CHAPTER 4

SHE DISORIENTEDLY opened her eyes and scrutinized every corner of the room. When she realized that she was in a strange place, her grip on the duvet tightened.

With trembling limbs, she removed the duvet from her body and got off of the bed. Her backside was aching and aside from that, the other parts of her body were okay.

She can clearly remember what happened to her before she lost consciousness. The last thing she heard was the gunshot and perhaps that was the reason why she was still alive and safe. But she can't be so sure, that person might be an accomplice or he might be keeping her captive inside that expensive room.

Hinawakan niya ang malaking damit na suot na umabot sa gitna ng kanyang hita at sinipat. Kaninong damit iyon? Aside from that shirt, she had nothing underneath. Does that person who brought her to that place take advantage of her? Kung may ginawa man ito ay hindi niya malalaman dahil wala siyang kamalay-malay.

Napangiwi siya at napahawak sa tagiliran kapagkuwan ay muling inilibot ang mga mata sa kabuuan ng malaking silid. The color pink dominated the interior design. The four-poster bed was huge and comfortable as she laid there earlier. There's a huge window and in the opposite direction was a door which she guessed was the bathroom.

Lumapat ang kanyang kamay sa sidetable at wala sa loob na dinampot ang lampshade na naroon. Kapagkuwan ay lumakad siya patungo sa pinto at ini-lock iyon.

Nagpadausdos siya ng upo sa pader patungo sa sahig habang bumubuntung-hininga ng malalim. Kipkip niya sa dalawang kamay ang lampshade na gagamitin niya sa kung sinumang magtangkang muli sa kanya ng masama.

Hindi nga katagalan ay naramdaman niya ang pagpihit ng nasa labas sa seradura. Taranta siyang napatayo at mariing hinawakan ang lampshade at marahil ay may susi ang taong nasa labas ng silid na iyon dahil nabuksan nito ang pinto. Kasabay niyon ay pikit mata niyang inihampas sa taong iyon ang hawak.

Malulutong na mura ang lumabas sa bibig nito nang matamaan ang brasong mabilis nitong naitakip sa ulo't mukha.

"Sino ka?!" tanong niya na pilit tinatagan ang boses kahit na nanginginig ang kanyang kamay at hita.

Nang bumaling ito sa kanya ay magkasalubong ang kilay nito at madilim ang mukha. The familiarity kicked in when she saw his face up-close. He was the man who saved her from Lawrence and the man in the restaurant! Did he follow her from the bar? Was he an accomplice?

She gulped when she saw blood flowing from his arms. She stepped back when he started walking towards her. Naglulumikot ang kanyang mga mata upang maghanap ng maaaring gamitin upang manlaban. Nabasag ang lampshade na inihampas niya rito kanina at nasa lapag na ngayon.

Nang makita ang isang flower vase na nasa ibabaw ng mesita malapit sa sofang naroon ay akmang tatakbuhin niya iyon nang higitin nito ang kanyang braso.

"Don't even think about it!" he hissed between his gritted teeth.

"Bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas siya at pilit na binabawi ang braso.

"Stop!" he shouted but she was hysterical.

Nanlaki ang mga mata ni Alessandra nang marahas siya nitong itulak. Bumagsak siya sa ibabaw ng malambot na kama at nalihis ang kanyang suot na damit. Nakita niya itong napasulyap doon kaya mabilis siyang gumalaw at isiniksik ang sarili sa headboard.

"Fucktard!" he cursed in frustration and combed his hair using his fingers. He looked at her who was on top of the bed and with eyes full of fear. "Look, Miss, I'm not going to hurt you."

Itinapon niya ang unang nahawakan dito nang humakbang ito papalapit sa kanya. "Diyan ka lang, 'wag kang lalapit!" she pleaded. Inihagis niyang lahat ng unang naroon sa kama na sinangga lang ng mga braso nito.

Nang tuluyan itong makalapit sa direksiyon niya akmang aalis siya ng kama nang muli siya nitong hawakan sa braso ng mariin. Kapagkuwan ay ipininid ang kanyang katawan sa ibabaw ng kama. She did not stop struggling her body and so he climbed on top of her and pin her legs with his strong thighs.

Nanlaki ang mga mata ni Alessandra nang makulong ang kanyang mga sigaw sa bibig nito nang marahas nitong kubkobin ang kanyang mga labi.

Tulalang napatitig siya sa kisame at hindi makagalaw. Marahas ang pagkakahalik nito sa kanya, mapagparusa, nararamdaman na niya ang hapdi sa kanyang mga labi. But despite that, she can feel her body relaxing.

