32-Clingy Groupmate

A/N: Amuse Bouche is pronounced as "amus bush". Correct me if I'm wrong.

Naging busy ako sa mga sumunod na buwan para maghanda sa The Uni Cook-Off Showdown. Isa itong inter-collegiate cooking competition, kung saan maglalaban-laban ang iba't ibang kolehiyo pagdating sa pagalingan sa pagluluto. Simula pa lang ng sem ay kinausap na ako ng Dean namin na ako ang maging representative ng St. Thomas University, kasama ang dalawa pa sa aking mga kaklase.

Noong una ay tinanong ko kung ano ang basis nila sa pagpili sa akin. Nang malaman ko ay dahil ito sa matataas kong grado sa cooking lab subject noong first year, di na ako makatanggi. Pumayag ako di dahil sa gusto kong magyabang, kundi dahil sa gusto ko pang i-explore ang aking skills sa kusina. At syempre, dahil isa itong malaking oportunidad na di ko kayang palagpasin.

Naikwento ko na pala kay Leianne ang magandang balitang ito. Todo-suporta siya sa akin kahit ibig sabihin nito ay di kami palagi magkakasama. Sa bagay, lagi naman kaming nagkukwentuhan sa text. Flattered ako na ngayon pa lang ay proud na siya sa kin. Iyon ang motivation ko para magpursige sa abot ng aking makakaya.

***

"Ang category na assigned sa inyo ay Amuse Bouche. In French, this means "Mouth Amuser." It's a single, bite-sized hors d'oeuvre that prepares the guest for the meal. Kayo ay gagawa ng Amuse Bouche na may mga Pinoy-inspired ingredients, gaya ng kesong puti, Longganisa, o kahit balut."

Masusi akong nakikinig sa aming mentor na si Chef Joesant habang pinapaliwanag niya ang category namin sa Cook-Off Showdown. Kasama ko ang dalawa kong groupmates na sila Gelo at Kathleen.

"The goal for this category is to create a single-bite dish that can tantalize the tastebuds with an explosion of flavor, complete with culinary artistry. Sa ngayon, may naiisip na ba kayo na pwedeng gawing Amuse Bouche?" Tanong sa amin ni Chef.

Tumayo si Gelo at sumagot. "Chef, pwede pong appetizer na may quail egg. Naisip ko po kasi street food. We can make something that's street-food inspired yet a little high end."

"Right on with that, Gelo Nolasco!" Ngiti ni Chef. "What about you, Bearwin?" Tanong niya bigla sa akin.

"Ummm... Chef, pwede po something na maanghang pero malasa. Gaya ng spicy flavors na kilala sa Bicol region, such as Laing na appetizer."

"Very imaginative of you to think of it, Mr. Cho!"

Wow, buti na lang nakasagot ako kaagad! Napabuntong-hininga ako.

"What about you, Kathleen Villabona?"

Tinanong na ni Chef ang kaisa-isa naming girl teammate. Nag-alinlangan si Kathleen bago siya may naisip na sagot.

"Chef, I think we can make something with an exotic ingredient, such as durian. That will be a fruit-based appetizer." Napatingin sa amin si Kathleen bago siya naupo.

"Great answer as well! So may mga ideas na kayo sa gusto niyong iluto. Seems like you covered all the regions of the Philippines here. I want you to come up with three Amuse Bouche recipes na gagamitin niyo para sa Cook-Off. Friday is the deadline for your recipe submission. Nasa elimination round pa lang tayo. The goal is that you guys have to make it all the way to the finals round. Can you promise me that?"

"Yes Chef!" Masigasig naming sagot.

"Inspired na po ako Chef! Kasi kasama ko po si Bearwin!" Nakangiting sabi ni Kathleen. Natawa sila Chef Joesant at Gelo habang ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

"Talk about inspiration! Bearwin, sana ma-inspired ka rin!" Ang laki ng tawa ni Chef sa akin. Pinilit kong ngumit at sinabing, "Inspired po talaga si Kathleen."

Dinismiss na kami ni Chef. Lumabas na kaming tatlo sa Culinary Lab. Habang naglalakad ay umakbay si Kathleen sa balikat ko. "Hi Bearwin! Excited na ako na gumawa ng recipes kasama ka!"

"Itong si Kath, masyadong excited! Huwag niyo ako kalimutan!" Paalala nitong si Gelo.

"Kasama ka, syempre!" Sagot ko kay Gelo.

