1
Writers message: "Thank you po sa lahat ng readers dahil napili niyong basahin ang istorya kong ito. I hope magustuhan niyo and if you want to comment or may mga suggestions kayo, you are free to do so basta 'wag lang mga harsh words ang gagamitin niyo. Happy reading and God Bless."
............................................................................................................................................................
First Glance...
Sabi nila, kapag nakita mo na ang first love mo, maraming beses mo siyang gustong titigan, lalakas ang tibok ng iyong puso, pagpapawisan ka ng di mo alam kung bakit, at pagkatapos n'yan, hindi mo mapigilan ang mag smile. May mga pagkakataon din na gumagawa ka ng kahit na anong paraan upang mapansin ka niya, at ang pinakagusto mong mangyari ay ang pagkakataong puwede mo siyang makasama at makausap ng sarilinan.
Second year high school pa lang kami ng mga friends ko ay may mga naging boyfriend na sila liban sa akin. Alam ko naman na puppy love lang ang lahat ng feelings nila pero nandidiri pa rin ako. Alam mo 'yon, na parang awkward kapag may ka holding hands ka na guy tapos nakatingin ang lahat ng friends mo sa inyo. Tsaka, nakakainis kaya kapag may nakabuntot sayo na parang guard, na para bagang ayaw ka nang pakawalan. Isa pa, we're in second year kaya ang bata pa namin for that. Pangalawa, ang babaho ng mga pawis ng mga classmates ko noh at parang walang mga ligo, gugustuhin mo bang yumakap sa ganyang klaseng boyfriend to-be? Not me. I tried to tell my friends about that but as usual, hindi sila nakikinig. Inggit lang daw ako kase wala akong boyfriend at walang nanliligaw sa akin. Well, kahit pa man may manligaw sa akin ay busted na, kasi nga ang dami kong reason to do so. I don't feel sorry for myself, hindi pa 'yon ang priority ko this time, tsaka, I'm not a girl to fall in love so easily, I'm so picky in terms of liking a guy. Ang pinakagusto ko ay 'yong matalino at madiskarte sa buhay, ayoko 'yong walang alam sa klase, pati pa naman sa buhay ay palpak din, magugutom ako pagdating ng araw.
My name is Cassandra, at ako ang valedictorian nang class namin. Hindi ko talaga masasabi kong naniniwala ako sa mga sinasabi nila dahil sa nasabi ko na kanina ni minsan hindi ko pa naranasan ang ganoon hanggang sa dumating sa school namin si Denver sakay sa kanyang magarang sasakyan, isa siyang third year student. Hindi ko nakikita ang mga nakikita ng karamihang girls pati na nang mga friends ko sa kanya. They said he's a good-looking, tsaka maputi at matangkad pero ang nakikita ko ay isang ordinaryong transferee lamang. Gigil na gigil silang lahat sa kakatitig sa kanya habang papasok sa kanilang classroom, pati rin mga classmates niya ay obvious na obvious ang tilian but not me.
"Cass, sobrang gwapo niya talaga." Kilig na kilig na pagkakasabi ni Van, isa sa mga bestfriend ko sa school. Kahit may boyfriend na ang gaga, ayaw pa ring paawat sa kakatili. Buti na lang hindi namin classmate ang nobyo niya, at hindi rin namin kasama ngayon dahil kung hindi, naku away ang kalalabasan.
"Sus, kayo talaga, kapag may bago at gwapo, pinagkakaguluhan niyo kahit may mga nobyo na kayo." Pagkairitang sambit ko sa kanya habang binaling ang aking sarili sa dalawa ko pang kaibigan. Rinig ko rin ang tilian nila pero hindi ko na pinansin. Hindi na rin ako nakiusyoso dahil sa nawala na sa isipan ko ang lalaking pinagkaguluhan ng lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top