8

"Pati ba naman personal life niya ay ako ang hihingan ng tulong as if we are so close," sabi ko sa sarili. Pagtingin ko sa oras ay 6:15 na nang hapon, siguro ay nakaalis na 'yon pero part of my brain says baka hinihintay niya talaga ako. Agad akong nagbihis at nagpaalam ka ina, sinabi ko na lang na may nakaligtaan akong assignment at kailangan kong i-research sa internet, buti na lang pumayag ito kahit hapon na ngunit nangako akong uuwi agad. Tumawag din sa akin si Van at sinabi niya ang tungkol sa paghingi ng number ko ni Denver sa kanya. Grabe ang naging reaksyon nito, sabi pa niya halatang may balak si Denver sa akin kasi bakit pa siya hihingi ng number ko kung hindi niya ako type. I told her to shut up, sabi ko pa ang dumi lang ng isip niya kasi syempre tutor niya ako kaya naman siguro dapat may number siya sa akin for emergency or other important matters. Vanessa just laughed and said take care tsaka siya nagpaalam. Agad akong sumakay ng tricycle papunta sa sinabi niyang lugar, hindi naman madilim doon kasi may mga bahay rin sa baba ng hill na nakatira kaya kumpiyansa ako sa aking sarili na walang mangyayaring masama. Dala-dala ko rin palagi ang isang maliit na kutsilyo na nakalagay sa aking sling bag, mahirap na baka nagsisinungaling lang ito at may masama pala siyang balak. Pagdating ko doon ay walang Denver ang nadatnan ko sa lugar kasi naman 6:55 pm na ako dumating and I think umuwi na lang ito but when I turned myself back, I saw him smiling at me carrying a big telescope.

"Hi," sabi niya.

"Sorry, natagalan ako kasi ngayon ko lang nabasa ang text mo tsaka marami kasi akong ginawa kanina. Akala ko umuwi ka na lang, tingnan mo ang oras sobrang late ko na pero bakit andito ka parin?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, sa halip ay inilagay niya sa puwesto ang kanyang malaking telescope. Hindi ko muna siya kinulit at tiningnan lamang ang kanyang ginagawa hanggang sa natapos na ito at humarap sa akin.

"Di ba you told me that you really love to see a falling star pero hindi ka pa nakakakita ever since, 1 minute na lang ang hihintayin natin, halika, tingnan mo." I never thought he could remember everything I said nung nagkakuwentuhan kami, sinabi ko kasi sa kanya na madalas akong nakatingin sa itaas at minamasdan ang mga bituin kasama ng aking ina, kahit madalas ngunit ni minsan hindi pa ako nakakakita ng falling stars. Siguro kasi hindi ko lang naaabutan o sadyang nahulog na ito ngunit hindi na ako nakatingin pa. Ang dami ko sanang gustong hilingin, isa na dun na sana matupad ko ang aking mga pangarap. I waited a minute, siya din ay nakatingin na sa itaas and then suddenly a star falls from the sky, hindi lang isa kundi sunod sunod itong nahuhulog then I told myself, "wow!" I looked at it in amazement then I close my eyes and wish. Napakasarap ng feeling kasi isa sa mga bagay na gusto kong mangyari ay nangyari na. I looked at Denver and he looked at me also smiling again with his charming face.

"Sorry ha nagsinungaling ako sa text, sinabi kong kailangan ko ng tulong mo. Wala na kasi akong ibang maisip para papuntahin ka dito," pasimula niya.

"Ano ka ba, pupwede mo namang sabihin sa akin ang totoo,"sabi ko.

"Eh, hindi na 'yon surprise kung sinabi ko sayo, tsaka gusto ko rin ng may kasamang manood," pagdadahilan nito. "I was thinking lately na baka hindi mo gusto ang mga ganitong surprises pero kitang-kita naman sa naging reaksyon mo ngayon na you like it,"dagdag nito.

"Syempre I like it so much, nasabi ko na rin lahat ng wishes ko." Humarap ako sa kanya dala ang ngiti sa aking mukha. "Thank you Denver, you don't know how happy I am tonight at utang ko sa 'yo ang ganitong pagkakataon." Nagpasalamat ako sa ginawa niya at pinagpatuloy ang panood ko sa mga bituin, marami din kaming naging kuwentuhan hanggang sa sinabi kong kailangan ko ng umuwi. Hindi na ako nagpahatid sa kanya kasi nga magtataka si ina kung bakit kami magkasama kaya bumaba ako sa may sakayan ng tricycle at agad na nagpaalam sa kanya. Ang gabing iyon ang masasabi kong pinaka special na sandali kasama ang lalaking nag-iwan ng malaking parte sa aking buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top