18-Fight Back
A/N: Rated SPG for foul language. Huwag tularan sa school! Huwag din tularan yung slur na C-word na sinabi ni Leslie kay Tammy. This is added to the story to show that a lot of young people do this and kung nagawa niyo man dati, huwag nang ulitin. Salamat po.
Hindi pumasok si Leianne kinabukasan. Di ko na rin napigilan ang sarili ko na ikwento kina Tammy at Jabe ang nangyayari sa kanya na pambubully nila Leslie.
"Kinulong si Leianne sa storage room?!" Gulat na wika ni Jabe.
"Oh my gosh!" Sunod na sabi ni Tammy.
"Kaya pala siya di sumasabay sa atin, kasi hinahatak siya nila Leslie at Marla na gawin ang assignments nila," malungkot kong tugon.
"Tama ka nga Bearwin, may gagawin na naman si Leslie kay Leianne," buntong-hininga ni Jabe. "Dapat ingatan na natin si Leianne."
"Sorry talaga pinsan. Di ko siya nabantayan nang mabuti. Kung alam ko lang na ganoon ang gagawin sa kanya ng mga bago niyang seatmates," paumanhin ni Tammy. "Gusto ko talagang sugurin si Leslie ngayon din!"
"Relax, Tammy. Huwag kang padalos-dalos," paalala ni Jabe.
"Matagal na bang ganoon si Leslie?" Tanong ni Tammy.
"Noong Grade 5 pa kami. Kasi magkabarkada dati sila Leslie at Leianne. Nagsimula iyon noong naging first honor si Leianne tapos nainggit sa kanya si Leslie. Ever since, may grudge na siya dito," kwento ni Jabe.
"That nasty b*tch." Halata ang pagkamuhi sa mga mata ni Tammy.
Natahimik kaming tatlo habang nakaupo kami sa school garden.
"Paano na gagawin natin kung pumasok na siya bukas?" Tanong ni Jabe.
"Ako na lang magbabantay sa kanya tuwing break," alok ni Tammy. "Don't worry Bearwin, I won't leave her this time."
"Sana nga Tammy."
☆☆☆
Lumiban pa rin si Leianne nang sumunod na araw. Tinanong ko si Mang Ramon sa restawran kung kumusta na ba siya.
"Nilagnat siya pagkatapos naming magpa-eye check up. Kaya ayan, pahinga pa rin siya hanggang ngayon. Bukas papasok na siya," sabi ni Mang Ramon habang nag-aayos ng gamit bago umalis sa restawran pauwi.
"Ah, ganoon po ba? Salamat po," tugon ko.
"Mukhang nag-aalala ka yata masyado kay Leianne. May nangyayari ba sa kanya sa school?" Nahalata yata ni Mang Ramon ang pagkabalisa ko.
"Eh, kasi po, nag-aalala lang."
"May tinatago ba kayo sa akin?"
Naku, sasabihin ko ba na binu-bully siya? Nasabi kaya niya sa daddy niya? Ayaw nga niya isumbong sa teacher eh, sa tatay pa kaya niya?
Siguro, di ko muna ikukwento.
"Wala naman po, Mang Ramon. Baka stressed lang si Leianne."
"Oo nga eh, masyadong masipag mag-aral ang batang iyan. Dapat magpahinga rin siya."
"Oo nga po."
Doon ko na tinapos ang usapan namin ni Mang Ramon.
Sana wala siyang napapansing kakaiba kay Leianne.
☆☆☆
Nakapasok na kinabukasan si Leianne. Nakita ko siya sa flag ceremony noong umaga, pero di ko man lang siya nalapitan. Mukha siyang balisa na para bang pakiramdam niya ay susugurin siya ni Leslie anytime.
Nag-aalala ako buong umaga. Isa lang ang nasa isip ko:
Tammy, bantayan mo iyan si Leianne. Huwag mong hayaang makalapit si Leslie sa kanya.
Nag-ring na ang bell para sa lunch break. Nilapitan ko si Jabe at sinabing, "Puntahan na natin sila Leianne at Tammy, dali!"
Tumango si Jabe sa akin at mabilis kaming naglakad sa hallway. Nasa kabilang wing ang claasroom ng 1-Emerald, kaya mahaba pa ang nilakad namin. Sana maabutan namin sila agad bago sila maabutan nila Leslie at Marla.
"May nag-aaway sa labas ng 1-Emerald!" Sigaw ng isang estudyante na patakbo kung saan kami papunta.
Nagkatiginan kami ni Jabe at agad kaming tumakbo papunta sa Emerald.
Pagdating namin doon, may mga nagkukumpulan na mga estudyante at nakapalibot sa kung sino man pinapanood nila. Naghihiyawan sila ng "Tama na iyan!", "Get off her!", at "Tawagin niyo na si Ma'am Astor!" Nakakabulabog ang ingay sa paligid.
"Bearwin, nakikipag-away pinsan mo kay Leslie!" Sabi sa akin ng isa kong schoolmate na classmate ko noong Grade Six.
Hindi na ako naka-imik dahil nagulantang ako sa nakita ko.
