CHAPTER 3
DINALA niya ang hawak na bote ng beer sa bibig at sunod-sunod na tungga ang ginawa. Hindi sapat ang ininom niya kanina sa loob ng bar na pinanggalingan at kailangan pa niya ng alcohol sa katawan.
He felt the alcohol filling her stomach but he felt hollow inside his chest.
Nang wala maubos ang laman ng hawak ay marahas niya iyong itinapon sa ibaba. Doon sa rumaragasang ilog na hindi niya makita mula sa kadiliman at sa malalakas na buhos ng ulan.
Kapagkuwan ay ipinatong niya maging ang mga paa sa hood ng sasakyan na kanyang tinutungtungan at sinapo ang ulo. Nalunod ang kanyang iyak sa tunog ng mga kulog at sa malalakas na buhos ng ulan na sinasabayan ng pagbuhos ng hinagpis mula sa kanyang mga mata.
"Bakit!" sigaw niya sa gitna ng kadiliman. Ikinuyom niya ang kamao at marahas na sinuntok ang hood ng sasakyan niyang kanyang tinutungtungan.
Hindi niya inaasahan noon na makakaramdam siya ng ganoong sakit kung sakali mang pumanaw ang taong nagsilang sa kanya sa mundo. He shouldn't have felt that way because her mother sold him for money. But he can't stop himself from grieving, knowing that she died.
Kaninang umaga nang mabasa niya sa pahayagan ang pagkakasagasa sa isang babae at walang nagki-claim na pamilya sa bangkay.
Agad siyang kinutuban nang mabasa ang pangalan ng namayapang babae. Hindi niya maalis ang kaba sa kanyang dibdib hanggang sa opisina kaya dinampot niya ang susi ng kanyang sasakyan at pinuntahan ang nasabing morge sa pahayagan.
Hindi siya agad nakagalaw at biglang nablangko ang kanyang isipan nang makita ang mukha ng bangkay. Hindi niya kailanman makakalimutan ang mukhang iyon.
Pagkalipas nang ilang sandaling pagkatitig sa mukha ng bangkay ay naghalo-halo ang emosyon sa kanyang dibdib. Naroon ang galit dahil kahit kailan ay hindi na niya maisusumbat dito ang ginawa nitong pag-aabandona sa kanya. Gusto niyang ipagmalaki sa babaeng nagluwal sa kanya ang mga narating niya sa buhay. Galit para sa taong nagmaneho ng sixteen wheeler truck na sumagasa rito. At kasama niyon ay ang sakit na hindi niya inaasahang mararamdaman niya dahil sa pagkawala ng kanyang totoong ina kahit na hindi naman ito nagpakaina sa kanya, kahit noong nasa poder pa lang siya nito.
Kahit na hindi niya aminin sa sarili dahil mas gusto niyang makaramdam ng galit para rito ay matagal na niya itong napatawad dahil sa mga ginawa nito sa kanya. Dahil dito ay nagkaroon siya ng bagong pamilya na nagparamdam sa kanya ng pagtanggap at pagmamahal at buhay na hindi niya kailanman inisip na matatamasa niya.
Hindi niya nagawang manumbat at makapagpasalamat at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita itong humihinga pa. Hindi niya nalaman kung pinagsisisihan ba nito ang ginawa o kung minahal ba siya nito bilang anak.
Walang nag-claim sa bangkay kaya siya na ang nagkusa. He cremated the body of his mother and then put her ashes in the crematorium.
Ang akala niya ay nagkaroon ito ng magandang buhay pagkatapos makatanggap ng salapi mula sa pagbebenta sa sarili nitong anak. Ngunit anong ginagawa nito sa sidewalk at nagbebenta ng kung anu-ano upang mabuhay? His mother was always been impulsive when it comes to money and he guessed that she didn't changed at all. Hindi nito nagawang palaguin ang perang natanggap na hindi niya sigurado kung naubos sa sugal o tinanggay ng kinakasama nito.
Marahas niyang nagpakawala ng hininga, pagkatapos ay tumalon mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng hood ng sasakyan. Hindi niya ininda ang basang katawan dahil sa ulan at tinungo ang railings ng tulay na kinaroroonan.
He climbed on the elevated pavement and hold the railing with both of his hands.
Tiningnan niya ang kadiliman sa ilalim ng tulay. Sa panaka-nakang ilaw na bumabaha sa langit mula sa mga kulog ay nakikita niya ang pagkislap ng umaagos na tubig. He was sure that the water was deep and lethal.
He tilted her head on his left and saw a faint light from meters away from him. He knew that it was from a car because it was moving in wherever direction. Then a flash of lightning hit the ground and he saw a taxi on the banana plantation on the side of the river.
