25-Torpe
Hindi ko binanggit kay Leianne ang nakita ko sa may hagdan. Sa katunayan nga, wala akong pinagkuwentuhan tungkol dito. Una sa lahat, ayokong mapaghalata na totoo nga ang hinala nila Jabe at Tammy. Pangalawa, mas lalong ayokong mahalata ni Leianne. Ang hirap talaga magka-crush sa kaibigan. Yung kaisa-isang lalaki na bagong kaibigan niya ay pinaghihinalaan mo at pinagdududahan.
Di naman sila pero talagang naiisip ko na si Ralph Hernandez ang secret admirer ni Leianne.
Nanatili akong tahimik habang dumaan ang apat na buwan. Maraming nangyari sa apat na buwan na iyon. Nanalo si Leianne sa Press Division Secondary School Conference. Patimpalak ito para sa mga student journalists. First place ang napanalunan niya for Features Writing. Siyempre, proud kaming lahat sa kanya. Panandalian siyang sumama sa amin tuwing pagkatapos ng klase, hanggang sa natigil na naman ito, kasi busy siya sa pagsusulat para sa school publication.
"Alam niyo na kung sinong secret admirer niya?" Tanong ko kina Tammy at Jabe habang nasa school garden kami.
"Di na nagpakilala eh," wika ni Tammy. "Bigla na lang natigil. Siguro torpe siya talaga."
"Si Ralph yun! Sure na ako doon," pahayag ni Jabe.
"Maybe," kibit-balikat ni Tammy. "Parang open secret na siya yun, pero parang hindi rin. Siguro napapansin niyo na ang pagiging close ng dalawa kasi nasa school paper sila pareho."
"Pwedeng siya, pero bakit parang hindi rin siya?" Usisa ni Jabe.
"Kasi, mas pahayag si Nico sa pagkaka-crush niya kay Leianne. Alam ng buong section namin yun. Pati nga mga teachers, tinutukso silang dalawa. But so far, di naman nanliligaw si Nico kay Leianne. Puro pahaging lang," kwento ni Tammy. "Kaya yung isa diyan, kumilos-kilos na! Malapit na ang prom!"
Napalugok ako. Alam ko ako ang tinutukoy ni Tammy. "Disyembre pa lang, prom na agad," sabi ko.
"Huwag mo na iyan itago, Bearwin. Halata ka na namin ni Jabe." Kinindatan ako ni Tammy.
"Naku, matagal ko nang alam, kaya ask her out to prom!" Kinikilig na utos sa akin ni Jabe.
"Naman oh, anong klase kayong kaibigan?" Frustrated kong tanong. "Di ko siya pwede ligawan!"
"Kunwari pa to," palo ni Jabe sa akin sa balikat. "Walang masama doon. Unless nato-torpe ka rin. Don't worry, secret lang natin to."
"Kami na nga nag-e-encourage sa iyo eh!" Sabi ni Tammy. "Dali, January na next year, baka maunahan ka pa. Yung iba, ngayon pa lang, naghahanap na ng prom date."
Lalo akong di naka-imik pag naiisip kon kung pwede ko ba siya maka-date sa darating na prom.
***
Nag-Holiday break na, at nagkasama kami ni Leianne para sa Christmas party ng staff ng Tonyo's. Kasama rin namin sila Jabe at Tammy. Nagkasiyahan kaming lahat sa mga games, kumain ng masasarap na potahe, at natapos ang party. Unti-unti nang umaalis ang mga staff at nauna na rin sila Jabe at Tammy.
"Mauna na kami, insan. Remember, you have your chance," bulong sa akin ni Tammy bago siya lumabas ng restawran. Sinundan siya ni Jabe sabay kindat sa akin.
Aba, nag-usap ang dalawang ito ah. Natulala ako at inisip kung dapat na ba itong gawin, hanggang sa tinawag ako ni Daddy para maglinis ng mga pinagkainan na lamesa. Sinamahan din ako ni Leianne sa paglilinis. Tahimik lang namin itong ginawa hanggang sa matapos kami.
