CHAPTER 5
Inihatid siya ni Nick sa apartment na tinitirhan nilang magkakapatid pagkatapos nilang manggaling sa police station. Natukoy ng mga pulis ang mga suspek nang makompirma niya mula sa ibinigay na mga mugshots ng mga taong nasa watch list ng pulisya. Ang kambal na Cris at Carlo Rodriguez.
Dati na ring nademanda ang dalawa dahil sa kasong rape. Subalit nakalaya ang dalawa dahil sa pagpiyansa at inurong ng nagreklamo ang kaso. Ang mga ito rin ang tinitingnang suspek sa dalawang kaso nang rape at pagpatay sa mga babaeng nagtagpuang palutang-lutang sa ilog. She could've been one of them if Nick didn't saw them and saved her.
Alessandra felt sorry for Nick when they found out from the police who happened to be a neighbor of the Rodriguez twin that one of them died. At kakasabi lang ni Nick kanina na binaril nito ang isa sa dibdib nang tangkain siyang saksakin.
Hindi man niya intensiyon ay napatay niya ang lalaki.
"I-I'm sorry, Mr. Villarama," she said in a low and worried voice. She glanced at him in the driver's seat but she can't read what's in his mind. "Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin. Alam kong wala akong maibibigay na wala ka pero paano kita mapapasalamatan?"
"You don't have to do that," he answered sternly.
"P-Pero..." natigil ang pagrereklamo ni Alessandra nang bigla nitong apakan ang preno. Mabuti na lang at nakakabit ang seat belt sa kanyang katawan kaya hindi siya nasubsob sa dashboard.
Napatingin siya sa labas ng sasakyang at napansing nasa bukana na sila ng eskinitang papasok sa apartment na tinitirhan nilang magkapatid. Hindi makakapasok ang sasakyan nito roon.
Muli siyang napatingin dito at bigla na namang natigilan nang makitang nakatuon na sa kanya ang mga matang matitiim kung tumitig.
"You don't have to pay me, Alessandra Cruz."
Alessandra's heart skipped a beat when he uttered her name as if it was a gentle caress. Pakiramdam niya ay napakaganda ng kanyang pangalan sa paraan ng pagbigkas nito.
Madilim ang mukha nito na nakatingin sa kanya ngunit hindi siya nakakaramdam ng natatakot dito. She knew that he can't and won't hurt her. Though Nick was far from being harmless.
Ito ang tipo ng lalaking dapat pangilagan ng mga kagaya niyang naïve at walang experience sa pakikisalamuha sa mga kagaya nito. Kayang-kaya nitong paglaruan sa mga kamay ang mga babae.
Ngunit sino ba siya para manghusga? Tanging pangalan lang nito ang alam niya at hindi ang buong pagkatao.
"You own a gun?" she asked him after a minute of silence.
"Self-defense," he answered nonchalantly and shrugged his shoulders at the same time.
"Why? Madami ka bang kaaway?" Nanatiling magkahugpong ang kanilang mga mata dahil hindi magawa ni Alessandra na mag-iwas.
"Depends on what kind of enemy are you referring to?" If it's about business, sure, Nick had a lot of enemies. It was much appropriate to refer to them as competitors.
"N-Nakapatay ka na ba dati?"
He shook his head lightly. "It was my first kill."
Nagbaba ng ulo si Alessandra dahil sa guilt. Alam niyang hindi magiging madali rito ang katotohanang nakapatay ito ng tao. "I'm sorry."
"For the guilt that I will feel?" he asked.
She nodded. "And for hurting you," tukoy niya sa braso nito.
"You should feel sorry for yourself."
"Dahil?" Muli siyang nagtaas ng tingin habang nakakunot ang noo.
"The coping up won't be easy," he answered seriously.
"I'm alive. Kakayanin ko." Iyon naman ang mahalaga, ang buhay siya. Ilang problema na baa ng pinagdaanan niya? Tiniis niyang lahat ng iyon at lumalaban kahit na minsan ay hindi na niya kinakaya.
"Yeah. I guess that's what matters."
Hindi makaapuhap ng salita si Alessandra sa huling tinuran nito at nakipagtitigan dito. A comforting silence filled every corner of the car.
PAPALABAS na siya ng paaralan at patungo na sa restaurant na pinagtatrabahuan.
Pagkahatid sa kanya ni Nick sa kanya kahapon ay natulog siya sa apartment pagkatapos tawagan ang mga kapatid na nasa eskuwelahan na at hindi na muling lumabas. Lumiban siya sa paaralan at sa mga trabaho.
Kaninang umaga ay maaga siyang nagising at pinaghanda ng pagkain ang mga kapatid. Nagtanong ang mga ito kung nasaan siya nang nakaraang gabi, siyempre ay hindi niya sinabi ang nangyari sa kanya.
