4-P.E. Class
"Tol, alam ko na kung paano bibiktimahin si Leianne!" Nakangising bati sa akin ni Jabe nang tinabihan niya ako sa may bleachers. P.E. period namin, at tahimik kong pinapanood ang mga kaklase kong nagpa-practice ng physical exercises para sa exam sa nasabing subject.
"Oh, anong balak mo?" Tanong ko kay Jabe.
"Let's sneak in the girls' room right now and steal her half-slip! Tapos, isabit natin sa may punong mangga! Tiyak na hahanapin niya iyon!" Di mapigilan ni Jabe ang kanyang evil smile.
Nagpapalit kasi kami ng uniform pag P.E. Lahat kami ay naka shirt and jogging pants. At pagkatapos noon ay balik ulit sa uniform na white polo and pants sa mga boys at white blouse with blue ribbon at navy blue skirt sa mga girls.
Which means na nandoon pa rin ang gamit ng mga girls.
"So, what do you think, tol?" Excited na tanong ni Jabe.
I think stealing Leianne's underclothes will be a good idea. Okay na prank ito.
☆☆☆
Nagmamadali kaming pumasok ni Jabe sa girls' dressing room. Agad naming nakita ang purple backpack ni Leianne. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na kulay puting kasuotan. Lumapit ako at kinuha ito.
"Oooh, nice half-slip!" komento ko habang hawak ang kulay puting pang-ibaba na may burda sa gilid. "Nagdadalaga na ata si Leianne!"
"Hahaha, naka baby bra na kaya siya?" Tawa ni Jabe.
"Wala naman siyang iba-bra!" Pareho kaming nagtawanan.
Lumabas kami ng dressing room na bitbit ang half-slip ni Leianne. Tumakbo kami sa may likod ng gym kung saan nandoon ang punong mangga na nakatayo sa gitna ng madamong lote. Si Jabe ang umakyat ng puno, at isinabit niya ang half-slip sa isang dulo ng kahoy. Bumaba siya ng puno na malaki ang ngisi, at bumalik kami ng gym na parang walang nangyari.
Buti walang nakapansin na nag sneak-out kami. Nagkunwari na lang kaming dalawa na nagpa-practice ng push-ups.
Maya-maya ay natapos na ang P.E. class. Nagpuntahan ang mga boys at girls sa mga assigned dressing rooms nila. Lumabas kami ni Jabe at naupo sa mga bleachers. Inaantabayanan na namin ang mga magaganap pag nalaman ni Leianne na nawawala ang half-slip niya.
"Nakita niyo ba half-slip ko?"
Lumapit si Leianne sa amin na mukhang balisa. Of course, ang reply namin ay, "Hindi."
"Bakit, nawawala ba?" Pagmamaang-maangan ni Jabe.
"Hindi ko na makita sa dressing room namin," nahihiyang sagot ni Leianne. "Sige, salamat na lang." Naglakad siya papalayo at nilapitan ang iba pang mga estudyante.
"Mwahaha!" Pang-aasar na tawa ni Jabe.
Napatingin ako sa kanya. Gusto ko rin sana tumawa, pero di ko magawa. I started to feel bad about what we just did.
"Leianne, yung half-slip mo, nakasabit sa may punong mangga sa likod!" Sigaw ng class president na si Leslie.
Agad tumakbo si Leianne papalabas sa may likod ng gym. Patakbong sinundan din siya ng iba naming mga kaklase. Tumayo rin ako para maki-usyoso habang nasa likuran ko naman si Jabe.
Pagkalabas namin, nakapaligid na ang lahat sa may punong mangga. Sumali kami sa kumpulan ng mga kaklase namin. Sa harapan ay nakita namin si Leianne na nakatingala sa may punong kahoy kung saan sinabit ni Jabe ang kanyang half-slip.
"Paano ko ito kukunin?" Maluha-luha niyang tanong. Nagbubulungan ang buong klase, na parang pati sila ay di alam ang gagawin.
"Leianne, tatawagin ko na lang si Kuya Dennis para umakyat diyan," pagvo-volunteer ni Leslie. Si Kuya Dennis ang isa sa mga school janitor namin.
