11-Four-Leaf Clover

Pagpasok ng Bagong Taon, dun ko lang naisip na ang susunod na tatlong buwan ay ang huling mga araw ko na sa grade school. Maghi-high school na pala ako sa susunod na pasukan. Ibig sabihin noon, di na ko pwedeng maging isip bata. Hindi naman sa gusto ko na agad mag-mature; ibang mundo na kasi ang high school at mukhang mas kailangan ko nang magseryoso sa pag-aaral. Bukod pa diyan, di ko na magagawa yung mga pranks na ginagawa namin nila Jabe. Mas marami na kasing mga striktong guro sa high school.

Pero matagal pa namang mangyayari yun. Sa ngayon ay balik-eskwela na kaming lahat. Maloko pa rin si Jabe, habang si Leianne naman ay mas maayos na rin ang lagay sa school. Sa katunayan nga, running siya for class valedictorian. Mataas ang lahat ng scores niya noong huling periodical test, habang pasang-awa na naman kami ni Jabe. Paano niya nagagawa iyon habang busy rin siya sa pagsusulat ng Star Wars na fanfic? Siguro iba nga talaga pag matalino ka.

At dumaan ang January at February nang di ko napapansin.

☆☆☆

"Ang galing mo naman mag-aral! Pahingi naman kami ng mga powers mo Leianne!" Pabirong sabi sa kanya ni Jabe. Marso na ngayon at nagpa-praktis na kami para sa graduation ceremony namin.

"Ako lang ang meron nun, kaya di ko maibibigay sa inyo," pang-aasar niya.

Nakikinig lang ako sa biruan nila habang nakaupo sa auditorium. Buong batch ng grade 6 ay nandito, at tinitignan lang namin ang titser na nagbibigay ng reminders. Last practice day na pala ito.

"Ikaw, Bearwin, gusto mo ng katalinuhan ko?" Biglang tanong sa kin ni Leianne.

Napalingon ako. "Huh?" Buti narinig ko, kasi wala naman akong pakialam sa pinag-uusapan nila ni Jabe.

"Kung may bibigyan ako ng powers na maging matalino, si Bearwin ang bibigyan ko," sabi niya kay Jabe.

"Unfair naman iyan! Siya lang?" Kunwaring sumimangot si Jabe sa kanya.

Natawa ako, at iniba ang usapan. "Marami nang aalis dito para mag high-school sa St. Stephen. Dito pa rin kayo sa Mary Mount?" Tanong ko.

"Oo naman, bakit pa ako lilipat? Ayaw nga ni mama sa St. Stephen. Marami raw sila magbigay ng assignments doon," kwento ni Jabe.

"Scholar ako for first year of high school, kaya dito na rin ako," sagot ni Leianne.

"Ayos! Magkakasama ulit tayo!" Nakipag-high five ako kina Jabe at Leianne.

"Oo nga eh, pero dito rin si Leslie." Tumingin si Jabe sa stage kung saan nakatayo si Leslie. Nakikipag-usap siya sa class adviser niya.

"Ay, dito na naman siya? Ayokong makaklase iyan," sabi ko. "Buti na lang, di siya ang class valedictorian. Mas gusto ko pa si Leianne kaysa sa kanya."

Napatingin ako kay Leianne. Pilit siyang ngumiti sa akin nang walang sinasabi. Bakit bigla siyang mukhang uncomfortable?

Doon ko lang nalaman na kadadaan lang ni Leslie malapit sa aisle namin pagkasabi ko ng comment tungkol sa kanya. Napalingon siya at naka-ismid sa akin.

Hinayaan ko na lang siya. Wala naman siyang magagawa kung siya ang class salutatorian at naiinggit siya kay Leianne.

☆☆☆

Dumating ang pinakahihintay na araw ng graduation day. Lahat ay nakaakyat ng stage at natanggap ang mga diploma nila. Masaya na rin ako na may diploma ako, at di naman isyu sa parents ko kung passing mark lang ang mga grades ko. Babawi na lang ako pagtungtong ko ng high school.

Nakinig akong mabuti nang mag valediction na si Leianne. Mukha siyang angelic sa kanyang puting toga habang nagsasalita sa platform sa stage.

Good afternoon, classmates, friends, teachers, and parents.

When I first came here to Mary Mount, I was shy, quiet, and always alone. I only wanted to do well in class. Go to school, attend classes, get high grades, and go home; that was my only concern.

But then, I realized that you also need to learn to make friends, for no man is an island. No matter how few they are, as long as they're true friends, they will inspire you to succeed. I thank my friends who were there for me---

Tumingin siya sa amin ni Jabe at tumawa. Napangiti rin ako at kinawayan ko siya.

---And I know that we will stick with each other.

