39-Another Chance

"Prepare yourselves for tonight's menu! Is everyone ready?"


"Yes Chef!"


"Begin in 3..2...1... now!"


Nabigyan ng buhay ang kusina ng Carpe Diem Restaurant. Nagsipuntahan ang mga cooks sa kani-kanilang mga assignments, mula sa paghihiwa ng mga gulay, paghalo ng mga ingredients, at pagluluto ng iba't ibang mga potahe. Isa ako sa mga cooks. Hindi ganoon kadali magtrabaho sa isang high end na resto, pero pagkatapos ng halos dalawang taon, masasabi kong nagagamay ko na rin ang mga gawain sa araw-araw.


"Chef Cho, haluin mong mabuti ," paalala sa akin ng head chef na si Chef Remy nang madaanan niya akong naghahalo ng pesto sauce.


"Yes chef!" energetic kong reply.


Double-time kami ngayon sa kitchen. May importanteng kliyente kasi ang darating, kaya reserbado sa kanila ang buong restaurant. Ngayong gabi ay may naka-schedule na company anniversary celebration. Hindi ito kagaya ng mga usual na company anniversaries na magarbo ang event. Mga employees lang ng nasabing kompanya ang dadalo, kasama na pati ang mga may-ari nito. Ayon sa mga kasama ko, isa itong international Human Resources company na may branch dito sa Manila.


Paspasan ang kilos naming lahat sa kusina. Lahat kami ay abala na gawing masarap ang mga specialties na ihahanda namin para sa importanteng kliyente. Two hours pa naman bago mangyari ang event, pero niluluto na namin ang mga potahe para sa unang batch ng mga darating. Mamaya ay magluluto pa kami para sa pangalawang servings.


Nang matapos na ang lahat, mula sa pagluluto hanggang sa paglalagay ng mga pagkain sa main table para sa buffet, bumalik ako sa kusina at ngayon lang ako nakahinga ng maluwag.


"Buti naayos ko rin ang pesto sauce," buntong-hininga ko.


"Ako naman, muntik nang mapaalat ang salad sauce," kwento sa akin ni Fred, isa sa mga kasama ko sa restaurant. "Gusto mong silipin ang mga bisita?" pag-aaya niya.


"Ang tsismoso naman ng dating mo," tawa ko.


"Ito naman, pero sige, silip lang tapos balik tayo sa kitchen para kumain," suhestiyon ko.


Pumayag naman si Fred. Iniwan muna namin ang iba naming kasamahan na kumakain na. Dumaan kaming dalawa sa back door ng kitchen at nagtungo sa may garden ng Carpe Diem, kung saan may malaking glass window. Masisilip mo agad ang mga tao sa loob ng main dining hall. Nagtago kami ni Fred sa may malapit na flower bush, at doon kami umusyoso ng mga bisita sa nasa loob ng resto. Pawang mga naka semi-formal ang karamihan sa mga bisita. May mga taong nakapila na sa buffet table para kumuha ng pagkain, habang ang iba naman ay nakaupo na sa kani-kanilang mga lamesa.


"Balik na tayo Fred. Wala naman interesting na nagaganap. Mga tao lang na kumakain," bored kong nasabi.


"Oh sige, kumain na rin tayo sa kitchen."


Tumayo na kami ni Fred at naglakad pabalik sa kitchen. Nagsimula na kaming maghapunan ng mga excess na niluto namin. Tapos bumalik ulit kami sa harapan ng stove para lutuin ang pangalawang batch ng mga potahe.


Buti na lang ay tapos na ang lahat ng kailangan naming gawin. Nagpasya muna akong lumabas para makalanghap ng sariwang hangin. Inaamin ko, ang init pag nasa kusina ka palagi.


Nang makalabas ako, nagpasya akong maglakad-lakad muna sa garden. Ang kagandagan ng restaurant na ito ay may malaking garden na may gazebo sa gitna. Kaya minsan, dito ginaganap ang mga reception sa kasal. Since wala namang outdoor event, at nangyayari lahat ng kaganapan sa loob ng resto, naglakad ako at pumasok sa gazebo. Buti na lang ay may mga mini Japanese lanterns na nakapalibot sa gazebo, na nagbibigay liwanag sa paligid, bukod sa mga French-style lampposts sa tabi-tabi. Kitang-kita ko pa nga ang mga rose bushes na nagbibigay ng mabangong aroma sa garden.