Pagkahugas namin ng kamay, lumabas muna ako sa likod ng restawran. Nagpapahangin muna saglit. Tapos, narinig ko na lang si Leianne sa likuran ko.
"Bearwin, may gift pala ako sa iyo."
Nilapitan ako ni Leianne at may inabot siya sa akin na maliit na bagay na naka-gift wrap.
"Uy, thank you pala. Naku, sorry, wala akong maibibigay sa iyo, kahit kina Jabe at Tammy." Napahiya ako na wala man lang akong nabiling regalo sa kanya.
"Okay lang iyon," ngiti ni Leianne sa akin. "Buksan mo na!"
Binuksan ko ang regalo niya at napangiti nang malaman ko na isa pala itong Lego Stormtrooper na keychain.
"Cute nito ah!" Galak kong sabi.
"See? Alam ko magugustuhan mo iyan. Binili ko ito sa school bookstore. Una ko pa lang nakita, naalala na kita at mga kwentuhan natin tungkol sa Star Wars."
Di ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti."Fan ka pa rin. Akala ko ayaw mo na ng Star Wars."
Naupo si Leianne sa mga plastic benches at sinenyasan ako na tabihan ko rin siya. Tumabi ako sa kanya at nagkwento siya.
"Gusto ko pa rin, syempre. Mas busy nga lang ako sa mga school things. Alam mo naman iyon eh."
"Ang sabihin mo, busy ka sa secret admirer mo," biro ko na may halong pait mula sa kalooban ko.
"Ang daldal talaga ni Tammy." Nag-roll eyes si Leianne habang humalukipkip siya. "Sa bagay, alam na rin iyon sa ibang sections."
"Tuwang-tuwa ka naman may nagagandahan sa iyo," tukso ko sa kanya.
"Siyempre, nakakatuwa. Biruin mo, dati akong nerd na gumanda. Parang sa movies lang."
"Dati ka nang maganda ah."
Seryoso akong tinignan ni Leianne. "Salamat ah. But it doesn't hurt to try new things sometimes."
"Tama ka."
Pero sana, alam mo na di mo kailangang baguhin ang sarili mo para lang mahalin ka, Leianne. I love you for who you are.
Natigilan ako sa naisip ko. Love?! Hindi, baka love as a friend lang ito.
Naisip ko ang prom at nagpasiyang tanungin siya tungkol doon.
Leianne, may date ka na sa prom? Gusto mo, ako ang date mo?
Huwag, masyadong diretso.
Leianne, friendly date tayo sa prom with Jabe and Tammy!
Huwag ito. Aayaw yung dalawa pag sinabi ko na friendly date.
Leianne, may ka-date ka na sa prom? Kung wala, ako na lang.
Lalo akong natameme sa mga iniisip ko kung paano siya ia-ask out sa prom next year.
Ah, alam ko na kung paano ipapasok ang prom sa usapan.
"Leianne, prom na next year ah. Sa February 16. Sabado iyon," kaswal kong kwento.
"Oo nga eh. Medyo excited ako. Sabi ni Tammy, sabay kaming mamimili ng prom gowns at magpapa-parlor." Napangiti siya habang naiisip iyon. "Baka naghahanap ka ng date," dagdag niya.
Napalugok ako. Simulan mo na, Bearwin! Dali!
"Di naman," pagtanggi ko. "Wala rin naman date si Jabe eh."
"Gusto mo, ihanap kita sa section namin?" Alok ni Leianne.
"Naku, huwag na! Baka ikaw ang walang date," biro ko sa kanya.
"Oo nga eh. Sana meron," tawa niya.
Ano ba Bearwin, pagkakataon mo na ito, gawin mo na!
"Leianne..." Simula ko.
"Yep?" Tanong niya.
Talagang di ko masabi ang gusto kong sabihin. Simpleng kataga na Leianne, ako na lang ang date mo sa prom.
Pero hindi ganun ka-simple iyon.
Natulala lang ako sa kalangitan habang katabi ko lang siya na tahimik din.
"Naku, Bearwin, sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng prom date ah?"