Sa pagkakaalam niya ay walang bahay sa bandang iyon. Dahil bukod pa sa ginagawang taniman ang bandang iyon ay tumataas din ang ilong tuwing malakas ang ulan o may bagyo.
Sinundan niya ang ilaw na mula sa taxi hanggang sa tumigil iyon at mamatay. Hindi niya alam kung gawa-gawa lang ng kanyang tainga ang narinig niyang paghingi ng tulong ng tinig ng isang babae.
Mabilis niyang inilibot ang paningin sa paligid ng tulay ngunit wala siyang naramdamang may tao roon bukod sa kanya. Nang muli niyang ibalik ang paningin sa ibaba, sa direksiyon ng planta ay siya namang pagkidlat kaya sandaling lumiwanag ang paligid.
Sa gitna ng planta, sa kadiliman ay nahagip ng kanyang mga mata ang tatlong bulto. Pumuno ang tanong sa kanyang isipan dahil sa nakita. Anong ginagawa ng mga ito sa gitna ng malakas ng ulan at doon sa planta? Delikadong pumaroon dahil maaaring umapaw ang tubig mula sa ilog.
Gulo pa rin ang isipan dahil sa mga katanungan na tumalikod siya at pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kapagkuwan ay pinaandar niya ang sasakyan paalis sa tulay.
Bigla niyang inapakan ang preno nang makarating sa magkasanggang daan. Ang isa'y pabalik ng lungsod at ang isa, sa kaliwa niya'y patungo sa planta ng saging.
Because of curiosity and that weird feeling hunting him, he maneuvered his car on his left. Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman niya ang pag-uga ng kanyang sasakyan dahil sa hindi sementadong daanan.
Nang mahagip ng kanyang headlights ang likuran ng taxi ay agad niyang itinigil ang sasakyan. Bago bumaba ay dinukwang niya ang glove compartment at inilabas mula roon ang kanyang baril. He always carry the gun with him for self-defense.
Something was telling him that there was something wrong when he saw the taxi and the three persons in the middle of the plantation and under the heavy pour of rain.
Dinampot din ang isang maliit na flashlight bago lumabas ng sasakyan at tinalunton ang sa tingin niya'y direksiyon ng mga bultong nakita niya kanina mula sa itaas ng tulay. Ilang segundo lang siyang naglakad nang muling tumama ang kidlat sa kalupaan at ilang metro ang layo sa kanya ay nakita niya ang isang babae na nakalugmok sa madumi at basang lupa habang hawak ng dalawang lalaki.
Mabilis niyang ikinasa ang hawak na baril nang agad na matukoy kung ano ang ginagawa ng mga ito. Itinutok niya iyon sa itaas at pinaputok. Kapagkuwan ay binuksan ang hawak na flashlight at itinutok sa tatlong naroon.
Naalisan na ng damit ang babaeng sa tingin niya'y nawalan ng malay ngunit may suot pa rin ang dalawa at hindi pa nabubuksan ang mga pantalon kaya sigurado siyang naantala ang binabalak ng mga ito.
Wala siyang balak na mangialam at masangkot sa ganoong krimen, but he cannot ignore what he saw and witnessed. A woman was about to get rape and who knows if the men will kill her after and discard her body in the river, and the only person who can save her was him.
"Pakawalan niyo ang babae!" sigaw niya at lumapit pang lalo sa mga ito.
Parehong tumayo ang dalawa at naglabas ng kutsilyo subalit walang panama ang mga iyon sa baril niya. His gun was loaded and although he wasn't a professional, he can shoot them and aim the right spots without blinking an eye.
Sa tuwing gusto niyang maglabas ng stress ay nagpupunta siya sa shooting range. And he had a license to carry a gun. He hadn't used it before and if by chance, this was his first time to use it.
"Diyan ka lang kung 'di papatayin ko 'tong babae!" sigaw ng isa sa mga lalaki na siyang unang nakahuma. Hindi inaasahan ng mga ito na may makakatunog sa binabalak na masama sa dalagang nasa lupa at walang malay.
"No!" bulalas niya nang makitang itinaas nito ang hawak na kutsilyo at akmang isasaksak sa dalaga. Subalit nabitin sa ire ang kamay nito at nahulog ang kutsilyo sa lupa nang mabilis niyang kalabitin ang gatilyo.
Bumagsak ito sa lupa habang hawak ang dibdib na tinamaan. Hindi na niya iyon gaanong pinagtuunang pansin nang makitang hindi na ito makakalaban at ibinaling ang dulo ng baril sa direksiyon ng isa pang lalaki na nanlaki ang mga mata nang makitang tinamaan ang kasama.