Nasa sahig sila Tammy at Leslie at para silang nagwre-wrestling.
"BAKIT KA UMEPAL, BRUHA KA?!" Si Leslie pala iyon, na nakapatong kay Tammy at kasalukuyan siyang sinasabunutan.
Bumangon ni Tammy at dinambangan si Leslie sabay sampal. "T*NG INA MO LESLIE, ALAM KO NA MGA GINAGAWA MO KAY LEIANNE! HOW DARE YOU LOCKED HER UP SA STORAGE ROOM!"
"SO NAG CHU-CHU FRIEND MO HAH?" Sinampal siya ni Leslie. Napa-aray si Tammy at akmang sasampalin pa siya ni Leslie, pero nahablot ni Tammy ang kamay niya.
"MALING-MALI NA MAGPAGAWA KA NG ASSIGNMENT SA IBANG TAO! SO YOU WANT TO BE SMART LIKE LEIANNE, HUH?!" Mas hinigpitan ni Tammy ang hawak niya kay Leslie para di na siya makapaglaban. "ALAM MO, TANTATANAN MO KAIBIGAN KO! WALA KANG MAGAGAWA KUNG MAS MATALINO SIYA KAYSA SA IYO! INGGIT KA LANG!"
"CHEKWA!" Sagot ni Leslie na nakabulagta sa sahig at mukhang umaapaw na ang dugo niya sa galit.
"BUTI CHEKWA LANG AKO! IKAW, SANA PINAHID KA NA LANG NG TATAY MO SA KURTINA!" Sigaw ni Tammy straight sa pagmumukha ni Leslie.
"Tumigil na kayo!" Sigaw ni Leianne sa gilid, na umiiyak na sa mga pangyayari.
"HANGGANG KAILAN KA DI LALABAN, LEIANNE? GINAGAGO KA NA NITONG LECHENG BRUHA NA ITO!" Lingon ni Tammy kay Leianne.
Nasampal pa ni Tammy si Leslie sabay sabunot habang sumisigaw ang mga nakapalibot sa kanila. Magsasalita na sana si Leslie nang dumating ang adviser ng 1-Emerald na si Ma'am Astor.
"MISS CHO AT MISS MARTIN! BUMANGON KAYO DIYAN AT MAGPUNTA TAYO SA PRINCIPAL'S OFFICE, NGAYON DIN!"
Lumapit si Ma'am Astor sa gitna ng kumpulan at hinabot sila Tammy at Leslie sa collar ng mga blouse nila.
Bumangon sila Tammy at Leslie, na parehong mukhang sabukot ang mga buhok at uniporme.
Lahat kami ng nanonood ay sumunod sa Principal's Office. Tila nakalimutan namin ang gutom dahil sa mga pangyayari.
☆☆☆
"Nakita ko po kasi na kausap ni Leslie at Marla si Leianne kanina bago mag lunch, sa labas ng classroom namin. Tinulak pa nga ni Leslie si Leianne. Kaya sinugod ko po siya at dinepensahan si Leianne. Ako po unang nanampal kay Leslie, tapos sinabunutan niya ako. Sinabunutan ko rin siya, hanggang sa mabulagta kami sa sahig at nagsabunutan."
Ito ang kwento ni Tammy kay Ma'am Benitez na principal at Ma'am Astor. Nasa opisina niya kami ngayon: ako, si Tammy, Leslie, Marla, Leianne, at Jabe. Nasa magkabilang dulo ng lamesa kami nakaupo; sila Leslie at Marla sa kaliwa habang kaharap nila sila Tammy at Leianne. Nakatayo naman kami ni Jabe sa likod nila Tammy at Leianne.
"Mali makipag-away, Miss Cho," paalala ni Ma'am Benitez.
"Ma'am, sinugod ko lang si Leslie kasi nalaman ko na matagal na pala niyang binu-bully si Leianne! Ni-lock pa nga niya si Leianne sa storage room!" Tinignan ni Tammy si Leslie na may panlilisik ng mga mata.
"How true is that?!" Tanong ni Ma'am Benitez.
"Ma'am, nagpapatulong lang ako kay Leianne sa mga assignments ko!" Sigaw ni Leslie.
"Nagsisinungaling siya."
Tumayo si Leianne at humarap kay Ma'am Benitez.
"Totoo po na kinulong ako nila Leslie sa storage room two days ago. Si Bearwin po ang tumulong sa akin pati na rin po si Kuya Dennis sa kabilang building... ang totoo po niyan, ako po ang gumagawa ng assignments nila Leslie at Marla kasi binu-bully po nila ako. Tapos pag di ko ginawa, sisiraan po nila ako lalo na kay Sir Ivan. Two weeks na po nilang ginagawa iyon sa akin."
The truth has been spoken. Natahimik ang buong Principal's Office sa rebelasyon ni Leianne.
"Totoo ba iyan Leslie?" Galit na tanong ni Ma'am Astor.
Defiant na tumingin si Leslie sa class adviser niya. Nanginginig ang labi niya hanggang sa mapayuko siya.
