16-Worried

Noong gabing iyon, inamin ko sa sarili ko na crush ko na si Leianne.

Iyong mga panahong napapangiti rin ako sa bawat ngiti niya sa akin, ang mga palihim kong sulyap sa kanya pag di siya nakatingin, ang kasiyahang nadarama ko tuwing kami'y magkasama-iyon na pala ang mga signs na nagugustuhan ko na pala siya.

Natutuwa ako tuwing naiisip ko siya. Pero at the same time, nangangamba rin ako sa aking nadarama. Paano pag nalaman niya? Nahihiya ako na baka magalit siya sa akin pag nalaman niya na nagiging higit pa sa isang kaibigan ang damdamin ko para sa kanya.

Kaya ang magandang solusyon para dito ay ang itago ko na lang.

Di ako pwedeng magpahalata na may crush na ako sa kanya.

☆☆☆

Sa mga sumunod na araw, di ko maitanggi sa sarili ko ang kasiyahang dala pag kasama ko si Leianne. Pero di rin ako dapat magpahalata. Kaya dinadaan ko na lang sa pagiging makulit ang trato ko sa kanya.

"Leianne, paturo naman sa Algebra." Ngumiti ako sa kanya habang naglalakad kami pauwi galing school.

"Ito naman oh, di ba naturuan na kita kahapon?!" Umismid siya sa akin, pero bigla siyang natawa.

"O, anong nakakatawa?" Tanong ko.

"Eh kasi... hehe... sinusubukan kong magmukhang seryoso, pero di ko mapigilan!" At napahalakhak na nga siya.

"Ang cute mo kayang tignan pag sinusubukan mong maging seryoso!" Komento ko.

"Eh kung magalit ako sa iyo, matatawa ka pa ba?" Kinunot ni Leianne ang noo niya at sinubukan magmukhang galit.

"Hehehe, cute pa rin eh!" Napakurot ako tuloy sa pisngi niya.

"Hoy!" Pinalo tuloy ni Leianne ang kamay ko. "Ayan, ang sakit!" Hinimas niya ang pisngi niya kung saan ko siya kinurot.

"Sorry po," paumanhin ko.

Inirapan lang ako ni Leianne at patuloy lang kaming naglakad ng walang imik sa isa't isa.

Nang makarating na ako sa kalye namin, sinabi ni Leianne:

"Sige, hanggang dito na lang. Mag-aral ka pag may time ah?"

"Yes, Ma'am!" Sumaludo ako sa kanya. "At huwag ka nang magalit, Princess Leianne," dagdag ko.

"Princess Leianne ka diyan!" Ngumuso siya nang sinabi niya iyon.

"Ayaw mo ba maging prinsesa gaya ni Leia Organa?" Napangiti ako sa kanya.

"Wow, alam mo na apleyido ni Princess Leia!"

"Oo naman, kasi gusto ko maging Han Solo mo!" Kinindatan ko siya.

"Ewan ko sa iyo, nerf herder! Maka-alis na nga! Bye, Bearwin!"

Tinalikuran niya ako at patuloy na naglakad.

Natatawa ako sa itsura ng mukha niya kanina. Parang pigil na pigil ang tawa niya habang sinabi niya ang huli niyang kataga:

Ewan ko sa iyo, nerf herder!

Sana napapansin niya na alam ko na mga Star Wars facts dahil sa kanya. Gusto ko siyang ma-impress sa akin.

At sana, alam din niya na totoo ang sinabi ko: gusto ko ako ang maging Han Solo niya.

Sana, balang araw, magkatotoo iyon.

☆☆☆

Mukhang nainis si Leianne noong kinurot ko siya. Napansin ko kasi sa mga sumunod na araw na di na siya sumasabay sa amin tuwing lunch at after classes.

"Tammy, bakit di na sumasabay si Leianne?" Tanong ko sa pinsan ko habang tumatambay kami sa school garden kasama si Jabe.

"Naku, may ginagawa lang siyang research assignment para sa English class kaya busy siya," sagot sa akin ni Tammy.

"Masyado nang masipag iyan si Leianne," dagdag ni Jabe.

"Oo nga eh. Well, let her be. Next week na kasi deadline kaya nagsisipag siya ng todo," sabi ni Tammy. "Alam mo naman, siya kasi ang first honor ng batch, di ba?"

"Mukhang nami-miss na ng isa diyan si Leianne," sulyap sa akin ni Jabe sabay ngiti.

"Mukha ngang overly concerned si Bearwin," ika ni Tammy.

"Oi, nagtataka lang kasi puro aral na ata ang ginagwa niya," wika ko.

"Yihee! I knew it! Crush mo nga siya!" Sinagi ako ni Tammy.

"Ito naman, concerned lang, crush na agad!"

Hindi na ako nagsalita pa. Siguro naman next week, sasabay na ulit siya sa amin.

☆☆☆

Pero pagkatapos ng linggong iyon, mas lalong naging mailap si Leianne.

Tinanong ko ulit si Tammy kung bakit di na naman siya sumasabay sa amin, pero ito lang sinabi niya:

Busy kasi siya kaya ganoon.

Eh di ba siya nagkukwento sa iyo? Di ba seatmate mo siya?

Hindi eh, kasi iniba na mga seating arrangements namin. Halos di ko na nga siya makausap these past few days. Tuwing aayain ko na sumabay siya sa atin, sasabihin niya sa library lang siya. Mag-aaral daw.

Ang weird naman ng kasipagan niya sa pag-aaral.

Oo nga eh. Sana ma-corner ko siya one of these days. Basta Bearwin, gagawin ko iyon.

Thank you, Tammy.

Ganoon ba talaga pag first honor ka? Kailangang mag-aral palagi?

At bakit ganoon, pati si Tammy na ka-close niya, di na rin niya kinakausap?

Nagiging weird na naman si Leianne.

Di kaya nahalata niya na crush ko siya? Sana naman hindi.

Baka galit pa rin siya dahil kinurot ko siya before.

Sige, di ko na siya kukurutin ulit.

Pero bakit ganoon, may masama akong pakiramdam sa di pagsabay ni Leianne sa amin?

Ilang araw ko na siyang di nakikita kaya nag-aalala ako talaga.

Anong nangyayari sa iyo, Leianne?

Gaya ng palaging linya sa mga Star Wars na pelikula:

I have a bad feeling about this.

(To be continued)

A/N:

Leaving you with a song for this chapter, "Prinsesa" by Vfort. Cute song! Bagay kay Bearwin. Yihee. Kilig muna kasi something heavy will happen huhuhu.

P.S. Parang cuss word or mura ang "nerf herder" sa Star Wars. Said by Princess Leia to Han Solo.

Sorry for the short update. And thanks for reading!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top