24-Changes
Hindi na binanggit ni Leianne ang nangyari sa Romeo and Juliet pagkatapos. Inaasar pa rin kami nila Jabe at Tammy, pero natigil ito nang sabihin niya na "ad-lib" kiss lang iyon bilang si Juliet. Natahimik din ang dalawa, at nagpatuloy ang aming buhay estudyante bilang mga sophomores.
Ang bilis ng panahon, at di ko na napansin na tapos na ang school year. Summer vacation na ulit. Expected ko na magsu-summer job ulit si Leianne sa Tonyo's. Pero sabi niya ay uuwi siya sa Calamba.
Last day of classes na iyon. Nasa school garden kaming dalawa, habang nauna nang umuwi sila Jabe at Tammy. Nag-uusap kami hanggang sa nabanggit niya na di muna siya dito mamamalagi sa Maynila.
"Sorry Bearwin, doon muna ako sa amin," paumanhin niya. "Sasamahan ko muna lola ko, kaya di ako makakatulong sa iyo sa restawran."
"Okay lang iyon, Leianne. Sana makabuti ang hangin ng probinsiya sa iyo."
Medyo nalungkot ako sa balitang iyon pero di ko na ito pinakita. Nag-isip akong ibahin ang topic ng usapan, pero natahimik lang ako.
Nagpaalam kami ni Leianne ng araw na iyon. Nagising ako ng Lunes ng umaga at naisip ko na di ko siya makakasama na tumulong sa restawran.
Di ko mapigilan ang sarili ko na isipin siya buong bakasyon. Ano kayang ginagawa niya sa probinsiya? Nainis ako sa sarili ko na wala akong cellphone number niya. Ay mali, wala pala siyang cellphone kaya di ko siya mako-contact.
Bigla kong naalala ang user account niya sa fanficmania. Hinanap ko si Galactic_Dreams kung may bago ba siyang Star Wars na fanfic. Pero disappointed ako na ang huli niyang sinulat ay iyong dati pa na Secret Diary tungkol kay Princess Leia.
Hindi siya updated sa fan fiction account niya. Baka nga may writer's block siya, ibang pinagkaka-abalahan, o nagsawa na sa Star Wars.
Kung kalian ako naging fan, doon naman siya umayaw. Hindi na rin niya kinukwento ang mga Star Wars na bagay pagkatapos mangyari ng school play. Baka nga na-outgrow na niya.
***
Third Year na kami pagdating ng Hunyo. Nagsimula ang unang araw ng pasukan sa pagtingin sa bulletin board kung saang section kami mapupunta.
"Yes, kaklase ko ulit si Bearwin!" Masayang sabi ni Jabe nang nakita ang mga pangalan namin sa isang section, sa Third Year Quirino.
"Sayang, di ko kayo kaklase," malungkot na sabi ni Tammy. Kakabalik lang niya galling sa bakasyon sa Hong Kong kasama ang mommy at daddy niya.
"Saang section ka ba?" Tanong ko.
"Sa Magsaysay," sagot niya.
"Okay lang iyon, kaklase mo naman si Leianne." Tinuro ni Jabe ang name list ng Third Year Magsaysay at nakatapat ito sa pangalan na Leianne Avila.
"Buti naman." Napabuntong-hininga si Tammy. "Sabay na lang tayo pag lunch time, total, pareho naman ng oras," ngiti niya.
"No problem!" wika ko.
"Bakit wala pa si Leianne?" Tanong ni Jabe.
"Hi, kararating ko lang."
Napalingon kami sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon.
"Leianne?!" tanong naming lahat.
Nagbago na ang itsura niya. Hindi siya nagparetoke ah. Mas diretso na ang buhok niya ngayon at naka black shoes na may konting takong. Isa pa, wala na siyang salamin sa mata.
"What happened to you?!" Gulat na tanong ni Jabe.
"Hindi na ako naka eyeglasses. Contact lenses na," sagot niya.
