MFALC Chapter 23: Enemy Strikes
Chapter 23
Pabalang na isinarado ni Cassie ang kanyang inupahang kwarto at pabalik-balik na naglakad sa gilid ng kanyang kama.
"I have to figure out, how to get Tyron away from that woman." inis na sambit nito habang kinakagat pa ang kanyang mga kuko sa sobrang pag-iisip.
Bigla na lang napasabunot ng kanyang buhok si Cassie, dahil sa frustration na kanyang pinagdadaanan ngayon, "Argh!" iritable pang anas nito bago kinuha ang kanyang gamot na Antidepressants sa night stand.
Napaupo ang dalaga sa kama habang hawak-hawak ang kanyang gamot. Iniisip niyang maigi kung dapat pa ba niyang inumin ito, dahil para kay Cassie ay normal na ang kanyang sistema ngayon. Sadyang mahal lang niya si Tyron kaya't tumataas na naman ang lebel ng kanyang pagka-depress,
"Relax Cassandra, you're just thinking too much kaya ganito ang nararamdaman mo." pagpapakalma nito sa kanyang sarili bago ipinikit ang mga mata para huminga ng malalim.
Nang iminulat ni Cassie ang kanyang mga mata ay ngumiti lang ito ng napakatamis, saka hinubad ang suot niyang white sleeve. Naisipang ayusin ng dalaga ang kanyang sarili para humingi ng tawad kay Tyron.
"Sweetie," tawag ng dalaga habang kumakatok sa pintuan ng unit na inupahan ni Tyron. "Tyron open the door please." pakiusap pa niya rito.
Ilang minuto rin ang itinagal ng pagkatok ni Cassie nang bigla itong bumukas ng pagkaluwang-luwang. Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil ibang tao ang naabutan niya roon, "N-nasaan si Tyron?" aniya rito habang palinga-linga sa loob ng kwartong iyon.
"Maam sorry po pero nagcheck out na po 'yung guest, tatlong oras na po ang nakakalipas." magalang na saad ng housekeeper sa dalaga.
"I don't believe you! Wag mong itago si Tyron." mapangahas na bulyaw ni Cassie saka tinabig ang babaeng nakaharang sa pintuan.
Nagmamadaling tinungo ni Cassie ang loob ng hotel room ni Tyron, ngunit wala siyang nakita ni isang bakas na magtuturo sa binata. Sinunod nitong buksan ang balcony at sa huli ay inilang hakbang lang ng dalaga ang banyo sa pagbabaka-sakaling masilayan ito, pero walang Tyron na sumalubong sa kanya.
Bagsak ang balikat na lumabas ng banyo si Cassie bago naupo sa kama na hinigaan ni Tyron. Hinaplos ng dalaga ang puting kobre kama, na parang inaalala ang imahe ng binata na natutulog.
Nasa ganoong isipin si Cassie nang biglang marinig niyang nagsalita ang housekeeper na naglilinis doon, "Maam, ayos lang po kayo?" nag-aalalang sambit nito kaya mabilis itong tiningnan ng dalaga ng masama.
"Who are you, to ask me that stupid question? Hinihingi ko ba ang opinion mo. Ha?!" singhal ni Cassie rito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.
"S-sorry po Maam." natamemeng sambit nito saka yumukod bilang paghingi ng pasensya.
"Tsss..." mataray na saad ng dalaga saka tuluyang lumabas ng unit.
Nagmamadaling bumalik si Cassie sa kanyang hotel room at muling isinara ang pinto ng pabalang, "Aaaahhhhh..." nakakakilabot na sigaw ng dalaga habang papasok ito sa loob ng kanyang inuupahang silid.
Mabilis nitong tinungo ang gilid ng kama bago sinabunutan ang kanyang buhok, "You can't do this to me, Tyron!" saka pinaghahampas ang unan doon. "You can't leave me, you can't!" galit na galit na anas ni Cassie bago pinag-gugulo ang kanyang hinihigaan.
"H-hindi mo ako pwede iwan, Tyron." umiiyak na sambit nito bago naupo sa sahig saka isinubsob ang kanyang mukha sa kama. "M-mahal na mahal kita, wag mo ko iwan please..." humahagulgol na saad ng dalaga sa pagitan ng kanyang pagluha.
Nasa ganoong posisyon si Cassie nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Sa una ay binalewala niya lang ito, ngunit mukang hindi siya titigilan ng taong iyon hangga't hindi nito nakukuha ang pakay.
Marahang inabot naman ito ng dalaga sa ibabaw ng night stand bago sinagot ang tawag, "H-hello." humihikbing wika ni Cassie bago pinunasan ang mga nagkalat na luha sa kanyang pisngi.
"Hello Sandy, we're here at the lobby. Anong room number mo?" bungad ni Ginger sa kabilang linya.
