MFALC Chapter 4: Baby

Chapter 4


TYRON's POV:

Its been a long time since Amara and I had a quality time together like we were before. Palagi naman kaming magkasama sa bahay with our kids, but I really miss hanging out with her. Masyado na ata akong naging busy sa trabaho, kaya napapabayaan ko na ang asawa ko na mag-isa sa pagpapalaki ng mga anak namin.

"Babe." I called her but she didn't respond.

Ibinaba ko ang mga gamit ko sa couch at saka naglakad papunta sa bathroom. I saw my wife taking a bath with red roses scattered in water. Hindi niya siguro napansin ang presence ko dahil may nakapasak na earphone sa tenga niya, while her eyes were closed.

I think she's taking a nap.

I quickly took off all my clothes. Hindi ko pwedeng palampasin ang chance na ito, dahil minsan ko lang masolo ang asawa ko. I slowly entered myself inside the bathtub, pero mabilis akong naramdaman ni Amara kaya dumilat agad ang mga mata nito.

"Hi Babe." nakangiti kong bungad sa kanya na kahit hindi niya ako naririnig ay parang naintindihan naman niya ang sinabi ko.

Ngumiti lang ito sa akin, saka tinanggal ang headset sa tenga niya, "Babe, akala ko mamaya ka pa?" She said and kissed me.

"Yeah, but I wanted to suprise you." I said while caressing her cheeks.

"Well, congrats Babe. You surprised me." magiliw na saad nito saka itinali ang kanyang buhok pataas na parang messy bun.

Mabilis naman akong pumunta sa likuran niya habang nakapagitna si Amara sa pagitan ng mga hita ko.



AMARA's POV:

Tyron sat down leaning his back on the tub, dahan-dahan niya akong inalalayan para paupuin sa pagitan ng mga hita niya. Nakita ko na nilagyan niya ng body wash ang yellow sponge, saka ito inihagod sa likuran ko.

Matagal na kaming hindi nagkakaroon nang oras para sa isa't isa, palagi kasi itong busy sa trabaho at ako naman minsa'y abala rin sa pag-aasikaso sa mga anak namin at isama mo pa ang Bake Shop na pinangalanan na namin ngayon na Three Ty's Shop.

"Hmmm..." isang ungol ang kumawala sa lalamunan ko dahil sa sobrang sarap ng paghagod ni Tyron sa likuran ko.

Inihiga ko naman ang likod ko sa matipuno n'yang dibdib saka umalalay ang mga kamay ko sa magkabilang tuhod ni Babe.

Masyado na akong narerelax dahil na rin siguro sa scented candle na sinindihan ko kanina. Ang sarap lang sa pakiramdam ng aroma nito, at isama mo pa ang hot kong asawa. Edi Winner!

Naramdaman ko na lang na hinahalikan ni Tyron ang leeg ko bago ito nagsalita nang, "Babe, out of town tayo." He said while busy kissing my neck.

Mabilis ko naman siyang nilingon saka kinunutan ng noo habang nakapagitna pa rin ako sa mga hita niya.

Nakuha naman ni Tyron ang ibig sabihin ng aking reaksyon kaya mabilis itong sumagot nang, "Out of town with our kids. Kahit sa Three Ty's Resort na lang, para makabakasyon na rin ang mga bata." anito saka ako ginawaran ng isang mabilis na halik sa labi.

"Sigurado ka, Babe?" tanong kong muli sa asawa ko, aba mahirap na baka napipilitan lang ang isang ito dahil alam ko naman na busy si Tyron sa company dahil may mga bagong investors sila roon, kaya kailangan magpa-impress.

"Yes Babe," saka ako muling hinalikan sa labi. "Bukas na bukas din alis na agad tayo." nakangiti niyang usal sa akin.

Nakangiti akong tumango kay Babe saka muling isinandal ang likod ko sa dibdib nito. Tahimik kaming bumabad ni Tyron sa tub, hanggang sa namalayan ko na lang na gumala na ang mga kamay nito papunta sa tuktok ng dibdib ko na may bula.