"Yung buhok mo kasi..." Simula ko.
"Nagpa-rebond ako sa probinsya. Inaya kasi ako ng pinsan ko, si Ate Ella. Konting make-over lang," natatawa niyang sagot.
"Pero diretso na ang buhok mo dati!" Komento ni Jabe.
"Wala lang, mapilit kasi si Ate Ella eh. Gusto niya akong bigyan ng new look para sa pasukan." Pabirong nag hair-flip si Leianne at natawa kaming lahat.
"Bagay naman," ngiti ni Tammy sa kanya. "Siya nga pala, classmate kita sa 3-Magsaysay," sabi niya.
"Okay yun ah, magkakasama tayo. Eh saang section ang mga boys?"
"Sa Quirino," sabay naming sagot ni Jabe.
"Okay lang iyon, magkikita pa rin tayo pag lunch time at uwian," sabi ni Leianne.
Nag-ring na ang bell at nagpasiya na kaming maghiwalay. "See you later!" Kaway ni Tammy habang nakaakbay kay Leianne.
"Ingatan mo iyan si Leianne!" Paalala ko sa kanya.
"Of course! Di makakalapit mga bullies sa kanya!" sigaw niya.
Naglakad na kami papunta sa classroom ng III-Quirino. Napili naming ni Jabe na maupo sa likuran kasi wala pa naming seating arrangements.
"Ang laki ng ginanda ni Leianne," komento niya. "Di ko akalaing may itsura pala siya pag inayusan."
"Dati na iyon, noong Romeo and Juliet play pa."
"Hooo! Kung alam ko lang, affected ka pa rin sa mga nangyari noon!" Nabanggit niya ulit ang nahulog-sa-balkonahe incident.
"Hindi ah! Part lang iyon ng eksena!"
"Naku, matagal ka ng ganyan sa kanya, if I know!" Pang-aasar niya.
"Ano ka ba? Di ko crush iyon! Kaibigan natin siya eh!"
"Kaibigan lang pala... kaibigan lang pala..." Asar na kumanta si Jabe.
Nahahalata kaya ni Jabe na totoo ang lahat ng sinabi niya sa akin? Ang tanong, matagal na ba niyang nahahalata iyon?
***
Unti-unti na rin kaming naka-adjust sa pressures ng pagiging third year students. Mas maraming assignments at quizzes kaysa last year. Nagkikita kaming apat tuwing lunch time at nagtutulungan sa mga assignments at lessons. Kahit hanggang uwian, yun pa rin ang ginagawa namin. Mas pinupuntahan na naming ang library kaysa sa school garden, dahil ang daming pinapagawa ng mga teachers!
Noong una, sumasama pa si Leianne sa amin. Magiliw pa rin siya at nagbibiro kung minsan. Pero kinalaunan, di na siya nakakasabay after classes.
"Bakit ka aalis kaagad?" tanong ko sa kanya habang nasa library kami.
"May meeting pa sa school paper. Sorry di ko nabanggit, part na ko ng feature writing team nila," masayang ngiti ni Leianne.
"Magaling siya talaga magsulat!" Komento ni Tammy.
"Congrats! Galingan mo!" Sabi ni Jabe sa kanya.
"Oo naman! Sige, bye guys!"
Kumaway kaming lahat at nagpaalam na si Leianne sa amin.
Nang makaalis na siya, may naikwento ni Tammy. "Alam niyo ba, may mga love notes nang natatanggap si Leianne sa klase? May secret admirer siya!" Hindi maikaila ni Tammy ang kilig niya sa balitang iyon.
"May admirer si Leianne?" Tanong ni Jabe.
"Oo kaya. Bakit, selos ka?" Biro niya.
"Si Bearwin dapat ang tinatanong mo diyan," turo ni Jabe sa akin.
"Hindi ah! Gumanda kasi siya, kaya ganun. Pero sinong secret admirer niya?" Pag-uusisa ko.
