7
7:30 na ng gabi ako nakauwi sa bahay, first time niyang makita kung saan ako nakatira, syempre hindi kami mayaman kaya 'wag na siyang mag-expect ng malaking bahay ang dadatnan niya. Sinalubong ako ni ina pagbaba ko ng sasakyan and Denver said his greetings to her at sinagot din naman 'yon ni ina. Akma na sana siyang magpaalam upang umuwi subalit pinigilan pa siya ni ina at niyaya itong maghapunan sa amin. I thought tatanggi ang taong ito subalit he said 'yes' happily na para bang mama niya ang nagyaya without shyness ha kaya hindi na ako nag react. I know sanay siya sa pagkaing pangmayaman pero hindi namin afford ang ganoong pagkain kaya magtiyaga siya sa inihanda ni ina. Hindi ko pa pala nasasabi na ang ina ko ang pinaka the best magluto, kaya siguro sa kanya ako nagmana dahil marunong narin akong magluto tulad niya. We served ginisang Baguio beans with taugi at pritong talong, naku paborito ko talaga ang ulam na ito lalo na pag sinawsaw mo ang talong sa toyo na maanghang. Kitang-kita ko sa mukha niya ang paninibago sa ulam pero wala siyang magagawa kaya magdusa siya.
"Umupo na kayo at kakain na tayo." Tawag ni ina sa dalawa kong kapatid at kay Denver. Agad kong nilagyan ng maraming sili ang toyo para makita ko kung kaya niyang sumawsaw dito.
"Wow, ngayon ko lang po matitikman ang ulam po ninyo, mukhang masarap po," pauna niyang nasabi. Palihim akong tumawa sa naging pahayag niya, siguro naghihintay ako sa kanyang magiging reaksyon pag natikman niya ang pagkain ng mahirap. Ang buong akala ko magiging katawa-tawa siya sa mga oras na 'yon pero nagkamali ako. Sobrang sarap ng naging kain niya at hindi lang 'yon sobrang hilig din pala niya sa sili at parang hindi nakaramdam ng konteng anghang sa kanyang dila. At ang naging reaksyon ko na lang, "wow ha, mas intense ka pa pala sa pagkain ng maanghang," and he just smiled to me and continue eating his food. Hindi pala siya maarte tulad ng ibang mayaman, hindi rin siya bastos at marunong makisama kahit pa man hindi niya ka level. Ang dami naming naging topic noong gabing 'yon, tulad ko ay napakakulit din ng dalawa kong kapatid at panay ang tanong sa kanya ng kung ano-ano. Hanggang sa napatigil ang lahat ng bigla siyang nagsalita pagkatapos ng aming hapunan.
"Thank you po sa ganitong pagkakataon, first time ko pong kumain ng may kasama tulad nito. Ni minsan po hindi ko po nakakasabay ang mga magulang ko sa hapagkainan, ni minsan po hindi po ako nakaramdam ng ganitong kasaya."
Wow! 'Yun pala ang pinaka intense na moment, halos malapit ng tumulo ang luha ko sa narinig mula sa kanya. Napakalungkot niyang tingnan kahit pa man makikita ang smile niya sa mukha. Now I know how sad it is to have everything but have nothing, even sweet moments with the family ay wala. Akala ko masaya maging mayaman hindi pala, at least kami kahit mahirap ang buhay nagagawa parin naming maging masaya dahil kami ay magkasama. My mother comforted him at ako gumawa na lang ng jokes to break the moment of silence. Pagkatapos ng dinner namin ay nagpaalam na si Denver para umuwi, medyo gabing-gabi na rin kasi pero buti na lang Sabado bukas at walang pasok.
"Ihahatid na kita sa labas," yaya ko sa kanya at nagsimulang naglakad palabas ng bahay.
"Alam mo, ito ang pinaka the best na gabi para sa akin and thanks to you."
"Wala 'yon, at least napasaya ka namin." Sabi ko sa kanya.
He smiled to me again bago pa siya sumasakay ng sasakyan and I bid him goodbye.
Hindi ako kinilig, baka akala niyo nabihag na niya ang puso ko, naaawa lang ako sa kanya kasi mag-isa lang siya, walang kapatid at ang mga magulang niya ay palaging wala sa kanilang bahay upang samahan siya. Past eleven na nang ako ay makahiga sa kama, nag review lang ako ng kaonti para sa tutorial ko bukas sa ibang estudyante. Tinuruan ko rin ang dalawa kong kapatid sa assignment nila kaya medyo exhausted na ako at tila kailangan kong matulog ng isang buong araw. Ni hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako and I dreamed of him. Tinatawag niya ang pangalan ko ng paulit ulit pero hindi ako sumasagot, hindi ko maibuka ang aking mga mata kahit gustuhin ko pa. Hanggang sa ako ay magising habang pinapahiran ang konteng luhang tumulo sa aking mga mata. I don't understand why I cried, why he called me so many times at bakit hindi ako sumasagot sa lahat ng tawag niya, then I said to myself, nightmare na naman. Pangatlong beses na itong nangyari sa akin at pangatlong beses na rin akong lumuha sa tuwing magigising ako dahil sa panaginip na 'yon. Hindi na ako nakatulog pa ulit sa kakaisip kung anong ibig sabihin ng lahat, minabuti ko na lang magbasa ng libro dahil mga alas 3:00 pa ng umaga. Hanggang inabot ako ng alas 4:30 ng umaga tsaka pa lamang ako tumigil sa pagbabasa ng marinig ko si ina na lumabas na sa kanyang kwarto. Mga ganitong oras siya gumigising kapag weekdays, pero kahit weekend na ngayon, ganito pa rin ang oras ng gising niya. Bumati ako ka ina ng good morning at ganun rin siya sa akin. Tulog pa ang dalawa kong kapatid, dahil Sabado nga hindi na namin sila ginising ng maaga. Ako ang palaging nakatoka sa pagsasaing ng kanin, tumutulong din ako sa paghahanda ng mga sangkap na lulutuin ni ina para sa agahan. Palagi niyang sinasabi sa akin na, "huwag kang masyadong magpagod anak, kaya ko naman ang gawain dito sa bahay, ingatan mo ang sarili mo." Ewan ko ba, dapat nga siya ang mas nagpapahinga dahil may edad na ito subalit ako pa rin ang iniisip niya. Palagi ko ring sagot sa kanya, "alam niyo naman pong ayaw ko pong makitang nahihirapan kayo, tsaka kaya ko naman ang mga gawain dito sa bahay," at 'yon nga wala na siyang magawa kundi ang yakapin ako at bigyan ako ng kanyang smile. Naging makabuluhan ang buong araw sapagkat ang dami naming ginawa: naglinis, nagtanim ng mga gulay (sapagkat may konte kaming espasyo sa likuran ng bahay), nagpunta ako sa aking estudyante upang magturo, tapos tinulungan ko pa si ina sa kanyang labada, tumulong rin ang dalawa kong kapatid sa pagwawalis ng bakuran. Dahil sa sobrang busy ko ay hindi ko na napansin na may message pala sa cellphone ko at kaninang tanghali pa ito dumating. Hapon na ng binasa ko ang laman at kung saan galing pero number lang ang nakalagay.
"I got ur num from Vanessa, 'yung frnd mo, nkita q ksi xa kanina. Ths s me Denver, pwde ka ba mamaya sa hilltop sa likod ng memorial plaza? Kailangan ko lang ng tulong. 5:30 pm, I'll w8 4u."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top