Nang maramdaman niyang gumaan ang pagkakahalik nito sa kanya at nabawasan ang kaharasan ay doon rumihestro sa kanya ang kapangahasan nito. Napakurap-kurap siya at pilit na nilalaban ang sarili upang hindi mapapikit dahil sa kakaibang damdamin na ipinararamdam ng malalambot na mga labi na iyon.

Mahina siyang naghabol ng hininga nang bigla nitong pinakawalan ang kanyang mga labi ngunit magkalapit pa rin ang mukha nila.

Nagsalubong ang kanilang mga mata at ilang sandaling nanaig ang katahimikan sa paligid. Alessandra can hear his rough breathing and smell his breath that fanned her face.

"Now your back to your senses," he said in a rough and low voice. It was almost a whisper.

Agad na naramdaman ni Alessandra ang lamig sa katawan nang umalis ito sa kanyang ibabaw pagkatapos na pakawalan ang kanyang mga braso at hita sa pagkakapinid sa kama. Sinundan niya ito ng tingin kasabay nang pag-upo.

Nang muli itong lumingon sa kanya ay mabilis niyang hinila ang kumot at itinakip sa kanyang katawan. Muli siyang nagtaas ng tingin dito na nakatayo na ngayon sa kanyang harapan at umiling-iling.

"This is what I get from saving you," he muttered under his breath.

"N-Nasaan ako, anong ginawa mo sa akin? Kasama ka ba ng mga lalaking 'yon? G-Gagawan mo rin ba ako ng masama?" sumod-sunod niyang tanong at nagsimulang manginig ang katawan dahil sa kaba.

"Woah, easy there, woman. First, I am not one of them and if it's not for me, you could've been floating in the river by now. Second, I did not do anything to you. Kung may gusto man akong gawing masama, I could've done it last night when you had no chance of resisting. And third, you are at my house. And lastly, wala pa akong natatandaang babae na pinilit sa kama," mahabang lintanya nito sa mapaklang tinig.

Tumalikod ito sa kanya bago lumakad patungo sa direksiyon ng pinto. Hindi ito tuluyang lumabas at umuklo upang damputin ang mga nabasag sa sahig.

"N-Nagsasabi ka ba ng totoo?" tanong niya. Hindi ito sumagot at nagkibit lang ng balikat.

"I'll wait for you downstairs," anito nang muling tumayo.

"Anong pangalan mo?" habol niyang tanong bago pa ito makalabas. Muli itong lumingon sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Marahil ay dahil sa mga mata nitong matitiim kung tumitig at pakiramdam niyang tagos hanggang sa kanyang kaluluwa.

"Nick. Nicholas Villarama," he said before closing the door.

ATUBILING lumabas si Alessandra sa loob ng silid. Nakapaligo na siya at nakapagpalit na rin ng mga bagong damit. Kaninang paglabas niya ng banyo ay may paperbag na nakapatong sa ibabaw ng kama at nakapaloob nga roon ang mga damit na may tag price pa.

Inilinga niya ang mga mata sa kaliwa at kanang pasilyo ngunit wala siyang ibang taong nakikita roon. Ang naroon lang ay mga nakasiradong pinto ng mga silid. Lumakad siya patungo sa grand staircase na paikot ang pagkakagawa at humawak sa balustre habang pababa.

Habang inililibot ang mga mata ay hindi niya mapigilang mamangha sa malaking bahay na kinaroroonan niya. It was not just an ordinary house, it was a mansion. Like those of in the Mediterranean periods.

Nahagip ng kanyang mga mata ang naglalakihang portrait na nasa mga dingding. Sa pinakagitna at ang pinakamalaki ay litrato ng dalawang lalaki. Ang isa ay si Nicholas Villarama, hindi naman niya kilala ang kasama nito na mukhang mas matanda rito ng maraming taon. Could he be the father? Ngunit hindi sila magkamukha.

Tinitigan niya ang portrait ni Nicholas Villarama at napakagat-labi. Bakit niya naisip na isang rapist ang kagaya nito? Surely, a woman would willingly jump on his bed. Why the man looked very masculine and attractive. At sabi nga nito ay iniligtas siya nito and she believed him. Kung gagawan siya nito ng masama ay kagabi pa sana.

Nang mapatingin sa labi nito ay wala sa loob ng hinawakan niya ang labi. Kapagkuwan ay nag-init ang mukha nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa kanya kanina. She understands that he just did it to get her back to her senses but the kiss will hunt her for sure. Why not if it's her first kiss? And she had all the reason to feel embarrassed in front of him, the man had seen her naked that no one before!

