21-Auditions

"Okay, participants, ganito lang ang gagawin niyo. You'll recite the lines of Romeo and Juliet to each other for this audition. Hindi ito yung tipikal na 'Romeo, o Romeo, wherefore art thou, Romeo?' na dialogue. Instead, moderno ang play na ito. Para lang ng mga telenovelang pinapanood niyo sa TV. The scene you will re-enact is the part wherein Romeo met Juliet for the first time. Party sa bahay ng isang mayaman na kaibigan ni Juliet ang eksena. Do you understand?"

"Yes, Ma'am."

Kaming lahat na nag-au-audition para kay Romeo and Juliet ang sumagot sa direksyon ni Ma'am Bailon, ang Drama Club modrerator. Nasa stage kaming lahat habang nanonood ang karamihan sa mga second year students. After classes na ito, pero ang dami pa ring nagdagsaan sa auditorium para lang manood ng auditions. Sila Romeo at Juliet kasi ang mga bida, at ang mga auditionees ay di naman mga Drama Club members. Randomly picked lang ng mga kaklase nila. Kasama na kami nila Leianne doon.

Pinababa na kami ni Ma'am Bailon sa stage at bumalik na sa mga upuan. Nang makaupo na kami ni Leianne, sinabi niya, "Kabado ako."

"Galingan lang natin kahit di naman tayo marunong umarte," sabi ko sa kanya. Ngumiti lang si Leianne. Magsasalita pa sana siya nang naputol ang gusto niyang sabihin dahil sa lakas ng boses ni Ma'am Bailon.

"First pair to audition, Jillian Jose and David Damian! Come up on stage now!"

Hiyawan ang mga estudyante sa auditiorium nang umakyat sila Jillian at David. Taga section Champaca sila. Hindi ko maikakaila na pareho silang may itsura, at mukhang mas bagay sa kanila ang maging Romeo at Juliet kaysa sa amin ni Leianne. Ay, mali pala ako. Mas okay pa kung si Leianne ang magiging Juliet. Sino ba naman ako para gumanap na Romeo? Kahit malaki na ang nabawas sa timbang ko dahil sa pag-e-exercise ko (sorry, late ako magbalita), pakiramdam ko ay di ko kapantay ng kagwapuhan si David Damian. Ang tangkad niya kasi at hawig kay Zanjoe Marudo, yung housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

"Si Jillian yung isang cheerleader noong first year tayo," kwento ni Tammy, na nakaupo sa kaliwa ko (si Leianne yung nasa kanan).

"Ah ganoon?" Komento ko.

"Si David naman yung escort noong foundation day, last year din."

"Hindi ka huli sa balita ah," sabi ko kay Tammy.

"Popular kasi sila sa batch natin," ngisi ni Tammy.

"Tsimosa ka kasi," singit naman ni Jabe, na nakaupo sa likuran.

"Tse!" Matabil na sagot ni Tammy sa kanya.

Nagsimula na mag-dialogue sila Jillian at David. Inaamin ko, hindi ko maikakaila na kaya nilang dalhin ang pagiging Romeo at Juliet. Sana sila na lang ang mapili.

Palakpakan ang audience nang matapos na silang mag-dialogue. Patuloy na tinawag ni Ma'am Bailon ang mga pares na mag-au-audition. Kung gaano na-impress ang audience kina David at Jillian, puro naman kantiyaw ang inabot ng mga sumunod na nag-dialogue sa entablado. Nagsimula na akong kabahan. Sana di namin ma-experience ni Leianne na asarin ng buong 2-Gladiola.

"Bearwin Cho and Leianne Avila, please come up the stage now," tawag sa amin ni Ma'am Bailon.

Kami ang huling umakyat ng stage sa gitna ng palakpakan at cheers ng buong section namin. Inabot na sa amin ni Ma'am ang papel ng dialogue na sasabihin namin. "Ang eksena, sa garden, kung saan nakita ni Romeo si Juliet na nakaupo sa bench. When I say action, simulan niyo na ang eksena. Understand?"

"Opo, Ma'am Bailon," sabi ko.

"Yes Ma'am," sagot ni Leianne.

Tinignan ko si Leianne. "Kaya natin ito."

Tumungo lang siya.

"Okay... action!" Sigaw ni Ma'am Bailon.

Lumakad si Leianne sa bench sa gitna ng stage at naupo doon.

"This party is so boring," simula niya. Umaarte na pala siya. Tinignan ko na ang papel ng dialogue para masundan ko ang gagawin ko.

"Why can't I do the things I want? Why do I have to follow my mother's choices for me? When can I be free?" Arte ni Leianne na para bang bagot na bagot na siya sa buhay niya.

Naghiyawan ang mga kaklase namin. May sumigaw pa nga na "Galing ni Leianne!"

"Manahimik!" Sagot ni Ma'am Bailon sa kanila.

