11

"You're so beautiful anak, dalagang-dalaga ka na, biro mo karga-karga pa kita noon pero ngayon..." sabi ni ina sa akin habang ang luha sa kanyang mga mata ay nagsimula ng tumulo ng kaonti.

"Ano ka ba ma, para naman akong ikakasal niyan sa itsura niyo,"ang naging sagot ko sa kanya.

"O siya, naghihintay na ang sundo mo sa labas," dagdag ni ina sa akin at saka pa lamang ako lumabas ng kwarto. Napakakulit ng dalawa kong kapatid, wala pa rin silang tigil sa kanilang kantsyaw sa akin buti na lang pinigilan iyon ni ina. Akmang paglabas ko ng kwarto ay siya ring pagpasok ni Denver sa loob ng bahay namin, ibang-iba siya sa karaniwang Denver na nakikita ko. This time, he wears tuxedo with a rose in his hand, tulala lang siya nang nakita niya ako kaya ako na mismo ang nagsimulang magsalita.

"Hoy! Umalis na tayo ano ka ba, para kang nakakita ng multo," bigla siyang natauhan sa narinig, at agad na binigay sa akin ang dala niyang rose. Agad niya akong inakay palabas ng bahay at pagpasok ng sasakyan, sabay din kaming nagpaalam ka ina.

"Sorry kanina, nabigla lang ako kasi nga naninibago ako sayo," pasimula niya sa akin habang minamaneho ang kanyang sasakyan.

"Sus, okay lang 'yon, ako din naman ngayon ko lang nalaman na bagay pa la sayo ang naka tuxedo," sabay tawa ng kaonti para hindi masyadong awkward ang dating para sa akin.

Bigla niyang inihinto ang sasakyan at tumingin sa akin at tila hindi ko napigilan na tumingin rin sa kanyang mga mata. He smiled at me.

"You're so beautiful Cassandra," I didn't smile pero natawa ako sa sinabi niya.

"Ang bola mo talaga, magiging harsh pa rin ako sayo as tutor kaya walang magagawa ang compliments mo na ganyan, okay." Iyon ang nasabi ko pero ibang-iba 'yon sa aking naramdaman habang binibigkas niya ang mga ganoong salita, ang lakas ng kabog ng dibdib ko at tila ang init ng paligid kahit aircon ang loob ng sasakyan. Umiwas ako bigla sa pagkakatitig sa kanyang mga mata, "Malalate na tayo niyan kapag hindi mo pa pinaandar ang sasakyan."

Agad din siyang nagbiro ng kaonti, siguro napansin din niya na hindi ako komportable sa nangyayari. Dumating kami sa resort na siyang venue ng aming prom, halos hindi ko na marecognize ang lahat dahil sa mga suot nilang dresses and suits. Pagbaba pa lang namin sa sasakyan ay agad na nagsitinginan ang halos lahat ng nandoon, puno ng gulat ang makikita sa kanilang mga mukha, nakita ko rin ang apat na mean girls na puno rin nang galit at inggit sa kanilang mga mukha habang tinititigan nila kami ni Denver na magkasama. But I don't care, hindi ko ibababa ang level ko sa kanila, hindi ako hayop tulad ng ugali ng apat.

"Let's go inside,"pagputol niya sa katahimikan ko at agad kaming pumasok sa loob. Sinalubong kami ng mga friends ko kasama ang mga partners nila, medyo maingay na rin ang paligid, halos lahat ng nandoon ay nagsimula nang magsayawan. Hanggang sa niyaya rin ako ni Denver na makisali sa grupo kahit medyo nahihiya ako pero hindi na ako nakatanggi. The DJ started to play the music 'yeah' by Usher, ngayon ko lang din nalaman na magaling pala siyang sumayaw, siguro mahilig sa disco ang lalaking ito. Ako itong medyo nangangapa pero at least hindi masyadong napapansin dahil sa marami kami na nagsasayaw sa dance floor. Then I told him I need a rest kaya umupo muna kaming dalawa at kumuha siya ng drinks na nasa kabilang table.

