37-Aftermath

Unti-unti nang nag-iba ang takbo ng buhay ko pagkatapos ng mga pangyayari. Nawala na rin ang ugong ng balita tungkol sa away na kinasangkutan ni Kathleen at ang isyu. Nakakapasok na ako sa mga klase ko at wala nang kumukulit o nagpapaalala sa akin tungkol sa cook-off o ang naging away sa karinderya.

Hindi ko na rin nasasalubong si Leianne sa uni. Bukod sa malaki ang kolehiyo namin ay di ko sinadya pa na hanapin siya. Kung makikita ko man siya, gusto ko na hindi planado ang lahat, na para bang di sinasadya ang tagpo namin. Siguro wala pa nga akong lakas ng loob na kausapin siyang muli, lalo na at alam ko na nagbago na ang lahat sa amin.

Alam kong may makukuha akong balita kay Tammy, pero di na ako nagtangka na tawagan ang pinsan ko tungkol dito. Galit pa rin siya sa akin, at ayoko nang maging makulit. Gusto ko lang na ma-get over ang lahat at makapagsimula muli.

Hanggang sa nalaman ko na lang ang balitang ito mula sa aking tatay.

"Anak, wala na pala si Mang Ramon sa Tonyo's," bungad niya habang kumakain kami ng tanghalian noong Linggo.

"Bakit po?" Muntik ko nang nabitawan ang mga hawak kong kubyertos.

"Last day na niya noong Friday. Last month ko pa alam ang balak niya pero di ko sinabi sa iyo, para sa ikakabuti mo at ni Leianne. Lilipad na siyang Dubai next week, at magtatrabaho na siya bilang chef sa isang malaking hotel doon," paliwanag ni Papa.

"Kasama po ba si Leianne?" Agad kong tinanong.

"Hindi. Sa dorm na siya tutuloy at ayaw daw pasabi kung saan ito."

Natahimik ako. Siguro nga nangyari ito dahil sa akin.

"Anak, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ito nangyari. Si Ramon na ang nagsabi na ni-refer siya sa Dubai ng kumpare niya at di niya matanggihan ito, kasi maganda ang offer na binigay sa kanya. At para na rin ito sa future ni Leianne," kwento ni Papa.

"Di man lang ako nakapag-sorry kahit sa tatay niya..."

"Naiintindihan iyon ni Ramon. Nag-usap nga kami, at pareho naming sinabi na di kami makikialam sa inyong dalawa ni Leianne," tugon ni Papa.

"Hayaan mo munang magpakalayo-layo si Leianne sa iyo," paalala naman ni Mama. "Nasasaktan pa rin siya sa nangyari."

Tumango na lang ako at pilit inubos ang aking kinakain.

Pagdating ng hapon, naisipan kong mag-bike papunta sa parke. Naupo ako sa swings kung saan kami palaging umuupo at nag-uusap ni Leianne tuwing summer vacation. Tahimik lang ako nag-swing at nag-isip-isip.

Wala nang silbi pa na habulin si Leianne.

Iyon ang aking naging desisyon. Napagpasiyahan ko nang umuwi, pero di ko mapigilan ang sarili ko na daanan ang bahay nila Leianne. Dumaan nga ako sa harapan nito at tumigil muna ako saglit. May sign sa harap ng gate na ganito ang nakalagay:

For rent, please call 761-2461

Doon ko napagasiyahan na umalis na. Di ko man lang ito nilingon at binilisan ko na lang ang pag-pedal sa aking bisikleta.

October 17, 2010, Linggo. Ito ang araw na hindi ko na hahanapin pa si Leianne Avila.

Tinago ko na rin ang lahat ng binigay niya na Star Wars stuff, mula sa mga origami na Yoda pati ang keychain na Stormtrooper na iningatan ko mula noong high school.

***
(Two years and five months later-March 2013)

Dumaan ang tatlong Pasko, tatlong bagong taon, tatlong birthday, at dalawang summer vacation. Dumaan din ang isang semester noong second year, dalawang semester noong third year, at dalawa pang semester noong fourth year bago ako umabot sa kinatatayuan ko ngayon.

Sa wakas, makaka-graduate na ako ng kolehiyo. Ang dami naming pinagdaanan bago kami nakaabot sa ganitong punto. Mahirap mag-aral ng culinary pero masaya, dahil marami kayong natututunang mga luto at iba't ibang mga cuisine. Noong fourth year ay nabigyan ako ng pagkakataon na mag-Intern sa isang restaurant sa Singapore. Agad kong kinuha ang opportunity, at proud ang mga magulang ko sa akin.

