36-Hangover Cure

Nagising ako kinagabihan. Dumilat ako at nalaman ko na nakabalik na ako sa aking bahay. Ang madilim kong kwarto ang unang tumambad sa akin, na may sinag ng ilaw mula sa poste sa labas. Nanatili lang akong gising na nakahiga sa aking kama. Di ko alam kung matutulog pa ulit ako o babangon.

Wala akong ideya sa mga pangyayari pagkatapos kong himatayin sa pub kasama si Jabe. Siguro inuwi niya ako at may naghiga sa akin sa kwarto, either si mama or si papa. Naisip ko na baka alam na nila ang nangyari sa amin ni Leianne at sa school, at ayokong isipin nila na ako ang may kasalanan ng lahat.

Maya't maya pa ay naisipan ko nang bumangon. Kakain muna ako para mawala ang hangover ko. Di ko akalain na ang hirap pala sa pakiramdam na malasing. Medyo susuray-suray pa akong bumangon, at iningatan ko na lang sarili ko para hindi matumba habang naglalakad, lalo na sa pagbaba sa hagdan.

Dumiretso ako sa dining room. Nagulat ako nang maabutan ko pa doon si Papa na may kinakain na kung ano mang sabaw sa mangkok.

"Buti nagising ka na Bearwin," bati niya sa akin na may kasamang ngiti. "Halika dito, pinagluto kita ng sopas para hangover cure mo."

Tahimik akong lumapit sa dining table at naupo sa harap ng aking tatay. Tumayo siya at kumuha ng sopas mula sa kaldero na nakapatong sa kalan. Lumapit siya sa akin at hinanda ang mangkok ng sopas, na umuusok pa sa init. Kinuha na rin niya ako ng isang basong tubig, at bumalik sa kanyang kinauupuan.

"Kain ka anak. Mag-aalas dose na ng gabi, kahit lagyan mo ng konting laman ang tiyan mo. At gamot din iyan sa hangover."

Gutom na rin ako kaya kinain ko na lang ang sopas nang walang imik. Nagpatuloy din si papa sa kinakain niya hanggang sa masimot na niya ang mangkok niya.

"Si Jabe pala nag-uwi sa iyo dito. Sabi niya ang dami mo raw kasi ininom na beer," kwento ng aking tatay.

"Galit po ba kayo sa kin?" Bigla kong tanong sa isang mahinang boses.

"Hindi anak. Ang gusto ko lang malaman mo ay huwag kang iinom ng marami, lalo na pag unang beses mo. Hinay-hinay lang anak," ngiti ni papa.

Ngumiti rin ako sa kanya, at nagpatuloy sa pagkain hanggang maubos ko na ang sopas. Nanatili akong nakaupo sa harap ng aking tatay. Bumalik ang lahat sa akin, at nag-aalinlangan ako kung sasabihin ko ba ito o hindi.

"Bearwin, alam ko na ang nangyari sa inyo ni Leianne," simula ni Papa.

"Kinuwento po ni Jabe?" Tanong ko.

"Kay Ramon ko unang narinig. Sabi niya, umuwi sa kanila si Leianne na umiiyak dahil nakita ka niya na may hinahalikang ibang babae sa Cook-Off. Yung ka-grupo mo raw. Tapos kakasabi lang din sa akin ni Jabe na ngayon lang, ay yung babaeng humalik sa iyo noong Sabado ay inaway sa school niyo ng kaibigan ni Leianne. May video pa nga daw ng away nila..."

"Pa, di ko ginustong mangyari yun. Siya ang unang humalik sa akin," simula ko.

"Sana napigilan mo---"

"Dad, di ko nagawang pigilan, kasi ang higpit ng hawak niya sa akin. Di ko naman ginusto yung nangyari," paliwanag ko.

Matagal kaming natahimik ni Papa. Nanatili lang akong nakaupo at nakayuko ang ulo. Kahit si Papa ay di ko matignan nang diretso dahil sa sobrang kahihiyan.

