CHAPTER 6

TININGNAN ni Alessandra ang dalawang lalaking nag-uusap, pagkatapos ay nagkamay ang mga ito at pumasok na si Attorney Galvez na abogado nila sa sasakyan nito at umalis. 

Isang kiming ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang papalapit si Nick sa kanyang direksiyon.

"Hop in," he said and opened the passenger's door of the car.

"Hindi na, ma-je-jeep na lang ako, N-Nick." Nag-iwas siya ng tingin pagkabanggit sa pangalan nito. Sa halos dalawang buwan na nilang pagkakakilala ay hindi pa rin siya sanay na tawagin ito sa pangalan nito. Hindi rin naman sila madalas mag-usap dahil nagkikita lang sila sa tuwing may hearing sa kaso nila sa kasong attempted rape laban kay Cris Rodriguez.

They won the case to her relief. Siguro'y makakatulog na siya ng mahimbing at walang masasamang ala-ala ang dumadalaw sa kanya.

"We'll celebrate."

"Pero may trabaho pa ako sa restaurant mo."

Kamuntikan nang mapasinghap si Alessandra nang sumilay ang ngiti sa mga labi nito kasabay nang paghawak sa kanyang braso na siyang dahilan upang dumaloy ang tila boltahe sa kanyang katawan. She had a crush on Nicholas Villarama she admit. He was not bad afterall, he was a gentleman and a man with principle.

"I'm the boss, Ally. Now hop in."

Tumalima si Alessandra bago pa niya ipahiya ang sarili dahil sa panlalambot ng kanyang mga binti. She didn't know until now that a smile could melt her knees.

Dinala siya nito sa isang mamahaling restaurant. Tahimik niya iyong ipinagpasalamat dahil hindi sila sa Rigo Cuisine nagtungo. Ayaw niyang mapag-usapan ng mga kasamahan sa trabaho.

She cannot believe his benevolence towards her. Ni hindi sila personal na magkakilala ni Nick. Yes, he saved her from danger but it doesn't mean they were friends, she barely knows him and vice versa.

Magkaharap silang nakaupo sa isang mesa habang naghihintay nang in-order nito para sa kanilang dalawa. Naiilang siya dahil nakatuon na naman ang mga mata nito sa kanya.

"Tell me about yourself, Ally," basag ni Nick sa katahimikan.

"Why?" tanong niya rito sa mahinang tinig.

"I just want to know you better," he answered huskily.

"There's nothing much to tell, Nick. I have two siblings, I am the one who takes care of them when my mother died five months ago," she said, feeling melancholic at the thought of her late mother.

"I lost mine too, two months ago in a road accident."

"I'm...I'm sorry." Lalo siyang nalungkot nang makita ang pait sa mga mata nito. Kagaya niya ay mukhang hindi pa rin ito nakakamove-on sa nangyari sa magulang.

He shrugged. "I feel sorry too... Tell me more about you."

Nagpakawala siya ng hininga bago nagsalita. "I'm a college student, I'm in my last year, majoring in accountancy. I work at Rigo and at the... bar at night until dawn."

Lihim na gumaan ang pakiramdam ni Alessandra nang makitang walang pangingilag o panghuhusga sa mga mata nito nang sabihin niya ang trabaho. Sabagay, alam na naman nito na nagtatrabaho siya sa bar noong gabi iniligtas siya mula kay Lawrence.

"Hardworking," he commented.

"I have no choice, ako na lang ang inaasahan ng pamilya namin.

"Hardworking women are attractive."

Biglang nag-init ang magkabila niyang pisngi sa komento nito. She was hyperventilating inside but she managed to look presentable on the outside. Hindi niya puwedeng ipahiya ang sarili sa harap nito.

Mabuti na lang at siya namang pagdating ng kanilang pagkain kaya tahimik na silang kumakain.

"HEY!"

Hindi maitago ni Alessandra ang pagkagulat nang makita si Nick sa loob ng bar ng gabing iyon. Nakaupo ito sa harapan ng bar counter at mag-isang umiinom.

"Hi..." Agad siyang sinalakay ng hiya at pagkailang nang pasadahan siya nito ng tingin. Dalawang segundong tumagal ang mga mata nito sa kanyang dibdib na lalong ikinainit ng kanyang mukha.

Binalingan niya si Sancho at sinabi ang order ng kanyang customer. May pagtatanong sa mga mata nito habang pasulyap-sulyap kay Nick ngunit hindi na lang niya pinansin.

"Unwinding," sabi ni Nick nang muli siyang lumingon dito kasabay nang pagtaas ng hawak na kopita. Bahagya pa itong dumukwang sa kanya upang marinig niya sa kabila ng ingay sa paligid.

Tumango-tango si Alessndra. He looks like he really need some time to relive stress. Isang linggo na ng huli silang magkausap kaya siya marahil nakakaramdam ng excitement habang kaharap ito ngayon.

"Enjoy the night, Nick," aniya matapos ilapag ni Sancho ang mga alak sa kanyang harapan. Kumindat sa kanya ang kaibigan kaya napailing-iling na lang siya.