Sumandal ako sa railing ng gazebo habang nakatingala sa langit. May mga bituin ngayon, at di ko mapigilang isipin na ang romantic naman ng gabing ito.


"Ay, may tao dito."


Dinig ko ang boses ng isang babae sa aking likuran. Naisipan kong lumingon at sabihan siya na okay lang din tumambay dito. Nang ginawa ko ito, nagulat ako sa nakita ko.


Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Leianne Avila, na matagal ko nang hindi nakikita.


Di ako makapaniwala na makikita ko ulit ang childhood friend at almost sweetheart ko sa lugar na ito, kung saan ako nagtatrabaho, matapos ng ilang taon.


"Leianne..."


"Bearwin?"


Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako, at siguro ay ganoon din ang ekspresyon ng mukha ko ngayong sandaling ito. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya naglakad na ako papalayo.


"Bearwin!"


Napatigil ako sa paglalakad nang tinawag niya ulit ako. Lumingon ako para harapin siya.


"Bearwin... kumusta ka na?" tanong niya.


Kung pwede ko lang ibato sa kanya ang totoo, ganito ang sasabihin ko:


Kumusta na ako? Mabuti naman. Mabuting-mabuti, pagkatapos mo akong layuan kahit nagmakaawa ako sa iyo na bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Naging mabuti naman ang buhay ko kahit wala ka.


Pero hindi ko kayang sabihin iyon sa mukha niya, kaya ito na lang ang nasambit ko:


"Okay naman ako. Ikaw, akala ko nasa Dubai ka nagtatrabaho?"


Agad kong nahalata ang tono ng boses ko, na malamig at impersonal. Na para bang hindi ko siya nakilala at ngayon ko lang siya nakita.


"Kakabalik ko lang ng Pilipinas," sabi niya habang lumalapit siya sa akin. "Nasa HumanLink na ko ngayon nagtatrabaho, sa Recruitment Department. Company anniversary kasi... Small world no? Di ko akalaing dito pa tayo magkikita sa Carpe Diem restaurant. Masasarap nga pagkain dito," ngiti niya.


"Totoo naman iyon, kasi masarap kaming magluto," pilit kong ngiti sa kanya.


"Proud ako sa iyo, buti natupad ang pangarap mo maging chef," compliment niya sa akin.


Naisipan kong putulin na ang usapan namin. "Sige, babalik na ako sa kitchen, baka kailangan pa ako doon."


Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya, nang marinig ko siyang sumigaw:


"Bearwin, ikaw ang dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Pilipinas!"


Napatigil ako sa paglalakad. At sa sandaling iyon, di ko na napigilan ang sarili ko.


"Leianne, wala ka nang dahilan para balikan pa ako dito."


Matagal kaming nagtitigan sa isa't isa, hanggang sa binasag ko ang katahimikan.


"Sino ba ang ayaw magtiwala matapos kong sabihin na magtiwala siya? Sino ba ang unang nang-iwan? Sino ba ang tumanggi pagkatapos kong magmakaawa at humingi ng tawad sa isang pagkakamaling di ko sinadya? Di ba ikaw?!" sumbat ko.


"Bearwin, patawarin mo ako at ginawa ko iyon. Dapat nagtiwala nga ako sa iyo gaya ng sinabi mo. Kaya ako nandito, gusto ko na magkaliwanagan tayo at magkaayos. I was the immature one, sana bigyan mo ako ng pagkakataon," hiling niya.


"Too late now. Almost six years too late. 2010 pa iyon. Sana noon mo pa ginawa iyon. Nang tinupad ko ang sinabi mong lumayo ako bilang respeto sa iyo, sana tinuloy-tuloy mo na iyon, hindi yung babalik ka pa dito para lang bawiin mo yung sinabi mo noon," giit ko.


"Bearwin, mali ako, na-realize ko na mali ako. Sorry na at ginawa kong lumayo sa iyo nang biglaan."


"Tapos babalik ka rin ng biglaan para lang makuha ang gusto mo?" tanong ko sa kanya. Mukhang malapit na rin siyang maluha, but I won't give her the satisfaction of giving in to her and pretending that everything's okay with us once again.


"Bearwin, makinig ka sa akin, sana maniwala ka na ikaw pa rin ang mahal ko..."


"I'm sorry Leianne, but I won't give that chance to you," malamig kong tugon.


Iniwan ko siyang nakatayo doon at di ko na siya nilingon pa.


