34-Big Trouble
Hindi ko ramdam ang pagkapanalo namin sa Cook-Off. Oo, proud sa amin ang mga blockmates at professors ko. Pero mas malaking balita ang nangyari sa amin dahil kay Kathleen.
Wala akong pinagsabihan ng mga naganap pagkatapos ng Sabadong iyon. Naisipan kong lumiban noong Lunes at nagkunwaring may sakit. Nagkulong lang ako sa kwarto buong araw at di man lang nag-online. Ang totoo niyan, di ko pa kayang humarap sa mga kakilala ko. Pero naisip ko rin na kailangan kong magkaroon ng lakas ng loob, kasi kahit anong mangyari, di talaga ako makakatakas sa problema.
Pumasok na ako ng Martes. Pagkapasok ko pa lang sa classroom, pinagtinginan na ako ng mga blockmates ko. Di ko na lang sila pinansin at pinili kong maupo sa may bandang likuran. Buti na lang, tinabihan ako ni Gelo at kinausap ako ng maayos.
"Pre, anong nangyari noong Sabado? May mga nakakita daw sa inyo ni Kathleen, pati yung away niyo ni Leianne," bungad niya.
Nakalimutan ko na may ibang second year ang nanoood ng Cook Off, pati na rin mga higher batch. Lumapit ako kay Gelo at kinuwento ang lahat ng pangyayari.
"Sobra naman si Kathleen! Obsessed ang babaeng iyan sa iyo. Di niya dapat ginawa iyon," wika ni Gelo.
"Paano ko siya lalayuan?" Tanong ko, nag-aalala.
"Samahan na lang kita palagi para di siya makalapit sa iyo," alok ni Gelo.
"Salamat na rin, tol." Di ko inakala na di niya gagawan ng isyu ang gulong ito. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Hindi ko naman kaklase si Kathleen sa mga subjects ko pero kaklase ko siya sa isang minor subject, kaya di ko alam kung pumapasok siya o hindi. Nakalimutan ko na ngayong araw na ito ang minor subject na iyon, 2PM. Naku, sana hindi niya ako guluhin.
Sinubukan kong huwag munang isipin ang mga problema ko. Tiniis ko ang boring naming klase hanggang mag-tanghalian. Nang sumapit ang alas dose ng tanghali, dismissed na kami. Inaya ko si Gelo na kumain kay Aling Carrie at pumayag naman siya.
Naglakad kami papunta sa nasabing karinderya. Nang makarating kami doon, laking pagtataka ko kung bakit parang ang ingay ata sa loob.
"May nag-aaway?" Kumunot ang noo ni Gelo.
"Oi, Bearwin!" Lumapit sa amin ang isa sa mga babae naming kaklase kanina, si Bev. Medyo maldita siya pero mabait din naman. "Tamang-tama dating mo. Si Kathleen Landi, sinugod ng mga Psych Girls. Mga kaibigan ata ng babaeng lagi mong kasama, si Leah ba iyon?"
"Ano?!" Sabay naming sambit ni Gelo. Inaya kami ni Bev sa loob, at pareho kaming di makaimik sa nasaksihan lang namin.
May mga estudyanteng nanonood na nakapalibot sa gitna, kung saan nakapwesto si Kathleen. Nakatayo siya at nakayuko, at agad kong napansin na binuhusan pala siya ng toyo sa ulo. Sa harap niya ay nakilala ko agad ang kaibigan ni Leianne na si Karen, na kasalukuyang binubungangaan si Kathleen. Akma na siyang susugod dito at mukhang gusto niyang dambahin, pero pinipigilan siya ni Bea at isa pang Psych student na babae sa likuran niya.
"Malandi ka! Di mo ba alam kung gaano nasaktan si Leianne sa ginawa mo! Sumugod iyan sa bahay namin na umiiyak kahapon lang!" Galit na sigaw ni Karen. Nagawa niyang makawala sa humahawak sa kanya at nakalapit siya kay Kathleen. Inangat niya ang ulo nito at sinampal siya ng malakas. Halata sa mukha niya na nasaktan siya, pero wala siyang nagawa kundi ang maluha.
"Mag sorry ka kay Leianne! Mang-aagaw!" Galit na utos ni Karen.
Nagsigawan ang mga nanonood na estudyante, mula sa "Buhusan mo pa ng toyo!" hanggang sa mga katagang, "Malandi si Kathleen!"
Nagulat ako nang pumunta sa harapan si Leianne. Di ko napansin na kakapasok lang din niya ng karinderya. "Karen! Tigilan mo na iyan, baka dalhin tayo sa opisina ng Dean!"
"Ano ba, Leianne? Ikaw na nga nasaktan di ka pa gaganti?! Huwag kang tanga! Ang babaeng iyan, di lang si Bearwin mo ang inagaw! Pati yung boyfriend ng isang first year na Psych, nilandi rin niya! Ibang klase ang kati nito!"
Dito na ako pumagitna sa kanilang dalawa.
"TIGILAN NIYO NA IYAN!" Pagmamakaawa ko. "Kami ni Leianne ang mag-uusap, kakausapin ko rin si Kathleen. Gulo namin ito, sana wala nang away ang maganap pa, pwede ba?"
Magsasalita pa sana si Karen nang sumingit si Aling Carrie, ang may ari ng karinderya.
