19-Awkward

Sa wakas, natapos na rin ang bullying incident sa batch namin. Pinag-uusapan pa rin minsan si Leslie, pero di na gaano nilalait. Ang huli kong balita sa mga kaklase ko ay sa ibang bansa na siya titira at mag-aaral. Naku, baka doon naman siya maghasik ng lagim, but anyway, good riddance.

Nakabalik na si Leianne sa school after one week. Tuwang-tuwa ulit kami na makasama siya tuwing lunch. Bantay-sarado sa kanya si Tammy na para bang siya ang nanay nito. Tuwing naglalakad kami sa hallways, naka-akay si Tammy kay Leianne, at lahat ng tumitingin sa kanila ay tinitignan niya ng nakakapanlisik. Minsan, sasabihin niya, "Ako bodyguard ni Leianne. Uumbagan ko ang magtatangka na makipag-away sa kanya."

Wala na ngang nang-aaway kay Leianne. Mukhang takot na nila makabangga si Tammy pagkatapos ng ginawa niya kay Leslie. And I think mas mabait na sa kanya ngayon mga kaklase namin.

Buti naman ay balik na sa normal ang lahat.

☆☆☆

Walang exceptional na nangyari afterwards sa buhay first year namin. Dumaan ang Pasko, New Year, school foundation day, at end of classes. Nag-celebrate kami ng last day of classes nang manlibre ng pizza sila Tammy at Leianne. Dinala nila kami ni Jabe sa malapit na pizza joint sa school.

"Cheers!" Nag-toast kami ng mga baso namin ng softdrinks habang masayang pinagsasaluhan ang pizza.

"Saan bakasyon niyo ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Sa bahay lang. Boring," sagot ni Jabe.

"Uuwi muna ako ng Hong Kong, pero babalik din ako sa Mayo," kwento ni Tammy.

"Isama mo ako sa baggage mo!" Biro ni Jabe.

"Tse! Mabuti iyon nang makaalis ako sa paningin mo!" Tinaas ni Tammy ang kamao niya na kunwari'y susuntukin niya si Jabe.

"Dito lang naman ako, kaya ibig sabihin, magsu-summer job ulit ako sa Tonyo's," pangiting sabi ni Leianne.

"Yiheeee!" Sabay na hiyaw nila Tammy at Jabe.

"Summer of love na iyan!" Tukso ni Tammy.

"Excited na ko!" Singit ni Jabe.

"Manahimik kayo diyan!" Natatwa kong sagot sa kanilang dalawa. "Magsama nga kayo!"

"Woohoo, bagay talaga kayo ni Leianne!" Kinikilig na sabi ni Jabe.

Nilingon ko si Leianne sa tabi ko. Namumula ba siya? Parang pigil na pigil ata ang tawa niya.

"Itong dalawang to oh," natatawa niyang sabi.

"Itong sila Leianne at Bearwin, kunwari pa oh!" Sabi ni Tammy. "Pero boto ako sa inyong dalawa!"

"I second the motion!" Sang-ayon ni Jabe.

Hay naku, kung alam lang nila... pero ayoko nilang malaman.

Basta, excited na ako makasama ulit si Leianne sa restawran buong summer.

☆☆☆

Nang magbakasyon na, tumutulong na kami ni Leianne sa restawran. Pagwawalis ng paligid at paghuhugas ng pinggan ang ginagawa namin. At natutuwa ako na ang daming kinukwento ni Leianne, lalo na pag tungkol sa Star Wars. Masaya siya talaga basta iyon ang usapan. At nagli-lightsaber battle pa rin kami gamit ang mga walis tambo.

Pag may free time, pumupunta kami sa playground at nagsu-swing. Tinuruan ko na rin si Leianne na mag-bike kasi di siya marunong. Takot siya noong una, pero nagpursige siya, at kalaunan ay medyo marunong na rin siya bumalanse sa bisikleta.

Speaking of biking, nagsimula na ako mag-reduce para naman pumayat ako kahit paano. Nagjo-jogging na ako tuwing umaga pagkagising, at ginagawa ko ito tatlong beses kada linggo. Samahan mo na iyan ng biking. At binabawasan ko na rin ang pagkain ko ng sobra. Bye extra rice. Ang hirap noong una, pero kinaya ko. Nagpatulong pa nga ako kay Daddy na bantayan mga kinakain ko.

Bakit bigla na lang ako na-conscious sa itsura ko?

Kasi ang daming gwapo na lalaki sa batch namin. Ayokong magmukhang siopao pag kahilera ko sila. Alam ko, di naman ako gwapo kagaya nila o ng mga artista sa TV. Pero gusto ko matuwa sa itsura ko kahit papaano. At gusto kong ma-kyutan si Leianne sa akin kahit konti.

Pwede ko ba siyang ligawan? Pwede naman, pero nahihiya ako. At parang ang bata ko pa rin na isipin ang mga ganyang bagay. Ang dami nang magsyota sa batch namin, pero ayoko naman maging kagaya nila. At ayoko mabigla si Leianne pag nalaman niya ang totoo.

Oo na, torpe ako kung torpe.

☆☆☆

"Parang pumapayat ka ata," puna sa akin ni Leianne habang nakaupo kami sa may swings isang Sabado. Kumakain kami ng dirty ice cream habang papalubog na ang araw. For once, nag-cheat ako sa diet ko, kasi libre naman ni Leianne ang ice cream.

