4

Second time around....

Ang afternoon class ang pinaka ayaw ko kasi nga boring ang class. Home Economics at Filipino, hindi sa ayaw ko kundi ang lamya lamya magturo ng dalawang professor namin sa subject na yan. Walang kabuhay-buhay na halos gusto na lang naming matulog sa loob habang maingay nilang tinuturo sa amin ang nakasulat sa libro. Ang pinaka the best ay kapag nag ring ang bell at tapos na ang klase. Todo sigawan ang lahat papalabas ng room, pati kami ay nakisabay rin. Nagsipagpaalam narin kami sa isat-isa dahil kanya-kanyang may lakad ang magkapareha at ako itong naiwan sa daan papunta sa bahay nang batang tuturuan ko nang may humawak sa aking braso. Si Denver na naman na parang tumakbo ng sampung kilometro sa sobrang dami ng pawis nito.

"Akala ko hindi na kita maabotan kaya nang nakita kita sa malayo tumakbo na ako." Sabi nito sabay bitiw sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Wala na masyadong tao sa bandang 'yon sapagkat maaga din nagsiuwian ang ibang estudyante.

Sabi ko, "Every recess time na lang kita tuturuan dahil hindi ako puwede every after school." Sabi niya okay lang daw at least may time daw para sa kanya. Sabi din niya 200 ang ibibigay niya per session kahit hindi pa umabot sa 1 hour. Agad akong pumayag, malalaki-laki din 'yon kesa sa kita sa iba, makakapag-ipon ako ng kaonteng pera. Agad akong nagpaalam subalit pinigilan niya ako.

"Wait, pwede ba kitang ihatid sa inyo?"

"Hindi pa ako uuwi, may pupuntahan pa ako."

"Ganoon ba, ihahatid na kita sa pupuntahan mo."

"No, okay lang ako tsaka umuwi ka na sa inyo."

"Please..." at halos isang minuto pa bago ako nakasagot sa kanya.

"Sige na nga, mapilit ka."

Pumayag na lang ako dahil hindi ko matanggihan ang PLEASE niya na parang kapatid ko ang nagsasalita. Akala ko madaldal siya subalit sobrang tahimik nang naging lakad namin papunta sa destinasyon ko. Hindi siya nagdala ng sasakyan kaya sinabayan niya akong maglakad at talagang inihatid lamang niya ako at hindi ako tinanong ng kung ano-ano na siya namang gusto ko. Ni hindi siya nagtanong kung anong gagawin ko sa bahay na 'yon at kung sino ang pinupuntahan ko. Agad akong humingi ng thank you sa kanya at sinagot niya ako, "Sa uulitin, ingat." Hindi ako kinilig tulad nang maramdaman ng karamihang babae, dahil din siguro ay wala pa sa isipan ko ang mga ganoong bagay.

Pagkatapos ko sa tutorial ay agad akong umuwi sa amin. Nakauwi na si nanay sa bahay at nagluluto ng hapunan. Ang dalawa ko ring kapatid ay nag-aaral at gumagawa ng assignments nila. Kahit sa pag-uwi ko ay hindi ako masyadong nakakapagpahinga dahil ako ang inaasahan ni nanay na tutulong sa mga Gawain sa bahay. Kahit hindi niya ako inuutusan ay kusang loob na akong gumagawa kaya pagkatapos nang lahat ay late na akong nag-aaral at gumagawa ng assignment. Sa pagbukas ko nang aking libro sa gitna ng aking pag-aaral ay biglang sumagi sa isipan ko ang mga sandaling magkasama kami ni Denver. Ewan ko ba kung bakit, naging curious ako sa mga kinikilos niya. Ngayon ko naitanong sa aking sarili kung bakit ako pa, bakit ako pa ang nilapitan niya, eh, may classmates naman siyang matatalino at ka level pa. Hindi ko na sinagot ang tanong ko sa sarili sa halip ay nagpatuloy ako sa pag-aaral hanggang sa ako ay nakatulog. Kahit pa ganoon, maaga pa rin akong nagigising, maagang tumutolong sa aking ina sa paghahanda ng agahan, maagang nag-aayos para sa pasukan. Palagi rin akong maagang pumupunta sa school namin after kong mahatid ang dalawa kong kapatid sa school nila. Mejo makulimlim ang panahon, kakaonte pa lamang ang mga estudyanteng dumarating, dumiretso ako sa room namin. Sa pagtungo ko roon ay napansin kong may isang lalakeng nakatayo sa may pintuan sa labas ng room namin at nakayuko ang mga ulo, hanggang sa paglapit ko ay bigla nitong iniangat ang kanyang ulo at humarap sa akin ng nakangiti, he said, "Good morning".

Si Denver pala, hindi ko agad namukhaan. I replied the same exact words but without a smile. Sa halip ay tinanong ko siya kung bakit ang aga niya at bakit nandoon siya sa labas ng room namin, he answered me, "I just want to see you". I got confused, lokong lalakeng 'to, 'bat ganoon ang nasabi niya. I laughed, para kasi siyang baliw, 'bat gusto niya akong makita? Ano ako girlfriend niya?

I asked him, "Are you alright? 'Bat gusto mo akong makita sa ganito kaaga, eh, mamaya pa ang tutorial lesson mo sa recess time?" He didn't answer me right away, tumingin lamang siya sa akin ng tahimik, mga isang minuto pa bago siya sumagot, "Sorry Cas, ah-gusto ko lang sanang..." He paused, naghahanap pa siya ng tamang salitang idadahilan sa akin. I don't know what he really up to, siguro may assignment siya sa math na hindi pa niya nasasagot kaya kailangan niya ng tulong ko. He continued, "...gusto ko lang sanang sabihin na hindi muna ako magpapaturo ngayon sayo dahil may pupuntahan ako mamaya sa recess, sorry, bukas na lang" at agad siyang nagmamadaling umalis. Ang nasa isip ko, ang weird ng lalaking 'yon, yon lang pala ang sasabihin niya subalit iba ito sa kanyang ikinikilos kanina. Hanggang sa nagsidatingan na ang ibang mga estudyante at mga classmates ko kaya nawala sa isipan ko ang eksenang naganap kaninang-kanina lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top