"Dad, sinuyo ko na si Leianne at humingi ng tawad, pero ayaw na niyang tanggapin," wika ko. "Ayaw na niya sa akin. Wala na ang pangako namin."

Pinigil kong maiyak nang mga oras na iyon. Pero di ako nagtagumpay. Tinago ko ang aking mukha at umiyak habang nakasandal ang ulo sa lamesa.

Tahimik lang akong umiyak hanggang sa naramdaman ko ang mga kamay ni Papa sa balikat ko. Hinimas-himas niya ang aking likod, na para bang pinapatahan ako.

"Hay, ngayon ko lang nakita ang aking anak na umiiyak dahil sa pag-ibig!" Natatawang biro ni Papa. "Tignan mo nga naman oh!"

Napaangat ako ng ulo at sinabing, "Dad naman oh, seryoso ako dito!" Natatawa na rin ako, at napatigil na rin ako sa pag-iyak.

"Oo, alam ko masakit ang nangyari sa iyo," tugon ng aking tatay. "Pero masakit din iyon kay Leianne. In fact, mas masakit sa kanya. Kahit na aksidente ang nangyari, di na niya makakalimutan iyon. Magdududa na siya sa iyo kung patuloy pa kayong magiging magkaibigan."

"So tama lang na lumayo siya?" Naguguluhan kong tanong.

"Ikaw, kung gusto mo pa siyang suyuin," suhestiyon ni Papa.

"Kanina nagmakaawa ulit ako sa kanya, pero ayaw na niya talaga," kwento ko.

"Respetuhin mo desisyon niya. Respetuhin mo damdamin niya."

Nagkwento pa ako kay Papa ng mga naganap, mula kay Kathleen at ang obsession niya sa akin, ang away, at ang pagkakadala namin sa prefect of discipline's office. Nang matapos ako, ay ito lang ang nasabi ng aking tatay:

"Kausapin mo iyan si Kathleen nang matauhan. Oo, kicked out na siya sa uni niyo, pero kausapin mo pa rin, hanapin mo. Ngayon, kung gusto mong makausap pa si Leianne for the last time, gawin mo, kahit na dalawang beses na siyang tumanggi sa iyo. Pag umayaw, ay iyon na ang sign na maglayo na kayo ng landas. Para na iyon sa inyong dalawa."

Nakikinig lang ako kay Papa at hinayaan ko lang siyang magsalita. Huminga siya at nagpatuloy:

"Di naman lahat ng high school love ay sila rin sa huli, at iyon ang katotohanan. Kahit pa di high school sweetheart ay nagkakahiwalay din. Sa tagal niyong nagsama tapos nasa panibagong mundo na kayo ng kolehiyo, talagang susubukin kayo. May makikilala kayong ibang tao, at baka nga isa sa mga iyon ay makakatuluyan niyo. Malungkot isipin, pero kailangang tanggapin."

"Iyon ay isang paraan para mag-grow kayo pareho. Kung nasasakal na kayo sa isa't isa, kung palaging may pagdududa, siguro ay maglakbay muna kayo ng magkahiwalay na landas. Baka nga di na nagwo-work ang friendship niyo. Friends let each other grow, and if love is meant to be, love will always find a way, kahit na matagal na kayong magkahiwalay."

"Wow, ang lalim nun ah," ngiti ko. "Di ko alam, deep pala kayo mag-isip," biro ko.

"I learned that from your mom. Ex gf ko siya na pinakasalan ko after three years naming maghiwalay." Ang laki ng ngiti ng tatay ko nang sinabi niya iyon.

"Sana ganoon din kami ni Leianne," bulong ko.

"Yun din ang gusto ko anak. Pero kung hindi uubra, learn to live with that. Ganyan talaga ang pag-ibig. Pero ang heartbreak, it also becomes your teacher. Isipin mo na lang, naging masaya ka minsan dahil sa kanya, and be thankful na dumating siya sa buhay mo kahit ngayon ay nagpapaalam na siya."

Masakit pa rin sa akin na marinig na di na matutupad ang pangako namin ni Leianne. Pero nang marinig ko iyon sa tatay ko, para bang gumaan na rin ang pakiramdam ko, at nagkaroon ng bagong lakas na harapin ang aking problema.

