35-Heartaches and Beers
Buti na lang at tahimik ang bahay nang dumating ako doon. Agad akong umakyat ng kwarto at nagkulong muna. Nalipasan na ako ng gutom, pero wala na akong pakialam doon. Gulong-gulo ang isip ko sa mga pangyayari. Higit sa lahat, wala na akong mukhang maihaharap kay Leianne. Ayaw na niya talaga sa akin.
Nahiga ako sa kama at pilit pinigilan ang mga luhang gusto nang tumulo sa aking mga mata. Nakatulog ako at paggising ko, naramdaman ko na lang na basa ang punda ng unan. Di ko akalaing iiyakan ko pala ang isang babae. Ang masaklap, babae na tinuri kong kaibigan at pinakamamahal.
Alas tres na pala ng hapon. Naisipan kong kumain muna ng mga tira sa ref. Bumaba ako at nagpunta sa dining room. Pancit Canton na instant ang una kong nakita, kaya iyon na lang ang niluto ko at kinain.
Narinig ko ang ring ng aking cellphone pagkahugas ko ng mga pinagkainan.
Si Tammy ang tumatawag.
"Hello?" Sabi ko sa kanya pagkahawak ng cp.
"Hoy Bearwin Cho, di na muna tayo magpinsan! Alam ko na mga nangyari sa school niyo. Noong kasama ko si Leianne sa hotel noong Sabado, nagtatatakbo siya sa akin na umiiyak. Kinuwento niya ang lahat," bungad nito.
"Tammy, di ko sinasadya na mahalikan! Di ko ginusto iyon!" Sagot ko.
"Eh bakit ka pumayag?!" Tanong niya. "Kung ayaw talaga, kaya mong tumanggi!"
"Eh grabe naman makalingkis ang babaeng iyon!"
"No more explanations... The thing is, you could have stopped it from happening," wika ni Tammy sa kabilang linya. "Anyway, si Leianne ang kakampihan ko, kasi sobra siyang nasaktan. Bahala ka sa buhay mo. Sayang at you let go of a great girl. I'm so disappointed in you."
Wala na akong maisagot pa.
"Okay, this leaves us here for now. By the way, check Facebook. Viral na pala ang hinalikan mo na girl pati yung video ng away kanina sa inyo. Kahit sa uni namin, kayo ang topic ng usapan," huling sabi ni Tammy.
"Ano?! Teka, Tammy---"
Naputol na ang sasabihin ko.
Di ko naman hinalikan si Kathleen, at iyon ang totoo.
Pero ano yung narinig ko na viral ang picture at may video pa ng away kina Aling Carrie? Huh, may kumuha ng video?
Nag-online ako dahil dito. Pagkalog-in ko sa Facebook, unang tumambad sa akin ang isang video link sa Youtube, na may title na "Away Sa Karinderya."
Nag click ako ng link papunta sa Youtube. Nataranta ako nang pinanood ko ito. Tama si Tammy, ito yung video ng away kanina sa karinderya. Malabo ang pagkakakuha, pero kita ko agad si Kathleen at Karen. Ang linaw ng audio, at dinig na dinig ang usapan. Natapos ang video sa sigawan ng mga estudyante nang pumagitna ako at sinabing umawat na sila. Sa huling bahagi ng video ay andun ang picture na hinalikan ako ni Kathleen sa hotel at may caption na, "Beware of This Girl. Mang-aagaw."
Tagaktak ang tulo ng pawis ko nang balisa kong binasa ang mga komento sa baba ng video:
Iyan ang dapat sa kanya. Buti na lang sinugod siya!
Malandi!
Mang-aagaw!
Grabe naman kayo manghusga, you don't know the whole story.
I know the story. Classmate ko yung guy na hinalikan. He's with this girl for a long time, tapos crush siya ni kissing girl. Groupmates sila sa isang cook-off, Ayaw talaga tigilan ni kissing girl si guy, tapos nakatyempo siya na halikan niya. I know, cause I was there. I took that picture.
No one really likes Kissing Girl. May inagaw na siya before na boyfriend ng may boyfriend. Psycho iyan pag may crush, ang daling ma obsessed. Parang maagawan ng lalaki.
Hinang-hina ako na sumandal sa kinauupuan ko. Di ko mapigilan na maawa kay Kathleen at sa immaturity niya. Pero mas masakit para sa akin, dahil nawala sa piling ko si Leianne.
