MFALC Chapter 3: Jealousy turns into Sensuality

Chapter 3


Biyernes nang tanghali, panay ang tawag ni Amara sa kanyang asawa na si Tyron. Wala kasing pasok ang mga bata ngayon, kaya't naisipan nilang magpunta sa Mall.

Ilang beses pa niyang sinubukan tawagan ito, ngunit hindi man lang nag-abalang sagutin ni Tyron ang kanyang tawag,

"Gano'n ba siya ka-busy, para hindi man lang niya makita na tumatawag ako?" aniya habang nakalagay pa rin ang cellphone sa kanyang tenga.

Naisipan pa niyang tawagan ito sa opisina, at ilang ring lang ang kanyang pinaghintay bago may maarteng sumagot sa kabilang linya.

"Anderson's Office..." maarteng sagot nito sa telepono.

Alam ni Amara na si Ginger ang sumagot nito, wala siya sa mood na magtaray sa dalaga, kaya naman napairap na lang siya sa kawalan.

"Hello... Can I talk to Mr. Anderson, please." magalang na usal ni Amara rito, na kahit kumukulo ang dugo niya sa babaeng suman na iyon ay mas pinili niyang magpaka-pormal.

"I'm sorry Maam, but Mr. Anderson is busy at the moment." maarteng saad nito sa kanya.

"Gaano ka-busy?" biglang tanong ni Amara rito.

"Excuse me?" wika ni Ginger sa pinaka-matinis na boses nito.

Nagpanting ang tenga ni Amara sa pamamaraan nito nang pagsagot sa kanya, ngunit wala siya talaga sa mood na makipagtalo rito kaya diniretso na niya ang dalaga.

"Ang sabi ko, gaano ba ka-busy ang boss mo para pati asawa niya ay hindi siya pwedeng maabala?" iritable niyang sambit dito.

"Sorry po Maam Amara, bilin po kasi ni sir Tyron na hindi po sila pwedeng istorbohin ni Miss Stephanie."

Nang marinig ni Amara ang sinabi ni Ginger, agad kumulo ang dugo niya dahil mukang ibang bagay ang pinagkaka-busy-han ngayon ng kanyang asawa.

Kilala niya kung sino si Stephanie Herrera, isa ito sa anak ng kanilang investor sa kumpanya. At isa rin ito sa babaeng nagkakandarapa sa kanyang asawa.

Pilit sinasabi ni Amara kay Tyron na may gusto ito sa kanya, ngunit hindi naman binibigyang kulay ito ng kanyang asawa dahil magkaibigan lang daw sila ni Stephanie.

Napabalik na lang si Amara sa realidad nang marinig niya ang boses ni Ginger sa kabilang linya, "Maam Amara, hello..."

"Yes, I'm still here. Sige iti-text ko na lang si Tyron..." hindi pa natatapos ni Amara ang kanyang sasabihin nang biglang mamatay ang linya ng telepono.

Inis niyang inihagis sa kama ang kanyang cellphone saka hinalukipkip ang kanyang mga braso, "Ano na naman ang kailangan ng haliparot na 'yon?!" iritable niyang saad sa hangin.

Naisipan niyang tumuloy na lang sa Mall para mawala rin ang kanyang stress, stress sa isipin tungkol kay Tyron at kay Stephanie. Bago pa sila tuluyang makaalis, pinadalahan muna ni Amara nang mensahe ang kanyang asawa.


To: MyBabe ❤️

Babe, punta lang kami ng mga bata sa Mall. Hindi ko na sasabihin na sumunod ka na lang kung gusto mo, dahil mukang busy'ng busy ka naman ngayon sa ka-MEETING mo.


Pagkapadala niya ng mensaheng iyon, mabilis niyang isinilid sa kanyang bag ang cellphone saka lumabas ng kwarto para puntahan ang kanyang mga anak.



*****



Masayang naglaro sina Tyler at Tyarra kasama si Yaya Mia sa loob ng isang arcade house. Mas pinili namang maupo nina Amara at Reese sa bakanteng upuan doon para makapag-pahinga.

Abala sa pagbabasa ng libro si Reese habang si Amara naman ay pasilip-silip sa kanyang telepono kung may tawag o mensahe man lang si Tyron doon.

Bwiset! Ano bang pinag-uusapan nila ng haliparot na iyon. Halos magtatlong oras na simula nang mai-send ko kay Babe ang text ko, pero wala pa rin akong natatanggap na tawag o text, kahit tuldok man lang para kahit papaano alam kong nabasa niya, pero wala talaga. Kainis! inis na sambit ni Amara sa kanyang sarili saka muling itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang mga anak na masayang naglalaro sa arcade.