"Ako na lang aakyat," biglang sambit ni Leianne.
Pinunasan niya ang mga nangingilid na luha sa mga mata niya gamit ang likod ng kanyang kamay. Tapos ay lumapit siya sa punong kahoy at inangat ang kanang paa niya para akyatin ito. Mahigpit ang hawak niya habang maingat siyang umaakyat.
"Leianne, bumaba ka diyan!" Sigaw ni Leslie.
Nagulantang na ang klase sa mga pangyayari. Takot silang nanonood habang inaakyat ni Leianne ang punong mangga. Nagsisisigaw na sila ng "Baba!" habang ang iba naman ay nagcha-chant ng "Go Leianne! Go Leianne!"
Sa bawat hakbang niya papaakyat ng puno, lalo kong nakita ang determinasyon sa mukha niya na maabot ang kahoy kung saan nakasabit ang half-slip niya. Napasigaw pa nga ako nang muntikan na siyang nadulas, pero buti na lang at napakapit siya sa matabang tangkay ng puno. Sa wakas, ay narating na niya ang dulo ng kahoy kung saan halos abot-kamay na niya ang half-slip. Inextend ni Leianne ang braso niya, at nakuha rin niya ang kanyang kasuotang panloob.
Nag-cheer ang lahat sa matagumpay na nagawa ni Leianne. Mula sa itaas ay napangiti siya sa amin habang winawagayway niya ang kanyang half-slip.
Ito ang unang beses na nakita ko siyang nakatawa. Parang nag light-up ang mukha niya at umaliwalas.
☆☆☆
Suspended kami ni Jabe dahil sa ginawa namin kay Leianne.
Uwian na sana pero lahat kami ay kinausap ni Leslie para magtanong kung sino ang gumawa ng ganoon kay Leianne. Wala kaming choice ni Jabe kundi umamin ng kasalanan. Ang ending ay naisumbong kami sa class adviser namin, na humantong sa pagkakasuspend namin sa klase for two days. Na-assign kami na maging student assistants sa library.
For 2 days, nagmukmok lang kami sa lib, nag-ayos ng libro, at nag-walis. Nakikita namin si Leianne na pumapasok tuwing recess at lunch para kumain habang nakikipag-usap kay Ma'am Mitchie. Minsan, inalok niya kaming samahan sila, pero tumanggi ako. Mas ginusto naming kumain sa canteen. Tinitiis na lang namin na pinagtitinginan kami ng aking mga kaklase.
Tumonog na ang bell ng 5pm. Dismissed na kami nila Jabe sa huling araw namin sa library. Nagpaalam na si Jabe sa akin, habang nag-stay muna ako sa school para mag-meryenda sa canteen.
Naupo ako mag-isa sa gilid habang tahimik na pinapanood ang mga estudyante na kumakain o naglalakad.
Nakita kong papalakad si Leianne sa direksyon ko. Tumayo siya sa gilid ko at sinabing, "Alam ko kayo iyon ni Jabe. Napanood niyo ba iyon sa Endless Love?"
Tinignan ko siya. "Anong Endless Love?"
"Yung drama sa TV. Ganun din ginawa kay Jenny. Kinuha half-slip niya at nilagay sa ibabaw ng puno."
"Sorry ah, di ko talaga alam iyon." Wala naman kasi nanonood ng drama sa amin. Busy pareho ang mga magulang ko sa pagpapatakbo ng maliit naming kainan.
"Never mind," sabi ni Leianne na may kunot sa noo.
Iniwan niya akong nakatingin sa kanya habang naglalakad siyang palayo.
First time niya akong kinausap ng ganito. At ang layo niya sa mahiyaing Leianne na palagi kong nakikita sa klase.
(To be continued)
A/N: Kung napanood niyo ang "Endless Love" na sila Jenny at Johnny ang bida, malamang alam niyo ang eksena na binabanggit ni Leianne kay Bearwin. Malalaman niyo rin eventually kung napanood ni Jabe yung episode na iyon, hehehe.
In case you're wondering, early 2000's ang setting nitong kwento. Bata pa ang mga bida, at marami pang mangyayari.
Thanks for reading! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top