"'Tol!" sindak na sigaw nito. Kapagkuwan ay matatalim ang mga mata na bumaling sa kanya.
Hindi siya nagpatinag nang ituon nito sa kanya ang kutsilyo at lalong lumapit. "Umalis ka na kung 'di mo gustong bumaon sa katawan mo ang susunod na bala!" pagbabanta niya. Gagawin niya talaga iyon kapag nanlaban pa ito.
He was livid. He may not be a saint and had his fair share of sins but he still had his conscience. He can't stand seeing children, women and the elderly getting molested and violated.
"I swear, I'm going to shoot you!" Pagkasabi niyon ay mabilis na tumalikod ang lalaki, iniwan ang kasamang naghihingalong nakalugmok sa lupa at tumakbo paalis.
Nang hindi na niya ito makita ay nilapitan niya ang babae at tinapik ang mukha. Hinawakan niya ito sa mukha at hinawi ang buhok na nakatabing doon. Pagkatapos ay inilawan.
Napahugot siya ng marahas na hininga bago ito binuhat at dinala patungo sa kinapaparadahan niya kanina. Alerto siya sa paligid dahil baka bumalik ang tumakas na lalaki at tirahin siya sa dilim. Mabilis ang kanyang hakbang hanggang sa ligtas silang makarating sa kanyang sasakyan at maideposito niya ito sa passenger's seat.
Itinuon niya ang ilaw ng flashlight sa taxing naroon pa rin at nakaparada sa harapan ng kanyang kotse. Kinabisa niya ang numero ng plaka bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya ang babaeng nasa passenger's seat at mula sa ilaw na nasa loob ng sasakyan ay kitang-kita niya ang katawan nito.
The only piece of fabric covering her body was her underwear. But she had no brassiere and he can see her firm breasts dampen from the rain.
Mabilis niyang iniwas ang mga mata sa tanawing iyon at dinukwang ang kanyang coat na nasa likurang upuan. Pagkatapos ay ginamit niya iyong pantakip sa katawan ng babae.
Minaniobra niya ang sasakyan paalis at patungo sa bahay ng kanyang amain. Mas malapit iyon kaya roon niya ito dadalhin. At wala ang amain niya at ang kinakasama nito dahil kasalukuyang nasa bakasyon ang dalawa.
Patingin-tingin siya rito habang nagmamaneho. What happened to her?
Nang makarating sa bahay ay muli niya itong kinarga papanhik sa itaas ng dalawang palapag na bahay at ipinasok sa isa sa mga guest room na naroon. Pagkatapos mailagak sa kama ay pinagmasdan niya ito.
Kagaya nang makita niya ito sa restaurant at sa bar kanina ay hindi maipagkakailang maganda ang dalaga at tila may halong banyaga. Sa restaurant kanina ay nakita niyang kakulay ng malabnaw na tsokolate ang mga mata nito. He felt sorry for her earlier because Stefanie, his ex-girlfriend, poured a drink on her and insulted her. Nagalit ito dahil nakipagkalas siya rito. Kung tutuusin ay hindi naman seryosohan ang relasyon nilang dalawa. They were only partners in bed. He had never courted her or anyone who jumped on his bed. Those women knew what the catch was if they want to engage themselves with him. The relationship was good while it lasts. No string attached.
He had to end whatever relationship he had with her because the woman was starting to get clingy and she told him that she already had fallen for him.
No one can have you but me, Nicholas Villarama! The woman was obsessed.
Napailing siya pagka-alala kay Stefanie at muling ibinalik ang pansin sa babaeng nakahiga sa ibabaw ng kama. Nakabaling ang mukha sa kaliwa at ang mahabang buhok ay nakasaboy sa ibabaw ng unan na tila kay lambot.
Hindi niya malaman kung ano ang maaaring paliwanag sa nangyari rito. Maybe those men were her customers but something had gone wrong? Perhaps she refused and the men didn't like it and had gone mad? She was working at a bar, that must be a logical explanation.
He doesn't want to get involved with the likes of her. Ngunit kahit pa alam niyang ito ang babaeng gagawan sana ng masama ng mga lalaking iyon ay tutulong pa rin siya. She may be a woman with low morals but she was still a woman and no one deserved to be molested and be taken advantage of.
Lumabas siya sa loob ng silid at tinawagan ang kakilala niyang doktor upang matingnan ito. Hindi man niya gusto ngunit kargo kunsensiya na niya ito simula nang tulungan niya. He even shot a man on his chest to rescue her. He was already involved.
Isang pagkalalim-lalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at pumasok sa loob ng kanyang silid upang magbihis.
This day was tough.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top