"Oh dear, look what we got here, ang ilusyonadang babae, iniwan ka na ba nang prince charming mo kasi napagtanto niyang isa ka lang talagang basura?" dumating na naman silang apat upang pagtripan ako subalit hindi ako isang taong kapag napuno na ay wala pa ring imik. Buti na lang hindi masyadong pansin ng lahat ang eksena.

"Well," tumayo ako sa pagkakaupo at humarap sa kanila, lumapit din sa amin ang tatlo kong friends pero hindi na nila ako napigilan ng magsimula akong magsalita, "it seemed I'm not a trash here, in fact, maybe you are kasi nga ugali pa lang ninyo ay nabubulok na at kahit sino ay walang may ganang kainin ito dahil sa mabahong amoy na inilalabas ninyo sa inyong mga bibig pati na ang mga utak ninyong puno ng hangin kung kaya't walang ibang magawa sa buhay kundi ang makialam kahit hindi invited." Hindi na muling nakapagsalita pa ang apat nang mabigla sila sa narinig mula sa akin, ang buong akala siguro nila ay hindi ako lalaban.

"Wow, wow! Narinig nyo 'yon, now go, go, go and stay away from Cassandra because you are nothing compared to her," sabi ni Denver sa kanila nang masaksihan ang buong pangyayari at agad silang umalis na puno ng kahihiyan sa kanilang mga mukha. Nagsitinginan na lamang ang tatlo kong friends na kinikilig sa naging tugon ni Denver sa kanila. Then the music starts to change in a sweet song of 'perfect' by Ed Sheeran kaya bumalik sa dance floor sina Van, Jess at Violy kasama ang kanilang mga partners at naiwan kaming dalawa.

"Are you okay?" tanong niya sa akin habang iniabot ang dala nitong drinks.

"Oo naman," medyo nanginginig pa ako ng kaonti dahil sa eksena kanina pero hindi ako nagpahalata sa kanya.

"Forget about them, let's just enjoy the night together, so can I have the dance again?" He offered his hand to me at hinawakan ko ito ng marahan pero bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. Dinala niya muli ako sa gitna at doon kami muling sumayaw na parang walang ibang taong nakapaligid sa aming dalawa. He is so close to me, I can smell the perfume in his body, dama ko rin ang hininga niya sa aking mukha, hindi niya iniaalis ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa akin, it is a moment of truth, the truth behind my feelings towards him slowly comes out unthinkably. Lumapit pa siya uli't sa akin ng kaonti then he whispered something on my ear but I can hardly hear it dahil sa ingay ng paligid. I tried to ask him again kung ano 'iyon but the music stops and the crowd suddenly went to their respective seats. Sumunod narin kami kasama ng mga kaibigan ko.

The prom night went well as expected, ang lahat ay nag-enjoy pati na mga faculties. The food is great tsaka pati ang band na kinuha ng school ay magaling din. Then the announcer came out, sabi niya may napili na daw ang crowd through actual votes kung sino ang King and Queen ng prom then he suddenly called Denver's name as King and my name as his Queen. The crowd cheered as we walked together holding hands papunta sa stage and accept our sash and crowns. Hindi ko maipaliwanang ang feelings ko sa nangyari, it's a surprise to me kasi nga wala naman akong ideya na may ganito pa lang coronation sa prom and to the fact na nanalo pa kaming dalawa. Isa pa, hindi naman dapat ako kasali kasi nga second year pa lang ako, pero sabi ng faculties okay lang daw iyon. Makikita ko rin ang inggit sa mga mukha ng apat na bruhang babae, siguro they tried to boycott the vote pero hindi sila nagtagumpay. The announcer told us to dance, and then the DJ started to play a song 'beautiful in white' by westlife, though I wore a red dress but it suits us. We danced together without even noticing the people around us who joined.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top