18.2-Sorry
A/N: I'll be adding Leianne's POV every now and then. Enjoy!
(Leianne's Diary Entry- Thursday, 090805)
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin noong nakaraang linggo.
Masakit pa rin kung iisipin kahit tapos na. Hindi mo basta-basta makakalimutan kung may mapait na nangyari sa iyo.
Akala ko, titigilan na ako ni Leslie porket magkaklase ulit kami sa 1-Emerald. Pero mali pala ako. Nagawa niya akong bullyhin kasama ang friend niya na si Marla. Pwersahan nila akong pinapagawa ng assignments nila para maging honor students din sila kagaya ko. Alam ko mali, pero nag-blackmail sila sa akin na gagawan nila ako ng kwento at sisiraan kay Sir Ivan pag di ako sumunod sa kanila. Natakot ako, kaya no choice.
Nang di ko na matiis ang ginagawa nila sa akin, lumaban ako. Sinabunutan ako nila Leslie at Marla at dinala sa storage room sa fourth floor at doon ikinulong. Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko. Paano pag atakihin ako ng hika tapos trapped ako sa loob? Kaya nagsisigaw ako kahit na umiiyak hanggang sa swerteng nandoon si Bearwin at tinulungan niya akong makalabas.
Tinulungan din akong makalabas ni Kuya Dennis, ang janitor sa grade school building. Sila ni Bearwin ang nag-file ng incident report at pinatago ko muna ito sa kanila.
Kinabukasan, dadalhin na sana ulit ako nila Leslie at Marla sa library noong lunch break pero nanlaban ako. Sabi ko, ayoko na. Tinulak ako ni Leslie at naisipan ko na rin na labanan ko siya, hanggang sa sumingit si Tammy, ang kaibigan ko at pinsan ni Bearwin.
At nagkaroon ng malaking away dahil sa ginawa ni Tammy.
Sa ngayon, kicked out na si Leslie sa school dahil alam na ang lahat ng ginawa niya sa akin.
Di ako masaya na kailangan pa mangyari ito para matapos lang. Pero at least, makakahinga na rin ako ng maluwag. Di na ako matatakot tuwing papasok sa klase. Very thankful ako na ang babait ng mga naging kaibigan ko. Si Bearwin, na ayaw ko noong una, ay isa na ngayong mabuting kaibigan.
Sa ngayon ay nagpapahinga ako sa bahay ng lola ko sa Calamba. Alam din niya ang nangyari sa akin pati na si Daddy. Syempre, nalungkot sila. Pero simula ngayon, palagi ko nang tatandaan ang sinabi sa akin ni Lola:
No one has the right to make you feel inferior without your consent.
Kay Eleanor Roosevelt pala galing ang kasabihang iyon.
☆☆☆
Nag-enjoy din naman ako sa bahay ng lola ko sa Calamba. After one week na nakapagpahinga at medyo naka-recover, inuwi na ako ni Daddy noong Sabado ng hapon. Umaga kami umalis, kaya nasa bahay na ako noong bandang hapon. Naka-leave naman si Daddy sa restawran, kaya nagpasya siya na bibili muna siya ng pizza sa mall para hapunan namin. Kasabay na iyon sa panonood namin ng DVD ng The Empire Strikes Back. Yes, minsan nagbo-bonding kami over Star Wars.
Nagpaalam muna ako kay Daddy na tatambay muna ko sa playground park sa malapit. Pumayag siya, basta ilo-lock ko muna ang pintuan sa bahay at huwag muna magpapagabi. So nang makaalis na siya, ako naman ang sumunod. Nag-lock ako ng pintuan tapos naglakad ako sa playground park.
Pagkadating ko doon, tahimik ako umupo sa may swing. Nag swing ako hanggang sa magsawa na ako, tapos naging steady muna ako habang nag-iisip ng kung ano-ano.
Hindi na ako papayag na maging biktima ulit ng pambubully.
Dapat, ingatan ko na ang sarili ko simula ngayon. Siguro ko babawas-bawasan ko na rin na maging vocal ako sa pagiging fan ng Star Wars. Teka, bakit ko ito naisip? Wala lang. Gaya ng sabi sa akin dati ni Bearwin, ako lang daw kilala niyang babae na fan ng Star Wars. Baka nga weird ito sa ibang tao.
"Hi Leianne."
Napalingon ako sa boses na bumati sa akin sa may tabi.
Si Leslie Martin pala ito.
Naalala ko ang pangako ko sa sarili. Tumayo ako sa swing para harapin din siya. "Oh, guguluhin mo ako ulit? For the last time, tigilan mo ako."