Bakit siya bumalik? Kung kailan okay na ang lahat sa akin, magpapakita ulit siya para lang i-insist na mali siya?


Gaya ng sinabi ko, sana noon pa niya ginawa iyon. Useless na ang apology niya.

***

Pagkatapos ng gabing iyon, di ako makapaniwala na kukulitin talaga ako ni Leianne.


Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Pero alam niya kung saan ako nagtatrabaho, kaya panay ang padala niya sa akin ng I'm sorry note na nakasulat sa Origami Yoda paper. At di lang Origami Yoda ah, meron din Darth Vader na paper. For one week, may natatanggap akong notes everyday. Through snail mail pa!


Nakakainis, naaalala ko ang Star Wars dahil sa kanya. Magmula ng iniwan niya ako, tinalikuran ko na ang pagiging fan ng pelikulang iyon. Hindi nga ako nanoood ng The Force Awakens nang niyaya ako ng mga kasamahan ko. Ang hirap panoorin kung ka-sound alike ng pangalan niya ang bidang babae na si Leia. Ang pagkakaiba lang nila, si Leia Organa ay gagawin ang lahat para sa minamahal niya, kahit naging Slave Girl pa siya ni Jabba The Hut. Tapos si Leianne Avila, easy-easy lang? Akala niya madadaan niya ako sa mga pa-cute niyang sorry notes.


Minsan pa nga, tumatambay siya sa labas ng resto at tinetyempuhan ako kung kailan pa-out na ako. Na-memorize na niya ata ang schedule ko. Di araw-araw, pero alam niya kung kailan ako pa-out after ng duty sa kitchen! Kaya pinaalalahanan ko ang mga kasamahan ko na huwag siyang palapitin sa akin.


"Sino ba iyan, Bearwin? Ex mo ba na naging stalker?" tanong sa akin ni Chef Remy, na nauwi sa tuksuhan ng mga kasama ko.


"Basta Chef... medyo baliw ang babaeng iyon, kaya ilayo niyo siya sa akin," paalala ko.


"So ex-gf mo nga, Bearwin! Aba, ang gwapo mo ah!" biro sa akin ng istriktong head chef. "Sige, sasabihan ko si manong guard."


Buti ginawa nila iyon, at mula noon ay di na nagtangka pang lumapit sa akin si Leianne sa Carpe Diem Restaurant.


Naisipan kong tawagan si Tammy para paalalahanin siya. Baka naman sa bahay ko magawi pagkatapos, o pati sa bahay ni Tammy.


"Ano kamo, ini-stalk ka ni Leianne? You mean, nakabalik na siya?"


"Oo, gusto niya mag-sorry sa ginawa niya."


"After like, four or five years? Well, huli na siya," sambit ng aking pinsan. "Teka, magda-drive ako diyan papunta sa inyo, para matino tayong mag-usap."


Dumaan nga siya sa bahay namin. Buti naitago ko ang mga sorry notes ni Leianne, at pinakita ko ito kay Tammy.


"Wow, nage-effort siya ah! Buti naman natauhan ang gaga na ikaw pala gusto niya all this time," ismid ni Tammy habang hawak ang Origami Yoda.


"Ngayon lang siya nagsisisi..." wika ko.


"Oo nga eh, pati nga ako dinamay oh. Di na rin ako pinansin. Blocked iyan sa FB ko, matagal na, haha."


"Tammy, bibigyan ko pa ba siya ng isa pang chance?"


"Chance? Kung ako sa iyo, Bearwin, pakakainin ko muna siya ng bubog bago mangyari iyon! Pinagtanggol natin siya noon pa, tinuring na kaibigan, tapos mang-iiwan siya dahil ayaw niyang tanggapin na nagkamali ka kay Kathleen? Naku, huwag na! Gumapang muna siya sa lusak bago natin siya mapatawad!" Natawa si Tammy pagkatapos niya iyon sabihin.


Nag-isip-isip ako sa mga sinabi ng pinsan ko. Mabigat, pero may katotohanan.


Papayag kaya ako na bigyan siya ng isa pang pagkakataon?


(To be continued)


A/N: Naging consultant ko pa si   xxmariconxx para sa chapter na ito. Para sa tamang hugot hehehe. Thank you so much for helping me out! :)


Kaya cliff-hanger, kasi iisipin ko pa ang mangyayari. Basta, surprise iyon. :)


Thank you readers! <3


Chapter theme song: Hanggang Ngayon by Bryan Termulo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top