MFALC Chapter 21: The foolish same identity
Chapter 21
Nang gabi ring iyon ay hindi mapakali si Ginger sa kanyang pag-paparoo't parito dahil sa hindi pag-uwi ng kanyang kapatid na si Sandy.
"Sandy pick up your phone, please." nag-aalalang sambit nito habang patuloy sa pag-dial ng numero ng dalaga.
Halos mapudpod na ang mga daliri ni Ginger kakaulit sa pagpindot ng kanyang telepono para tawagan ang kanyang kapatid. Simula kasi nang magising siya kaninang umaga, ay wala na sa sariling silid nito ang dalagang si Sandy.
Ang buong akala n'ya ay simpleng lumabas o gumala lang ito, gaya ng ginagawa ng dalaga kapag naboboring ito sa loob ng bahay. Ngunit iba ang kutob ngayon ni Ginger, dahil magdamag na itong hindi umuuwi at ini-ignora ang kanyang mga tawag.
"Did she responded to your call already?" pagtatanong ni Cabbie nang makapasok ito sa kwartong tinutulugan ni Sandy.
Nag-aalala ang mga matang nilingon lang ito ni Ginger, bago naupo sa dulo ng kama. "She's not answering my calls." balisang sambit nito saka napahilot ng kanyang sentido.
Madali namang naglakad si Cabbie patungo sa kinauupuan ni Ginger bago naupo sa tabi nito. Iniyakap niya ang kanyang kaliwang braso sa likod ng dalaga sabay sabing,
"Stop stressing yourself too much, Regina. I know Sandy knows what she were doing." pag-aalo nito saka inihiga ang ulo ni Ginger sa kanyang balikat.
"I do not know what to do, kung may mangyari sa kanyang masama. I'm so worried about her, Cabbie. I am worried." malungkot na saad ni Ginger saka ibinaba ang kanyang telepono.
"Shhhh... Sandy is a smart girl, I'm sure she will be fine." anito bago hinalikan ang noo ng dalaga.
"Sana nga..." wika ni Ginger bago muling itinipa ang kanyang telepono.
Sa ilang segundo ng paghihintay at pagbabaka-sakaling makausap ang kanyang kapatid ay biglang namilog ang mga mata ni Ginger. Sinagot kasi ni Sandy ang tawag ngunit hindi ito nagsasalita sa kabilang linya.
"Hello Sandy, where are you? Kaninang umaga pa kita tinatawagan bakit hindi ka sumasagot?" punong-puno ng pag-aalalang turan nito sa kanyang kapatid.
"Don't worry about me, Regina. I'm fine." masiglang saad ni Sandy sa kabilang linya.
Napahiwalay naman si Ginger sa binatang si Cabbie dahil sa nasabi ng kanyang kapatid. Nahimigan niya kasi ang sigla sa boses nito, kaya sobra ang kanyang pagtataka rito,
"Nasaan ka ba? Umuwi ka na please, nag-aalala na ako sa'yo."
"I'm here at Cebu." mabilis na sagot ni Sandy sa kabilang linya.
"You what?!" histerikal na anas ni Ginger dahil sa naisambit ng kanyang kapatid.
"You've heard it right, Regina. I'm here at MonteCarlo Hotel." masayang saad nito saka humalakhak ng husto.
"What are you doing ther..." hindi na natapos ni Ginger ang kanyang sasabihin, nang maalala kung anong meron sa lugar na kinaroroonan ngayon ng kanyang kapatid. "Oh crap! Wag mong sabihing pinuntahan mo si..."
Hindi pa natatapos ni Ginger ang kanyang sasabihin nang biglang magsalitang muli si Sandy, "Yes Regina, I'm with Tyron."
Mabilis namang namilog ang mga mata ni Ginger sa kanyang narinig, "What the heck are you doing, Sandy? Wala sa plano natin 'yan!" bulyaw niya rito saka napasuklay ang kaliwang kamay pataas sa kanyang buhok.
"I don't give a d*mn with that stupid plan of yours, Regina. Si Tyron lang ang importante sa akin!" galit na sambit nito saka ibinaba ang telepono.
"Hello! Sandy! Hello..." sigaw ni Ginger sa linya at nang tignan niya ang kanyang telepono ay napamura na lang ito sa sobrang kainisan.
"F*ck!"
"Hey, what's wrong? Where did she go?" biglang pagtatanong ni Cabbie saka hinimas ang likuran ng dalaga.
"She's with Tyron. D*mn it!" inis na anas ni Ginger bago inihagis ang kanyang telepono sa kama. "How did she find out about Tyron's meeting in Cebu?" nagtatakang tanong pa nito bago binalingan ang binata.