Ang awkward. Paano ba ako makakaalis sa pagkakalingkis sa akin ni Kathleen? Simula ng maging blockmates kami ngayong second year ay di siya nahihiyang ipaalam na gusto niya ako. Masyado siyang excited tuwing magkakasama kami, lalo na ngayon na ka-grupo ko siya sa cook-off contest. Though may galing naman siya sa pagluluto, minsan ay absent-minded siya at distracted, lalo na pag ako ay nasa paligid.

Dapat feeling gwapo na ako ngayon may babaeng nagpapahiwatig ng interes sa akin. Pero awkward, kasi di naman ako interesado sa kanya. Di ko alam kung paano ko siya itu-turn down na di nasasaktan ang feelings niya. Syempre, dahil na rin ito kay Leianne. Kaya nakikisakay na ako sa mga hirit niya, para iwas-gulo, lalo na ngayon at kailangan na magkakasundo kaming lahat dahil gusto namin manalo sa cook-off contest.

"Galingan natin ah? Sana manalo tayo! Tapos sagot ni Bearwin ang libre!" Nagagalak na sabi ng makulit na si Kathleen.

Sa wakas, umalis na siya sa pagkakalingkis sa akin nang sinabi kong, "Okay, treat's on me if we win!"

"Yehey!" Napapalakpak si Kathleen.

"Sige na guys, alis na ako," paalam ni Gelo.

"Bye Gelo!" Kumaway si Kathleen sa kanya habang naglakad paalis si Gelo.

"Oh ano, Bearwin, sabay na tayo pauwi?" Tanong ni Kathleen sa akin. Hanggang ngayon ay di pa rin nabubura ang malaki niyang ngiti na para bang mapupunit na ang mukha niya.

"Ummm... Sensya na Kath. Di muna ngayon, I have to go to the library to research about sa Amuse Bouche dishes," paliwanag ko.

Nabura ang malaking ngiti ni Kathleen at napalitan ng pagsimangot. "Awww, sayang. Pareho pa naman tayo ng jeep na sinasakyan. Di ako makakalibre sa iyo. But anyway, I'm impressed sa kasipagan mo. Keep it up!"

Kumurot si Kathleen sa pisngi ko sabay lakad paalis. Nang mawala na siya sa paningin ko ay hinimas ko ang pisngi ko na mukhang namaga ata sa pagkakakurot niya. Ang bigat kasi ng kamay niya.

Buti na lang di iyon nakita ni Leianne. Ang totoo niyan, balak ko nang umuwi para mag-research ng Amuse Bouche recipes sa Internet, sabay chat kay Leianne sa FB. Di ko kinukwento si Kathleen sa kanya, kasi kaya ko pa naman i-handle ang kakulitan niya. Sinisigurado ko lang na deadma lang ang treatment ko sa kanya.

Ngayon ko lang nalaman na mahirap talagang maging pogi, lalo na pag para lang sa isang babae ang puso mo.

Sana naging botchog na lang ulit ako gaya noong Grade Five dati, para walang Kathleen Villabona na nagkakandarapa sa atensiyon ko.

***

Long story short, naka-abot kami sa finals ng The Uni Cook-Off Showdown. Naipresenta namin ang aming Amuse Bouche recipe na Tinapa and Japanese Rice Roll-Ups. Dalawang buwan kami nagprepare bago humarap sa elimination round. Swerte namin na kami na taga St. Thomas University ang makikipaglaban sa dalawa pang kolehiyo para sa category lang na iyon. Ang iba pang category ay ang Main Dish, Pasta, Dessert, at Vegetarian Dish.

Dalawang buwan ko rin tiniis ang pagdikit sa akin ni Kathleen. Wala ata siyang pinalampas na pagkakataon na magpapansin sa akin, mula sa pag-akbay akbay hanggang sa kunwari helpless siya pagdating sa paghiwa ng mga ingredients o pagbukas ng kalan.

"Kath, di tayo pwedeng ganito sa mismong finals ng cook-off. Pag pumalpak tayo dahil sa kaartehan mo, lagot na," mariin kong paliwanag sa kanya habang tinuruan ko ulit siyang maghiwa ng patatas for the nth time. "Di ka na cute," mahina kong tugon.

Mukhang narinig niya ito. "Sungit! Sige na, tatandaan ko na ang difference between chopping and slicing." Binalikan ni Kathleen ang mga hinihiwa niyang patatas sa chopping board.