Ay, ako na pala. Nilapitan ko na si Leianne habang binabasa ang mga linya ko.

"Hi Miss Ganda," simula ko.

Tilian na naman ang 2-Gladiola sa amin.

"Umayos kayo, Section Gladiola!" Nanggagalaiting paalala sa kanila ni Ma'am.

Natawa ako ng konti sa kanila, at binalikan ang binabasa ko. Ayusin mo, Bearwin, sabi ko sa sarili ko. Huwag mo ipahiya si Leianne.

"Bastos ka!" Tumayo si Leianne at akmang sasampalin na ako, pero hinablot ko ang kamay niya at napigilan ko siya.

"Bakit ka nagagalit, eh nagsasabi lang naman ako ng totoo?" Inisip ko na nang-aasar lang ako sa kanya.

"At sino ka para puntahan ako dito at lapitan? Di naman kita kilala ah!" Pumamewang si Leianne sa akin.

"Di mo ako kilala, pero ako, kilala kita."

Sa di-malamang dahilan, naalala ko ang acting ni Harrison Ford sa The Empire Strikes Back bilang si Han Solo. Ningitian ko si Leianne gaya ng pang-asar na ngiti ni Han Solo kay Princess Leia.

"You're just one of those rich boys na gusto lang ako dahil sa ganda at yaman ko," sagot ni Leianne.

"Talagang magugustuhan kita kasi maganda ka talaga."

Oo Leianne, I mean it deep inside. Ngayon ko lang masasabi through acting.

"Bastos ka talaga!"

Kita ko ang galit sa mga mata ni Leianne. Parang totohanan na ito ah.

"Whatever you say, Miss, I'm really enthralled by you," pagpapatuloy ko. "And I mean it, Miss Juliet Capulet."

Hindi na nakasagot si Leianne dahil sumigaw na si Ma'am Bailon ng Cut! Tapos na pala ang eksena namin.

"Thank you, Bearwin and Leianne!" Napapalakpak siya habang hiyawan ulit ang mga taga section Gladiola.

Bumalik na kami sa upuan namin. Nag-announce si Ma'am Bailon na sa Monday na ang results ng nakapasa na Romeo and Juliet. Sa wakas, tapos na rin ang dalawang oras ng audition.

"Sana makapasa kayong dalawa!" Masayang bati sa amin ni Tammy habang naglalakad kami palabas ng school.

"Okay na iyon. Di kami inasar ng mga classmates natin," sabi ko.

"Bagay kayong dalawa!" Malakas na sabi ni Jabe.

"Oo nga eh," biro ni Leianne. "Pero okay lang kung di kami makapasa. We did our best."

"Mas gusto ko na kayo ang nasa stage kaysa sa dalawang populars sa batch natin," tawa ni Jabe.

"Papanoorin ko talaga ang play!" Excited na sabi ni Tammy.

Naku, pwede ba huwag muna kayo magsalita ng tapos? Sa totoo lang, ayoko maging parte ng school play. Ginalingan ko lang para kay Leianne.

☆☆☆

"Sila ang nakapasa sa auditions! Wow!"

Ito ang una kong narinig pagdating ng Lunes ng umaga. Nagkukumpulan ang mga second year students sa bulletin board sa wing namin. Agad akong lumapit at ito ang bungad sa akin.

"Congrats Bearwin! Kayo ni Leianne ang Romeo and Juliet," sabi ng class president ng Gladiola na si Jason.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagbibiro ba kayo?

Agad akong lumapit sa bulletin board. Binasa ko ang nakapaskil na papel na ganito ang nakasulat:

Romeo Montague-Bearwin Cho

Juliet Capulet-Leianne Avila

O, hindi! Naku, ano ba itong pinasok namin ni Leianne?!

"Bearwin! Tayo raw ang Romeo and Juliet!" Nakangiting bati sa akin ni Leianne nang nilapitan niya ako.

"Oo nga eh. Nice one!" Nakipag high-five ako sa kanya. Tinago ko ang kaba ko sa likod ng isang ngiti.

"Totoo na ang loveteam ng Gladiola!" Sigaw ni Jabe na sumingit sa eksena. Hiyawan at palakpakan ang mga kaklase namin.

"Tumahimik ka nga, Jabe!" Siniko ko siya.

Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Bakit kami ang Romeo at Juliet?!

Nakakatuwa na makakasama ko si Leianne at magiging mas close kami.

Ang hindi ko lang kinakatuwa ay aarte kami sa harap ng maraming tao.

Di ako artista, at mas lalong di mukhang artista.

Kainis at napagtripan kami ng buong section namin!

(To be continued)

A/N: Hi! Di ako nakag-update last weekend kasi may pinuntahan ako na work-related at naging busy. So bumawi ako ngayon. Thank you sa mga nagbabasa! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top