15-Folder

All was well. The Empire ended, and the Alliance were the rightful victors.

With that, Han Solo and Leia Organa made a promise to love each other. Forever.

Dito natapos ang Star Wars fanfic ni Leianne na Secret Diary. Sa hinaba-haba ng kwento (50 chapters!), sila rin ang nagkatuluyan. Oo, nag-skip na ako sa ending, kasi kung magkukwento pa ako, ibang story na ito. Kaya ayan, I spoiled the ending for you. Of course, dapat sila Han and Leia ang magkatuluyan. Parang drama lang sa TV.

Sa ngayon, di pa rin alam ni Leianne na ako si Nerf Herder na anonymous na nagco-comment sa fanfic niya.

At sa pagtatapos ng fanfic niya, naging secret fan na rin ako ng Star Wars. Pinanood ko ulit ang first trilogy (Star Wars: A New Hope, The Empire Strikes Back, and Return of the Jedi), at mas lalo ko na-appreciate ang pelikula.

At ayaw ko man aminin ito, pero nakakakilig talaga sila Han at Leia.

☆☆

Going back to school life, tapos na ang first periodical test namin. At laking gulat kong malaman na ako ang may pinaka-highest score sa History exam. Sa section ko lang iyon.

Binalita ko ito sa tropa ko, at tuwang-tuwa sila. Nilibre ko sila tuloy ng chocolate sundae sa kalapit na fast food sa school namin isang Biyernes ng hapon.

"Buti pa si Bearwin, naka high score sa History exam, eh ikaw Jabe?!" pang-aasar sa kanya ni Tammy.

"Sorry naman," sagot ni Jabe sabay kain ng sundae. "Bigyan mo ako ng katalinuhan mo pati ang pag-ibig mo," ngiti niya.

"No way!" Sagot ni Tammy habang pareho kaming tumatawa ni Leianne.

"Itong dalawang 'to, nananahimik lang," pansin ni Jabe sa amin. "Baka may di kayo sinsabi sa akin!" Naku, ayan na naman ang pang-asar niya na ngiti!

"Walang bago sa amin ni Leianne," sagot ko.

"Oi, baka nanliligaw ka na ah!" Tinawanan ako ni Tammy. "Yiheeee, if I know!"

"Kahiya kang kasama, Tammy Cho!" Sagot ko, na pigil na pigil ang tawa para magmukhang seryoso naman ako.

"Kaya ka nanlibre para maka-iskor ka kay Leianne!"

Ayaw talaga akong tigilan ng pinsan kong ito.

"Oo nga noh!" Agree ni Jabe. "Bagay kayo! Aiyeeeee!" Nakipag-high five siya kay Tammy.

"Di nga ako nanliligaw!" Sagot ko habang iniisip na Kainis itong dalawang 'to!

Tinignan ko si Leianne sa tabi ko. Napangiti lang siya ng tipid sa akin. Ano kayang naiisip niya ngayon? Naiinis din kaya siya?

"Oh, umamin na isa sa inyo na may crush kayo doon sa isa!" Suhestiyon ni Jabe.

"Wala ah!" Agad kong sinabi.

"Baka si Leianne!" Sabat ni Tammy.

"Di ko pa naiisip yun," mahinhin na sagot ni Leianne na may ngiting Dalagang Pilipina.

"Aysus!" Sabay na ekpresyon nila Jabe at Tammy.

"Hay naku, makaalis na nga! Ang iingay natin!" Tumayo ako sabay kuha ng backpack.

"Oo na, titigil na po kami!" Natatawang sabi ni Tammy.

Umalis na kami sa fast food joint matapos naming kainin ang mga sundae namin. Sumakay na si Jabe ng jeepney pauwi sa kanila, habang nagpa-iwan naman si Tammy sa fast food. "Susunduin kasi ako ni mama. Magsho-shopping kami," kwento niya.

"Okay, mauna na kami ni Leianne. Sabay na lang kami maglalakad papunta sa amin," sabi ko.

"Alagaan mo iyan si Leianne!" Bilin sa akin ni Tammy. "Yeeeee!" Tili niya.

