31-Sloppy Text

"Pasta Bolognese with Chicken and No-Bake Chocnut Cheesecake for dessert later. Para sa birthday girl."

"Thanks, this is so good!"

Tahimik kong pinanood si Leianne habang nilalasap niya ang aking luto. Summer na naman, at first time kaming nagkasama ulit ngayong bakasyon mula nang nagtapos kami ng high school. First time ko lang din pinagluto si Leianne at nakasama siya sa kaarawan niya, na May 15 ang petsa. Noong mga nakaraang taon, di talaga kami magkasama tuwing may birthday siya; either nasa probinsiya siya or lumalabas kasama ang tatay niya. Kaya minsan, dinadaan ko na lang sa sulat or text. Nagsimula ko siyang sulatan ng Happy Birthday note noong magfi-first year kami, at yung text greeting naman ay pagkatapos ng third year namin.

Para sa birthday niya, nagawa kong ipasara ang Tonyo's para lang sa okasyon na ito. At tama naman ang kinahinatnan ng lahat. Naipagluto ko siya, at nasolo namin ang isa't isa.

"Kumain ka na, Bearwin," pangiting alok ni Leianne sa akin. "Nagutom ka sa kakaluto, i-enjoy mo naman ang ginawa mo."

"Thanks," wika ko. Kinain ko ang aking Bolognese Pasta at nagulat ako. Wow, ang sarap ah! Syempre biased kasi ako ang gumawa. Pero si Leianne na rin mismo ang nagsabi na masarap ang niluto ko.

"Bakit nga pala di mo naisipang mag-debut?" Tanong ko. Eighteenth birthday niya pala ito this year. Ako naman, sa December pa ang birthday at matagal pa bago ako mag-e-eighteen. Hirap talaga pag December ang birthday noh? Buti na lang malayo ang date ng birthday ko sa Pasko, na December 28. Di ko rin nakakasama mga kaibigan ko tuwing birthday ko, kasi Christmas break iyon.

Sinagot ako ni Leianne ng, "Gastos lang ang debut. At di ko trip makipagsayaw ng Eighteen Roses sa kung sino-sinong mga lalaki. Okay na nakasayaw na kita noong dalawang JS Prom natin."

Nangiti ako sa sinabi niya. Iyan ang gusto ko kay Leianne: simple at walang arte.

Tahimik lang kami kumain at nag-usap paunti-unti. Hanggang sa nag-beep ang cellphone ni Leianne. Kinuha niya ito mula sa kanyang handbag at binasa.

"Bearwin?" Tanong niya.

"Ano iyon?"

"Ano, kailangan ko nang umalis, kasi napagkasunduan namin ng mga ka-blockmates ko na magba-bar kami sa Makati."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Magba-bar kayo ng ganitong oras?! Lagpas alas-otso na ah. Teka, alam ba iyan ng tatay mo?"

"Alam naman iyan ni Papa. Pumayag siya, basta may makakasabay ako pauwi. Don't worry, may mag-uuwi sa akin, si Bea, yung nakilala mo dati. At di ako magpapakalasing," pangako ni Leianne.

Nagtimpi ako kasi gusto ko magalit sa kanya. Di ko alam, may pa-bar-bar na siyang nalalaman.

"Okay, basta tuparin mo pangako mo na wag ka iinom masyado," mariin kong bilin sa kanya.

"Thanks Bearwin!" Tumayo siya at lumapit sa akin para yumakap.

Pinanood ko siyang umalis ng resto na pinasarado ko para sa kanya. Akala ko matagal pa kaming magsasama at mag-uusap.

Sige, pagbibigyan ko na siya. Total, eighteen na siya at legal na para mag-bar.

At pinaalala ko sa sarili ko na di pa kami opisyal para umasta ako na parang boyfriend niya.

***

Di ako nakatulog nang gabing iyon. Ano na kaya ginagawa ni Leianne kasama ang mga bago niyang kaibigan? Lasing na kaya siya? Nagsasayaw na kaya siya sa ibabaw ng lamesa o may nakilalang guy na magugustuhan niya?

Sinubukan kong itext siya.

Ano nang ginagawa mo?

Saan na kayo?

Leianne, lasing ka na ba? Wag uminom ng marami.

Text ka lang pag nakauwi ka na ah?

Ang kulit ko. Nang di na siya sumasagot ay hinayaan ko na lang at sinubukang matulog.

