23-Good Show!
Dumating na rin ang Sophomore Week. Nag-celebrate ang batch namin sa pamamagitan ng mga programs at bazaars. Sa floor ng second year ay napapalibutan ng mga food stalls at mga handmade artwork na gawa ng iba sa amin. Makakabili ka rito ng mga handpainted bags, keychains, at mga floral displays. Okay din naman ang pagkain na niluto ng mga kasama namin mula sa Home Economics Club. Parang napaaga nga ang foundation day celebration ng buong school. Ang daming nagdadagsaan sa second year floor para lang maki-usyoso.
Bawat araw ay may iba-ibang program sa auditorium. May Math Quiz Bee at Comedy Show noong Lunes, Science Quiz Bee at Short Skit noong Martes, Singing Contest noong Miyerkules, at Song and Dance Contest naman noong Huwebes. At nang sumapit na ang Biyernes, dumating na ang araw na kinakatakutan ko: ang araw ng Romeo and Juliet play.
"Galingan mo Anak," payo sa akin ni Daddy bago ako umalis ng bahay noong Biyernes ng umaga. Dala ko pa nga ang costume ko na gagamitin para sa play. Di pala sila makakanood, dahil busy na nagaasikaso sa restawran. Sa katunayan nga, wala naman talagang parents na manonood, kasi pag high school program, walang magulang na dumadalo, pwera na lang kung recognition or graduation day ito.
"Opo Dad," sabi ko habang pinipilit ngumiti.
"Nagbibinata nga ang anak natin," singit ni Mommy. "Nai-imagine ko sila ni Leianne sa stage!"
"Huwag mo muna hayaang manligaw si Bearwin," biro ni Daddy sa kanya.
"Naku, libre lang mangarap! Wala akong tutol kung si Leianne ang makakatuluyan niya!" Di talaga maitago ni Mommy ang kilig niya.
"Ma naman," nahihiya kong sabi. "Wala naman akong gusto sa kanya. Friend ko lang siya."
Alam ko kabaligtaran ang sinasabi ko. Ayoko lang na mahalata nila.
"Buti naman di mo pa naiisip iyon," ngiti ni Daddy. "Sige, umalis ka na, baka ma-late ka."
"Bye Dad! Bye Mama!"
Nagpaalam ako sa kanila at umalis ng bahay. Napangiti ako nang maisip ko na walang tutol si Mama pati na rin si Daddy kung si Leianne man ang katadhana ko.
Pero sa ngayon, ayoko pang isipin iyon. Crush lang naman, baka mawala ito habang tumatagal.
***
"Okay, cast and production team, alam niyo na ang gagawin niyo," paalala sa amin ni Ma'am Bailon bago sumalang sa play. Lahat kami ay nakapalibot sa kanya habang nagbibigay ng last-minute pep talk. "Dapat kabisado niyo na ang bawat galaw sa play. Walang papalpak! Maliwanag ba?"
"Yes Ma'am!" Masigla naming sagot.
"Teka, nasaan si Juliet?" Tanong ni David, ang assistant director.
"Inaayusan pa ata," sabi ng isang babaeng cast member.
Wala pa pala si Leianne. Ang tagal naman niya magpa-make up. Nasaan na kaya iyon?
"Sorry, I'm late. Natagalan sa pag-aayos."
Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. At napatulala ako nang makita ko si Leianne.
Ibang-iba ang itsura niya ngayon. Todo make-up siya at kinulot ang mga dulo ng buhok niya. Naka-bihis siya ng isang light blue na off-shoulder gown na may mga lace sa laylayan. At hindi siya naka-salamin.
Si Leianne ba talaga ito? Lumabas ang natatago niyang ganda dahil sa ayos niya.
"Wow, ang ganda ng Juliet natin!" Natutuwang pahayag ni Ma'am Bailon. "The make-up time is so worth it!"
Nagkumpulan ang lahat kay Leianne habang ina-admire ang bihis niya para sa play.
"Ang ganda mo ngayon!"
"Di kita nakilala, Leianne!"
"Teka, dalhin na natin siya kay Romeo!"