Thank you also, dear teachers, who helped us learn and grow.

I also thank my dad, who is the source of my strength.

We all made it here with the help of each other. I wish you all the best as we enter high school. Congratulations to our batch! God bless us all.

Natapos ang valediction ni Leianne Avila na may kasabay na palakpakan. Standing ovation nga ang buong auditorium. Maiksi ang speech niya, pero sincere. Buti na lang at natanggal ang pagka-umay ko sa naunang speech ni Leslie, na puro "I", "I am," at "Me" ang nakalagay:

I am thankful to have this gift of intelligence, which helped me made it this far.

I aim to be academically successful when I reach high school, and I am positive that I can do it.

My experience in student leadership and extra-curricular activities will help me shine brighter in the next four years of my schooling.

Puro sarili niya ang binabanggit niya. Oo na, ikaw na ang magaling.

So natapos ang graaduation day na masaya ang lahat. Tatlong gintong medalya ang natanggap ni Leianne: Best in Math, Best in Science, at syempre, ang medal for valedictiorian with one-year scholarship for first year high school.

At masaya rin ako para sa kanya.

☆☆☆

Nag-celebrate kami sa Tonyo's pagkatapos ng program. Syempre, invited si Leianne at ang daddy niya. Andun din sila Jabe at ang parents niya. Nagkainan kami at nag-usap. Nang patapos na kaming kumain, ay lumabas si Leianne. Naisipan ko siyang sundan.

Sa likod ng restawran siya pumunta, kung saan may mga upuan na nakadikit sa pader. Sinundan ko siya, at paglingon niya ay:

"Oh, Bearwin, andito ka pala!"

"Wala lang, ang ingay kasi ng parents natin sa loob."

"Wala si Jabe ah," napansin niya.

"Kausap kasi ni papa."

"Halika, maupo tayo."

Sabay kaming naupo sa mga plastic chairs. Tahimik lang kami dun at nakatingin sa madilim na langit.

May nakita akong isang lumang dyaryo sa tabi. Kinuha ko ito, pinunit ang isang pahina sa kalahati, at hinati pa para pilasin ulit. Nagkorteng square na ito, at nilupi-lupi ko. Nang matapos, ay four-leaf clover na ang kinalabasan.

"Para sa iyo." Inabot ko ito kay Leianne.

"Uy, orgiami ulit! Four-leaf clover ito ah!" Galak niyang pinagmasdan ito habang nakangiti.

"Para swertehin ka sa high school," sabi ko.

"Thank you...Saan ka nakahanap ng papel? Ay, diyaryo pala ito," napansin niya.

"Meron sa tabi ko." Kinuha ko ang papel at inabot sa kanya.

"Teka, makapag-origami nga rin."

Pinanood ko siyang nilupi-lupi ang papel at nang matapos, ay si Yoda ang kinalabasan.

"For you!" Inabot niya si Paper Yoda.

"Salamat!" Natutuwa kong sagot. "Marunong ka na rin pala!"

"Inaral ko si Yoda na binigay mo dati. Kailangan mo ng mas malaking Yoda para tumalino ka naman ngayong high school!" Biro niya.

"Ito naman, matalino na ako!" Tawa ko.

"Basta, wag ka na maloko ah!"

"Oo naman! Takot nga ako ma-principal's office dahil kay Ma'am Benitez!" Siya ang pamosong high school principal na kilala dahil super strict siya at nakakatakot.

"Sana di siya gaanong nakakatakot," sabi ni Leianne. "Mami-miss ko si Ma'am Garcia, pati si Kuya Dennis." Si Ma'am Garcia ang grade school principal at si Kuya Dennis ang janitor, na kaibigan naman ng lahat.

Natahimik kami ulit at napatingin sa langit. Ganda ng mga stars ngayon ah.

"Bearwin, uuwi muna ako sa probinsya. Doon muna ako magbabakasyon," sambit ni Leianne.

"Ah, di ka muna tutulong sa restawran?" Meydo nalungkot ako sa balita niya.

"Oo nga eh. Don't worry, pagdating ng katapusan ng May, andito ulit ako."

"Yun naman pala."

"Balik na ako sa loob."

Tumayo si Leianne. Bago siya umalis, ay niyakap niya ako saglit.

"Thank you pala, Bearwin".

Wala akong masabi. Lumingon ako at pinanood ko lang siya na papasok sa restawran.

Ngayon ko lang nalaman na ang sarap sa pakiramdam nang niyakap ako ni Leianne.

Mami-miss ko siyang kasama ngayong summer break.

P.S. Di ko siya crush ah? Bata pa ako para doon. Hehe. Aral muna ako ng high school.

(To be continued)

Salamat sa nagbabasa! :) Feel free to vote and comment!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top