20-School Play

Second year na kami pagdating ng Hunyo. This time, magkakasama na kaming apat sa isang section, 2-Gladiola (mga flower names naman ang mga section ng second year). Ibig sabihin nito, di na kami maghihintayan nila Tammy at Leianne pag lunch break. At yes, minsan nagpapaturo pa rin kami nila Jabe sa mga lessons, lalo na pag Math ang subject.

"Buti tumaas mga Math grades niyo ngayong second quarter," mataray na sinabi sa amin ni Tammy. Kakakuha lang namin ng report card at nag-uusap kami sa school garden.

"Syempre, kasama ko kasi si inspiration!" Kinindatan ni Jabe si Tammy.

"Tumigil ka diyan, kung hindi, hahambalusin talaga kita!" Pinandilatan ni Tammy si Jabe, pero natawa rin siya sa ginawa niya pagkatapos.

"Gusto mo talaga ako," sagot ni Jabe sa kanya. "Buti di mo nati-tripan maging crush yung si Ralph."

"Naku, ayoko doon. Suplado," singhal ni Tammy.

Si Ralph Hernandez pala ang bagong student sa section namin. Siya naman ang pumalit kay Leianne pagdating sa pagiging weirdo na tahimik. Buti nakatulong na gwapo siya at maraming may crush sa kanya, kahit sa ibang sections. Halos araw-araw ata siya nakakatanggap ng love notes sa locker niya, pero di niya pinapansin ang mga admirers niya, kahit na dumadaan pa siya sa harapan ng mga ito sabay tilian ng kanyang mga groupies. Loner siya at walang ka-barkada. Di siya yung tipong palakibo. Kakausapin ka lang noon pag kinakausap mo siya.

"Suplado nga siya," sang-ayon ni Leianne. "Pero gwapo naman."

"Ano, crush mo iyon?!" Gulat na sabi ni Tammy. "Huwag ka doon, Leianne!"

"Nag-comment lang ako na gwapo, crush na kaagad?" Nagtaas ng kilay si Leianne kay Tammy.

"Aba, marunong ka nang mag-maldita, Leianne Avila!"

Natawa si Leianne. "Basta, ayoko rin kay Ralph."

"Buti naman safe ang mga girls natin sa kanya. Right, Bearwin?" Siniko ako ni Jabe sa tagliran.

"Manahimik ka diyan," bulong ko. Napa-ubo ako ng konti at naisipang ibahin ang topic ng usapan. "Siya nga pala, next month na Sophomore Week. Balita ko mag-i-isponsor tayo ng school play?"

"Oo, pati song and dance numbers," sagot ni Jabe.

"Romeo and Juliet daw ang play ng second year. Ang weird ng selection. Bawat section, boboto kung sino gusto nila maging Romeo at Juliet. Tapos kung sino pumasa sa auditions, sila gaganap," sabi ni Leianne.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Narinig ko kasi mga teachers na nag-uusap sa hallway kahapon tungkol doon. Yung Drama Club teacher at si Ms. Vergara, ang adviser natin."

"Alam ko na kung sino dapat iboto ng 2-Gladiola para maging Romeo and Juliet." Pangiti kaming tinignan ni Tammy. Ako at si Leianne.

"I think I got what you mean, Tammy." Ngumiti ng malaki si Jabe sabay tingin sa aming dalawa ni Leianne.

"Hoy, anong naiisip niyo diyan?" Tanong ko.

"Well, dapat kayo ni Leianne ang Romeo and Juliet!" Excited na sambit ni Tammy.

"Di kami mga artista! Kayo na lang ni Jabe!" Defensive kong sagot.

"Hindi, mas bagay kayo ni Leianne! Yeeeeee!" Tukso ni Jabe sa amin.

"Huwag kayo magka-ideya diyan!" Gusto kong batukan ang mga ito, naku!

"Basta, alam na kung sino iboboto ng section natin para sa lead roles!" Pumalakpak si Tammy sa sobrang excitement.

Nagkatinginan kami ni Leianne. At ito ang sinabi niya:

"Kaysa naman si Ralph maka-partner ko," natatawa niyang biro.

Well, look at the bright side, Bearwin. Mukhang mas kursonada ka niya kaysa sa mayabang na iyon.

Okay, nag-i-imagine na naman ako. Syempre, magkaibigan kami kaya mas komportable siya pag ako ang kasama niya.

