sa sama ng loob at kahihiyan.
"Okay, I admit my defeat," wika ko sa gitna ng aking pagluha. I lifted up my head and looked them both in the eyes. "I'm letting you go, Bearwin. This is final... Ikaw naman, Steph, I'll stop being your friend from now on. Just let me heal, at sana, maging masaya kayong dalawa."
I turned my back and slowly walked away from the scene. May mga nagsisisgaw nga na "Buti nga sa iyo!" and "Sayang!" I ignored them. All I wanted was to get out of this place once and for all.
Napatigil ako nang marinig ko si Bearwin sa audio.
"Okay, this is it..."
Binilisan ko pa ang lakad ko papunta sa exit, ngunit natigilan ako when I heard what he said next:
"Um... Leianne, will you marry me?"
(Next chapter na! Go!)
A/N: Credits to the writer of Di Bale Na Lang, whose lyrics I inserted here in this chapter)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top