"Talaga?" Pa-inosente kong tanong. "Effective ba pagdi-diet ko?" Ngiti ko sa kanya.

"Nagdi-diet ka?!" Tanong ni Leianne na gulat.

"Erm... oo. Nagjo-jogging at nagbi-bike, tapos bawas sa kanin," kwento ko.

"May pinopormahan ka no?!" Tukso ni Leianne. "May crush ka na sa batch natin, tapos pagbalik natin ng school, popormahan mo siya at liligawan!" Kilig niyang sambit.

"Wala akong crush, Leianne!" Tawa ko.

"Eh bakit mukha kang kinikilig diyan?" Tukso pa niya.

Ay naku, kung alam mo lang. Pero huwag muna ngayon.

"Di ako kinikilig! Gusto ko lang maging heartthrob pag second year na tayo!"

"Well, it's paying off," sabi niya. "Di ka na mukhang bochog gaya ng una kitang nakita noong Grade 5 tayo."

"Bochog ka diyan," nguso ko.

Natawa si Leianne sa expression ng mukha ko. "Well, at least napapansin ako ni Sir Ivan hehehe."

"So crush mo talaga si Sir Ivan?!"

"Oo naman," sabi niya. "Pero di na ngayon. Parang nagsawa ako sa kagwapuhan niya."

"Groupie ka pala ni Sir Ivan! So isa ka sa mga nagpadala sa kanya ng mga anonymous gifts noong Valentine's Day?" Marami kasing natanggap na chocolates at cards si Sir Ivan noong Valentines. At karamihan doon ay galing sa mga estudyante niya sa first year.

"Oy ah, di ko siya binigyan ng gift noon!" Sagot ni Leianne. "Si Tammy, nagbigay siya ng Ghirardelli Chocolate," ngiti niya.

"Nagtatapon lang ng pera ang pinsan ko," komento ko sabay tawa.

Natahimik kaming dalawa ni Leianne. Parang may kakaibang kilig ang nararamdaman ko na kasama ko siya at tahimik lang kami sa swings habang lumulubog na ang araw.

"Alam mo, kinausap ako ni Leslie dito bago siya umalis. Sa Canada na siya titira," bigla niyang sinabi.

"Huh?" Di ko alam nagtagpo ulit sila. Di naman kasi palakwento si Leianne tungkol sa buhay niya.

"Nag-sorry siya sa akin. Iyon lang. May closure na."

"Buti naman."

Iyon lang ang mga nasabi ko. Gumaan na rin loob ko dahil okay na talaga si Leianne.

Umalis na kami sa swings at naglakad pabalik sa restawran. Habang naglalakad, muntik nang mapatid si Leianne. Buti nahawakan ko siya sa braso kundi madadapa siya talaga.

Natanggal ang salamin niya at nahulog. Agad siyang yumuko para pulutin ito.

"Buti na lang hindi basag ang lens" wika niya.

Ibabalik na niya sana ang salamin niya nang tinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso at tinitigan ng mabuti.

For the first time, I got a good look at her face. Nakita ko na siya dati nang walang salamin, pero iyon ang time na umiiyak siya nang makulong siya sa storage room. Ngayon, di na siya umiiyak. Malalim pala mga mata niya at naka-frame sa mukha niya ang buhok niyang abot hanggang balikat. At mas nakadagdag ang lighting ng papalubog na araw sa ganda niya.

Mas gumanda siya habang tinitigan ko siya ng matagal.

"Bearwin, bakit?" Tanong niya.

Binitawan ko ang braso niya. "Ah... akala ko may dumi ka sa mukha."

"Okay, wala naman pala." Sinuot niya ulit ang salamin niya.

Patuloy kaming naglakad at natapos na rin ang araw na kasama ko siya.

Nakatulog ako ng gabing iyon sa kakaisip na mukha akong timang nang tinitigan ko si Leianne.

I hated myself for what I did.

Nakakatakot pala magka-crush sa kaibigan mo.

Kahit di ko sinasabi, nahalata kaya niya kanina?

☆☆☆

(Leianne's Diary Entry, Saturday, 04222006)

That was weird.

Nalagpak ko salamin ko kanina habang naglalakad pabalik ng restawran kasama si Bearwin. Yumuko ako at pinulot ito. Isusuot ko na sana, pero hinawakan ni Bearwin ang braso ko at tinitigan niya mukha ko ng matagal.

Tinanong ko kung bakit, pero sabi niya, wala naman. Akala lang niya may dumi ako sa mukha.

Ayun, nagpatuloy kami sa paglalakad pabalik sa restawran.

Weird talaga. Nakakailang na tinignan ka ng ganoon ng kaibigan mo.

In my head, I consider Bearwin almost like a best friend, but not quite.

Di naman imposible na magka-crush siya sa akin. But then, why would he be liking me like that?

I don't think so.

-Leianne

P.S. There's this old song playing loudly sa radyo ng kapitbahay. It goes, like:

You're just a heartbeat away

One touch can make it happen

We can reach for the other side if we hold on to the passion...

Never heard this song until now.

But how come I can relate it to what happened with Bearwin kaninang hapon?

No. Just no.

Makatulog na nga.

-Leianne

(To be continued)

A/N: May kanta talaga na ganoon ng lyrics. You can check out the song in the media section. ;)

"Heartbeat Away" by Yangpa

Enjoying this story? Please vote and comment on it. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top