MFALC Chapter 8: Conflict

Chapter 8


AMARA's POV:

Nasa taxi ako ngayon papunta sa Auto Parlour, ngayon kasi ang araw kung saan pipick-up-in ko ang aking pinagawang sasakyan. Gusto akong samahan ni Tyron sa pagkuha nang kotse ko, pero mabilis ko itong tinanggihan dahil obviously ay halatang pagod na pagod ang itsura nito ngayon.

Lately, napapansin ko na hindi ito masyado umuuwi sa bahay. He told me naman na nasa office pad lang siya at may tinatapos na proyekto, dahil nga kailangan nilang magpa-impress sa kanilang new investors sa kumpanya.

Pero ang hindi mawala-wala sa isip ko ay ang isipan tungkol kay Stephanie. Naalala ko kasi noong nakaraang gabi, habang abala ako sa pagchi-check ng emails ko, napansin ko na biglang nagba-vibrate ang cellphone ni Tyron sa side table.

Tulog na tulog si Babe kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa kanya. Nang kunin ko ang cellphone nito, nakita ko na pangalan ni Stephanie ang rumehistro sa telepono ni Tyron kaya napakunot na lang ako ng noo.

Bakit tumatawag ang babaeng ito kahit alam naman n'yang dis-oras na ng gabi? tanging tanong ko sa aking sarili.

Ngunit segundo lang ang lumipas nang may biglang nagpop-out na mensahe sa cellphone ni Tyron. Mas lalong kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensahe na ipinadala ng babaeng haliparot na iyon sa asawa ko.


From: Stephanie Herrera

Tyron, are you busy? Please pick-up your phone. I need you.


I need you? bakit, anong meron at kailangan niya ang asawa ko nang dis-oras ng gabi? Putragis! Pinapakulo na naman ng babeng haliparot na ito ang dugo ko. Argh!

Napabalik na lang ako sa realidad nang biglang magsalita ang taxi driver, "Maam nandito na po tayo sa Auto Parlour." sambit nito saka inihinto sa gilid ang kanyang taxi.

"Ito po ang bayad Manong, salamat po." saad ko sa matandang taxi driver bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.

Mabilis kong tinungo ang garahe kung saan pinagawa ang aking sasakyan at nagpasilip-silip ako sa paligid sa pagbabaka-sakaling may masilayan akong pamilyar na mukha roon.

Nasa ganoong sitwasyon ako nang may biglang gumulat sa'kin gamit ang pagtapik sa aking balikat, "Hey." wika nito dahilan para mapahiyaw ako ng husto.

"Shoot!" sigaw ko at agad naman akong napatuptop ng aking bibig dahil nasa harap ko na pala si Adam ng hindi ko namamalayan. "God! Why did you do that?" may inis sa timbre kong sambit rito bago napahawak sa aking dibdib.

"Haha! I-I'm sorry... I've been calling you kanina pa, hindi mo ata ako naririnig." nakangiting usal nito sa akin.

"H-hindi... May tinitingnan," ani ko rito habang tinuturo ang garahe sa likuran ko. "Sinisilip ko lang kung ayos na ba 'yung kotse ko." nauutal ko ng sambit kay Adam at ang loko ay titig na titig lang sa akin, particularly diretso lang sa buong mukha ko. Ang creepy.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa amin ni Adam at grabe lang itong lalaking ito kung makatitig, parang may kakayanan itong bumasa ng isip sa datingan ng paningin nito. Ang Weird lang sa feeling.

"You know it's rude to just stare at people, Mr. Cabrero." sarkastiko ko na lang na saad sa kanya bago ko ito hinalukipkipan ng aking mga braso.

Nakita ko naman na mabilis itong napakurapkurap bago nagsalita nang, "I-I'm sorry... I just can't stop staring at you, mas maganda ka pala kapag naka-ponytail pataas ang buhok mo." biglang usal naman nito dahilan para mag-init ang magkabila kong pisngi.

"P-para kang timang." napapailing kong wika sa kanya saka ngumiti ng alangan. Umiwas na ako ng tingin kay Adam para hindi naman niya mahalata na na-overjoyed ako sa sinabi niya. Aba mahirap na, baka isipin niya gullible ako masyado.