"HOY, MAGSITIGIL KAYO MGA TINAMAAN NG MAGALING! Lunch break ngayon! Dalhin niyo away niyo sa labas, huwag dito! Ang daming gustong kumain, nang-abala pa kayo! Tsupi! Labas!" Sigaw niya.
Agad nagsialisan ang umpukan ng mga estudyante na nanonood kina Karen at Kathleen. Karamihan sa kanila ay lumabas na, at ang natira ay kami nila Gelo, Bev, Kathleen (na tulalang umiiyak), Karen, Bea, at Leianne.
Tinignan kami ni Aling Carrie at sinabing, "Tinawagan ko na ang mga Dean niyo pati ang prefect of discipline. Susunduin nila kayo dito maya-maya. Huwag muna kayong umalis."
Dinala ni Aling Carrie si Kathleen sa banyo ng karinderya para makapaglinis. Binantayan niya kami hanggang sa nagkatotoo nga ang sinabi niya. Bumalik kami ng uni na hindi nakakain. Ang malala, kasama pa namin ang mga college deans na halatang di masaya sa mga pangyayari.
***
Naulit na naman ang nangyari sa amin ni Leianne noong first year high school kami. Magkasama kami sa prefect of discipline office, pero this time, hindi si Leianne ang biktima ng away.
Kailangang magpaliwanag ni Karen tungkol sa pangyayari. Siya pala ang pasimuno ng away. Kumakain sila ni Bea nang pumasok si Kathleen at pinagbulong-bulungan ng mga tao. Agad siyang nakilala ni Karen, at nilapitan niya ito sa linya ng mga taong oorder ng pagkain para buhusan ito ng toyo sa ulo. At doon nagsimula ang gulo. Sa ngayon ay kalat na sa mga Psych at HRM-Culinary students ang nangyari noong Cook-Off. Ang daming galit kay Kathleen Villabona. Siya na ang nagsabi na hina-harrass na siya sa Facebook, at lalo pa itong lumala dahil pagpasok niya ngayon, si Karen ang unang nang-away sa kanya.
"So totoo na hinalikan mo si Bearwin Cho na kagrupo mo noong Cook Off?" Tanong ni Dean Mendoza ng HRM.
"Opo..." Nahihiyang sagot niya.
"Alam mo naman na si Leianne ang nililigawan niya, bakit mo ginawa iyon?" Namumula ata sa galit ang mukha ni Mendoza nang tanungin niya iyon.
"Crush ko po siya talaga... Di ko mapigilan sarili ko..." Doon na tuluyang umiyak si Kathleen.
"May utak ka na para pigilan ang sarili mo, di dahilan iyon para basta na lang gawin mo ang gusto mong gawin," buntong-hininga ni Dean Mendoza.
"Wala lang iyan sa kanya, Dean. Malandi kasi iyan!" Galaiti ni Karen.
"Miss Karen Boliche, manahimik ka muna. Suspended ka for one week dahil sa ginawa mo, just so you know," paalala sa kanya ng Psych Dean na si Ma'am Clarita.
"Idamay niyo na po sana si Kathleen, baka kung anong kalandian pa gawin," sabat ni Karen.
"Miss Boliche! Just shut up!" Sigaw sa kanya ni Ma'am Clarita.
"Enough of this dilly-dallying," mariin na sabi ng lalaking Prefect of Discipline. "The thing is, nakipag-away itong si Karen, so tama lang ang suspension sa kanya. What about Miss Villabona? Kalat na ang ginawa niya noong Cook Off. I just saw a snapshot of her kissing Bearwin that's been going around on Facebook lately."
Nagulat ako. Ang secluded na nga ng likod ng hotel, may nagawa pang kumuha ng picture namin tapos nasa Internet na? Sana di ko na lang doon hinintay si Leianne.
"So you mean, hindi lang taga St. Thomas ang nakakita?" Tanong ni Dean Mendoza.
"Sa ngayon, ang dami nang nakaka-alam. This can ruin our school reputation," sabi ni Prefect of Discipline. "You can all leave now, except for Karen and Kathleen," wika nito.
Lahat kami ay nagsitayuan at agad lumabas ng Prefect's Office.
"Tol, kung gusto mo umuwi ka muna. Di ka makaka-concentrate ngayon sa klase mo," sabi ni Gelo sa akin.
"Sige, iyon na muna ang gagawin ko. Salamat ah?"
"Okay lang iyon, di mo kasalanan iyon," ngiti nito.
Napagdesisyunan ko nang umuwi ngayong tanghali. Di ko naman maaabutan mga magulang ko kasi nasa restawran sila, kaya ayos lang. Naglakad ako papunta sa wing kung saan malapit ang alternate exit, nang madaanan ko si Leianne. Nakaupo siya sa gilid at tulala.
"Leianne!" Agad akong lumapit sa kanya.
Pero hindi niya ikinatuwa ito. Tumayo siya at lalakad na papalayo, pero hinabol ko siya. "Leianne, mag-usap tayo ng matino, kahit ngayon lang!"
"Wala na tayong pag-uusapan pa," malamig niyang tugon. "Damage has been done. Pag sinabi kong ayoko, sana respetuhin mo iyon."
Wala na siyang ibang sinabi pagkatapos.
Para akong tanga na basta na lang siyang hinayaang makalayo.
Siguro tama nga siya, it's no use holding on.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top