Pumasok siya sa university at ngayon nga ay patungo na sa Rigo Cuisine. Hininda na niya ang kanyang sarili na mapagsabihan ng supervisor nila dahil sa hindi pagpasok kahapon nang walang abiso.
Pagkarating ay dumiretso siya sa loob ng locker room upang makapagpalit ng damit. Nadatnan niya roon ang isa sa mga kasamahan sa trabaho.
"Akala ko ba naka indefinite-leave ka?" salubong nito sa kanya na may pagtatakang nakalarawan sa mukha.
"Indefinite leave?" Kumunot ang kanyang noo dahil sa narinig.
"Kaya nga ako naka-duty ngayon kasi naka leave ka. Day-off ko nga sana ngayon, kailangan ko rin naman ng extra income kaya pumayag na akong kapalit mo."
"Hindi ako nag-file nang indefinite leave. Kanino mo nalaman 'yan?"
"Kay Ma'am Joyce."
Nagmamadaling tinungo niya ang opisina ng supervisor at kumatok sa pintuan niyon.
"Come in."
Nadatnan niya ito roon na nakayuko sa ilang mga papeles.
"Excuse me, Ma'am," pukaw ng dalaga sa atensiyon ng babae.
"Yes, Miss Cruz?" nag-angat ng ulo si Joyce at tumingin sa kanyang direksiyon. "Why are you here? You are supposed to be on leave."
"I want to talk to you about that, Ma'am. I did not file for indefinite leave."
"Sir Nicholas talk to me about your indefinite leave. I also notify HR about it. I even thought na magkakilala kayo."
"Sir Nicholas?" Kinabahan siya nang marinig ang pangalang binanggit nito.
"Yes. The big boss and the owner of Rigo Cuisine."
"S-sige po, Ma'am, salamat," wika niya rito kahit dagsa ng katanungan ang isipan.
Tinungo ni Alessandra ang building na nasa likuran lang ng restaurant na kanyang pinagtatrabahuan. Nagtataka siya kung bakit naka indefinite leave siya. Ni hindi niya kilala ang may-ari ng restaurant na kumausap kay Ma'am Joyce. Subalit napaka-pamilyar ng pangalan nito.
Mabuti na lang at pinapasok siya ng naroong guwardiya, marahil ay dahil nakilala siya nitong isa sa mga waitress ng restaurant. Sinabi niya sa naroong receptionist sa lobby ang kanyang pakay.
Tinawagan ng receptionist ang opisina ng presidente nang sabihin niyang wala siyang appointment rito. Buti nalang ay pumayag ang sekretarya na kausapin niya ang boss.
Nadatnan niya ang sekretarya sa labas kung saan naroroon ang cubicle nito.
"Mr. Villarama is waiting for you," imporma niya.
Villarama? Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang apelyido ng boss nila.
Pagpasok niya ay nakompirma niya ang hinala. Si Nick o Nicholas Villarama ang may-ari ng Rigo Cuisine at ang lalaking nagligtas sa kanya ay iisa.
He was sitting at his swivel chair as if it was his throne. He was looking at her with those deep eyes, very professional.
Gusto niyang tumakbo dahil sa natuklasan. Hindi siya handa sa ganoong tagpo. He had been bugging her mind since yesterday when he dropped her off at her apartment. He had awakened something inside her that she can't put into words.
For her, Nick was a mysterious man. He seemed very approachable, then the next he would go cold and distant. A very contradicting attitude and she doesn't know who's the real Nick.
"Take a seat, Miss Cruz," untag ni Nick sa natigilang dalaga.
Kinalma niya ang sarili at naglakad palapit sa upuang naroon.
"I-ikaw ang may-ari ng Rigo?" It was more of a statement than a question.
"You are now on an indefinite leave, Miss Cruz," Nick said, didn't even bother to answer her question.
"I-I didn't file for it, Sir."
"I did. You deserved it after everything that happened to you," he muttered flatly.
"Pero-"
"You can get back to work after a week or a few days. You don't have to worry about your salary. You're on leave with pay."
Tiningnan ni Alessandra ang kaharap at hindi agad malaman kung ano ang iisipan. Kind and approachable, was he the real Nicholas Villarama?
Kung totoong binibigyan siya nito ng leave at may bayad pa kahit na hindi siya magtrabaho ay tatanggapin niya. Bihira lang siyang makatanggap ng ganoong pagkakataon at prelibihiyo.
"T-thank you, Sir," she answered. Iniyuko niya ang ulo dahil hindi niya matagalan ang matiim nitong mga mata. Isang tikhim ang kanyang pinakawalan bago tumayo mula sa pagkakaupo. "A-aalis na po ako, Sir. Maraming salamat," sabi niya rito at nagmamadaling lumabas ng opisina. She cannot bear his stares. It was too intense and his eyes spat fire whenever he stares at her.
Pagkapasok ni Alessandra sa elevator ay napasandig siya sa dingding at malalim na napabuntung-hininga. Kapagkuwan ay kinapa ang tapat ng dibdib dahil sa lakas ng tibok ng kanyang dibdib.
