2-Class Pranksters

Ako nga pala si Bearwin Cho. At kaming dalawa ni Jabe Cruz ang mga resident class pranksters ng batch namin. Halos ka-lebel na namin ng reputasyon ang mga bullies ng paaralan, pero hindi kami yung tipong nangunguha ng baon o pera sa mga classmates namin.

Kalokohang pranks ang specialty namin, mula sa paglalagay ng glue sa upuan ng titser hanggang sa pagpapatunog ng fire alarm ng hindi nahuhuli. Kami rin ang nagpa-prank sa mga napipili naming "target". Minsan, gusto namin silang pag-tripan, o kaya naman, ay ipahiya sila para magising sa katotohanan.

Nagsimula ang lahat noong Grade 3 kami, nang tinali namin ang shoelaces ng kaklase naming si Gilbert Gomez. Palagi siyang natutulog sa klase. Kaya habang may class discussion, tumyempo si Jabe na gumapang sa lugar ni Gilbert. Tulog na naman si sleepyhead, at buti ay nagawa ni Jabe ang kanyang maitim na balak.

Nang matapos ang discussion ay nagsitayuan na ang lahat. Nagising si Gilbert Gomez. Tumayo siya, at sakto ang pagkakadapa niya. Nagulat ang lahat sabay tawa at hagalpak.

Isang beses lang namin iyon ginawa sa kanya, at hindi kami nahuli. Mukhang nagtanda si Gilbert, at simula noon ay di na siya natutulog sa klase.

Noong Grade 4 naman, at magkaklase ulit kami ni Jabe, si Melay de Mesa ang napili naming "target". Class officer siya, peace officer in particular. Daig pa niya ang class president sa pagfi-feeling reyna tuwing wala ang titser. Tatayo siya sa harapan at sisigaw ng "Quiet! Take your seat!" sabay hampas ng kanyang 12 inch na Orions ruler sa teacher's desk. Sinusulat din niya ang mga "noisy" or "standing" sa board para lang makapagmayabang sa titser na magaling siyang peace officer.

Lahat kami ay naiinis kay Melay dahil sa pagiging epal at sipsip sa mga teachers. Kaya isang araw, nagdesisyon kami ni Jabe na pagtripan siya.

Art class, second to the last period. Tapos na ang lahat sa watercolor seatwork. Kakapasa lang din namin ng art portfolio na assignment, at nag-volunteer si Melay na tulungan ang art teacher sa pagdadala ng mga portfolio sa faculty room. Pumayag naman si Art Teacher na tulungan siya ni Melay. Nang makalabas na si Melay bitbit ang mga art portfolio, sinimulan na namin ni Jabe na gawin ang plano namin.

Naging look-out si Jabe sa labas ng classroom habang ako naman ay tumakbo sa CR. Bumalik ako na may bitbit na maliit na balde na may lamang tubig. Nilapag ko ang balde sa harapan ng klase at sinabing:

"Ilagay niyo ang lahat ng paint water niyo dito! Tapos ilalagay ko ang balde sa may ibabaw ng pinto para mabuhusan si Melay!"

To my surprise, excited na nagtayuan ang buong klase at agad binuhos ang paint water nila sa balde. Pati ang class president namin ay hindi tumutol; siya pa nga tumulong sa akin na ilagay ang balde sa ibabaw ng pintuan sa kaliwang side ng room, habang nakatuntong sa armchair. Marahan namin itong piniid, at lahat ay nagsibalikan sa kanilang mga upuan nang pumasok si Jabe sa right side door at sinabing, "Paparating na si Melay!"

Mas lalo kaming umupo nang maayos. Lahat ay halos hindi humihinga sa excitement. Mas lalo kaming nag-behave nang makita sa di-kalayuan ang papabalik na si Melay.

Hulaan mo kung saang pinto pumasok si Melay.

Syempre, dun sa kaliwang pintuan kung saan may balde ng tubig sa ibabaw!

Epic ang mga sumusunod na kaganapan. Tinulak ni Melay ang pinto at agad siyang nabuhusan ng balde ng maruming tubig. Natakluban siya ng balde sa ulo habang hinihimatay sa kakatawa at hiyawan ang buong Grade 4, Section C.

Hindi nga makasigaw si Melay dahil sa shock niya. Pero nang tinanggal niya ang balde ng tubig sa ulo niya, ay napahagulgol siya ng malakas.

Simula noon ay hindi na umepal si Melay sa klase.

Pero na-detention ang buong Section C. Pinaglinis kaming lahat ng CR for one week dahil walang gustong umamin kung sino ang pasimuno.

***

Ngayong Grade 5 na kami, pinag-uusapan namin ni Jabe kung paano pagti-tripan si Leianne Avila. Nakagawa kami ng listahan:

1. Lagyan ng chewing gum ang upuan niya (tutol si Jabe, kasi mean daw ito)

2. Buhusan siya ng tubig ala Melay. Ayaw din ni Jabe. Siya nga pala, lumipat na si Melay ng school dahil sa ginawa namin.

3. Padalhan siya ng pekeng love letter sa isang secret admirer. Ayaw namin ito gawin, kasi di naman siya kagandahan.

In the end, wala kaming mapagkasunduan na prank para sa kanya.

"Tumyempo na lang tayo," sabi ni Jabe.

"Okay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top