13-Welcome to High School

A/N: I'm using the old high school curriculum in this story, yung 4 years of high school.

Isang maaraw na umaga ang sumalubong sa akin sa simula ng pasukan tuwing Hunyo.

First year high school na pala ako. Kahit sa Mary Mount pa rin ako nag-aaral simula Grade 1, at kabisado ko na ang bawat lugar dito, medyo kinakabahan pa rin ako pagtungtong ko ng high school building. Ito na ang pinakamalaking building sa buong paaralan, at pinakamaganda rin sa lahat ng lugar dito sa school.

Nasa gitna ito ng quadrangle kung saan may garden na nakapalibot sa estatwa ng Mahal na Birhen. May apat ito na palapag kung saan nandoon sa bawat floor ang mga clasrsrooms ng iba't ibang year level. Since first year kami, doon muna kami sa ground floor ng building. Habang naiisip ko ito, nae-excite din ako na maabot ang tuktok ng high school building pag fourth year na kami. Doon kasi ang rooftop kung saan tumatambay ang mga seniors. Tapos, maganda pa ang view doon mula sa itaas.

Pero matagal pa mangyayari iyon. Concentrate muna tayo sa magiging buhay ko as a first year high school student.

Una kong ginawa pagpasok ko ng high school building ay lapitan ang bulletin board kung saan nakapaskil ang list of sections. Tinignan ko ang first year side ng board. May anim na papel kung saan nakalista ang mga students per section. Anim na sections, na naglalaman ng 40 students. Oo, ganoon karami ang mga students dito sa Mary Mount. Marami rin kasing newcomers pag first year.

Agad kong nakita ang pangalan ko sa pangalawang papel. Paano mo di makikita, class number 3 ako.

FIRST YEAR, SECTION TOPAZ

3. Cho, Bearwin Jude

Aba, buong pangalan ko nakatype ah. Oo, may Jude ako sa pangalan. Si daddy nakaisip noon, kasi para di raw boring ang pangalan ko. Pero para sa akin, mas katawa-tawa pakinggan. Ewan, ayoko lang na may Jude sa pangalan ko. Naalala ko tuloy ang kanta ng The Beatles na "Hey Jude".

Malayong-malayo ako sa Jude sa kanta, kaya di ko nilalagay ang full name ko sa mga test papers. Swak na Bearwin Cho sa akin, thank you.

"Nahanap mo na section mo?"

Napalingon ako nang marinig ko si Tammy. Magkasabay kami sa school sakay sa kanyang kotse, pero mas nauna akong pumasok kaysa kay Tammy. Nag breakfast kasi siya sa malapit na fast food, dahil gusto raw niyang kumain ng Sausage Muffin Sandwich. Sa saksakan ng yaman nila Tammy, nai-imagine ko kung gaano karaming paper bills ang nasa wallet niya. Oo, kaya niya mag breakfast sa fast food araw-araw kung gugustuhin niya.

"Andiyan ka na pala, Tammy. Wow, bagay sa iyo uniform ng girls!" Suot niya ang white short-sleeved collared blouse na may navy blue vest at matching knee-length skirt, tapos black mary jane shoes at white ankle socks.

"Xie xie!" Napangiti siya at nag-twirl sabay ikot ng palda. Nakalimutan ko, laking Hong Kong si Tammy at marunong din siya ng Chinese.

Ang kyut talaga ng pinsan ko. Sa ganda niya, pinagtitinginan na siya ng ibang guys na naghahanap din ng section nila.

"Oh, hanapin mo na section mo!" Inakay ko si Tammy para di na siya tignan masyado ng mga guys at dinala sa harap ng bulletin board.

"Anong section mo Bearwin?" Tanong niya habang inii-scan ang board.

"Topaz. Ikaw?"

"Ayun, nahanap ko na! Section Emerald!" Tinuro niya sa akin ang papel kung saan nakasulat ang pangalan niya.

"Kaklase mo si Leianne!" Agad kong napansin ang name na Leianne Avila. Class number 1.

"Wow, gusto ko na siyang maging friend!" Natutuwang sabi ni Tammy.

"Oh, andito na pala kayo!" Lumapit si Leianne kasama si Jabe, at nakipag-apir ako sa kanilang dalawa.

"Hi Tammy!" Bati ni Leianne sa kanya.

"Leianne! Classmates tayo sa section Emerald!" Napayakap sa kanya si Tammy, na ikinagulat naman ni Leianne.

"Talaga?! Eh di seatmates tayo!" Natutuwa rin naman si Leianne sa balitang iyon.

"Sayang, di natin classmate sila Bearwin," nanghihinayang na sabi ni Leianne sabay tingin sa aming dalawa ni Jabe.

"Ayos lang iyon," sabi ko sa kanya.

"Kasama ko naman si Bearwin, at pwede tayo magkita tuwing lunch at after school. Pareho tayo ng lunch sched," dagdag ni Jabe. "Naks, cream section kayo ah."

"Friend mo?" Tanong ni Tammy sa akin. Si Jabe pala tinutukoy niya.

"Ah, oo. Jabe, si Tammy, pinsan ko. Dito siya mag-aaral," pagpapakilala ko.

"Hi Tammy!" Nakipagkamay siya kay Tammy, na sinuklian niya ng ngiti. Nahalata ko agad kay Jabe ang tingin niya sa pinsan ko, na kagaya rin ng mga tingin sa kanya ng ibang boys.

"Nahalata ko iyon," bulong ko kay Jabe.

"Alin?"

"Tigilan mo iyan nanlalagkit na tingin mo kay Tammy," paalala ko.

"Parang nagagandahan lang," sagot niya.

Nag-ring na ang bell, na nagsasabi na magsisimula na ang klase.

"Sige guys, punta na kami sa Emerald," sabi ni Leianne.

Inakbayan siya agad ni Tammy. "See you later!"

Naglakad ang dalawa na may kandirit pang kasama.

"Oh, isang taon na naman tayong magkasama," sabi ni Jabe sa akin.

"Pakopya ng assigment," biro ko sa kanya.

"Oo ba," tawa ni Jabe.

Papalakad na kami nang mapatingin ako sa bulletin board. At nakita ko na naman si Leslie.

"Section Emerald? Ano ba iyan, kasama ko na naman si Leianne Avila na iyan!" Nakasimangot siya habang nagbabasa ng listahan. Pagkabasa ay padabog siyang naglakad papunta sa classroom ng 1-Emerald.

"Tol, classmate ni Leianne si Leslie," kwento ko kay Jabe habang papunta sa Section Topaz.

"Talaga? Natural, pagsasamahin ang valedictorian at salutatorian."

"Paano pag mambully ulit si Leslie?" Pag-aalala ko.

"Relax, di na makakagalaw iyan kasi wala na lahat ng tropa niya dito. Lumipat sila sa St. Stephen. At kasama niya pinsan mo, siguro wala naman mangyayari diyan kay Leianne."

Alam ko pinapakalma lang ako ni Jabe. Pero bakit ako napa-praning na may di magandang mangyayari basta magkasama sila Leianne at Leslie sa isang section?

Sana nga napa-praning lang ako.

Think postive, Bearwin. Magiging okay ang buhay first year niyo.

A/N: Alam niyo yun, yung minsan ayaw niyo pangalan niyo? Bearwin has that feel, lol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top