May umakay kay Leianne papalapit sa akin. "Ito na si Juliet!"
Hindi ako agad nakaimik nang kaharap ko na si Leianne. "Uy, Bearwin, gumwapo ka ah," pangiti niyang sabi.
"Hair gel lang ito," biro ko habang hinihimas ko ang ibabaw ng buhok ko. Parang prinsipe ang bihis ko, yung mga nakikita mo sa fairy tale books; pants, polo, at vest ang get-up ko, na akma sa itsura ni Leianne. Laking pasalamat ko na pumayat na ako at hindi ako mukhang suman sa costume ko.
"Erm, bagay pala sa iyo naka-gown," nahihiya kong komento. "Buti hindi masyadong makapal make-up mo. Di nga kita nakilala eh." Napansin ko na light lang ang make-up niya at bumawi ito sa red na lipstick at eye mascara. Nagsimula na naman akong mahiya dahil sa kakatitig kay Leianne.
"Break a leg," sabi niya. Ngumiti siya sa akin.
"Break a leg din," sagot ko.
"Production is about to begin in 10 minutes! Everyone, get to your places now!" Sigaw ni David.
Lahat kami ay nagsitakbuhan na sa mga pwesto namin. Naramdaman ko na hinawakan ni Leianne ang kamay ko at inakay ako papunta sa harapan ng stage. "Let's do this!" masaya niyang wika.
Huminga ako ng malalim. It's showtime.
***
Maayos naman ang naging takbo ng play. Tahimik na nanood ang second year batch naming kasama ng ibang mga teachers. Andun din si Ma'am Benitez sa harapan. Sa katunayan nga, puro mga school admin at class advisers ang nakaupo sa pinakaharap.
Ginalingan ko talaga ang pag-arte ko. Wala naman aberya, hanggang sa patapos na ang play at may eksena na tatalon si Juliet (Leianne) sa balkonahe niya para sumama siya sa akin, dahil itatakas ko siya.
Make-shift ang balkonahe kung saan may akyatan sa likod. Habang nakatayo doon si Leianne, hinihintay ko siyang bumaba gamit ang isang nakapulupot na kumot.
"Hintayin mo ako, Juliet! Magmadali ka at bumaba ka na diyan!" wika ko sa gitna ng aking pag-arte.
"Sandali lang, Romeo!"
Humakbang si Leianne at humawak sa kumot habang dahan-dahan siyang bumababa. Pero bigla na lang ako nakarinig ng tunog na para bang may nabaling kahoy.
"Si Leianne, mahuhulog!" Narinig kong sumigaw si David mula sa dulo ng stage.
Nagsigawan ang audience nang makita kong malapit nang malaglag si Leianne bago pa siya makababa. Agad ko itong naagapan. Nagmamadali akong tumakbo sa kanya at buti naman ay nasalo ko siya bago pa may masamang mangyari.
Pareho kaming napasalampak sa sahig. Nasa ibabaw ko si Leianne. Buti hindi siya nasaktan. Ayos na iyon kahit may naramdaman akong sakit sa bandang likuran ko.
Natahimik ang auditorium habang nanatili lang akong nakatitig nang malapitan sa kanya. Parang tumigil ang oras dahil ang lapit ng mga mukha naming sa isa't isa.
"KISS!" Sigaw ng isang estudyante na nanonood. Kilig agad ang reaksyon na sumalubong sa amin.
"Nasaktan ka, Juliet?" Ad-lib ko.
"Hindi naman, Romeo. Salamat sa iyo." Di mapilgilan ni Leianne na ngumiti. At nagulat na lang ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin at marahan niya akong hinalikan sa pisngi, malapit sa bibig.
Halos mabingi ako sa sigawan ng mga nanonood dahil sa eksenang iyon. Hindi ko alam kung kinikilig ako o mortified. Buti na lang at narinig ko si Ma'am Benitez na sumigaw ng "Tumahimik, Second Year students!"
Natakot ang lahat kay Ma'am Benitez. Tumayo na si Leianne at ako habang tinuloy na namin ang play. Natapos ito nang magpakamatay na sila Romeo at Juliet. Nagsarado ang kurtina ng entablado, at tumayo na ang lahat sa harapan para sa final bow.