"Nananadya na eh. Sana sibuyas binigay mo para maiyak siya," bulong sa akin ni Gelo mula sa likuran ko.

"Oo nga eh. Ilagay niya muna feelings niya somewhere," sagot ko.

"Galing kasi sa all-girls school kaya ganyan," sabi ni Gelo.

"Sus, dami natin kaklaseng galing exclusive pero di naman parang ganyan umasta, na parang ngayon lang nakakita ng lalaki."

"Pagpasensyahan mo na, Bearwin. Immature pa kasi. Di bale, once na manalo tayo sa competition, ako gagawa ng the moves diyan para sa iyo."

Kinindatan ako ni Gelo. "Huh, di ba ayaw mo rin diyan?" Tanong ko.

"Joke lang iyon! Ise-set up ko siya kay Manong Fishballs sa kanto!"

Natawa kaming dalawa. Binalikan ko si Kathleen at sinabing, "Tapos ka na diyan?"

"Opo, perfect na po pagkakahiwa ko ng patatas," sarkastiko niyang sagot.

"Bearwin!"

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko si Leianne. Nakatayo pala siya sa labas nito ay agad akong napangiti once na makita ko siya. "Leianne! Pasok ka! Panoorin mo pagluluto namin!"

Pumasok si Leianne sa kitchen at agad ko siyang pinakilala kina Gelo at Kathleen. "Guys, ito si Leianne. Friend ko since grade school. Napadaan lang para panoorin tayo magluto. Leianne, sila Gelo at Kathleen. Kathleen, Gelo, si Leianne."

"Nice meeting you!" Kumaway si Leianne kina Gelo at Kathleen. Ngumiti si Gelo sa kanya habang tumango lang si Kathleen at binalikan ang mga patatas sa chopping board.

"Wow! Magkasama kayo hanggang college ah! Tibay! Sana kayo na magkatuluyan!" Wika ni Gelo.

"Hopefully," ngiti ni Leianne sa kanya habang nakasandal sa kitchen counter.

"Bagay kayo. Are you together?" Tanong pa ni Gelo.

Sasagot na sana si Leianne pero narinig namin ang malakas na hampas ni Kathleen ng kutsilyo sa chopping board.

"Ang ingay naman ni Kath!" Pabirong komento ni Gelo.

"Mukhang ang tindi ng concentration ng isa diyan ah," sabi ni Leianne habang pinapanood si Kathleen.

"Syempre, gusto namin manalo noh! Yung iba diyan, kung walang ginagawa, umalis na," komento ni Kathleen.

"Sige, iwan na namin si Ma'am Kath!" Sagot ni Gelo, na para bang ramdam niya ang tensyon sa ere mula nang dumating si Leianne.

"Alis na ko, Gelo. Sinusundo na ako ng isang to," sabi ko. "Sama na ko sa iyo Leianne."

Nag-ayos muna ako ng mga gamit bago ako nagpaalam sa mga ka-grupo ko.

"Ako na bahala kay Kath," alok ni Gelo. "Ok na, you can go."

"Bye Gelo! Bye Kathleen!" Paalam ko sa kanila.

Tumawa si Gelo sa akin habang narinig ko ang malakas na bagsak ng kutsilyo ni Kathleen sa chopping board.

"Mukhang affected ata isa niyong kasama mula nang dumating ako," sabi ni Leianne habang naglalakad kami ng hallway. Bumaba kami ng hagdan at naisip na sabihin ito sa kanya.

"Naku, puro pa cute kasi si Kathleen sa akin, kaya ganyan siya. Kainis nga eh."

"Dapat na ba ako magselos?" Biro ni Leianne.

"Wala ka dapat pagselosan, kasi di ko naman siya pinapatulan. Hirap maging pogi ah," tawa ko.

"Make sure sa akin lang kapogian mo ah?"

Tumingin ako kay Leianne at sinabing, "Wala kang kaagaw. Sinisigurado ko."

"Good luck pala sa inyo. Sa Sabado na ang cook-off, right?"

"Yep, Saturday. Punta ka, Leianne. May free taste din," sabi ko.

"Sure, I'll root for your group!"

Ngumiti si Leianne sa akin. Hinimas ko ang ulo niya at hinalikan ko siya sa noo.

Sana nga di na ako guluhin ni Kathleen pagkatapos ng competition. Nami-miss ko nang makasama si Leianne.

(To be continued)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top