Nagkibit-balikat lang si Cabbie, na parang sinasabing wala siyang ideya kung paano nalaman ni Sandy ang tungkol sa out of town meeting ni Tyron.
"Sh*t! Hindi kaya narinig niya ang usapan natin kagabi?" nanlalaki ang mga matang sambit ni Ginger sa binata.
*****
CASSIE's POV:
Pinutol ko na ang tawag ni Regina sa akin, dahil alam kong pagsasabihan na naman ako ng babaeng iyon. Ngayon alam kong nag-iisip na sila ngayon ni Cabbie ng paraan kung paano ako mapapabalik sa Manila.
Nakatingin ako ngayon kay Tyron na mahimbing na natutulog sa kama. Napangiti ako ng sobrang laki, dahil sa wakas ay makakasama ko na ulit ang lalaking pinakamamahal ko.
Nakaupo ako dito sa balcony habang umiinom ng wine. Ipinikit ko ang aking mga mata para alalahanin ang mga nangyari kung paano ko nalaman kung nasaan si Tyron.
Akala ni Regina ay tulog na ako dahil sa sleeping pills na ipinainom nito sa akin. Nang maramdaman kong lumabas na ito ng kwarto, ay mabilis kong iniluwa ang gamot na hindi ko nilunok dahil gusto kong makita si Tyron.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko at nang malapit na ako sa hagdanan, ay bigla akong napahinto dahil sa aking narinig sa kwarto ni Cabbie.
"Bakit pala wala kang pasok bukas?" pagtatanong ni Cabbie sa kapatid ko.
"May out of town meeting ang boss ko sa Cebu. Hindi naman ako kasama kaya hindi na lang ako papasok." sagot naman ni Regina rito.
Nang marinig ko ang sinabi ni Regina ay mabilis akong bumalik sa kwarto ko para mag-impake ng damit. Kapag sinu-swerte ka nga naman, tadhana na ang gumagawa ng paraan para makasama ko si Tyron ng walang asungot.
Kinaumagahan, maaga akong nagpunta sa bahay nila Tyron para abangan siya roon. Kagabi ay nakapag-book na ako ng flight ko, kaya hindi na ako mahihirapang hanapin si Sweetie kapag lumapag na ang eroplano namin sa Cebu.
Nakita ko sina Tyron at Amara lulan ng sasakyan palabas doon, kaya mabilis kong sinabihan ang taxi driver nang, "Manong, sundan mo 'yung puting kotse." utos ko rito.
Maingat naman akong nakarating sa airport at palihim na tinatanaw sina Tyron at Amara, na nagpapaalam sa isa't isa, "Bwisit!" inis kong anas nang makita kong naghahalikan ang dalawa.
"Akin ka lang Tyron!" iritable kong saad sa hangin habang pinagmamasdan ang kaharutan ng dalawa. Nang makita kong pumasok na si Tyron sa loob ay mabilis na rin akong pumasok sa departure area.
Nakita ko na pumasok na sa loob ng boarding si Sweetie kaya sumunod na rin ako, sa kabilang bahagi ako pumila para hindi niya ako makita.
Nang makita kong madadaanan ko ang kinauupuan ni Tyron sa loob ng eroplano, ay mabilis kong itinago ang aking mukha gamit ang suot kong pulang sumbrero. Ilang upuan lang ang pagitan namin ni Tyron, dahil nandito ako sa likod na bahagi para kahit papaano ay tago sa karamihan.
Ilang oras lang ang ibiniyahe namin hanggang sa makalabas na kami pareho ng Airport. Nakita ko na sumakay si Tyron ng taxi, kaya mabilis kong kinalabit ang taxi driver na nakahinto roon.
"Manong, sundan natin ang taxi na 'yon." nagmamadali kong saad dito.
"Pero Maam, may hinihintay po ako."
"Oh heto ang tatlong libo, sayo na lahat 'yan sundan natin 'yong taxi, bilis!" wika ko rito saka mabilis na sumakay sa loob ng sasakyan nito.
Mabilis naman naming nahagilap ang taxi na sinasakyan ni Tyron, ilang minuto lang ang lumipas nang huminto ito sa isang hotel. Mabilis din akong bumaba doon bago nagcheck in.
Mabuti na lang at hindi punuan ang hotel na iyon kaya mabilis akong nakapag-check in. "Nasaan na si Sweetie?" inis kong sambit sa hangin dahil nawala ito sa aking paningin.
Isang paraan lang ang magagawa ko para malaman kung saan ito mamamalagi, "Ahh excuse me Miss, pwede ko bang malaman kung anong room number ni Mr. Tyron Anderson?" nakangiti kong saad dito.