Napairap na lang sa kawalan si Cassie sabay sabing, "W-what do you want?" walang gana niyang saad rito.
"Don't you ever talk to me that way, Sandy!" at sa puntong iyon ay tumaas na ang timbre ng boses ni Ginger.
"Tsss... 0617." tanging sambit ng dalaga bago pinutol ang linya ng telepono.
Tumayo sa tapat ng bintana si Cassie habang nakahalukipkip ang mga braso sa sobrang kainisan. Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig ng dalaga na bumukas ang pintuan ng kanyang hotel room.
Walang ganang nilingon naman ito ni Cassie at nakita niya na pumasok doon si Ginger kasunod si Cabbie, "Talagang pinuntahan niyo pa ako rito ah." sarkastikong saad nito bago muling humarap sa bintana.
Mabilis namang nilapitan ito ni Ginger saka niyakap ng mahigpit ang dalaga, "God! I'm so worried about you, what's gotten into your brain at nagpakita ka kay Tyron?" anito saka humiwalay sa kanyang kapatid.
"I need him Regina. Mababaliw ako kapag nawala pa sa akin si Tyron, susundan ko siya pabalik sa Manila." nagmamadaling sambit nito.
Ngunit bago pa makalayo ay mabilis itong hinablot ni Ginger sa braso sabay sabing, "Are you out of you're mind?!" biglang anas nito sa dalaga.
Binalingan naman siya ni Cassie saka tiningnan ng matalim, "Yes Regina! I'm freaking delirious, crazy and desperate!" bulyaw nito sa kanyang kapatid bago pabalang na binawi ang kanyang braso. Nagmamadaling tinungo ng dalaga ang kanyang mga gamit para isilid ito pabalik sa kanyang luggage.
Mabilis naman itong sinundan ni Ginger at pinagkukuha ang mga gamit ng kanyang kapatid, "You're not going anywhere Sandy!" ma-awtoridad na pagpipigil niya rito.
"Give me that Regina!" pakikipagbuno namang sambit ni Cassie rito habang pilit inaagaw ang kanyang mga gamit.
"No!" bulyaw nito dahilan para mapatigil ang kanyang kapatid. "You're not going anywhere and that's final!" singhal pa ni Ginger saka inihagis ang mga gamit ng dalaga.
Parang natauhan naman si Cassie sa biglang pagsigaw ng kanyang kapatid at tulalang napaupo na lang ito sa kama.
"F*ck!" sigaw ni Ginger bago napahilamos ng kanyang mukha. Mabilis nitong binalingan si Cassie sabay sabing, "Listen to me, you hard headed bratt! Sinabi ko na sayo, na ako nang bahala sa lahat but you didn't listen to me because of your selfishness!"
Hindi naman nakaimik si Cassie sa sinabi nito at patuloy lang sa pakikinig habang nayuko.
"I did everything to make your freaking life normal, but what did you do? Ha?! Nang dahil sa kahibangan mo sa lalaking 'yon, mawawala ang lahat ng pinag-planuhan natin!"
Mabilis namang nilapitan ni Cabbie si Ginger bago hinaplos ang likod nito para pakalmahin ang dalaga.
Pilit na pinakalma ni Ginger ang kanyang sarili bago muling hinarap ang kanyang kapatid, "So now I'm asking you one last time, Sandy. Are you still in with my plans or not?" at sa puntong iyon ay malumanay na ang pananalita nito dahil kita niyang humihikbi na ang kanyang kapatid.
Marahang tumango na lang si Cassie rito, na animo'y isang maamong tupa sabay sabing, "I-I'm sorry, Ate Regina." lumuluhang sambit ng dalaga sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
"Haaaayyy..." nilingon lang ni Ginger ang binatang si Cabbie at nakita niya na tumango ito, na parang sinasabing lapitan na ang kanyang kapatid.
Madali namang nagbago ang mood ng dalaga saka nilapitan si Cassie, "It's okay Sandy and I'm so sorry kung nasigawan kita. Alam mo naman na ayoko lang na mapahamak ka, kaya ako nagagalit sayo." lambing ni Ginger sa kanyang kapatid bago hinaplos ang buhok ng dalaga.
Mabilis namang yumakap ng sobrang higpit si Cassie sa kanyang kapatid at ganoon din naman ang ginawa nito sa kanya. Nang maghiwalay sa kanilang pagkakayapos ay mabilis inayos ni Ginger ang buhok ng dalaga,
"Just let me handle everything and I promise you na makakaganti tayo sa lalaking 'yon, okay?" lambing pa nito sa dalaga.
Tumango lang muli si Cassie rito bago yumakap sa kanyang Ate Ginger.
*****
Overdue update for tonight, Lovies! 😂😂😂✌️
Hindi ko pa napo-proofread ito, kaya pakiunawa na lang ng mga error.
Oh siya! See you next Chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top