9
Sa wakas our third grading exam came. Halos sobrang busy na ng mga estudyante, ang iba ay nakatambay sa hallway upang mag review sa kani-kanilang mga subjects. Minsan lang din kami nagkikita ni Denver at hindi rin nagtatagal dahil sa marami din akong ginagawa. Mapapansin ko ang inggit sa mga mukha nila kapag nakikita nila kaming magkasama higit sa lahat ang apat na mean girls ng school. They heaved me evil words as if ninakaw ko ang prince charming nila but then I fought back and they got irritated at me even more. Pero to the rescue agad ang mga friends ko. They always asking me kung nanliligaw ba si Denver sa akin kahit na alam na nila palagi ang sagot ko.
Time for exam na, mararamdaman mo ang kaba nang mga estudyante sa school, kanya-kanyang diskarte upang makapasa. At sa huli ako pa rin ang top 1 sa class namin because I got a perfect score in all my subjects. Siguradong magiging masaya si ina sa ibabalita ko sa kanya pag-uwi. Then I saw him nang papalabas ako ng school standing outside his car na parang may hinihintay. I didn't wave at him but he waved at me smiling, then I responded.
"Ang tagal mo namang lumabas,eh, kanina pa ako naghihintay sa'yo." Sabi niya sa akin ng malumanay na siya kong ikinagulat. At bakit naman niya ako hinihintay, tanong ko sa aking sarili.
"Ano na namang kailangan mo, eh tapos na ang exam kaya stop na muna tayo sa tutoring." Pagkairita kong nasabi sa kanya. Marami na namang mata ang nakatingin sa aming dalawa pero parang wala talaga siyang pakialam sa lahat.
"Grabe siya oh, easy lang Cassandra, gusto ko lang naman iinvite ka for dinner. Alam mo na, pasasalamat ko sa'yo kasi nakapasa ako sa Math exam."
"Ganun ba, congrats saiyo pero kasi may gagawin pa ako ngayon sa bahay eh, kaya pwede next time na lang?" Pagtanggi ko sa kanya. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang lungkot sa narinig mula sa akin.
"Pero..." bigla kong nasabi, "...pwede naman sigurong gawin 'yon after our dinner." Agad siyang nabuhayan sa naging tugon ko at nagpasalamat. "Pero magpapaalam muna ako ka ina,"dagdag ko subalit sabi niya pinuntahan na niya si ina at siya na mismo ang nagpaalam dito at pumayag naman ito agad. Dumating kami sa kanila at agad na nagpunta sa kanilang pool area kung saan kami maghahapunan.
"Akala ko ililibre mo ako sa labas, hindi mo naman sinabing dito tayo kakainin sa inyo."
"Sorry ha, mas maganda kasi rito."
"Hindi ito date ha, baka akala mo date ito. Hindi mo naman kasi kailangan mag decorate sa paligid, dinner lang naman ito." Pagpapaliwanang ko sa kanya ng makita ko ang lugar na sobrang romantic na parang couple ang kakain. Tumawa lang siya ng bahagya saka niya ako pinaupo sa upuan.
"I know, I just want to thank you. Alam mo ba na sobrang saya ni mama kasi mataas ang grade ko sa math, sabi pa niya gusto ka raw niyang makilala to thank you also. Uuwi na kasi siya."
"Nakakahiya naman sa mama mo pero okay lang 'yon noh, hindi naman free of charge ang toturial ko kaya don't thank me that much." Pansin kong napakarami ng foods na hinanda niya, halos lahat naninibago ako sa mukha kasi nga hindi pa ako nakakain ng mga ganitong pagkain sa tanang buhay ko.
"Thank you dinner lang ito pero ba't ang daming foods na parang fiesta?" Tanong ko ka Denver habang isa-isang tinitikman ang mga pagkain sa mesa.
"It's my birthday today kaya marami ang inihanda ko." Bigla akong napatigil sa sinabi niya, hindi ko alam na espesyal pala ang gabing ito sa kanya pero wala ang pamilya niya ngayon upang samahan siya.
"Ba't hindi mo sinabi sa akin, di sana nakapaghanda man lamang ako ng konteng gift for you," sabi ko dito.
"You're presence is enough kaya huwag ka nang mag-alala pa Cass, in fact, you're the only guest I have right now. You know, para kang si Andrea, hindi rin niya gugustuhing walang maibigay na gift sa akin."
"Sino ba si Andrea?" tanong ko sa kanya without thinking, ayaw ko namang makichismis sa mga girls niya pero hindi ko na napigilan.
"She's my younger sister pero wala na siya."
"Ah, eh, ganun ba. Hmmm...asan na siya?"
"Patay na si Andrea tatlong taon na ang nakakaraan," hindi ko alam na may kapatid pala siya, ang dumi ng isip ko, bakit ko pa iyon tinanong. Bigla siyang nag smile habang tinitingnan ako kung kaya't halos mahulog ako sa upuan. So now I know, I'm like his younger sister kaya pala siya medyo malambing sa akin. Minsan namimis-interpret ko siya, I thought he like me. Nakakatawa, para akong baliw na nag-iisip ng kung ano-ano.
"Well, that means Happy Birthday to you, biro mo first time kong umatend sa birthday na ganito, yung tayong dalawa lang. Ang lungkot mo siguro kasi kung hindi ako pumayag kanina mag-isa ka lang ngayon, hindi ko kayang i-picture out ang mangyayari." Tahimik lamang siya habang pinakikinggan ang bawat salitang binibitawan ko. "Palagi bang ganito sa tuwing darating ang birthday mo?" Tanong ko sa kanya.
"Noon iyon 'yong wala na siya pero ngayon hindi na kasi nandito ka na para samahan ako kapag birthday ko. Hmm, pwede bang 'yon na lang ang gift mo sa akin?" Halos parang mahulog ako sa aking kinauupuan nang marinig iyon, napaka weird naman ng hinihingi niyang gift mula sa akin. Hindi ko magawang iwasan ang pagkakatitig niya sa mga mata ko, I don't know why pero parang sumisigaw ang puso ko sa kanyang pangalan. Alam kong hindi puwede kasi nga love for me is a distraction at nalaman ko pang I'm like his sister pero bakit sa tuwing tinititigan niya ako, unti-unting nahuhulog ang damdamin ko sa kanya na hindi ko kayang pigilan.
"Ah, eh...ang dami namang pwedeng i-gift, eh, bakit ganyan pa...hmm..." ilang segundo pa akong nag-isip bago sumagot, "Sige na nga pero basta huwag mong kalimutan ang salad ha as dessert kasi favourite ko 'yon eh." Bigla siyang natawa sa request ko at sabay naming pinagsaluhan ang pagkain nang magkasama sa ilalim ng buwan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top