Nasa ganoong sitwasyon si Amara, nang biglang may bumati sa kanyang lalaki, "Hi Amara!" magiliw na usal nito.

Saka lang tinapunan ito ni Amara ng tingin nang marinig niya ang kanyang pangalan. Nang mapagtanto kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon ay napa-ngiti siya nang husto, dahil ngayon lang niya ulit nakita ang pigura nang taong ito.

"Miguel?" masaya n'yang wika sa binata.

"Yep, it's me!" naka-ngiting usal nito.

Mabilis namang nakipag-beso rito si Amara, hindi niya akalain na makikita niyang muli ang binata. Simula kasi nang ikasal sila ni Tyron ay lumipad na si Migs papuntang America at doon na nanirahan.

"Grabe Migs, hindi kita nakilala." namamanghang saad niya rito, dahil ibang-iba na talaga si Miguel simula no'ng huli niya itong nakita.

Noon ay hindi naman ito kaputian, pero iba na ngayon dahil mas kuminis at pumuti na ang balat ng binata. Kulay ginto na rin ang buhok nito, hindi gaya dati na sobrang itim at medyo kulot pa.

"Thank you America, kung hindi dahil sa klima roon ay hindi ako puputi nang ganito." biro nito sa dalaga saka naghalakhakan ang magkaibigan.

"Anyways, maiba tayo nagkita na ba kayo ni Babe o nina Kuya Mark at Drake?" biglang pagtatanong ni Amara sa binata.

"Nope, kakauwi ko lang kahapon. Bukas ko pa sana sila co-contact-in, eh nakita kita at sabi ko parang kilala kita," natawa pa ito ng bahagya. "Kaya nilapitan kita." ani ni Migs habang naka-ngiti.

"Ganoon ba? Sige, hahayaan ko na ikaw na ang kumontak sa kanila, sana lang mapigilan ko ang sarili ko na sabihin kay Babe." natatawang sambit ni Amara rito kaya nagtawanan na naman ang dalawa.

Nasa ganoong halakhakan sina Migs at Amara nang biglang may tumikhim sa kanilang likuran, "Ehem..." anito sa kanyang baritonong boses.

Mabilis nila itong nilingon at napansin ang presensya ni Tyron, "Babe!" gulat na saad ni Amara rito saka humalik sa labi ng kanyang asawa.

Seryosong humalik naman ito pabalik sa kanya, ngunit diretsong nakatingin pa rin sa kinatatayuan ni Miguel.

"Bro!" masiglang bati ni Migs sa binata saka nag-bro-hug ang dalawa.

"Kailan ka pa dumating?" biglang tanong ni Tyron sa binata.

"Kahapon lang bro, bukas ko pa sana kayo kokontakin. Eh nakita mo na ako kaya, nice to see you man!" ani ni Migs.

"So what are you guys doing here?" seryosong usal ni Tyron at nagpapalit-palit pa ang tingin niya kina Amara at Miguel.

"B-babe, coincidence lang ang pagkikita namin dito ni Migs. Dinala ko kasi dito ang mga bata dahil gusto raw mag-arcade ni Tyler." wika ni Amara saka ikinawit ang kanyang kamay sa braso ni Tyron.

"Yes, actually paalis na rin ako," usal ni Migs saka tiningnan ang kanyang relo. " Pa'no bro, jamming tayo bukas nina Mark and Drake alright?" masayang saad nito saka tinapik ang balikat ng kanyang kaibigan.

"Sige bro, ingat ka." pamamaalam ni Tyron sa binata.

Tumango lang si Migs kay Tyron saka nginitian si Amara, bago nito isinuot ang kanyang shades. Tinanaw na lang ng mag-asawa ang binata na ngayon ay papalayo na sa kanilang kinatatayuan.

"Bakit kayo magkasama ni Miguel?" biglang tanong ni Tyron sa kanyang asawa.

"Ha? H-hindi... Dito lang kami nagkita Babe," naguguluhang sambit ni Amara, dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging pakitungo ni Tyron kay Migs.

"Teka nga, ikaw ang dapat kong tanungin. Bakit ka nandirito? 'Di ba, masyadong importante si Stephanie na ka-meeting mo kanina, na halos apat na oras mo akong inignora, dahil BUSY kayo at ayaw mong paistorbo?" pagtataray ni Amara rito at ipinagdiinan pa ang salitang Busy saka umirap sa kawalan.

"Importante ang meeting namin na iyon, Babe. Bakit parang may nasesense ako na nagseselos ka na naman kay Stephanie?" kunot noong usal ni Tyron.

