2

Second Glance...


Dumating na rin sa wakas ang professor namin sa geometry, sinasabi nila na terror si Miss Pat pero sa akin siya ang pinakagusto kong teacher. Sobrang galing niyang magturo and worth it ang oras mo sa kanya. Ngayon ay walang ingay ang anomang maririnig mo sa loob ng classroom namin, takot halos lahat na tawagin at pasagutin sa board, at least wala na akong naririnig na bulongan tungkol ka Denver. Naging madali lang sa akin ang oras na 'yon hanggang sa sumunod na mga subjects kasi naman sobrang advance ko sa mga lessons. A week before ay nag-aaral na ako nang maaga para hindi ako ma behind.

Recess time na sa wakas, ang usual na kainan namin ng barkada ay sa ilalim ng malaking mangga na nasa gilid lang nang canteen. Doon kami umuupo at nagkukuwentuhan kasama ng mga boyfriend nila. Hindi namin sila classmates at naging close lamang namin sila simula ng sagutin silang tatlo nang tatlo kong friends. Si Mike ay nobyo ni Violy, si Daniel naman ay kay jess at ang boyfriend ni Vanessa ay si Richard. Pareho silang third year student at magka classmates din ang tatlo. Nakakatawa nga kasi sa grupo ako lang ang single. Since kindergarten pa kami nagkakilala nang mga friends ko hanggang sa nabuo ang friendship namin noong grade 3 kami. Hindi rin magkakalayo ang mga bahay naming apat kung kaya't sa halos lahat ng okasyon ay magkakasama kami. Si Van ang medjo malaki-laki ang binibigay na share sa amin na snacks araw-araw kasi nga siya ang mayaman sa amin. Sina Jess at Violy na tulad ko ay simple lang ang buhay ay konte lang ang share. Ako itong nakikikain lang kung baga. Pero mas mabuti pa nga sila kahit simple lang ang buhay ay medjo angat pa kesa sa akin. Ang nanay ko kasi ay isa lamang clerk sa isang pribadong establishment, ang tatay ko naman ay sumakabilang-bahay, in other words iniwan kami para sa kabit niya. Tatlo kaming magkakapatid at pareho kamingnag-aaral, ang isa ay grade five na, ang bunso naman namin ay grade two. Dahil sa minimum wage lang ang kinikita ng aking ina ay ako na mismo ang naghanap ng mapagkakitaan para makatulong sa gastusin sa bahay. Araw-araw after school ay nagtuturo ako sa iba-ibang bata na nasa grade school kapalit noon ay isang daan sa isang oras. Ang perang 'yon ang ginagamit kong pang gastos sa mga bayarin ng aking dalawang kapatid sa school. Kahit sa public school lang sila nag-aaral ay magastos parin sa mga projects. Buti na lang ay scholar ako sa isang private school sa amin kaya wala kaming bayarin kahit sa miscellaneous fees kaya ang lahat ng kita ko ay napupunta lahat sa kanila pati na rin sa ibang gastusin sa bahay. Kahit mahirap ang buhay ay mataas pa rin ang pangarap ko hindi lang para sa akin kundi para na rin sa pamilya ko. Kaya ang palaging sambit ng lahat sa campus na ang sarap ma inlove, hindi 'yon bagay sa akin. Hindi ko sinasabing pangit ako dahil hindi naman siguro ako mananalong little miss campus 2009 noong grade school ako kung hindi ako maganda. Ayoko ko lang masira ang buhay ko dahil sa maagang puppy love na yan.

Back to recess time, nagkatawanan ang lahat sa mga joke ni Mike, boyfriend ni Violy. Sobrang lakas ng sense of humour niya kaya siguro in love ang loka-loka kong friend. Hanggang sa biglang dumaan si Denver kasama nang mga bago niyang buddies, hindi naman malapit sa amin pero kitang-kita parin namin ang kabuuan niya. Rinig din namin ang tilian ng mga girls kasi nga pati ang mga friends ko ay nagagwapuhan sa kanya. Sobrang inis na nga nang mga boyfriend nila. Then the bell rings, back to class na naman. Kahit pa man sa classroom o sa labas ay binging-bingi na ako sa pangalang Denver. Bakit ba hot topic siya sa lahat na para bang siya ang campus crush? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top