29-Farewell, High School
"A pleasant good morning to all of my friends, classmates, fellow students, teachers, parents, and supporters of this graduating batch.
We've struggled, experienced difficulties, and survived the four years of high school. We also made good memories as well as bad, but inspite of all of these, I'm sure you're all proud of yourselves.
Right now, I congratulate all of us for having made it this far. We have helped each other get to where we are right now. As we embark on a new journey called college life, let us face this path with confidence and optimism. It may be sad to leave our high school life behind. Alam ko mami-miss natin ang isa't isa. Pero let's cheer up! Good things are in store for us along the way.
I wish you all the best this day and always. To make my speech short, congratulations, Seniors! This is Leianne Avila, signing off!"
Standing ovation ang audience sa maiksi ngunit malaman na Valediction ni Leianne. Matagumpay siyang ngumiti sa amin at bumaba ng stage pagkatapos.
Nakakataba ng puso na ang layo na ng naabot namin. Parang kailan lang na nagsisimula pa lang kami ng high school, at ngayon ay tapos na kami sa paglalakbay na ito. Habang pinapanood ko ang aking mga kaklase na umaakyat ng stage para kunin ang kanilang mga diploma, di ko maiwasang isipin na ito na ang huling beses na magkakasama kaming lahat. Pagkatapos nito, tatahak na kami sa iba't ibang landas para malaman kung ano ang naghihintay para sa amin pagdating ng kolehiyo.
Umakyat ako ng stage kasama ang aking mga magulang. Kinuha ko ang aking diploma mula sa aming class adviser. Sa di-kalayuan ay nakita ko si Leianne. Makinang ang ngiti niya sa akin, at mas lalong umapaw ang kaligayahan sa aking puso. Ngumiti rin ako bilang sagot sa kanya.
Proud ako sa kanya. Di lang iyon dahil sa mga medalyang nakasabit sa kanya na parang mga gintong kwintas, kundi dahil na rin sa pagbabagong pinagdaanan niya sa mga taong pinagsamahan namin mula noong elementary pa kami. Nakabuti sa kanya ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili. Di dahil ginagawa niya ito para sa akin. Mas importante na gawin niya ito para sa sarili niya, nang sa gayon ay matapang siyang haharap sa mundo.
At kasama na rin doon ang pagkakaibigan namin, pati ang pagmamahalan na unti-unting lumalago sa aming mga puso.
***
Nag-piktyuran kaming magkakabarkada pagkatapos. Nang kaming dalawa na ni Leianne ang kumukuha ng litrato, panay asar ang narinig namin mula kay Jabe at Tammy.
"Kailan magiging kayo?!" Excited na tanong ni Jabe.
"Kiss kayo sa picture! Kiiiiissssss!!!" Sigaw ni Tammy.
Nagulat ako nang humalik sa pisngi ko si Leianne sabay click ng kanyang camera phone. "Uy, surprised!" Sabi niya pagkatapos. Di ko mapigilan na mamula habang panay hiyawan naman ang aking mga kaibigan.
"Pasalamat ka, wala si Mang Ramon dito, baka magalit iyon sa iyo!" Biro ko kay Leianne.
"Ito naman, pa-kyeme ka pa!" Kinindatan ako ni Leianne. Lalo akong namula nang maalala ko na naghalikan na kami noong magkasunod na JS Prom namin. Uy ah, simula noong huli kaming nag-kiss, di na naulit iyon. Di ako take advantage na guy. Pinaninindigan ko ang pagiging "nice man" ko.
"Bakit di sila Jabe at Jill ang mag-piktyur na may kiss?" Tanong ko.
"Hi guys, hahatakin ko lang si Jabe ah?" Biglang sumulpot si Jillian sabay akay sa bf niya. "Picture lang kami!" Paalam niya.
"Dito na lang, Jill," sabi ni Jabe. Nagkuhanan ng picture ang dalawa at nang si Jill naman ang humalik sa pisngi ni Jabe, kinantyawan din namin sila.
"Nilalanggam ako! Sobrang sweet ninyo!" Biro ni Tammy.
"Mag-jowa ka na nga rin," sabi ni Jill sa kanya.
"Ayaw pa ni Mama at ni Papa," sagot ni Tammy. "Pero payag sila na dito na ako mag-aaral ng college! Sa ibang school nga lang," dagdag nito.