Kahit na hindi naman sinasadya ay hindi niya maitatago ang katotohanang nakita na nito ang lahat sa kanya.

Inalis niya ang mga mata sa mga larawan at tuluyang bumaba sa hagdan. Hindi niya ito makita sa malawak na foyer kaya naglakad siya patungo sa kanyang kaliwa.

Pumasok siya sa tingin niya'y kusina at muling ipinalibot ang mga mata sa paligid habang dinama ng mga daliri ang mahabang mesa.

It was her first time seeing a kitchen as big as that. Kung tutuusin ay iyon din ang unang beses niyang makapunta sa ganoon kalaki at kagandang bahay.

"You're here."

Mabilis na lumingon si Alessandra nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mula sa bukana ay humakbang papasok si Nicholas Villarama.

"Sit down." Nang hindi tumalima si Alessandra ay hinila ni Nick ang isang upuan at inudyukan itong umupo gamit ang mga mata.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Alessandra at umupo habang pinanood itong maghanda ng pagkain sa mesa. "Bakit ako nandito?" kanyang tanong pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.

Tiningnan siya ni Nick ng ilang sandali at tila inaanalisa kung ano ang kanyang iniisip bago nagsalita. "I don't know where you live and I couldn't bring you to the hospital. Puwede kang mahanap ng mga lalaking 'yon doon. They won't let you alive after everything."

Nakaramdam ng ginaw si Alessandra sa sinabi nito at nanginig ang mga kamay na ipinagsalikop niya. Kung hindi siya nito nailigtas ay palutang-lutang na siya sa ilog ngayon at ang mga kapatid niya'y magluluksa sa pangalawang pagkakataon. Hindi pa katagalan mula nang mawala ang ina nila ay siya naman kung saka-sakaling walang tumulong sa kanya.

She was indebted to Nicholas Villarama for saving her life. He should be thanking her, but instead, she beat him up with the lampshade. Bigla siyang naguilty nang makita ang braso nitong nakabenda dahil sa kanyang ginawa.

She unconsciously held his hand when he placed a plate on the table in front of her. Then she gingerly caressed the part of his arm that took all the blow. "Masakit ba?"

She did not receive an answer from Nick who went rigid and speechless when he felt the heat of her hands on his skin. After a minute or two, he pulled his hand from her grip and turned his back at her. Walked towards the refrigerator to find some cold water. Kapagkuwan ay dinala niya iyong pabalik sa lamesa at may kasama nang baso.

"I'm sorry, Mr. Villarama," hinging paumanhin ni Alessandra nang makaupo si Nick sa katapat niyang upuan. Nag-iwas siya ng ulo nang magtaas ito ng tingin sa kanya. Nahihiya siya rito.

"Eat." Utos nito sa kanya kaya kahit na hindi komportable ay kinuha niya ang kutsara at nagsimulang kumain.

Gutom na gutom siya dahil kahapon ng gabi pa ang huli niyang kain at nang tingnan niya ang wall clock sa silid na inukopa kanina ay lampas alas-dose na ng hapon. Namayani ang katahimikan sa kusina at tanging tunog ng mga kubyertos na tumama sa plato ang maririnig.

Masarap din ang mga pagkaing nakahain kaya kinalimutan niya muna ang hiya at nilamnan ang kumakalam na sikmura.

Pagkatapos nilang kumain ay dinala siya nito sa isang presinto upang magsampa ng reklamo sa mga lalaking iyon na nagtangkang gumahasa sa kanya.

Habang nagsasalaysay ay hindi namalayan ni Alessandra na napahawak siya sa kamay ng katabi. Humihigpit ang pagkakapit niya roon na tila ba nang-aamot ng lakas habang binabalikan sa isipan ang muntik na niyang pagkapahamak.

Matapos masabi ang lahat ng natatandaan niya sa lahat ng mga pulis ay nagpakawala siya ng malalim na hininga upang mawala ang bigat sa kanyang dibdib. Nang mapatingin sa mga kamay nilang magkahugpong ay nagulat siya at napatingin kay Nick na siya naman ngayong kinukuwestiyon ng pulis.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatingin sa nakatagilid nitong mukha. Hindi niya mapaigilang hindi humanga sa lalaki. She had all the reason to admire him and be mesmerized whenever she stared at him.

Muli siyang napatingin sa kamay nilang magkahugpong nang maramdaman ang marahan nitong pagpisil doon at napakagat labi. Nang muli siyang magtaas ng mata ay nakatingin na sa kanya si Nick.

What's happening to me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top