"Maam, I'm so sorry but we're not allowed to expose our guest list to anyone." magalang na saad nito.
"Listen Miss, baka naman pwede nating pag-usapan ito," ani ko rito saka iniabot ang sobre na may lamang sampung libong piso.
Nakita ko na nanlaki ang mata ng receptionist nang makita ang perang iniabot ko sa kanya. Luminga-linga lang ito bago may isinulat sa isang papel,
"Maam, wala po akong inabot sa inyo." tanging sambit nito saka nagpatay malisya na animo'y walang ginawang kasalanan.
"Tsss... Ang tao talaga, madaling masilaw pagdating sa pera!" palihim kong saad sa aking sarili saka ngumiti ng sobrang tamis, "Thank you!" tanging sambit ko lang rito bago tinungo ang sarili kong kwarto.
Nag-ayos ako ng aking sarili bago pumunta sa kwarto ni Tyron. Ngunit ilang beses na akong kumatok sa pintuan nito, ngunit walang sumasagot sa loob.
Nasa ganoong eksena ako nang biglang mapansin ako ng isang room service boy doon, "Maam can I help you po?" pagtatanong nito sa akin, siguro ay napansin niya na kanina pa ako kumakatok dito.
Binalingan ko naman ito saka ngumiti sa lalaki ng sobrang tamis, "Uhmmm... I left my key sa loob ng room, my Brother has a meeting kaya hindi ko siya maistorbo." malambing kong saad dito bago nilaro ang aking buhok, na parang nang-aakit.
Nakita ko na napalunok ito sa ginawa kong pang-aakit kaya naman naisambit ko na lang sa aking sarili ang katagang, "Gotcha!"
"Gano'n po ba Maam? I have a duplicate to all rooms, pwede ko po itong buksan." pagpi-prisinta nito.
"Really?" nakangiti kong sambit dito bago hinawakan sa braso ang lalaking bellboy. "Thank you, Kuya..."
"Jonathan po." pagpapakilala pa nito saka iminustra ang kanyang name plate.
"Thank you ulit, Jonathan." lambing ko pa rito nang mabuksan niya ng tuluyan ang kwarto ni Tyron.
Nagpaalam na ako sa lalaking utu-uto at dumiretso sa kama ni Tyron. Nakita ko ang polo shirt na suot nito kanina, kaya mabilis ko itong kinuha bago inamoy.
"God! I miss you so much, Sweetie." saad ko habang patuloy sa pagsinghot ng masculine scent nito bago nahiga sa kama niya.
Ini-imagine ko na nasa ibabaw ko ngayon si Tyron, habang gumagawa kami ng milagro at kiliti na kay Tyron ko lang gustong maranasang muli.
"Ahhh... Tyron..." ungol ko sa pagitan ng imahinasyon ko habang nilalaro nito ang aking sistema.
Naghintay ako ng halos tatlong oras pero wala pa rin si Tyron. "Haaaayyy... Ang tagal naman." inip kong sambit sa aking sarili bago napagpasiyahang lumabas na lang para hanapin si Sweetie.
Isinarado ko ng maayos ang kwarto nito bago tinungo ang elevator. Ngunit nang akmang papasok na ako sa loob ng lift ay bigla akong may nakabanggang lalaki.
"S-sorry Miss..." biglang nanlaki ang mga mata ni Tyron ng makita niya ako.
"Hey!" masigla kong saad rito bago humalik sa pisngi nito. "Nice to see you again." pakunwari kong sambit sa kanya.
"Yeah, I have a meeting here with clients. How about you? Kailan ka pa bumalik ng Pinas at anong ginagawa mo rito sa Cebu?" pagtatanong nito sa akin.
"Ahh... I have my friends with me, bonding." saad ko pa sa kanya at kunwaring walang pakialam.
Nakatitig lang sa akin si Tyron na parang kinakabisado ang mukha ko, kaya mabilis akong nagsalita nang, "Is there a problem?"
"N-nothing... You remind me of someone, nah nevermind." nakangiti nitong usal bago kinuha ang kanyang telepono.
Bago pa man makaisip ng kung ano si Tyron ay mabilis ko na itong inaya magkape, para naman mas tumagal pa ang aming pagsasama't pagku-kwentuhan, "Let's grab a bite." anyaya ko sa kanya.
Nakita ko na tumingin ito sa kanyang relo at parang nag-aalangan na sumama sa akin, kaya naman mabilis ko itong hinila papasok sa elevator sabay sabing,
"Come on, for old times sake. Tutal we're still friends naman right?"
Sandali pa akong tiningnan nito kaya mas lalo ko na siyang hinila sa loob ng elevator bago ko ito isinara. "Don't worry Tyron, I won't bite." pang-aasar ko pa rito bago inayos ang suot kong sundress.