Three months ako nasa Singapore at nagsilbi sa nasabing restaurant. Kasama ko si Gelo sa internship, at nag-stay kami sa isang dorm. Masaya kaming nagbahagi ng mga masasaya at mahihirap na karanasan sa Singapore. Minsan, napag-uusapan pa rin namin si Leianne. Nag-iisip kung kumusta na kaya siya. Simula ng araw na hindi ko na siya nakita sa bahay nila, hindi na talaga kami nagkita pa. Humilom naman ang sakit ng kalooban kahit papaano. Minsan, masakit pa rin, pero di ko na lang iniisip ito.

At ngayon, magtatapos na ako ng kolehiyo.

Umakyat ako ng stage kasama ang aking mga magulang at masaya kong tinanggap ang aking degree in Culinary Arts, na may kasama pang medalya dahil mataas ang aking grado sa internship. Nagpapasalamat ako sa narating ko ngayon. Excited ako sa magiging buhay ko pagkatapos ng kolehiyo, kahit na may mga pangamba itong kasama.

Nang matapos ang mahabang graduation ceremony ng aming college, dumiretso kami sa isang restawran kung saan nagpa-reserve si Papa ng dinner. Akala ko kaming tatlo lang, pero dumating kami doon at naabutan ko sila Tammy at ang mga magulang niya.

"Tammy?!" Gulat ko nasambit.

"Congrats!" Ang laki ng ngiti sa akin ni Tammy nang yumakap siya sa akin. "Na-miss kitang kausapin, Bearwin Cho!"

"Ako nga rin eh," tawa ko. Bumaklas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at napansin ko na bihis na bihis din ang aking pinsan. "Graduation mo rin ngayon, Tammy?"

"Oo, same day! Congrats pala sa iyo!" Ngiti niya.

"May degree ka na rin gaya ko! Congrats din!" Bati ko. Business Management ang kinuha ni Tammy sa sikat na De Soleil University.

Naupo na kaming lahat at nag-usap-usap habang kumakain. Masaya lang ako na nag-uusap na ulit kami ng aking pinsan.

"Two years mo rin akong di pinansin," sabi ko.

"Di lang two years iyon! Samahan mo pa ng five months," wika ni Tammy. "Sorry pala, naki-epal din ako sa gulo niyo ni Leianne," paumanhin niya.

"Naiintindihan ko iyon insan," sagot ko. "Alam ko si Leianne kakampihan mo kasi kabaro mo siya."

"Hindi na ba kayo nag-uusap?" Tanong ni Tammy.

"Hindi na. Kahit sa text or sa Internet. Wala akong FB, kasi di ba yung nangyari..."

Pinalo ako sa balikat ni Tammy. "Ano ka ba, let go mo na iyon! Ganun talaga. Buti di mo na inuilit."

"Di nga ako nag girlfriend pagkatapos noon di ba?"

"Oo, kasi kinukwento sa akin ni Jabe! Sa kanya ako sumasagap ng tsismis tungkol sa iyo! Naiisip ko na rin baka kayo na," biro ng aking pinsan.

"Oy! Grabe naman ito!" Tawa ko.

Totoo iyon, kasi minsan nagkikta kami ni Jabe at nagkukwentuhan. Pero nagtataka rin ako, di kaya nag-uusap din sila ni Leianne? Na-curious ako, pero ayoko na itong malaman pa.

Natapos na kaming kumain at nagpaalaman na kami ng pamilya ni Tammy.

"Sige, see you again, insan," wika ko.

"Magbakasyon ka muna sa Hong Kong bago tayo mag job hunting," pag-aaya ni Tammy.

"Ma, bakasyon muna kami ni Tammy," sabi ko sa nanay ko.

"Oo ba, para makapag-unwind kayo," pagpayag niya.

"Payag si mama! See you soon!" Masaya kong balita kay Tammy.

Natapos ang gabing iyon nang matiwasay. Masaya ako na nag-uusap na ulit kami ni Tammy, at may bakasyon pa kaming plano bago humarap sa "real world".

***

Dumating ang araw na lilipad na kami papuntang Hong Kong nila Tammy kasama ang tatay niya na si Tito Luis, na doon nakatira dahil sa trabaho niya. Nasa airport na kami tatlong oras bago ang flight namin, at nagpalipas kami ng oras habang kumakain sa coffee shop sa airport. Kaming dalawa ni Tammy ang nandoon habang nasa waiting area ang tatay niya.

Nag-uusap kami ni Tammy nang napatingin ako sa kanang bahagi ng airport kung saang may mga taong dumadaan. Sa di-kalayuan ay nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng pamilyar sa akin.

Alam ko siya na iyon.

"Leianne..." Bulong ko.

"Huh?" Biglang tanong sa akin ni Tammy.

"Si Leianne," wika ko. Tinuro ko sa aking pinsan ang nakita kong babae at nakita rin niya ito.