Inihatid niya ang alak sa dalawang lalaki na umiinom at mukhang lasing na base sa takbo ng pag-uusap. Akmang aalis na siya nang mailapag ang mga inomin nang hawakan siya ng isa braso at hinila paupo kaya bumagsak siya sa mga hita nito.

Binaklas niya ang kamay nito ngunit pumulupot lang ang braso sa kanyang bewang. "Dito ka lang," bulong nito sa kanyang tainga sabay singhot sa kanyang buhok.

Nanindigan ang buhok niya sa batok dahil sa panghihilakbot at nagsimulang manginig ang mga kamay na agad niyang ipinagsalikop.

"Sir, hindi po ako nagpa-pa-table," aniya na alanganing ngumiti at pinilit na kumawala sa hawak ng lalaki.

"'Wag mo 'kong ipahiya, hmm. Balita ko ikaw ang pinaka-reserve sa mga waitress dito. Name your price, baby."

Humugot ng malalim na hininga si Alessandra at inilibot ang mga mata sa loob. Busy ang lahat sa kanya-kanyang ginawa at walang makakapansin sa kanya malibang gumawa siya ng eksena. Kaya hinawakan niya ang braso ng lalaki na nakapalibot sa kanyang katawan. Akala nito ay tanda iyon ng pagpayag niya sa gusto nitong mangyari dahil narinig niya itong tumawa kasama ng kainuman.

Idiniin niya ang pagkakahawak sa lalaki hanggang sa bumaon ang kanyang kuko sa braso nito. Nabitiwan siya nito at napamura dahil sa kanyang ginawa. Mabilis naman siyang tumayo at lumayo mula sa lalaki na galit na ang nakalarawan sa mukha.

Napaatras si Alessandra nang bigla itong tumayo at nakaramdam ng kaba dahil baka saktan siya nito. Sa isang hakbang pa niya paatras ay tumama ang kanyang katawan sa isang matigas na bagay kasabay nang pagpulupot ng matipunong braso sa kanyang bewang.

She was about to panic when the man's smell invaded her nostrils. It was very familiar. And she was right that it was Nick when she looked back at him. Nakaramdam siya ng kapanatagan ng loob nang makita ito at maramdaman ang init ng katawan nito sa kanyang balat. It was reassuring and comforting.

"May problema ba rito?" Nick asked in a menacing voice.

Naramdaman niya ang tensiyon ng dalawa sa paligid na naglalabanan ng tingin. Walang gustong magpadaig ngunit naunang mag-iwas ng tingin ang lalaking nambastos sa kanya at dinampot ang alak sa kamesa kasabay ng pagtungga. Kapagkuwan ay sumuot ito sa dance floor at hinigit ang unang nakitang babae at marahas na hinalikan.

Nakatingin pa siya sa mga ito nang bigla siyang hilahin ni Nick kaya wala siyang magawa kung 'di sumunod dito pabalik sa bar counter. Nakahawak pa rin ito sa kanyang bewang habang inaalalayan siya paupo sa upuang naroon. 'Pagkuwan ay umorder nang light drinks at ibinigay sa kanya na agad naman niyang inubos upang mabawasan ang tensiyon at panginginig ng kamay dahil sa ginawa ng bastos na lalaki kanina.

"Do you trust me?"

Napalingon si Alessandra kay Nick na nakatayo sa kanyang tabi nang bumulong ito sa kanyang tainga. Kamuntikan pang magtama ang kanilang mukha. Wala sa loob na naitango niya ang ulo habang magkahinang ang kanilang mga mata.

Nang marinig ang isinagot niya ay muli siyang hinawakan ni Nick sa bewang at pinababa mula sa upuan.

"Get dress," saad nito pagkatapos siyang pasadahan ng tingin.

"Bakit?"

"We'll get out of here."

"Hindi puwede," pagtanggi niya subalit iba ang sinisigaw ng kanyang utak. Pakiramdam niya'y kaya niyang sumama kay Nick sa oras na iyon kahit saan man nito gustong pumunta.

"I'll have you for tonight, Ally."

Kumabog ang dibdib ni Alessandra sa sinabi nito at hindi malaman ang iisipin. Ano ang ibig nitong sabihin?

"You said you trust me?" panghahamon ni Nick.

"I...I do. M-Magbibihis lang ako." Mabilis niya itong tinalikuran habang napapakagat labi. Pumasok siya sa dressing room na nakalaan para sa kanila at wala sa sariling nagbihis. Bago lumabas ay pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin at inayos ang nagulong buhok.

Paglabas niya ay agad niyang nakita si Nick na kausap ang manager nila sa bar. Pagkakita sa kanya ay agad itong nagpaalam sa kausap at lumapit sa kanya.

"Let's go."

Napatingin si Alessandra sa mga kamay nilang magkahugpong at bukal sa loob na nagpatangay kay Nick.