"So tara, ready na 'yung kotse mo." pambabasag naman ulit ni Adam sa namumuong awkwardness sa aming dalawa.

"T-tara." mabilis ko namang sagot sa kanya saka kami tumungo sa isang car park doon. Nakahiwalay pala ang mga gawang kotse sa kabilang side ng Auto Parlour. Kaya pala hindi ko nakita 'yung sasakyan ko doon.

Wala pang dalawangpung hakbang ang ginawa namin nang makarating kami sa isang malaking shutter na naroroon. Nakita ko na mabilis itong binuksan pataas ni Adam at bumungad ang aking sasakyan na sobrang linis.

"Wow! Ngayon ko lang ulit nakitang ganyan kalinis si Buddy." nangniningning ang mga matang turan ko habang hinihimas ang aking puting-puti na sasakyan.

Nang dumako ako sa likurang bahagi nito, nakita ko na maayos na lahat ng parteng bahagyang nasira roon. Halos parang wala ngang nangyari sa aking sasakyan, dahil sa pagkakagawa nito na pulido't walang mababakas na kahit anumang nasira rito.

"Nice..." nakangiti kong sambit bago ako muling lumapit sa harapan kung saan naroroon si Adam na pinapanood lang ang bawat galaw ko. "So... I have to get going, susunduin ko pa kasi ang mga anak ko sa school." ani ko rito saka ko nginitian ng alanganin si Adam.

"Right... Sige, nice to see you again Amara. Sayang lang aayain sana kita magcoffee." malungkot na usal nito saka yumuko.

Nakaramdam naman ako ng awa kay Adam, wala naman sigurong masama kung lalabas ako kasama siya para magkape man lang. Pasasalamat ko na rin dahil napaayos niya ang kotse ko.

"O-okay, tara doon na lang tayo sa Coffee Shop malapit sa school ng mga bata para saktong out nila from school ay nandoon na tayo." nakangiti kong sambit sa kanya at nakita kong rumehistro ang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Great! Susunduin ko na rin si Vincent." masiglang saad nito.

"Let's go pero wait, nasaan ang kotse mo?" kunot noo kong tanong sa kanya habang palinga-linga sa paligid.

"Ahh... Nagtaxi lang kasi ako papunta rito, coding kasi ang kotse ko."

"Ganoon ba, sige sabay ka na sa akin." anyaya ko naman kay Adam saka kami pumasok sa aking sasakyan.



*****


Makalipas ang trenta minutos nakarating na agad kami ni Adam sa CoffeeShop malapit sa eskwelahan ng mga bata. Nang maka-park ako sa labas ng CoffeeShop biglang napansin ko si Tyron sa loob ng Shop na nakaupo, abalang-abala nakatuon lang ito sa kanyang cellphone.

"Let's go." masiglang turan ni Adam ngunit hindi ko siya nasagot dahil napako ang tingin ko sa loob ng Coffee Shop. Sa loob kung nasaan ang asawa ko at ang babaeng haliparot na parang ahas na lumilingkis sa braso ni Tyron.

"Amara, why are you crying?" rinig kong usal ni Adam kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko dahil hindi ko alam na lumuluha na pala ako.

"Sa ibang CoffeeShop na lang tayo, Adam." humihikbi kong sambit sa kanya at mabilis kong iniatras ang sasakyan ko papalayo sa lugar na iyon.



THIRD PERSON's POV:

Mabilis nilisan ni Amara ang CoffeeShop kung saan naroon ang kanyang asawang si Tyron at ang dalagang si Stephanie.

Habang nagda-drive ay biglang tumunog ang cellphone ni Amara, hindi niya ito binigyang pansin dahil sa sobrang sama ng kanyang loob. Ilang beses pang tumawag si Tyron, at minuto lang ang lumipas nang makatanggap si Amara ng mensahe mula sa kanyang asawa.


From: MyBabe ❤️

Babe, I saw your car outside the CoffeeShop, why did you left? Please pick up your phone. Let me explain, mali ang iniisip mo.


"D*mn you!" sigaw ng dalaga saka inihinto sa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan. Isinubsob lang ni Amara ang kanyang mukha sa manibela habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Naramdaman na lang niya na hinaplos ni Adam ang kanyang likuran sabay sabing, "Tama na Amara." sinserong saad nito dahilan para lingunin ito ng dalaga.