"Babe, not now." ani ko rito saka hinawi ang mapaglaro nitong kamay.

Naramdaman ko na lang ang mainit na hininga nito sa tenga ko sabay sabi nang, "Babe, sundan na natin si Tyarra." bulong nito sa akin na nagpalaki naman nang husto ng mga mata ko.

"Tyron!" hindi makapaniwala kong singhal dito.

"W-what?" patay malisya na usal nito, na parang simpleng bagay lang ang hinihiling niya.

"Anong what?!" histerikal kong utas sa kanya saka mabilis na tumayo sa bathtub. "Puro ka kalokohan, ang liit-liit pa ni Tyarra gusto mo nang sundan!" inis kong sambit dito habang pinupunasan nang tuwalya ang mga bula sa buong katawan ko.

"B-babe..." natatawa nitong wika saka hinawakan ang kamay ko. "Sorry na po, hindi na mauulit." hingi nito nang pasensya na ikinairap ko naman sa kawalan.

"Babe..." ani ko rito saka bumuntong hininga. "Kakatatlong-taon pa lang ni Tyarra, ano na naman pumasok sa isip mo bakit ka humihiling ng kasunod?" kunot noo ko sa kanya, na halos mag-isang linya na ang mga kilay ko sa sobrang kainisan.

"Okay, I'm sorry..." malungkot na usal nito kaya napailing na lang ako saka inalis ang kamay nito sa pulsuhan ko. "Hey Babe, balik ka na rito."

"Sige na tuloy mo na 'yan, nawalan na ako ng gana." matamlay kong wika sa kanya saka naglakad palabas ng banyo, hindi ko na alintana ang hubad kong katawan. Wala na rin naman akong maitatago kay Tyron dahil nakita na niya ang bawat kasulok-sulukan ng katawan ko.



*****


"Talaga Naynay, pupunta po tayo sa Three Ty's Resort?" nagniningning ang mga matang sambit nang anak kong si Tyler habang binibihisan ito ni Mia.

"Yes Anak, kaya ayusin mo na ang mga gamit mo dahil aalis na tayo in 30mins." ani ko rito habang abala sa pagbibihis ng anak kong si Tyarra.

"Naynay..." napalingon naman ako nang tawagin ako ni Reese sa may bukana ng pintuan. Sumisenyas ito na puntahan ko siya dahil sa mustra ng kanyang kamay.

"Bakit Anak?" saad ko sa kanya nang makalapit ako sa kinatatayuan nito.

"Red days ko po ngayon." nahihiya nitong bulong sa akin at alam ko na ang ibig niyang sabihin na Red days. Ganyan ang tawag ni Reese sa buwanang dalaw niya kaya naman nginitian ko na lang ito.

"It's okay princess, pwede ka namang hindi magswimming sa Resort." ani ko sa dalaga kong anak saka tinap ang ulo nito.

Walang ganang tumango naman ito saka pumasok na rin sa kanyang kwarto.

Ilang oras ang aming ibiniyahe at sa wakas ay nakarating din kami sa Three Ty's Resort. Itong resort at ang Bake Shop ay pinangalanan na naming Three Ty's para na rin sa aming mga anak.

"Yehey!" rinig kong sigaw ni Tyarra habang karga ng Daddy niya, na kahit tatatlong taong gulang pa lamang ay marunong na itong maka-appreciate nang mga bagay-bagay.

"Do you like it, baby?" lambing ni Tyron rito saka iginala ang aming bunso sa paligid ng resort.

Napangiti ako dahil kita ko sa mukha ni Tyron na gustong-gusto niya nang bata. Napaisip tuloy ako kung, Dapat ko na bang pagbigyan ang kagustuhan ng asawa ko? Haaaayyy... Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa kaisipan na 'yon at saka kinuha ang mga gamit namin ng mga bata kasama si Mia.

"Naynay, Daddy, swimming na po tayo." excited na usal ni Tyler at nagmamadaling hubarin ang damit niya.

"Mia, pakidala na si Tyler sa pool."

