28-Nice

More than friends but less than lovers.

Ganito ang description ko sa friendship namin ni Leianne matapos ang gabi ng prom. Hindi pa kami mag-boyfriend, pero alam na namin na may damdamin kami para sa isa't isa. Mas lalo kaming napalapit mula nang nagtapat siya sa akin. At di na ako nag-atubili na ipaalam ko ito sa mga magulang ko pati na sa tatay niya.

"Aba naman! Sabi ko na nga ba diyan sila mauuwi!" Excited talaga si Mama nang malaman ito. Nagtatanghalian kami sa Tonyo's noong Linggo matapos ang prom. Araw ng pagninilin, pero nagluto ang tatay ko at inimbita sila Leianne at ang tatay niya, kaya solo namin ang lugar.

"Binata ka na talaga!" Ginulo ni Daddy ang buhok ko sa kagalakan. "Pero huwag kayong magmadali. Pag-aaral muna. Isipin niyo, malapit na kayo mag-kolehiyo. Alam niyo na ba gusto niyo kunin?"

"Di pa po," sabay naming sagot ni Leianne, na nakaupo sa tapat ng lamesa. Nagkatinginan kami sa isa't isa at natawa.

"Oh ayan, Leianne! College life muna ah. Nangako ka sa akin na tatakbo kang valedictorian next year," paalala ni Mang Ramon sa kanya. "Mag-boyfriend ka pag forty ka na!" Biro nito.

"Pa naman!" Napahalakhak si Leianne. "Sige po, aasikasuhin namin ni Bearwin ang pag-aaral namin bago maging kami."

"Narinig mo iyan, Bearwin? Tsaka mo na siya ligawan," sabi ng tatay ko. "Kilalanin niyo muna ng mabuti ang isa't isa. At huwag kayo masyado magmadali. Enjoy niyo lang kabataan niyo."

"Opo dad," ngiti ko.

Nangako kami ni Leianne nang araw na iyon na pagbubutihan namin ang aming pag-aaral bago sumabak sa love life. Basta siya, maghihintay ako. At alam ko maghihintay din siya.

***

Maraming pagbabago ang naganap pagkatapos ng gabi ng prom. Naging mag-on sila Jillian at Jabe, habang nawala na ang hype ng pagiging "loveteam" nila Leianne at Ralph. Hindi na nga masyadong nag-uusap ang dalawa mula nang nangyari ang "incident" noong prom. Di na naging isyu iyon, dahil balik na sa normal ang lahat. Magkasama ulit kaming magkakaibigan tuwing lunch at after classes. Sumasama na rin si Jillian sa amin, at di ko maiwasang sabihin na approved kaming lahat sa kanya. Di dahil mahilig siya manlibre ng meryenda, pero dahil sincere siya sa kaibigang namin si Jabe.

Nang magbakasyon na, naghiwalay na muna ang mga landas namin. Excited na nga ako magpasukan ulit, dahil alam ko iyon na ang huli naming taon sa high school. Mas mahirap ang fourth year, pero alam ko na magtutulungan kami ni Leianne. Iyon ang pangako namin noong bakasyon, kung saan tumulong ulit siya sa restawran.

"Saan mo gusto mag-college?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa may swings sa village park. Pareho kaming kumakain noon ng ice cream habang papalubog na ang araw.

"Di ko pa alam eh," sagot ni Leianne. "St. Thomas University sana, para mas malapit. Okay sana Philippine University, pero ang layo naman dito, tapos gastos pa sa pagdo-dorm."

"Oo nga. Siguro sa St. Thomas na lang din ako, para magkasama tayo," ngiti ko.

"Di naman tayo pareho ng kukuning course. Ako, balak ko mag BS Psych," pahayag ni Leianne.

"Gusto mo mag-doktor?" Tanong ko.

"Di naman. Pwede ka rin sa Human Resources o magturo pag Psych grad ka."

"Buti ka pa, alam mo kukunin mo."

"Ano ba hilig mo, Bearwin?" Tanong niya.

"Kumain! Hehehe!" Tawa ko.

"Di naman seryosong sagot iyan," ismid niya.

"Sana makaisip na ako ng kukunin ko na kurso. Kahiya naman sa iyo, ikaw alam mo na gagawin mo."

"Okay lang iyan, huwag ka magmadali," ngiti niya.

Natahimik kami sandali. Tinignan ko si Leianne, at ang laki ng pagbabago niya. Mula sa pagiging mahiyain ay naging confident na siya. Naisip ko din na sana, kasama siya sa future ko, at maging bahagi rin sana ako ng buhay niya.

Ngayon ko lang inamin sa sarili ko na mahal ko na siya. Sana maging maayos ang lahat para sa amin.

***

Fourth year na kami, at magkakasama kami sa iisang section nila Jabe, Tammy, at Leianne. Nagkumustahan kami at nag-usap. Going strong pa rin sila Jabe at Jillian, habang si Tammy naman ay pressured kung saan siya magco-college, kung dito ba sa Pilipinas or sa Hong Kong.