"Okay na rin iyon! Pwede pa rin tayo magkita kahit minsan," sabi ni Jabe. Sa Philippine University pala siya magko-kolehiyo at Civil Engineering ang kukunin. Sa parehong university din si Jillian, na piniling kumuha ng BS Education.
"That's a good idea! Kayong mga lovebirds na ang magkakasama sa isang uni," natatawang sagot ni Tammy. Sila Jabe at Jill ang tinutukoy niya. "Eh sila Bearwin at Lei, kelan magiging mag-lovebirds?"
"Huwag muna ngayon," sabi ko.
"Aysus, mukhang kayo na nga eh!" Sinagi ni Tammy ang tagliran ko.
"After college na lang," sagot ni Leianne.
Patuloy kaming nag-usap at kumuha ng mga larawan hanggang sa unti-unti kaming nagpaalamanan sa isa't isa. Huling umalis si Tammy, at kaming dalawa ni Leianne ang naiwan. Sabay kaming umalis kasama ang mga magulang namin, at kumain kami ng tanghalian sa isang Italian resto. Masaya ang naging pagsasalo-salo namin. Makaraan ng halos isang oras ay umalis na kami sa resto.
Bumaba kami sa harapan ng Tonyo's. Hinayaan kong mag-usap-usap ang aking mga magulang kasama si Mang Ramon. Naglakad-lakad muna ako papunta sa likod ng resto at naupo.
"Bearwin!" Naramdaman ko ang kamay ni Leianne na nakapatong sa balikat ko. Nilingon ko siya. "Uy, andito na pala si Class Valedictorian! Congrats ulit!" masaya kong bati sa kanya.
Tinabihan ako ni Leianne. "Ikaw na ang pang-one hundred na tao na bumati sa kin at inemphasize ang pagiging valedictorian ko," biro niya.
"Ito naman oh! Proud lang sa iyo, lalo na alam ko na tayo ang magkakatuluyan." Di ko mapigilan ang lihim na kilig na nararamdaman ko.
"Kung makapagsalita ito, sure na sure na tayo na forever," biro ni Leianne.
"Bakit, ayaw mo bang mangyari iyon?" Nagkunwari ako na mukhang nadismaya sa sinabi niya.
"Di naman sa ayaw... Huwag lang tayo magmadali, iyon lang ang ibig kong sabihin." Hinilig ni Leianne ang ulo niya sa aking balikat at nagpatuloy. "Hay naku, sana maging maayos ang buhay kolehiyo natin. Promise mo na gagawin natin ang lahat para magkita tayo palagi. Kahit three times a week lang."
"Nasa iisang uni lang naman tayo. Kung pareho tayo ng free time, dun tayo pwede magkita. At may text at online chat naman."
"Ayoko kitang ma-miss. Ang tagal nga natin magkasama eh."
"Nakayanan mo nga sa ibang section na wala ako, siguradong makakayanan mo rin ang college life. Pag weekends, dalawin mo ako dito," payo ko.
Dumiretso ng upo si Leianne at may kinuha sa bulsa ng palda niya. Inabot niya ito sa akin.
"I forgot, ginawan pala kita ng Paper Yoda."
Ngumiti ako habang kinuha ko ang maliit na kulay green na papel sa kanya. "Thank you. Siguro next time, sila Han Solo at Leia naman ang gawin mo. Para tayo na forever."
"Mas kailangan mo si Paper Yoda, para mag-excel ka sa college studies mo!" Natawa si Leianne sa akin. "Wisdom, you need," dagdag niya habang ginagaya ang boses ni Master Yoda.
"Naging class valedictorian ka lang, lumaki na ulo mo!" Biro ko.
"Affected ka naman! Dapat nga nag-salutatorian ka para sabay tayo sa stage!"
Patuloy lang kaming nagtawanan at nag-usap ni Leianne. Pareho kaming punong-puno ng pag-asa na magiging okay ang college life namin.
At dito nagtatapos ang pagiging high schooler ko. Kinakabahan ako, pero medyo excited na mag-kolehiyo.
Lalo na alam ko na sabay kami mago-grow ni Leianne.
Sana kami na nga forever. Gagalingan ko talaga ang panliligaw ko sa kanya.
(To be continued)
A/N: Bearwin is unbelievably hopeful. Hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top