***

Pinayagan na ako ni Papa na di pumasok kinabukasan. Tinext ko si Gelo tungkol sa mga pinapagawa sa mga klase namin. Isa lang ang assignment namin, at yun ang may deadline na paper next week, Lunes.

"Sige, thank you ah," text ko kay Gelo.

"Okay lang. Papasok ka ba bukas?" Text niya.

Naisip ko kung papasok ako o hindi. Thursday bukas, at pag Friday ay wala talaga akong pasok. "Siguro, di na rin," reply ko.

"Okay, pagaling ka muna sa heartbreak mo tol," biro ni Gelo sa text. "Hassle talaga... Basta pag okay ka na, magsabi ka lang."

"Okay thanks," sagot ko sa text niya.

Nagpakabusy ako sa pagsulat sa research paper namin. Ibig sabihin nun ay kailangan ko mag-Internet. Umiwas muna ako sa Youtube, dahil baka sobrang viral na ng video ng away nila Kathleen at Karen. Wala na rin akong dahilan mag social networking site, dahil deactivated na ang FB ko. Kaya nagpakasubsob na lang ako sa research paper assignment namin sa Filipino II.

Sinubukan ko na rin itext si Leianne. Gusto ko siyang kausapin for the last time sa may swings, pero di siya nagre-reply.

Nang tinawagan ko ang number niya ay ito lang ang sumagot:

"This number cannot be reached. The line has been deactivated."

***

Pumasok ako next week, at buti ay walang kumulit sa akin kung bakit ako absent ng dalawang araw. Sa una kong klase ay nakatabi ko si Gelo. Habang nagkaklase ay palihim siyang may inabot na nakatuping papel sa akin.

"Kay Kathleen galing iyan," bulong niya. "Di na siya babalik dito dahil sa ginawa niyang scandal noong cook-off. At pinatanggal na pala ng uni admin ang viral video ng away niya sa Youtube."

Hinintay kong matapos ang klase bago ko pa nabasa ang nasabing sulat. Nang mag-dismiss na ay mag-isa akong tumungo sa school garden ng uni para tahimik.

Naupo ako sa isang bench at binasa ko ang sulat ni Kathleen:

Hi Bearwin,

Pag nabasa mo na ito, wala na ako sa school. Ibig sabihin, I was asked to leave. In short, K.O. Huwag mo na ko hanapin pa to say sorry personally, kasi I'm doing this now through this letter. Wala na akong mukhang maihaharap sa iyo.

I'm sorry for all the trouble I caused you and Leianne. Sorry kung grabe ako nagkagusto sa iyo, di ko napigilan sarili ko ng time na iyon. Alam ko mali pero ginawa ko pa rin.

Tanggap ko na di ko na mai-u-undo ang nagawa ko. Pero may natutunan ako, na huwag maging masyadong sabik na magka-boyfriend. Ang totoo niyan, may naging M.U. ako dati, pero nag break kami. Taga school din natin siya, nangyari iyon noong first year at di pa kita kilala. Kaya bilang ganti, I tried flirting with other guys, so I could show him what he's lost.

But doing that was so wrong. Dahil diyan, sa kahibangan ko, sira ang buhay ko ngayon. My parents are so mad at me now. Grounded ako for three months, at sa ngayon ay pinauwi na ako sa amin sa Davao para dun makapag-aral. Di pa ako makakapasok kaagad, siguro sa second sem na. Sino ba namang school ang tatanggap sa akin dito sa Maynila kasi kicked out ako at may scandal pa?

I hope things will fall into place for you, me, and Leianne.

Hanggang dito na lang. That's it.

-Kathleen V.

Napa-buntong hininga ako pagkatapos kong mabasa ang sulat ni Kathleen.

Sa ngayon, naiinis pa rin ako sa kanya. Pero nawawala na rin ang hard feelings ko pagkatapos kong mabasa ang sulat.

Sana nga maging maayos ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top