"Ayoko mag-abroad na naman, sanay na kasi ako dito."

"Baka pwede namang kausapin mommy mo na dito na lang mag-college?" Tanong ni Jillian sa kanya.

"Nag-away na kami last week dahil doon," simangot ni Tammy.

"Tyempuhan mo na mahinahon siya, tapos kausapin mo ng maayos," payo ko.

"Sige, subukan ko na lang ulit. Baka wrong timing lang talaga," payag nito.

Nag-ring na ang bell, at sabay kaming lima na naglakad sa section namin, sa section Rizal. At dito na nagsimula ang huling taon sa high school.

***

Siyam na buwan ang dumaan na puno ng mga challenges, pero in a good way naman. Mas mahirap ang academics ng fourth year, at mas nagseryoso na kaming lahat sa pag-aaral, kasi takot kaming bumagsak at di maka-graduate. Palagi kaming nasa library, school garden, or rooftop nagsasama para magtulungan sa mga aralin.

Nagkaroon din ng mga career talks, kung saan bumibisita ang iba't ibang universities para ma-engganyo ang mga estudyanyte na doon mag-kolehiyo. Desidido na si Leianne na pumasok sa St. Thomas University para kumuha ng kursong BS Psychology.

Noong mga panahong iyon ay di ko pa rin alam ang gusto kong kurso, pero nagka-inspiration ako habang naiwan akong mag-isa sa kusina ng Tonyo's. Gumawa ako ng improvised na ramen gamit ang mga ingredients na natira sa ref: beef strips, broth, eggs, at noodles. Masarap naman ang kinalabasan ng potahe ko. Marunong naman ako magluto, pero di ko palagi ginagawa.

At doon ko naisip na kumuha ng Culinary Arts, para ako naman ang maging kasing-galing ng tatay ko sa pagluluto.

At higit sa lahat, ipagluluto ko si Leianne ng pinakamasarap na potahe na gagawin ko sa buong buhay ko.

***

"Ang bilis ng panahon ah. Biruin mo, prom night ulit."

Nag-uusap kami ni Leianne sa rooftop ng high school building. Tama nga siya, ang bilis ng panahon at di ko napansin ang paglipas nito. Ngayon ang JS Prom namin at ang panghuli bago kami mag-graduation. Kinilabutan ako habang naiisip ko ito. "Oo nga eh, tapos next month, graduation na natin. Sa totoo lang, ayoko pang mangyari iyon. Mami-miss ko rin pagiging high school student. Lalo na ikaw, pag magkasama tayo," sabi ko sa kanya.

"Huwag ka muna future tense, Bearwin. Enjoy the moment." Ngumiti siya sa akin.

Di ko rin mapigilan ang sarili ko na ngumiti. Kami lang ang nasa rooftop, kumikislap ang mga bituin sa langit, at ang lamig ng hangin. Higit sa lahat, mas kuminang ang kagandahan ni Leianne ngayong gabing ito. Suot niya ang isang dark-blue na gown at ang tingkad ng ngiti niya, na parang ako lang ang mundo niya ngayon.

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya, pero lumayo siya. Kumunot ang noo ko.

Naintindihan ko na di ko muna itutuloy ang binabalak ko kanina.

"Sorry, bigla ako nahiya," mahina niyang paumanhin.

Natawa ako. "Ikaw nga humalik sa akin last year eh!"

"Wala lang, iba kasi pag lalaki na ang gagawa nito sa iyo."

"Nahiya ka pa." Inangat ko ang ulo niya at pabirong sinabi ang linya ni Han Solo sa The Empire Strikes Back na pelikula:

"I'm a nice man."

Natawa si Leianne at sinabing, "Corny! Di bagay sa iyo maging si Han Solo!"

"Sorry naman," tawa ko.

Nanahimik kami pareho. Inakbayan ko siya sa balikat habang humarap si Leianne sa akin. Matagal kaming nagkatinginan hanggang sa papalapit na ng papalapit ang mukha namin sa isa't isa.

Pinigilan ko siya gamit ang kamay ko. Bago pa siya magtanong ay inunahan ko na siya. Marahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa magtagpo ang mga labi namin.

At iyon ang unang beses na ako ang humalik sa kanya. Mas malakas ang kabog ng dibdib ko kaysa sa ingay ng mga fireworks sa kalangitan.

Nang naglayo na kami sa isa't isa, ito lang ang nasabi ni Leianne:

"You're a nice man, Bearwin Cho."

(To be continued)

A/N: Hi and thank you for reading! Sorry kung di ako palaging nagu-update kasi busy sa work. Pag-uwi ko, pagod tapos late pa. Kaya unti-unti ko pinaplano kung paano mangyayari ang kwentong ito. Excited nga ko tuwing may time for update.

Added a song here, "Will You Still Love Me Tomorrow" by Carole King. Bagay sa last scene sa rooftop.

I hope you're enjoying the story. :) More to come! Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top