Bakit hindi niya agad nalaman na si Nick pala ang kanyang boss? Nakakahiya tuloy rito at hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap kung sakali mang magkita silang muli.
"You're doomed, Alessandra," nanlulumong aniya sa sarili.
MEANWHILE, Nick sighed when she left his office in haste. When he dropped her off in her apartment, he couldn't take her off his mind. He cannot focus on his work, he kept on thinking of her, which he found very strange and alarming at the same time.
Seeing her again felt like something inside him was fed. And the other side of him became more curious of her, the curiosity started when he felt her held his hands as she was giving a statement to the police yesterday. He felt like something inside him calmed down when he felt her warmth.
Earlier, when she entered his office, he can't explain why the louder than usual beating of his heart. Perhaps because he secretly admire her appearance, she was beautifully breathtaking even in her old faded jeans and a plain t-shirt.
Hindi naman niya maipagkakailang maganda itong babae. Ngunit marami na rin naman siyang nakilala na higit na mas maganda rito subalit ito lang ang natatanging pumukaw ng kanyang interes.
Sinabi niya sa sariling hindi niya gustong mapaugnay sa mga kagaya nito pero hindi niya mapigilan ang kuryosidad na nararamdaman niya para sa dalaga. Gusto pa niya itong makilala.
Napukaw ang pag-iisip ni Nick nang makatanggap ng text mula sa police station na pinuntahan nila kahapon. Kinakailangan ang kanyang presensiya roon.
Marahas na napatayo sa pagkakaupo si Nick sabay dampot ng car key na nasa mesa.
He had kill a man but he hadn't felt regretful. Hindi siya nagsisisi na nabaril niya ito sa pagliligtas kay Alessandra Cruz. Hindi naman niya inaasahang mamamatay ito ngunit wala na siyang magagawa. Kahit na bibigyan siya ng pagkakataon na bumabalik sa pangyayaring iyon ay gagawin pa rin niya ang ginawa.
The family of the man he shot couldn't touch him. Kahit na magdemanda pa ang mga ito ay hindi siya magagawang ipakulong ng mga ito. He wasn't Nicholas Villarama for nothing.
And now, he wanted to use all his resources to help Alessandra on the case.
"Cancel all my appointments today, Kim," aniya sa sekretarya nang makalabas siya ng opisina.
"Pero, Sir, may-" Nick waved his hand in dismissal and continued walking towards the elevator. Tinungo niya ang parking lot at sumakay sa kanyang sasakyan.
Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi ni Nick nang makita niya ang dalaga na nakatayo sa gilid ng daan at nag-aabang ng masasakyan. He stopped the car right in front of her. He saw the surprise in her face when he stepped out of his car.
"Did you receive a text from the police?"
Tumango ito ngunit halata pa rin ang pagkagulat sa mukha. "B-bakit mo alam?" she asked, stuttering.
"I received one too, I think it would be best of we go there together," mariing deklara ni Nick at hinawakan ang dalaga sa braso. Binuksan ang pinto ng sasakyan at pinapasok ito.
WALANG nagawa si Alessandra kung 'di ang pumasok sa loob. Pinanood niya itong pumasok sa driver's seat at tahimik na ulit habang nagmamaneho kaya itinuon na lang niya ang paningin sa labas ng sasakyan.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung paano pakikitunguhan ang boss niya.
"I'll help you with the case," untag ng binata pagkalipas ng ilang minutong katahimikan habang binabagtas nila ang daan.
"Why?" kiming tanong ni Alessandra.
"Courtesy," he answered casually. "I am involved with the case, I even killed a man saving you."
Hindi malaman ni Alessandra kung naninisi ba ito o hindi. His tone was flat and his face was bare of emotions. Whatever it was, she was thankful to him. Alam niyang hindi ito basta-bastang tao at alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kanya.
"Thank you, Mr. Villarama," she said sincerely.
"Call me Nick."
Nag-aalangan man ay tumango si Alessandra. How the hell can she address her boss casually? Mabuti sana kung hindi siya nagtatrabaho rito.
"What should I call you?"
"Ha? A-ah, kahit ano na lang."
"Should I call you babe?"
Nanlaki ang mga mata ni Alessandra sa narinig at napasulyap dito. Hindi nagbago ang emosyon sa mukha nito kaya hindi niya matukoy kung nagbibiro lang ba ito o baka namali lang siya ng dinig.
"So, what is it?"
"A-Ally," nauutal niyang sagot. Kapagkuwan ay lihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa isinagot. She never t anyone her nickname that her late mother and her siblings used to address her. She was Sandra to her co-workers and to everyone who wasn't a family.
"Ally," he muttered deeply.
Napatinging muli si Alessandra si mukha nito. Nang matauhan ay nag-iwas ng tingin at umiling.
Don't go there, Alessandra!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top