"Tumigil ka nga diyan!" Sabi ko.

"Okay lang kami Tammy," dagdag ni Leianne.

"Okay, bye!"

Kumaway sa amin si Tammy at naglakad na kami papalayo sa kanya.

Kaya naman lakarin ang lugar namin nila Leianne mula sa fast food joint, kaya nag-decide na kaming maglakad, kasi mas makakatipid ka nga naman. Naglakad ako sa left side para ingatan si Leianne mula sa mga sasakyan na papunta sa direksyon namin. Habang naglalakad kami, pareho kaming walang kibo sa isa't isa.

Nag-isip ako ng pwedeng ikwento kay Leianne. Sumagi agad ang fanfic niya sa isipan ko, pero ayoko naman ikwento. Di ba, sabi ko sa kanya, di ko binasa ang fanfic notebook niya?

Binaling ko ang tingin ko sa kung ano mang hawak ni Leianne. Folder pala ito na Star Wars ang design.

"May folder ka ng Star Wars?" Galak kong tanong.

"Ah, eto?" Inangat niya ang folder na hawak niya, na may design ni Luke Skywalker. "Oo, bigay sa akin ng Ninong ko. Kakarating lang niya galing States at alam niyang favorite ko ang Star Wars. Kapatid pala siya ni Daddy," kwento niya.

"Cute nga eh," dagdag ko. "Hindi kasi lahat ng babaeng kakilala ko, mahilig sa Star Wars. Kahit si Tammy. Mostly, gusto nilang gawin, mag-make up o pag-usapan mga crush nila."

"Di ko kasi hilig pag-usapan mga make-up o crush," sabi ni Leianne.

"Wala ka bang ibang hilig bukod sa Star Wars?"

"Hilig ko rin kumain," ngiti niya. "Kaya gusto ko kayo kasama, kasi lagi tayo kumakain."

"Pero bakit ganoon, di ka tabain gaya ko?"

"Magpapayat ka kasi, Bearwin!" Sinagi niya ako sa tagliran sabay tawa.

"Para mo na rin sinabi na pangit ako!"

"Di ka pangit, Bearwin!" Pag-a-assure niya sa akin. "Eh ako? Nerd ba ako kasi nakasalamin ako?"

"Naka salamin lang, nerd na agad?! Kasing-ganda mo nga si Princess Leia!"

"Talaga? Galing naman mambola nito!" Pinalo ako ni Leianne sa balikat.

"Walang halong bola iyon! Basta, kasing-ganda mo siya. Sino bang artista si Princess Leia?" Tanong ko.

"Si Carrie Fisher!" Sagot ni Leianne. "Pero mas maganda iyon sa akin!"

"Di ah! Mas maganda ka sa kanya!"

Sinabi ko iyon ng walang halong bola.

Nauna akong nakarating sa bahay, at dun na kami nagka-paalamanan ni Leianne.

"See you next week, Bearwin!" Ngumiti siya sa akin.

"Okay, bye!"

Huli kong nakita kay Leianne ang ngiti niya sa akin.

Gumanda siya lately, naisip ko.

Di ko rin mapigilan ang pagngiti.

Di ko mapigilan ang sarili ko na maisip si Leianne hanggang sa makatulog ako nang gabing iyon. Tinignan ko pa nga itsura ni Carrie-Anong-Apleyido-Niya sa Internet para lang tignan kung mas maganda siya kay Leianne.

Nang makita ko pictures ni Carrie-Princess-Leia sa Google, na-realize ko na maganda nga siya.

Pero ngayon, alam ko na kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa.

Naku, ito ba ang tinatawag nila na crush?

(To be continued)

A/N:

Yihee! Si Bearwin, nagkaka-crush!

Image provided is Leianne's folder.

Kwento lang: Minsan na akong pinasalubungan ng tita ko ng Queen Amidala na t-shirt sa States.

Okay, ako na puro hugot sa kwentong ito. Lol.

Thanks for reading and dealing with PB's "Hugot sa Star Wars" moments!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top