"Ate, paano po si Tyarra?" tanong nito sa akin.

"Ako na ang bahala sa kanya, si Tyler na lang ang asikasuhin mo at pakisabi kay Julia, dalahan kayo ng juice at makakain doon."

"Naynay, sama na lang po kami ni Tyarra sa pool." pagpiprisinta ni Reese sa akin.

"Are you sure anak?"

"Yes po Naynay." saad nito saka binuhat ang kapatid niya.

"Alright, punta na ako sa kabilang room. Ito Mia ang susi ng kwarto niyo, susunod na lang kami ni Tyron doon." ani ko sa kanila saka iniabot ang keycard kay Mia.

Lumabas na ang mga bata at inayos ko sandali ang mga gamit nila bago ako tumuloy sa sarili naming kwarto ni Tyron.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil na rin sa mga bitbit kong gamit. Pagpasok ko sa loob hinagilap agad ng mga mata ko si Tyron, wala ito sa kwarto kaya sinilip ko siya sa banyo.

Nasan na si Babe?

Nagkibit balikat na lang ako saka nagpatuloy sa pagsasalansan ng mga gamit namin sa kabinet. May narinig akong boses sa 'di kalayuan, parang pabulong ang dating nang pananalita nito kaya naman dala ng aking kuryusidad, naisipan kong pumunta sa balcony.

Unti-unti kong hinawi ang makapal na kurtina roon at nakita ko si Tyron na may kausap sa kanyang cellphone.

Sinong kausap no'n bakit parang ang seryoso naman niya masyado? Akala ko ba Family Time niya ngayon? Bakit hanggang ngayon ay busy pa rin ito sa kakatelepono niya?

Yan ang mga tanong na gusto kong hanapan nang kasagutan, napabalik na lang ako sa realidad nang marinig kong nagsalita si Tyron,

"Hindi ako pwede ngayon, kasama ko ang pamilya ko." pabulong na usal nito sa kausap niya kaya naman nagtago ako para hindi niya ako makita.

"Sige na, I have to go Steph."

S-si Stephanie na naman ang kausap niya? nanlalaki ang mga matang sambit ko sa aking sarili. Nakaka-punyeta lang talaga ng haliparot na 'yon, hanggang ngayon ay kahati pa rin namin siya sa oras ng mga anak ko. Bwisit!

Narinig ko ang yabag ni Tyron na papasok na sa loob ng kwarto kaya mabilis ako tumakbo sa harap ng kabinet para kunwaring abala ako sa pag-aayos ng mga ito.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Tyron na humimas sa bewang ko. Bahagya pa lang tumaas ang suot kong damit kaya malaya itong haplos-haplusin iyon.

"Babe." bulong nito sa tenga ko.

"Babe, nag-aayos ako di ba?" pagtataray ko rito dahil nabu-bwisit talaga ako sa kanya.

"Higa muna tayo sa kama, please." pa-ungol nitong sambit sa tenga ko, at ilang segundo pang ang lumipas nang buhatin ako nito saka dinala sa kama.

"B-babe... Ano ba." natatawa kong saad sa kanya at naramdaman ko na lang na dahan-dahan niya akong inihiga sa kama.

Lintik lang, nabilog na naman niya ako. Ang hirap talagang i-resist ng charm ni Tyron.

Ikinulong niya ako sa pagitan ng kanyang mga braso habang seryosong nakatingin diretso sa mga mata ko, "Babe, Let me do you, please." namamaos na usal nito.

Grabe lang talaga kapag ang asawa ko na ang humiling parang ang hirap tanggihan. Lalo na kapag tiningnan ka niya ng kanyang mga mata, para ka nang mahihipnotismo nito't madadala sa mundo na si Tyron lang ang may alam.

Dala na rin nang aking kaharutan, tumango na lang ako sa kanya at iyon na ang hudyat na hinihintay ni Tyron para dalhin niya ako sa alapaap.

Mabilis akong sinunggaban nito nang halik at naisakatuparan niya ang kanyang kagustuhan na angkinin ang aking katinuan at ang katawang lupa ko.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top