Nang magising ako kinaumagahan ay may text pala si Leianne sa akin. Ganito ang nakalagay:

Hi. Jus got hom. Had fuuuuun..

Sabi ng oras sa text niya ay 3:12am.

Aba, madaling araw na nakauwi ang babaeng ito ah!

Di rin halata sa pagkaka-type ng text niya na lasing siya.

Ngayon pa lang, gusto ko nang sumugod sa bahay nila Leianne at tanungin kung ano ginawa niya kagabi.

Pero nakalimutan ko na Linggo pala ngayon. Ayoko manggambala at ayoko rin gumawa ng gulo.

Sige, bukas ko na lang siya tatanungin. Sinave ko ang text niya at hinanda ko ang sarili kung paano siya kakausapin.

***

Dumating na ang Lunes. Pareho kaming nagsu-summer class ni Leianne para kumuha ng mga minor subjects, pero magkaiba mga sched namin. Nagpaka-busy muna ako sa mga klase ko habang hinihintay ang hapon. Tinext ko si Leianne para magkita kami sa library. Pumayag siya, at nang magkita na kami, nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin.

"Hi Bearwin! I missed you!" Sabi niya in a sing-song voice.

Dahan-dahan akong bumaklas sa kanya. "Masyado ka yatang energetic ah. Don't tell me may hangover ka pa mula noong Sabado," seryoso kong sinabi.

Nilabas ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang text niya noong 3:12 am. "Hindi ka naman ganito mag-text ah."

Binasa ni Leianne ang text niya sa akin. "Ah, iyan ba?" Simula niya. "Kaya pala mainit ang ulo mo..."

"Lasing na lasing ka ba noong time na iyan?" Tanong ko.

"Aba, ano naman sa iyo ngayon kung uminom ako that night? You really want to know? Oo, uminom ako nang gabing iyon. A few beers, and some shots of Margarita," sagot niya.

"Tapos nakipag dirty dancing ka with some random guy?"

Kumunot ang noo ni Leianne. "Bakit ba ang kulit mo? Wala akong naka-dirty dancing! I just drank, danced, and had fun with friends! And safe akong inuwi ni Bea gaya ng napagkasunduan."

"Pasalamat ka na ang mga friends mo na iyan ay mapagkakatiwalaan! Buti hindi ka basta iniwan tapos baka may lalaking makikipagkilala sa iyo tapos gagawan ka ng masama!" Napapalakas na ang tono ng boses ko. Alam ko kailangan ko nang lumabas ng library para di kami mapagalitan ng librarian. Kaya inakay ko si Leianne palabas at dun namin tinuloy ang usapan sa hallway.

"Ang higpit ng hawak mo!" Binaklas ni Leianne ang braso niya mula sa aking pagkakakapit.

Gusto kong mag-sorry sa kanya pero di ko nagawa. Magsasalita na sana ako pero naunang sumagot si Leianne.

"Daig mo pa tatay ko ah! Kung siya nga di nag-alala sa akin, pinaghanda pa nga niya ako ng hangover soup kinaumagahan! Tapos ikaw, akala mo ang sama na ng ginawa ko!"

"Leianne, ang punto ko lang ay wag kang magpapakalasing pag di mo kayang uminom! Don't try to fit in with your so-called cool friends!"

"Hoy! Di ako nagpapaka-fit in sa kanila! Nag-usap na kami noon pa na they will treat me out sa birthday ko! Ano namang masama if I want to do new things?!"

"Walang masama doon, basta di ka mapapahamak!" Sigaw ko.

"Bearwin, di ako tanga para magpakalunod sa alak! I just drank some, tapos buti nalaman ko na ang dali kong malasing, di ba?!"

"Oo, legal ka na pero sa susunod, mag-isip-isip ka muna bago gumawa ng isang bagay na pwede kang mapahamak!"

"Di kita boyfriend para sabihan mo kung anong dapat kong gawin! Sana di ko na lang sinabi sa iyo noong nag-dinner tayo. Pasalamat ka di ako nagsinungaling sa iyo! Kasi as much as possible, I want to be honest with you!"

Kinagat ni Leianne ang labi niya, na para bang pinipigilan niyang umiyak. Tinignan lang niya ako at naglakad palayo bago ko pa siya mapigilan.

"Leianne!"

Tinawag ko siya pero di man lang niya ako nilingon.

Ang sama ng loob ko. Concerned lang naman ako, pero bakit ang labas ko, nakikialam ako sa buhay niya?