Naisipan ko nang layuan siya. Kainis, bakit niya ako nakita dito? Pero na-realize ko na taga rito din siya sa lugar namin at sa malapit lang nakatira.
Papalakad na sana ako nang tinawag niya ulit ako.
"Leianne, sandali lang. May sasabihin ako. Sana pakinggan mo muna ako, please.
Nilingon ko siya at nilapitan sa may swings. "Sige, sabihin mo na ngayon, pero sana after nito, di na tayo ulit magkikita."
Huminga si Leslie at nagsimula.
"Leianne, kasi.. ano... noong una kasi... okay, inaamin ko, naiinggit talaga ako sa iyo. I hate you. Kasi ikaw ang naging valedictorian noong Grade Six. Tapos ang talino mo pa rin ngayon. Parang kahit anong gawin ko, di talaga kita malalagpasan. Di ko matanggap na ikaw lagi number one."
Kinagat ni Leslie ang labi niya at nagpatuloy.
"Kaya ko lang gusto maging first honor kasi para mapansin ako ng tatay ko. Anak kasi ako sa labas. Si Daddy nagpapaaral sa kin pero di niya kami ina-acknowledge pwera na lang sa pagbibigay ng financial support. Sabi ni mama, the only way for him to be proud of me is to be smart in school. Pero mali rin siya doon. Pagkatapos ng meeting natin sa principal, sinabihan ako ni mama na di baleng di ako honor, basta mabuti akong estudyante at tao..."
Tinignan ko lang si Leslie nang walang reaksyon habang nagsasalita siya. Tinitignan ko kung sincere siya. Hanggang sa mapayuko siya at nagsimula nang lumuha.
"Sana alam mo kung gaano kasakit yung nangyari sa kin dahil sa pagiging selfish mo!" Sigaw ko. "Having a miserable life doesn't mean na maging a-hole ka na rin sa ibang tao! Di iyon pinapasa mo sa kanila lahat ng pasakit mo!"
Whoa, sinabi ko talaga iyon nang pasigaw? Nagulat ako sa sarili ko.
"Leianne, sorry... Sorry."
Iyon lang ang nasabi niya sa akin sa gitna ng pag-iyak niya.
Matagal ko siyang tinignan habang umiiyak lang siya sa harapan ko.
Maya-maya, di ko na namamalayan ang sarili ko na papalakad sa kanya. Niyakap ko siya without thinking twice.
"Sorry Leianne..." iyak ni Leslie.
"Sana di ka na maging bully ulit sa new school mo," paalala ko.
Leslie broke free from me. "Sa Canada na ako mag-aaral. Nakahanap na work ang mama ko bilang nurse. Di na kami aasa sa financial support ni daddy. Siguro... di ko na rin siya tatay simula ngayon. Alam mo ba Leianne, isa pang bagay na kinaiinggitan ko sa iyo, yung may mga kaibigan ka na mahal ka. Pati tatay mo, mahal ka rin. Si mama kasi, minsan na rin niyang nasabi sa kin na sana pinahid na lang daw ako ni daddy sa kurtina. I guess I was a mistake. Pero di pa rin ako tumitigil sa kakapangarap na mahalin din ako ng totoo ng mga tao sa paligid ko."
"Leslie, huwag ka ganyan sa sarili mo. Pwede ka pa rin magbago. Wala akong nanay, pero di ako masama loob kahit na malungkot."
For the first time, ngumiti ako sa kanya.
"Salamat..." Pinunasan ni Leslie ang luha sa mata niya at ngumiti na rin siya.
Sa totoo lang, umaliwalas mukha niya pagkaiyak niya. Para bang napuno ulit siya ng pag-asa na magpatuloy ulit sa buhay.
"Sige Leianne... I hope I can change for the better. Napatawad mo pa rin ako, pati na rin si mama. Magtutulungan na kami ngayon, lalo na sa ibang bansa na kami titira. Talagang di na tayo magkikita, so tutuparin ko pangako ko sa iyo," tawa niya.
"Good luck sa inyo," sabi ko. "Ingat."
Leslie smiled at me for the last time and naglakad na rin siya palayo sa akin.
That was the last time I ever saw her. I hope na maging maayos siya sa bago niyang buhay abroad.
Umuwi ako ng bahay na magaan na rin ang pakiramdam ko. At di na rin masama ang loob ko.
At, masaya kaming kumain ni Daddy ng pizza sabay nood ng The Empire Strikes Back. Oo nga pala, naikwento ko sa kanya ang nangyari sa playground.
(To be continued)
What do you think?
If you're enjoying this story, feel free to vote, comment, and add to your library! Thank you! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top