"Sira ka ba? Gusto mo akong tumigil? Paano naman ako titigil kung nakita na ng sarili kong mga mata ang harap-harapang panloloko ng asawa ko sa akin?!" humihikbing sigaw nito sa binata.

"I know, i know... Pero dapat pinakinggan mo muna siya or better yet pinasok mo sila sa loob ng CoffeeShop, for you to know the whole story." pagpapaliwanag ni Adam kay Amara.

Napaisip naman ito sa sinabi ni Adam, kaya mabilis itong nagsalita nang, "Sige papakinggan ko ang paliwanag niya mamaya. But for now, samahan mo muna akong mag-inom." matigas na usal ni Amara at mabilis na pinaandar ang kanyang sasakyan.



Sa kabilang dako naman:

Naghihintay si Tyron sa CoffeeShop malapit sa eskwelahan ng mga bata, para sorpresahin ang kanyang asawang si Amara. Hindi niya inabisuhan si Amara na pupunta siya roon dahil alam naman n'yang makukuha na nito ang kanyang sasakyan.

Habang abala sa pagtipa ng kanyang telepono si Tyron biglang may lumingkis na kamay sa kanyang braso kaya mabilis niya itong binalingan. "S-steph? What are you doing here?!" gulat na usal niya sa dalaga at pilit na iniaalis ang kamay nito sa kanyang braso.

"You, what are you doing here? Meeting someone ey?" malanding saad nito at mas lalong hinigpitan ang kapit sa braso ng binata.

"I'm waiting for my wife, can you please move away from me baka may makakita sa ginagawa mo." iritableng usal ni Tyron dahil ayaw niyang may masabi ang ibang tao para pag-isipan ng masama ang kanilang pamilya.

"Grabe ka naman, parang humahawak lang sa braso mo. Hmpf!" inis na turan nito saka nakangusong humiwalay sa binata.

Nang humiwalay na nang tuluyan si Stephanie sa binata, napalingon si Tyron sa labas ng CoffeeShop at nanlaki ang mga mata dahil nakita niya ang sasakyan ni Amara roon na ngayon ay papaalis na.

"Sh*t! Sh*t!" anas ni Tyron sa hangin saka nagmamadaling lumabas ng CoffeeShop sa pagbabaka-sakaling maabutan pa niya ang kanyang asawa.

Pilit niyang tinatawagan si Amara ngunit hindi man lamang ito nag-abalang sagutin ang kanyang mga tawag. "F*ck!" bulyaw pa ni Tyron saka isinuklay pataas ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga kamay dahil sa pagkabalisa.

"Hey, what's wrong?" biglang bungad ni Stephanie saka hinawakan ang balikat ng binata.

"It's Amara, i know she saw us inside the Shop. F*ck! Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" inis na anas niya sa dalaga bago sinubukang tawagan ulit numero ng kanyang asawa.

"Babe... Pick-up your phone please." nag-aalalang usal ni Tyron bago pinadalahan ng mensahe si Amara.

"I-I'm sorry... I didn't mean to..." hindi na natapos ni Stephanie ang kanyang sasabihin nang biglang singhalan ito ng binata.

"Shut up Stephanie! I told you to stay away from me but you didn't listen! Tingnan mo ngayon, siguradong galit na naman sa akin si Amara! F*ck!" bulyaw ni Tyron saka dumiretso sa kanyang sasakyan.

Naiwan naman si Stephanie na tulalang nakatayo sa bukana ng CoffeeShop habang tinatanaw ang binata na papalayo na sa kanyang kinatatayuan lulan ng sasakyan nito.

Sinundo na lang ni Tyron ang kanyang mga anak na sina Tyler at Reese, bago napagpasyahang dumiretso na sa kanilang tahanan para hintayin si Amara doon.



*****


Hello Lovies! 😊
Sensya na now lang nakapag-update. Mag-papasko na kaya busy na ang life ng Author niyo. 😂

Don't worry dahil after naman nang holidays, regular na ulit ang updates nito. Chillax lang kayo d'yan dahil susulpot-sulpot naman ang Chapter nito ng hindi niyo namamalayan. 😁✌️

Oh well! See you next Chapter mga labs! ❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top