☆☆☆

"Class, as we all know, our Sophomore school play is Romeo and Juliet," simula ni Ms. Vergara noong Homeroom Period kinabukasan. "Pero hindi ito yung tipikal na Romeo and Juliet na play. Lalagyan ito ng modern twist at gagawing mala-telenovela. At ang selection period para sa mga leads ay pagbobotohan ng bawat section kung sino representative nila. Magpapa-audition, tapos kung sino ang pumasa ay sila ang Romeo and Juliet. For the other roles, pwede mag-audition kahit sino. Just sign up sa sheet ng Drama Club sa may Sophomores' Bulletin Board."

"Bakit kailangang pagbotohan ang mga roles nila Romeo and Juliet? Parang sapilitan lang ah," komento ng isang lalaking estudyante.

"Si Ma'am Bailon nakaisip nun, para malaman kung sino ang may potential sa second year students," sagot ni Ms. Vergara sa kanya. "So, class, may naiisip na kayo na magiging rep ng Gladiola for Romeo and Juliet?" Pangiti niyang tanong.

"SI BEARWIN AT LEIANNE!" Biglang tayo ni Jabe na katabi ko, na ikinatuwa naman ng klase. Nagsimula na silang maghiyawan sa kilig.

"Di ako marunong umarte!" Sabi ko. "Tumahimik ka na lang sana," bulong ko kay Jabe. Ngumisi lang sa akin ang loko.

"Okay, mag poll tayo." Isinulat ni Ms. Vergara sa board ang names namin: Bearwin Cho at Leianne Avila.

Tinignan ko si Leianne sa tabi ko. Tahimik lang siya na ngumiti sa akin.

"Anyone else?" Tanong ni Ma'am.

"Leianne at Ralph Hernandez," suggestion ni Tammy.

Naghiyawan pa lalo ang klase.

"Huwag iyan, baka kuyugin si Leianne ng mga fangirls ni Ralph!" Sigaw ni Jabe.

"Oo nga!" Sigaw ng grupo ng mga lalaki sa likod.

"Huwag si Ralph!" Sigaw naman ng mga babaeng may crush kay Ralph.

Sinulat ni Ms. Vergara ang names nila Ralph at Leianne. Tinignan ko si Ralph na nakaupo sa likod ng klase. Tahimik lang siya nagmamasid na wala man lang ekspresyon ang mukha niya. Di ko tuloy masabi kung wala siyang paki o nag-iisip na sana lamunin na lang siya ng lupa.

"Okay, taas ng kamay kung sino boto kina Ralph at Leianne na maging Romeo and Juliet!" Sabi ni Ms. Vergara.

May mga limang taong nagtaas ng kamay. Sinulat ni Ma'm sa board ang number 5 sa tabi ng Ralph and Leianne choice.

"So lima lang. Sino naman ang boto kina Bearwin at Leianne?"

Halos lahat ng mga kaklase ko ay simultaneously na nagtaas ng mga kamay nila, kasama na roon sila Tammy at Jabe. Nakaupo lang kami ni Leianne, at pareho ata kaming nabigla sa nakita namin.

"Aba, halos 35 kayo nagtaasan ah! Ibig sabihin, sila Bearwin at Leianne ang representative natin for Romeo and Juliet!" Masayang sabi ni Ma'am.

"Wooooo! Yeeeeee!" Malakas na hiyaw ng mga kaklase namin.

"Bakit sila Leianne at Bearwin napili niyo?" Tanong ni Ms. Vergara.

"Bagay po sila!" Sigaw ni Tammy.

"Mas maganda at gwapo silang dalawa kaysa sa aming lahat!" Biro ng isang lalaki sa likod.

Nalunod ang buong klase sa malakas na tawanan at hiyawan hanggang sa pinatahimik kaming lahat ni Ms. Vergara. "Okay lang ba sa inyo iyon, Leianne and Bearwin?" Tanong niya sa aming dalawa.

"Okay na po. Audition lang naman," sagot ko. Di naman kami sigurado na matatanggap kami.

"Kakayanin po," mahiyaing sagot ni Leianne.

"Mas magiging close kayo ni Bearwin!" Tukso ng isang babaeng classmate kay Leianne.

Nagtitili na naman ang buong klase habang napaupo si Leianne. Namumula na ata siya.

Kahit ang class adviser namin ay di mapigilan ang kilig. Natatawa niya kaming pinatahimik.

Paano kaya namin haharapin ni Leianne ang auditions?

Ngayon pa lang, kinakabahan na ako. Bakit ba kasi ang lakas ng trip nila Tammy at Jabe? Ayan tuloy, pinagtripan kami ng buong klase namin.

(To be continued)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top