"Romeo and Juliet by selected second year students," sabi ni David sa mikropono.
Nagbukas ang kurtina at hinarap naming ang audience na magkahilera. Nag-bow kami sa kanila, at isa-isang pinakilala ang cast ng Romeo and Juliet.
"Bearwin Cho as Romeo and Leianne Avila as Juliet," wika ni David.
Nagpunta kami ni Leianne sa harapan na magkahawak-kamay at nag-bow. Ang lakas ng palakpakan at cheers ng audience. May sumigaw na naman ulit ng "Isa pang kiss diyan!"
Natawa si David. "Di na po pwede mag-kiss ang dalawang bida natin. Nanonood si Ma'am Benitez. Baka magsumbong sa parents nila," biro niya. Natawa naman ang mga tao dahil dito.
Natapos na ang Romeo and Juliet play. Sa wakas, makakahinga na ako ng maluwag.
***
Nag-celebrate ang buong cast at prod team sa malapit na pizza joint sa school. Libre ito ni Ma'am Benitez pati na rin ni David. Masaya kaming nagsalo-salo sa pizza, pasta, at iced tea.
"Great job, second year!" Inangat ni Ma'am Benitez ang baso niya ng iced tea para sa isang toast, at sumali kaming lahat. "Cheers!"
"Nakita namin iyong kiss!" Kinikilig na sabi ni Dahlia, ang gumanap na nanay ni Juliet.
"Yeeeee!" Sigaw ng iba naming kasama. Nanliliit ako sa kinauupuan ko.
"Ad-lib lang din iyon," nakangiting sagot ni Leianne.
"Bakit mo naman kiniss si Romeo?" tanong ni Dahlia.
"Kinabahan kasi kayong lahat kasi muntikan na akong mahulog. Buti ang galing sumapo ni Bearwin!" Tinignan niya ako at ngumiti sa akin.
"Wala iyon!" Natatawa kong tugon. Ramdam ko na pamumula ng mukha ko sa gitna ng mga pang-aasar nila dahil sa kilig.
Hindi ko na maalala ang mga nangyari pagkatapos. Ang alam ko lang ay sabay kaming umuwi ni Leianne na naglalakad. Bihis-uniporme ulit kami habang bitbit ang mga backpack namin.
Halos alas-siyete pasado na ng gabi at dinalian na namin ang pag-uwi. Wala kaming kibo sa isa't isa hanggang sa makarating ako sa bahay namin.
"Sige Leianne, ingat ka pabalik sa inyo. Happy weekend!" Ngumiti ako sa kanya.
"Enjoy your weekend din, Bearwin!" Ngumiti siya sa akin. Kulot pa rin ang buhok niya at di pa masyadong nabubura ang make-up niya mula sa play. Tumalikod na siya at akmang papalis na nang tinawag ko ulit siya.
"Leianne!"
Lumingon siya at nagtanong. "Bakit?"
Natahimik kaming dalawa. Bakit ko ba siya tinawag? Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginawa yung kiss sa play. Pero nahihiya ako.
"May naiwan ba ako?" Tanong niya ulit sa akin.
"Wala naman. Sige, ingat ka," nahihiya kong sagot.
Ngumiti lang siya sa akin at umalis na.
Ang dami kong iniisip bago ako nakatulog. Nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa kisame sa madilim kong kwarto.
First kiss ba iyon?
Parang oo, pero parang hindi rin.
Baka di pa siya counted as first kiss.
Anyway, part naman siya ng play. Baka nag-ad lib lang talaga si Leianne dahil sa mga pangyayari. Siguro ginawa niya iyon bilang si Juliet, at di bilang si Leianne.
Sinarili ko na lang ang kung ano mang kilig na nararamdaman ko. Iyon ang unang beses na may babaeng gumawa noon sa akin.
Sa tingin ko, di na para sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sana malaman ko rin ang nasa isip niya ng mga oras na ito.
A/N: Extra-long chapter here! Thanks for reading! :)
Next chapter na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top