5

Isang usual na araw parin ang nangyari sa akin, quizzes, recitation, and assignments at hindi mawawala ang projects. Next week na ang third grading namin at alam kong handang-handa na ako sa araw na 'yon pero ang pinakahihintay ng iba kong classmates na ayaw nilang ma miss ay ang prom night ng third at fourth year student. Dahil second year pa lang kami ay hindi kami pupwede sa prom na 'yon pero kapag third year o fourth year ang boyfriend o manliligaw mo at niyaya ka na maka date nila ay puwede ka ng sumali sa prom. Kaya nga super excited ang tatlo kong friend dahil syempre, third year na ang boyfriends nila. They even asked me to come over as visitor pero ang sabi ko, "No way! Ano ako flower lang doon? I don't think so, tsaka magre-review pa ako ng lessons kaya kayo na lang pumunta," sinabayan ko ng smile para hindi na sila mangulit pa and then they settled down. Medyo hindi pa rin nawawala sa mga chismisan ang pangalang Denver, ang daming nagtatanong kung sino ang kanyang magiging partner sa prom. Halos lahat ng girls ay gustong sila ang yayain niya sa gabing 'yon. Dumating ang maghapon pero hindi ko nakikita si Denver, hindi naman sa hinahanap ko siya pero simula noong lumipat siya sa school namin ay araw-araw every recess time at luch break namin ay nakikita ko siyang dumaraan sa harapan namin subalit ngayon ay wala. Hindi na rin ako nag-isip kung bakit at agad na pinuntahan ang aking studyante sa kanilang bahay after class. As usual ako lang mag-isa ang naglalakd patungo roon dahil nga every day after school, nagde-date ang tatlo kong friends kasama ang kani-kaniyang boyfriends. Hay naku, I don't know kung bakit may mga magulang na pinapayagan ang kanilang mga anak kahit bata pa na magkaroon ng kasintahan? Hindi ba sila natatakot na baka magkamali ang dalawa at maging early parents? Syempre, kapag bata pa ang isang tao tulad namin nasa high school pa lang at kapag na inlove, hindi mawawala ang hotness at eargerness and desires ng magkapareha and without thinking, hindi imposible na gagawin nila ang hindi pa dapat gawin. For me, puppy love is not love, its infatuation and infatuation leads to heartaches and troubles. Ayoko ko kasing magkamali sa pagpili, naranasan na 'yan ng aking ina kaya maingat ako sa aking sarili. Hindi sa wala akong nagugustuhan, syempre babae din ako, pero marunong akong magpigil ng sarili tsaka study first before love. Kaya nga nasa taas ang utak natin eh at nasa baba ang puso, meaning unahin mo munang palawakin ang utak mo, at kung alam mo na ang buhay sa mundo, well go on, accept suitors. Hindi ako tumitigil na paaalahanan ang mga friends ko to think first before doing anything stupid, at syempre they listened and they promised also not to. Its 5:15 nang hapon, medyo maaga ang labas namin sa school kaya hindi ko kailangang magmadali kasi 5:45 pa ang tutorial class ko. I managed to grab my earphone sa bag kahit may dala-dala akong mga libro at sinaksak ko ito sa phone ko while scanning my favourite songs by Ed Sheeran and James Arthur. At least ma een-enjoy ko ang paglalakad listening to it. Hindi ko namamalayang kanina pa pala may tumatawag sa akin sa likuran. Napansin ko lang ito nang tinanggal niya ang earphone ko sa tenga.

"Sorry to disturb you," sabi niya at napatigil ako sa paglalakad.

"Denver? O bakit anong kailangan mo?" I asked him with a shocked face while turning off my music, "kanina ka pa ba tumatawag?"

"Parang ganoon na nga, kanina pa ako tumatawag sayo habang nagda-drive kaya huminto na lang ako at bumaba ng sasakyan para lapitan ka. Ang sarap siguro ng pinakikinggan mo at malakas ang volume kaya hindi mo ako narinig at napansin." Sabi niya sa akin.

"Sorry ha, ano bang atin?" Tanong ko sa kanya.

"Well, puwede bang ngayon mo ako turuan sa math kahit sandali lang, kasi...medyo...ahmm may assignment ako tapos hindi ko masyadong gets ang teacher namin kanina."

"Di ba sabi ko sayo hindi ako puwede every after school kasi may tinuturuan akong estudyante sa grade school."

"Kakausapin ko na lang ang magulang niya o di kaya maghanap na lang tayo ng reason or excuse kung bakit hindi ka makakadalo." He seemed desperate para maisip ang mga ganoong bagay. Ewan ko ba, bakit ba kasi kanina sa recess time na dapat schedule na niya ay wala siya, at ngayon nakikisawsaw siya sa schedule ng iba.

"Hindi pupuwede Denver, kasi malapit na rin ang exam ng batang 'yon, and as his teacher kailangan ko siyang ireview para makapasa siya." Pagdadahilan ko sa kanya pero parang ayaw siyang paawat.

"Please Cass, please..." 'Yon na naman, please na naman, bakit ba please siya ng please sa akin na para bang alam niya na kung sasabihin niya 'yon ay hinding-hindi ako tatanggi.

"Please Cass, kahit this time lang, may importante kasi akong pinuntahan kanina sa recess time, please let me ask his mom to spare you kahit ngayon lang." Pagmamakaawa niya sa akin. Para siyang kapatid ko na si Edson, hindi ako tinitigilan hanggang sa hindi ako sumasagot ng oo.

"Grrr, I hate you Denver! Ngayon lang ito, wala ng next time okay?" As always, kagaya ng palagi kong sinasagot sa kapatid kong si Edson, hindi ko rin matanggihan ang pagmamakaawa ni Denver sa akin.

"Thanks Cass, I promise to double my pay para worth it ang time mo."

Wow, one hour for two hundred pesos at magigingdoble pa sabi niya. Ang sarap talaga kapag mayaman kasi ang dali lang para sa kanila na bayaran ang isang bagay kung gugustuhin nila. Hindi na kami nagpunta sa bahay ng tuturuan ko, tumawag na lang ako sa kanyang mama at nagdahilan na may importante akong gagawin at pumayag naman ito.     

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top