"NICK, SAAN mo ako dadalhin?" tanong niya sa binatang nagmamaneho. Halos kalahating oras na silang nasa daan at palabas sila ng lungsod patungo sa kung saan.

"You'll see?" tipid nitong sagot habang nakatingin pa rin sa daan ang mga mata.

"Hindi mo naman ako ipapahamak. 'di ba?" She was not afraid of him. She knew that Nicholas wouldn't do her harm.

"Maybe."

Napangiti si Alessandra nang makita ang pag-angat ng gilid ng mga labi nito sa isang naaaliw na ngiti. She liked it when he smiles like that.

Hindi na siya muling nagtanong at natagpuan nalang niya na nasa isang mataas na burol sila at nakatanaw sa malawak na lungsod. Nang bumaba si Nick ay sumunod siya rito.

She wound her hands around her body when the cold breeze embraced her. Her hair was dancing with the wind as she surveyed the whole area.

There was a house nearby but it seemed like there's no one inside. It was dark and isolated. Ang hinintuan ni Nick ay sa tabi ng isang puno ng Narra at may upuang nakalagay sa ilalim niyon.

Hinanap niya ang kasama at nakita itong may kinukuha sa backseat. Namangha siya nang makita ang mga lata ng beer na nakalagay sa supot na siyang inilabas nito at inilapag sa bubong ng sasakyan. Sinundan niya nito ng tingin nang sumampa ito sa hood at umakyat pa.

"What are you doing?" she asked in amusement when he was finally on the roof of the car. She shook her head when the side of his lips twitched in an amused grin and offered his hand to her at the same time.

"Come on, Ally," he muttered.

Tinanggap ni Alessandra ang inumang nitong kamay at hinayaan itong alalayan siya paakyat sa bubong.

"There you go."

Nginitian ni Alessandra si Nick nang maayos siyang makaupo sa ibabaw ng bubong katabi nito. Tinanggap niya ang ibinigay nitong beer at dinala sa mga labi, kapagkuwan ay napatingin sa tanawing nasa ibaba.

"Nasaan tayo?"

"At my friend's property. This is unwinding for me. This place is relaxing and the view at night is something you have never seen before."

"I know. Ang ganda rito, Nick. It looks like the city lights are dancing before my eyes." Her forehead knitted when she heard him chuckled softly. "Bakit?"

Kibit balikat ang tangi nitong isinagot.

"Why did you brought me here?"

"I want to be here after my hell of a week. And maybe this could help you to sleep better tonight." Hindi nagkomento si Alessandra at nakinig sa sinasabi nito. Muli niyang dinala sa bibig ang beer upang maibsan ang panlalamig dahil sa hangin. "There are nightmares when you sleep."

Napasinghap siya at manghang muling bumaling dito. "Bakit mo alam? Manghuhula ka ba?"

Muli na naman itong tumawa at sa pagkakataong iyon ay mas malakas. And Alessandra's heart was at its course again. She could sit there the whole night and hear his laughter. Nakakahawa ang tawa nito kaya napangiti siya habang nakatingin sa mukha nito na naaaninag niya mula sa sinag ng buwan.

"I have nightmares too."

"Because of me?" Agad namang siyang nahiya sa itinanong at nag-iwas ng tingin nang bigla itong lumingon sa kanila.

"I have been having bad dreams since I was eighteen."

"Can you tell me about it?" tanong niya sa mahinang tinig. She wanted to know what hunted him in his sleep for how many years.

"I haven't talked about it with anyone."

"You can tell me," lakas loob na sabi niya sabay tingin muli rito.

Sandali siyang tiningnan ni Nick na tila nag-iisip kung pagkakatiwalaan ba siya nito sa bagay na pinakatago-tago nito.

"My mother sold me for money when I was eighteen."

Kulang ang salitang gulat upang ilarawan ang nararamdaman ni Alessandra. Naumid ang kanyang dila at agad na nakaramdam ng awa sa eighteen years old na si Nick. She held his hand to comfort him and squeezed it.

Akmang babawiin na niya ang kamay nang maiparating dito ang pakikisimpatya niya nang sa halip na pakawalan siya ay pinagsalikop nito ang kanilang mga daliri kasabay ng paglagok ng beer.

Nagkabuhol-buhol na marahil ang ugat niya sa puso dahil sa marahas niyong pagpintig habang magkalapit sila at magkahawak kamay.

Namayani ang katahimikan sa paligid sa mga sumunod na sandali. It seems like there was a silent agreement between them while they were sitting on the roof of the car, watching the lights from the city while their hands were entwined and drinking their beers.

Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman niya ang pag-akbay ni Nick sa kanya habang hindi binibitawan ang kanyang kamay. He pulled her closer to his body and when she tilted her head on her side, she saw him looking at her face.

Something struck through her right then and there. She can move nor blink. She saw his head dipping closer to her but instead of moving away, she closed her eyes and waited for his lips to land on hers.

It was not just Alessandra who sighed when their lips touched. And she was certain that it was not only her who felt contentment and bliss.

What will happen now?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top