Napatungo na lang ako na parang timang.
"Alis na ko. Uwi na kami ni daddy. Bye! Merry Christmas!"
"Sige, Merry Christmas din, Leianne!"
Pangiti siyang nagpaalam sa akin habang pinanood ko siyang umalis.
Gusto kong batukan ang sarili ko. Nilamon ako ng takot at katorpehan.
Tinignan ko ang Stormtrooper keychain na hawak ko pa rin hanggang ngayon. Huwag ka gumaya sa katorpehan ko, sabi ko dito.
***
"Ano?! Dumaan ang pasko at bagong taon, wala ka man lang ginawa?!"
Ito ang bungad sa akin ni Tammy habang kumakain kami ng tanghalian kasama si Jabe. Di muna namin kasabay si Leianne kasi kasama niya sa lunch out ang staffers ng school paper.
"Eh kasi..." Kamot ko sa ulo ko.
"Ay naku, mauunahan ka talaga niyan! Huwag mo kaming sisihin na di ka namin sinabihan!" Atribidang sagot ni Tammy. "Buti pa si Jabe. Jillian Jose asked him out to prom!"
"Ka-date mo sa prom si Jillian?!" Gulat kong tanong kay Jabe na katabi ko. Aba, nakabingwit si Jabe ng popular girl!
"Oh bakit? Nakasabay ko siya na nag-go-grocery shopping bago mag-New Year. Nag-usap kami, tapos nalaman namin na wala kaming prom date pareho. Hanggang sa nag-alok siya na i-date ako. Siyempre, pumayag ako!" Galak na kwento ni Jabe.
"Akala ko sila ni David," sabi ko.
"Naku, kaka-break lang nila," wika ni Jabe.
"O, tularan mo si Jabe! Dapat, bago matapos ang araw, alukin mo na si Leianne na prom date!" Bilin ni Tammy.
Ang pushy talaga ng pinsan ko.
"Oo na, gagawin ko na."
Sinabi ko lang iyon para matahimik siya.
"Dapat lang!" Sagot ni Jabe.
***
Nang uwian na, nagpunta kami nila Jabe sa classroom ng Magsaysay, kung saan nandoon sila Tammy at Leianne. Pumayag na ako na ide-date ko si Leianne sa prom.
"Huwag kang kabahan, tol! Kasama mo ako. Simple lang iyon," payo ni Jabe sa akin.
Huminga ako ng malalim. "Gagawin ko na ito," matapang kong sinabi.
Nang makarating kami sa III-Magsaysay, nakarinig na kami ng mga excited na sigawan.
"Huli na kayo. Pumayag na si Leianne na i-date si Ralph sa prom," bungad ni Tammy na sinalubong kami sa labas ng classroom nila.
Tumakbo ako papunta sa may pintuan nila. At ito ang nadatnan ko.
Nas gitna ng classroom sila Leianne at Ralph at nakapaligid sa kanila ang ibang mga estudyante. Pati mga taga ibang sections ay nakikiusyoso na rin.
"Salamat, Leianne!" Ang laki ng ngiti ni Ralph sa kanya. Bigla niya itong niyakap sabay tili ng mga estudyante.
"Ano ka ba Ralph? Okay lang iyon! Ikaw nga ang gusto kong maka-date eh!"
Mas lalong tumili sa kilig ang mga estudyante. Natulala lang akong nanonood sa kanila habang nakakubli sa may pintuan.
Agad akong tumakbo para di makita habang sinundan ako nila Jabe at Tammy.
Parang gumuho ang mundo ko ng mga oras na iyon.
Hindi ko malimutan ang mukha ni Leianne nang sinabi niya na si Ralph ang gusto niyang maka-date. Ang tingkad ng ngiti niya. Ang masakit, hindi ito para sa akin.
(To be continued)
A/N: Sorry, mambibitin muna ako. Sisguraduhin ko maganda ang prom chapter for next week. Thanks for reading!
P.S. Any prom songs you can suggest? Para yun ang theme for next week. Mga kanta by year 2007-2008. Or songs noong nag-prom kayo. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top