Ayoko nang magbasa ng mga maaanghang na komento online. Magde-deact muna ako ng Facebook.
Binalikan ko ang newsfeeds ko. Magbubura na ako ng account nang ito ang una kong nabasa na balita mula sa isang friend:
This just in. Kick-out na si Kathleen Villabona!
Iyon ang huli kong nakita bago magpaalam sa mundo ng social networking.
***
"Hello Jabe, libre ka ngayong hapon? Samahan mo naman ako."
"Sige, gusto mo sa may pub tayo malapit sa inyo?"
"Okay lang. Darating na ko in fifteen minutes. Thank you."
Nakipagkita ako sa kaibigan kong si Jabe pagsapit ng alas singko ng hapon. Buti na lang pumayag siya, kahit ang layo ng pinapasukan niyang university.
Ako ang naunang dumating, at nakapili agad ako ng mauupuan. Buti na lang at pinapasok ako, dahil sinabi ko na eighteen na ako. Maya-maya ay dumating na rin si Jabe.
"Musta na tol?" Tanong niya habang nakipag-high five sa akin. Naupo siya sa harapan ko at agad siyang umorder ng isang bucket ng beer at pulutan na siizzling sisig. "Buti na lang wala akong pasok ngayon."
"Siguro alam mo na ang nangyari," bungad ko.
Nag-isip si Jabe, at naintindihan niya ang sinabi ko. "Oo nga eh, di ako makapaniwala na nag-away kayo ni Leianne. Kaka-break lang din namin ni Jillian, dahil you know, different priorities. Buti na lang, tamang timing natin. May reason para uminom."
Dumating ang mga order namin at nagsimula na akong kumain.
"Himala at pinapasok ka dito. Sa December ka pa mage-eighteen," puna ni Jabe.
"Syempre sinabi ko eighteen ako," tawa ko.
Uminom si Jabe ng beer at inalok niya ako. "Iinom mo lang iyan. Matuto kang uminom gaya ko," ngisi niya.
Lumugok ako ng beer. Nanibago ako sa lasa nito dahil first time ko uminom, pero nagustuhan ko ang lamig nito. "Masarap nga. Mas sumarap dahil pareho tayong broken hearted."
"Let's drink to that!" Sabi ni Jabe na pilit nagiging masaya.
Nag-toast kaming dalawa at patuloy na kumain, uminom, at nag-usap. Umorder si Jabe ng mas matapang na beer, at pumayag naman ako. Dumating ang panibagong bucket ng beer, at sabik kong binuksan ito para inumin.
"Aaahhh, it tastes better because of heartache," mahina kong wika.
"Bearwin, awat na. Nalalasing ka na," paalala ni Jabe.
"Uubusin ko ito," tugon ko sabay lagok ng beer.
Nagsimula akong maglitanya.
"Buti pa noong mga bata tayo. School pranks lang ang inaalala natin. Kung paano mang-asar ng kaklase. Kainis, sana di na lang pumasok sa eksena ang mga babae, lalo na iyan si Leianne Avila! Akala ko kami na forever, wala naman palang kahihinatnan! Pesteng buhay ito! Mula ngayon, di na ako lalapit sa mga babaeng iyan! Naging viral pa ang away kanina dahil sa isa, hindi, dalawang babae!"
"Bearwin, ang lakas ng boses mo! Hinaan mo naman!" Marahas na bulong ni Jabe.
"La ako pakialam kung marinig nila! Basta, maglalasing pa ako! Yehey, ako na ang tanga! Ako na ang may viral video! Kahit si Tammy, ayaw na akong kausapin."
Ang huli kong naaalala ay ang ininom kong isa pang bote ng beer. Tapos suray-suray akong pumunta sa may videoke at may kinantang Aegis song. Malakas akong kumanta kahit sinasabihan na ako ni Jabe na umawat.
Di ko lang sila pinakinggan. Patuloy akong kumanta sabay hawak ng beer.
Ayaw ko nang mangrap... Aya ko nang tumingin...
Sana makatulog ako ng isang linggo o isang buwan pagkatapos nito.
Nakuha ko ang aking hinihiling. Napapikit ako ng mga mata at nag-black out na ang mundo ko.
(To be continued)
A/N: Mambibitin muna ako! Hehehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top