Nagkwentuhan kami magdamag ni Tyron, tungkol sa nangyari sa amin in 10 years. Puro si Amara at kung gaano kasaya ang pamilya nila, ang palaging bukang bibig nito. Nakakainis lang!
Napabalik na lang ako sa aking sarili nang marinig kong nagsalita si Tyron, "Excuse me, I have to go to the men's room." anito kaya nginitian ko lang si Tyron.
I'm a prepared woman kaya mabilis kong nilagyan ng pampatulog ang kape ni Tyron, hinalo ko itong maigi para hindi niya mapansin na may kakaiba rito.
Nang makita ko na papabalik na si Sweetie ay nagkunwari akong nakatutok sa aking telepono, bago muli itong tiningnan,
"Hi!" nakangiti kong salubong sa kanya.
Napangiti ako ng palihim nang makita kong idiniretso ng inom ni Tyron ang natitira nitong kape sa tasa. Alam na alam kong gagawin iyon ni Tyron, dahil hindi ito kailanman nagsayang ng kahit ano sa kanyang buhay. Mapa-pagkain o oras man 'yan ay wala itong pinapalampas.
Sandaling kwentuhan pa ang aming ginawa nang makita kong napapahikab na si Tyron, mabilis naman akong nagpaalam dito para kunwari ay aalis na rin ako.
"I have to go Tyron, thank you for your time." ani ko rito bago humalik sa pisngi ni Sweetie.
Lumabas na ako ng CoffeeShop bago minanmanan si Tyrom sa di kalayuan, nakita ko na sumakay na ito ng elevator kaya naman mabilis din akong sumakay sa kabilang lift.
Naabutan ko pa si Tyron na hirap sa pagbubukas ng kanyang pintuan kaya mabilis kong inalalayan ito, "Sweetie, let me help you." prisinta ko saka ini-akbay ang kanang braso nito sa balikat ko.
Tiniis ko ang hirap at buong bigat ni Tyron, bago kami tuluyan makapasok sa loob ng kwarto niya. Naglakad kami patungo sa kama nito saka siya pabagsak na nahiga sa kama.
Mabilis kong tinanggal ang suot nitong coat at puting long sleeves, bago kinumutan ang kalahati ng kanyang katawan. Para akong nag-init nang masilayan kong muli ang katawan ni Tyron. Kahit tulog na tulog ito ay hindi ko napigilan na halikan ito sa kanyang labi.
Sa paghalik kong iyon ay hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha sa sobrang kaligayahan. Nasa ganoong posisyon kami nang maramdaman kong nag-vibrate ang bulsa ni Tyron. Mabilis ko naman itong kinuha roon at sarkastikong napangiti nang makita kong tumatawag si Amara.
Sinubukan kong gamitin ang daliri ni Tyron, para mabuksan ang telepono sa pamamagitan ng fingerprint scanner. And luckily ay mabilis kong nakalikot ang cellphone nito bago kinuhanan ng picture si Sweetie.
Binuksan ko ang facegram ni Tyron at nagulat na lang ako nang biglang mag-pop-out ang mensahe ni Amara roon. Sa una ay ayoko pa sanang reply-an ito, dahil ang balak ko lang naman ay kuhanan ng litrato si Tyron para may remembrance kami sa cellphone niya.
Sandali pa akong nag-isip bago nireply-an si Amara. Nakita ko kung gaano ito nagalit sa lahat ng sinabi ko, ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagtawag nito sa videocall.
Mabilis kong itinutok kay Tyron ang lente ng camera bago sinagot ang tawag. Tawang-tawa ako sa galit ni Amara kaya mabilis na akong nagpakita sa kanya.
Pinakita ko sa kanya kung paano ko hinalikan ang walang malay niyang asawa at napahalakhak ng husto nang bigla nitong ibinaba ang videocall.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay mabilis akong tumayo sa upuan bago tumabi ng higa kay Sweetie. Dala na rin ng tama ng wine ay mabilis kong napagsamantalahan ang kahinaan ni Tyron na walang malay. Sa sobrang sarap ng sensasyon at tama ng alak, ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala sa dibdib ni Tyron, na may ngiti sa labi.
*****
Any Violent reaction? 😁✌️
Iyan na mga spoiled, pinagpuyatan ko ang chapter na ito kahit busy ang Author niyo. Haha! 😂😂😂
Anyways, sa mga hindi pa nakakabasa, updated na ang Book 2 ng "Naive Series" entitled
(One Sided Love)
Sana ay suportahan niyo rin iyon, gaya ng
(You and Me, Together Forever)
Alright, see you next chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top