"Ma'am... totoo po iyon," hikbi niya.
Di na niya napigilan ang sarili na umiyak.
"Gusto ko lang po maging first honor... kaya ko po ginagawa iyon. I hate Leianne so much..." iyak niya. "Lagi... lagi niya ako nalalagpasan since Grade Five po kami... gusto ko lang po maging first honor..."
"DI KASALANAN NI LEIANNE KUNG MAS MATALINO SIYA SA IYO, PUNYETA KA!" Sigaw ulit ni Tammy sa kanya. Akmang sasampalin na naman niya si Leslie pero pinigilan siya ni Jabe mula sa likod niya. Hinawakan ni Jabe ang mga braso niya habang patuloy siyang nagsisisigaw na, "INSECURE B*TCH KA KASI! IMBIS NA TULUNGAN MO SARILI MO, NANG-AAGRABIYADO KA PA NG IBANG TAO!"
"Your language, Miss Cho!" Pinalo ni Ma'am Benitez ang ruler sa ibabaw ng table niya.
"Ma'am, tawagan na po natin mga parents nila," mungkahi ni Ma'am Astor.
"Mabuti pa nga. Dapat pumunta na sila dito today. Sige, mag lunch na kayo. Leslie and Marla, dito kayo kakain sa opisina ko. Kina Leianne, kumain muna kayo saglit," utos ni Ma'am Benitez.
"Kukunin ko lang po mga baunan namin," sabi ni Marla. Tumayo siya at tahimik na lumabas ng kwarto. Iyon lang ang panahong nagsalita siya pagkatapos ng mga pangyayari.
☆☆☆
Ganito ang mga pangyayari nang matapos na ang araw:
1. Kumain kami nila Leianne, Jabe, at Tammy sa canteen. Buti wala nang masyadong tao, though may mga dumadaan at nakikipag- high five kay Tammy. Congratulations daw iyon kasi nilabanan niya si Leslie, na bully pala sa klase nila.
Meanwhile, walang tigil sa pag-iyak si Leianne habang kayakap siya ni Tammy.
2. Agad dumating ang nanay nila Leslie at Marla, pati na rin ang mommy ni Tammy. Of course, shocked sila nang malaman nila ang nangyari, lalo na ang nanay ni Leslie, na nanampal sa kanyang anak. Hindi siya natutuwa na nambubully si Leslie para lang maging first honor.
Pinatawag din ang tatay ni Leianne. Mukha ng panlulumo ang nadatnan namin nang malaman niya ang nangyayari sa anak niya. Nagkaroon ng conference at di na kami nakapag-klase.
Natapos ang araw na may agreement ng class adviser, principal, at disicipline officer na maki-kick out si Leslie Martin for bullying and assault. Pinatunayan iyon ni Kuya Dennis na sinubmit ang incident report tungkol sa storage room incident (with my sign na rin). Matatanggalan na rin siya ng ranking sa second honors, at ire-recommend siya sa isang psychologist. Nalaman namin na may problema rin siya sa tatay niya. Other family sila ng nanay niya at ginagawa niya na maging honor student para naman daw mahalin siya ng tatay niya kahit papaano.
Suspended naman din sila Tammy at Marla for one week. Sila ang maglilinis ng library at mga comfort rooms sa lahat ng floors ng high school building. Buti at pumayag mga nanay nila dito, lalo na si Tita Celia na nanay ni Tammy.
Lumabas kami ng office ni Ma'am Benitez after dismissal hours. Simula ng araw na iyon, di na babalik sa Mary Mount si Leslie Martin.
☆☆☆
Isang linggo pinayagan si Leianne na umabsent para maka-recover siya sa mga pangyayari. Usap-usapan sa buong batch namin ang pakikipag-away ni Tammy kay Leslie, ang pagkakakulong ni Leianne sa storage room, at pagka-kick out kay Leslie.
Buti naman kick out na iyan si Leslie. Lahat naman sa Emerald, binu-bully niya.
Weird si Leianne pero mas gusto ko siya kaysa kay Leslie.
Crush lang kasi ni Leslie si Sir Ivan kaya siya bully kay Leianne. Di halata si Sir Ivan na peyborit niya si Leianne!
Kaya pala sobrang tahimik si Leianne noong mga nakaraang araw. Akala ko friends ulit sila ni Leslie.
Musta kaya sila Tammy at Marla na naglilinis ngayon ng mga comfort rooms?
Wala kaming balita nila Jabe kay Leianne. Kay Tammy naman, ang kwento lang niya ay nagi-isnaban sila ni Marla pag magkasama sila na naglilinis sa C.R. or library.
Sana maging maayos na si Leianne pagbalik niya next week. Sabi ng tatay niya, dadalhin muna siya sa Calamba para maka-cope siya sa nangyari sa kanya. Parang bakasyon lang naman, sabi niya.
Di ko na papayagan na ma-bully siyang muli. Kami nila Tammy at Jabe ay ganoon ang kasunduan.
(To be continued)
A/N: Idadagdag ko na POV ni Leianne in the next chapter! Salamat sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top