"Di pa rin namin alam eh. Pero araw-araw kaming kinikilig dahil doon!"
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa ulo. Sino kaya ang lalaking iyon? Pagtataka ko.
"Pero wala kang ideya kung sino ang admirer ni Leianne?" Pangungulit pa ni Jabe.
"Pwedeng si Nico... or si Ralph," ngiti ni Tammy sa amin. "Sila lang naman ang gwapo sa amin, hehehe!"
"Si Ralph, yung mayabang na iyon?!" Tanong ko.
"Joke lang. Alam kong grabe magre-react si Bearwin 'pag binanggit ko pangalan ni Ralph. So di pwedeng siya. Baka naman taga ibang section iyon..."
Kita ko sa reaksyon ni Tammy na tuwang-tuwa siya sa pang-aasar sa akin. Ito talagang pinsan ko, oh.
"Uy, Bearwin, wag ka nang affected diyan!" Sabi sa akin ni Jabe. "Matuwa ka na lang, may nakakapansin sa kanya!"
Napakunot na lang ang noo ko at binalikan ang binabasa kong chapter sa Noli Me Tangere.
***
May secret admirer si Leianne.
Di ko maalis iyon sa isipan ko ng mga sumunod na araw. Gusto ko talagang malaman kung sino siya. Pero wala naman akong magagawa. Ayokong magtanong kay Tammy, kasi iisipin niya talagang crush ko siya. Sa bagay, crush ko naman talaga; ayoko lang pahalata. So ako na ang bahalang malaman kung sino iyon.
Isang araw, nagkataon na nagpaiwan ako sa library habang naunang umalis sila Tammy at Jabe. Natapos na ako sa assignment na ginagawa ko at umalis na.
Naisipan ko munang dumaan ng canteen para mag-meryenda. Bumaba ako sa hallway at palabas na nang marinig kong may nag-uusap.
"Uy, Ralph, thank you pala sa pag-proofread mo ng article ko."
Boses ni Leianne iyon ah. Nagtago muna ako sa gilid habang narinig ko ang mga yabag nila na papaba ng hagdan.
"Wala iyon, Leianne. You're a good writer. Konting practice pa, tapos pwede ka nang isabak sa Press Division Secondary Schools Conference," sabi naman ng malalim na boses ni Ralph Hernandez.
Napatingin ako mula sa pinagtataguan ko. Magkasama sila Ralph at Leianne, at mukhang palagay naman ang loob nila sa isa't isa.
Tumigil muna sila sa may hagdan at nag-usap.
"Leianne, gusto mo meryenda muna tayo bago ka umuwi? Libre ko naman ang burger sa malapit."
"Oo ba! Libre mo kasi eh," natutuwa niyang sagot.
Umalis na rin sila pagkatapos.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakita at narinig ko.
Magkasama sila Ralph at Leianne. At ililibre pa niya ito ng meryenda.
Parang ang laki ng pinagbago ni Ralph Hernandez. Di na siya mukhang loner at bugnutin. Ngayon ko lang siya narinig na nagsasalita ng normal. Di ko alam na kasama pala siya ni Leianne sa staffers ng school paper.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Naiinis ako dahil hindi ko matanggal sa isipan ko ang mga nangyari. Mukhang magkaibigan na sila Ralph at Leianne.
Para akong inagawan ng isang bagay na mahalaga sa akin. Teka, mali ang nasabi ko.
Para akong nawawalan na ng kaibigan. Nanggagalaiti ako tuwing naiisip ko si Ralph Hernandez.
Di kaya siya ang secret admirer ni Leianne?
Kung siya man iyon, ang galing ng galawan niya ah. Kinakaibigan niya habang pinapadalhan niya ng secret love notes.
Di ko mapigilan maisip na sana, di na lang nagpa-make over si Leianne. Ramdam ko na nagsisimula na siyang lumayo sa amin.
(To be continued)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top