"Ako?!" sarkastikong saad ni Amara saka itinuro pa ang kanyang sarili. "Ako nagseselos? Wow! Napaka-wow lang talaga Tyron!" hindi makapaniwalang sambit niya rito habang napapa-iling ang ulo dahil sa kanilang pinagtatalunan.

Sasagot pa sana si Tyron nang biglang lumapit sa kanila si Tyler, "Daddy!" sigaw nito at patakbo na sumalubong sa kanyang Ama.

"Hey, little guy. Mukang enjoy na enjoy ka ha." pag-iiba ni Tyron sa kanyang awra saka mabilis na tinapunan ng seryosong tingin si Amara, na ngayon ay nakabusangot na.

"Yes Daddy, me and Tyarra ride the mini-train and It was fun riding it!" masiglang saad ng batang si Tyler habang iminumustra pa ang kanyang kaligayahan.

"Well that's good to hear. So i bet you're hungry na, am i right?" pagbibiro pa ni Tyron sa kanyang anak.

"Yes Dad, I want pizza!" magiliw na saad nito habang pinapalakpak pa ang kanyang mga kamay.

"Alright, it's a pizza then. Just call your Ate Reese and Mia. Pupunta tayo sa pizza parlor." nakangiting sambit ni Tyron rito saka hinatid ng tingin ang kanyang anak na tumatakbo para sunduin ang mga kapatid nito.

Tiningnan naman ni Tyron ang kanyang asawa na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Humugot muna siya ng malalim na hininga saka ito ibinuga sa hangin.

"Haaayyy..." buntong hininga nito saka hinawakan ang baba ni Amara para magtama ang kanilang paningin. "Babe, I'm sorry..." lambing niya rito at pilit na hinuhuli ang paningin ng kanyang asawa.

Walang ganang tiningnan naman ito ni Amara at hindi man lang nag-abalang sumagot sa paghingi ng tawad ni Tyron. Sa halip ay inalis nito ang kamay ng binata sa kanyang baba saka pinuntahan ang kanilang mga anak.




*****


Habang abala sa kani-kanilang pagkain, biglang nakaramdam si Amara ng mainit na palad na dumampi sa kanyang hita. Napasighap pa siya nang biglang himasin ito ni Tyron na parang nang-aakit, kaya naman mabilis niyang tiningnan ito ng masama.

"What the heck are you doing, Tyron?!" mahina niyang sambit rito pero halata ang pagka-inis sa timbre ng kanyang boses.

Pasimpleng kinindatan lang siya nito, saka nagpatay-malisya na humarap sa kanilang mga anak.

Pigil ang hininga na tinitiis ni Amara ang bawat haplos na ginagawa ni Tyron sa kanyang hita. Palihim na napa-ungol pa siya nang umakyat ang haplos nito papunta sa gitna nang kanyang mga hita.

Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito, dahil baka may makakita sa ginagawa ni Tyron, ngunit mas malakas ang mga kamay ng kanyang asawa kesa sa kanyang nanghihinang sistema.

"Hmmm..." pigil na anas ni Amara sa pagitan ng kasarapan na kanyang kinakaharap ngayon. Dahil ramdam niya na minasahe ni Tyron ang kanyang kaselanan.

Halos pagpawisan na ang dalaga sa ginagawa nito sa kanyang pagkababae, na kahit malakas ang aircon sa restaurant na kanilang kinakainan ay tinalo ito ng init ng kanyang katawan.

Malayang nahihimas ni Tyron ang pagitan ni Amara dahil sa nakabestida lang ito, kaya mabilis niyang napaghiwalay ang mga hita ng kanyang asawa.

Nang maramdaman ni Amara na iginilid nito ang kanyang saplot pang-ibaba ay mabilis niyang kinurot ang kamay ni Tyron, dahilan para mapadaing ito nang husto.

"Aray!" usal ni Tyron habang kinikiskis ang kanyang balat na may kurot ni Amara.

"Daddy, bakit po?" biglang tanong ni Reese sa kanyang Ama.

"N-nothing princess, may lamok kinagat ako." pagpapalusot nito kaya't napatawa si Amara na parang naging isang ungot ng baboy.

Sabay-sabay na napatingin sina Reese, Tyler at Yaya Mia sa gawi ni Amara. Kaya nagkunwari na lang siya na umuubo para mailusot ang bahagya niyang pagtawa.

Kibit-balikat na nagsibalikan naman ang mga ito sa kanilang mga kinakain. At nakipagpalit na ng upuan si Amara kay Tyler para makaiwas ito sa kalokohan ng kanyang asawa.




*****


Grabehan na ituuu... 😂😂😂



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top