"Shucks, si Leianne nga!" Gulat na sambit ni Tammy. Nakatayo si Leianne sa may gilid at nakatingin sa cellphone niya na parang may ka-text. Ibang-iba ang bihis niya: naka green military jacket, jeans, boots, at kulot ang mga dulo ng buhok. Lalo siyang gumanda, at di ko mapigilan ang sarili na maalala na naman ang mga araw na kasama siya, pati na rin ang masakit na tagpo sa hotel nang mag-away kami.

"Tammy, baka planado ata ito na magkikita ko siya sa airport," suspetsya ko.

"Planado?" Kumunot ang noo ni Tammy. "Bearwin, nakalimutan kong sabihin sa iyo, wala na akong balita kay Leianne. Huli ko siyang nakausap after ng mag-away kayo tapos by 2011, di ko na siya ka-text. Blocked na nga rin ako sa Facebook niya eh. It's true, I assure you."

Tumango na lang ako at binaling ko ulit ang tingin sa kinatatayuan ni Leianne. Pero nang magsimula na siyang maglakad papalayo, di ko na napigilan ang sarili ko na tumayo at habulin siya.

"Hoy Bearwin! Saan ka pupunta?" Tanong ni Tammy, na nagulantang sa kinilos ko.

Di ko na siya pinansin at mabilis akong naglakad para maabutan man lamang si Leianne. Nawala pa nga ako sa gitna ng maraming tao bago ko ulit siya nakita.

Naglakad siya sa may waiting area at naupo. Napag-isipan kong maupo rin sa may aisle niya, sa pinakalikod, kung saan di niya ko makikita.

Tinanong ko ang isang matandang lalaking katabi ko kung anong flight hinihintay nila dito.

"Hijo, sa Dubai kami pupunta. Malapit na kaming umalis," sagot niya.

Dubai? Siguro pupuntahan ni Leianne ang tatay niya.

Binalik ko ang aking tingin kay Leianne. May dumating na lang na matangkad na lalaki at nakita kong tumayo si Leianne. Nagngitian sila tapos naupo na ang lalaki katabi niya.

Sino kaya ito?

Ilang minuto pa ang lumipas pero di ako makaalis sa kinalalagyan ko. Di ko alam kung hahabulin ko si Leianne, kung magtatangka ba akong kausapin siya. Pero dahil sa kasama niya, nagaalangan ako gawin ito.

Ang bilis niya ako palitan ah. Pero sa bagay, wala na akong magagawa dahil una pa lang, siya na ang nagsabing layuan ko na siya. Sinunod ko naman siya bilang respeto kahit ayokong gawin ito.

Bearwin, two years and five months na ang nakalipas, di mo pa rin siya malimutan? Ayan na nga ang sagot mo, nasa harapan mo! Iyon ang sign na get over mo na siya! Wala na kayong pag-asa!

"All passengers to Dubai, please prepare for boarding the plane," sabi ng announcer.

Nagsitayuan ang mga tao sa waiting area. Tumayo na rin ako kasama nila at nawala ulit ako sa gitna ng kumpulan. Nakita ko si Leianne at ang kasama niya na naglalakad na palayo.

"Leianne!" Sigaw ko. "Leianne!"

Ay nako Bearwin, bakit di mo mapigilan ang sarili mo? May boyfriend na nga siya tinawag mo pa!

Nakita kong natigilan si Leianne sa paglalakad at lumingon. Agad akong nagtago sa likod ng isang poste. Nakita kong kinausap siya ng lalaking kasamahan niya, tinapik ang balikat, at doon sila patuloy na naglakad.

Nakawala na naman siya sa akin.

Pero ngayon, tanggap ko na hindi na siya talaga ang para sa akin.

Bumalik ako kay Tammy at mangiyak-ngiyak na kinuwento ang pangyayari.

"Get over her, wala na tayong magagawa."

Iyon lang ang nasabi ng aking pinsan.

Ngayon, tanggap ko na ang lahat ng nangyari sa amin ni Leianne.

Kahit masakit, haharapin ko ang future na wala siya. Dapat kong gawin iyon, para sa sarili ko.

(To be continued)

A/N:

Kaya 2013 grumaduate si Bearwin, kasi noong 2010, second year sila noon ni Leianne, the year of the hotel incident.

Story started when they were in Grade 5, 2003. Grade Six grad nila ay 2005 at same year ang start ng high school nila. So they were in high school from 2005-2008, batch 2009 sila nang grumaduate, and entered college in June of that same year. So that explains the events here in this story. Puro flashback, kasi it will wrap up at the present year (2016 as of this writing).

Malapit na itong matapos. So bibitinin ko muna kayo. Thanks for reading! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top