Tama siya. Di niya ako boyfriend at lalong di niya tatay para sabihan siya. Sige, simula ngayon, I'll let her do what she wants.

***

After ng last week of summer class, di kami nagkita o nag-text ni Leianne. Narinig ko nga ang tatay ko at si Mang Ramon na nag-uusap sa kitchen tungkol sa aming dalawa:

"Hindi ata nagkukwento si Leianne tungkol sa anak mo. Nag-away ba sila?" Si Mang Ramon iyon.

"Di rin nagkukwento si Bearwin eh. Mukhang may tampuhan ngang nangyari sa kanilang dalawa. Noong kinausap ko unico hijo ko, wala siyang sinabi tungkol kay Leianne."

"Pagbatiin natin ang dalawa?"

"Naku, hayaan mo sila. Problema nila iyon at sila ang makakalutas iyon."

"Haay, hirap maging dalaga at binata!"

Parehong nagtawanan ang tatay ko at si Mang Ramon. Umalis na ako ng kitchen at nagkulong sa kwarto.

Kausapin ko kaya si Leianne pag pasukan na? Anong sasabihin ko? Magso-sorry? Siguro nga unawain ko na lang siya at hayaan ko gawin mga gusto niya.

Pero di talaga ako agree sa bar-hopping na may kasamang inuman. Ang sa akin lang, ayokong mapahamak si Leianne. Alam na alam ko ang mga pwedeng mangyari pag lasing ang isang tao, lalo na pag babae.

Ite-text ko na sana si Leianne para mag-sorry. Pero naisip ko, mas maganda kung personal ko siyang kakausapin.

***

Nang sumapit na ang first sem noong June, hindi ko agad nakita si Leianne sa school grounds. Inabot ako hanggang third week ng pasukan bago nag-krus ang landas namin. Sa canteen ito naganap.

Nakita ko si Leianne na nakaupong mag-isa sa canteen bench at nagbabasa ng libro. Di na ako nag-alinlangan na lapitan siya.

"Leianne," bati ko.

Napatingin si Leianne sa akin nang marinig niya ang boses ko. "Bearwin." Pinilit niyang ngumiti at sinenyasan na umupo ako sa harap niya. Ginawa ko iyon, at siya na ang kumausap sa akin.

"Bearwin... Sorry pala sa nangyari na away natin."

"Hindi, ako dapat mag-sorry sa iyo, kasi pakialamero ako."

"Ako dapat mag-sorry, kasi nagpasaway ako. Nagkwento ako kay daddy tungkol sa atin. Sabi niya, inaalala mo lang daw ako. I understood that you meant well. Don't worry, di na ako magpapakalasing. Alam ko naman ang pakiramdam. Di pala maganda," ngiti niya. "Magiging honest pa rin ako sa iyo. Sasabihin ko kung saan mga lakad ko, anong oras, at kung sino mga kasama ko."

Malaki ang ngiti ko bilang sagot sa apology niya. "Libre kita ng fishballs sa labas?" Alok ko. "Peace offering ko."

"Sure!" Sagot ni Leianne.

Pareho kaming lumabas ng canteen. Umakbay si Leianne sa akin, at di ko mapigilang ngumiti. Habang papalabas ng campus ay nadaanan namin ang bulletin board ng College of Culinary and HRM. May nakapaskil dun na announcement ng isang inter-collegiate cook-off contest na paglalabanan ng iba't ibang mga school sa Metro Manila.

"Uy, The Uni Cook-Off Showdown!" Galak kong tinuro kay Leianne ang poster. "Kasali ako diyan, Leianne. Representative ako ng batch namin, tapos may kasama akong dalawang classmates ko."

"Wow, di ko alam iyon ah! Buti nagkabati na tayo! Kailan gaganapin?"

Tinignan ni Leianne ang poster at nakita niya ang dates. "Sa September pa ang grand showdown! Sana manalo school natin!"

"Kaya iyan, kasi ako ang representative!"

Natawa si Leianne. "Yabang nito! Halika na nga, at kumain na lang tayo ng mga tusok-tusok!"

Nakangiti kaming naglakad ni Leianne hanggang sa makarating kami ng fishball stand sa labas ng campus. Di ko mapigilan ang sarili ko na matuwa kasi balik na sa dati ang lahat.

Kung ganito kami palagi, walang problema. Masaya lang na magkasama at nag-uusap.

(To be continued)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top