3

First Conversation...

Then, lunch break na naman. Puno halos ang loob ng canteen pero salamat na lang at nakahanap pa rin kami nang mauupuan. Wala masyadong mahilig magdala ng baon ng tanghalian, kakaonti lamang kami na hanggang ngayon ay may baonan pa. Ako lang at si Van kasama ang boyfriend niya ang palaging magkasabay kapag lunch dahil umuuwi ang dalawa sa kanilang bahay. Naiwan ako sa table dahil nag order pa sila nang makakain nang may biglang lumapit sa akin, si Denver.

"Hi", sabi niya. I responded "Hello".

Sabi niya ako daw ba si Cassandra, I said "yes and why". Nakatingin na halos lahat sa aming dalawa at ayoko nang ganoong sitwasyon. Then he asked me to be his tutor in Math, doon pa lang sa sinabi niya ay nasabi ko na he's not smart, kasi kapag matalino ang isang tao, o kahit hindi man masyado, marunong 'yon sa math pero siya kailangan pa niya nang tutor at ang nakakatawa, eh, ahead pa siya sa akin, but I said "yes" syempre, pera 'yon, grasya, may dagdag kita na naman ako. He smiled to me and said thanks. Sabi pa niya pag-uusapan daw namin 'yon after school at agad siyang umalis. Bumalik si Van at Richard sa table na puno ng kantsiyaw sa akin.

"Oi, ano 'yon ha? Chika ka naman girl." Kilig na tanong ni Van sa akin.

"Magkakilala kayo Cass?" Tanong naman sa akin ni Richard.

"Hindi ha, ano ba kayo. Nabigla nga ako sa kanya and then he asked me if pwede ba akong maging tutor niya sa math..."

"..wait...wait...wait, he asked you to be his tutor? Wow girl ha, ang haba ng hair mo. I know you said yes." Pagpigil sa akin ni Van.

"Syempre I said yes, eh, dagdag kita na 'yon sa akin noh, tsaka kailangan ko talaga nang pera ngayon kasi ang daming projects ng dalawa kong kapatid dahil papalapit na ang third grading." Sagot ko sa kanya habang kumakain ng lunch.

May isa pang chismosa sa likuran namin na nakaupo at nagtanong kong nililigawan ba niya ako. I said, "Hindi ah!" Wow, napaka defensive nang pagkakasabi ko doon at natahimik ito. Lumapit din sa amin sina Trisha, mitch, lyn at Jas, silang apat ang tinaguriang mean girls ng third year level.

"Hi nerdy Cassy, ang landi mo talaga girl, pati ba naman si Denver ay kinulam mo rin para lapitan ka! Hindi kayo bagay kasi nerd ka na nga, isang kahig isang tuka ka pa!" Nagsitawanan ito na parang mga demonyo at umalis agad ng hindi hinintay ang magiging reaksyon ko. Sasabunutan sana ni Van pero pinigilan ko siya dahil ayoko ng gulo. Yon ang pinaka hate kong moment. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top