MFALC Chapter 20: Cassie's Return

Chapter 20


Nagising ang ulirat ni Amara nang maamoy nito ang paboritong pabango ni Tyron. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at nangunot ang kanyang noo, nang makitang abala ang binata sa pag-aayos ng kanyang gamit para isilid sa isang travel bag.

Mumukat-mukat na bumangon ang dalaga sa kama bago nagsalita nang, "Babe, where are you going? Maaga pa ha." anito sa pagitan ng kanyang paghihikab.

Maagap naman siyang nilapitan ni Tyron bago humalik sa noo ng dalaga, "I have an early flight today, Babe." usal ng kanyang asawa bago bumalik sa pag-aayos nito.

"Flight?" mabilis na sagot ni Amara habang nakakunot ang kanyang noo.

"Yes Babe, we have an urgent conference in Cebu with Mr. Acosta."

"Cebu? Bakit parang biglaan ata?" pagtatanong pa ni Amara rito, kaya't napatigil si Tyron sa kanyang ginagawa.

"Babe, kagabi lang din ako na-inform sa office. My flight is scheduled at seven in the morning, so I have to leave early." turan ng binata habang nakatuon ang atensyon sa kanyang ginagawa.

"Do you need any help?" pagtatanong ni Amara dahil kita niya kung paano basta-basta isinalansan ng kanyang asawa ang mga damit nito sa travel bag.

"Okay lang ba?" pagtatanong nito bago tiningnan ang kanyang asawa.

"Silly, syempre naman. Look at these, parang mga basahan na basta na lang kinuyumos. Haha!" natatawang saad ng dalaga nang paluhod itong lumapit sa dulo ng kama.

Inayos ni Amara ang mga gamit ni Tyron, habang nakupo lang itong pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang asawa.

"Paano na lang ako kung walang Amara sa buhay ko." lambing ng binata saka ito niyakap sa bewang.

"Sus! Nambola pa si Mr. Anderson." nakangiting sambit nito saka hinawakan ang mukha ni Tyron na nakasiksik sa kanyang leeg.

"I love you, Babe."

"I love you too... Come on, baka malate ka sa flight mo." ani Amara saka muling itinuloy ang kanyang ginagawa.

Mabilis namang natapos ang mag-asawa sa pag-aayos ng gamit ni Tyron. Nasabi kasi nito na isang linggo ang conference na magaganap sa Cebu, kaya't kinailangan nitong magdala ng extra clothes.

"I will go inside, Babe. Take care of yourself, okay?" malambing na turan ni Tyron bago niyakap ng sobrang higpit si Amara.

"I will miss you, Babe." sagot naman nito bago niyakap din ng mahigpit ang kanyang asawa.

"Me too Babe, I miss you already." saad ni Tyron bago humiwalay sa pagkakayakap sa dalaga. "Just get yourself busy while I'm not around. I love you." dagdag pa nito bago hinalikan ang kanyang asawa ng sobrang tamis.

"S-sige na, baka malate ka pa sa flight mo." natatawang wika ni Amara sa pagitan ng kanilang mga halik.

Mabilis namang humiwalay si Tyron rito bago nagsalita nang, "H'wag na kaya ako tumuloy? Hindi kita kayang iwan eh." nakangising usal nito habang nakayakap ang mga braso sa bewang ng dalaga.

"Hahaha! Loko, sige na. I love you." ani Amara bago tumingkayad para gawaran muli ng halik ang kanyang asawa sa labi.

"Alright, bye Babe. I love you." wika nito bago naglakad patungo sa glass door ng departure area. Bago pa man tuluyang makapasok sa loob si Tyron, ay mabilis nitong nilingong muli si Amara bago nakangiting kumaway rito, tanda ng pamamaalam sa kanyang asawa.

Kumaway rin naman si Amara rito bago nag-flying kiss kay Tyron. Tinanaw na lang ng dalaga ang kanyang asawa na tuluyan nang nakapasok sa loob ng airport.

Napahawak naman bigla si Amara sa kanyang dibdib, nang hindi na masilayan ang imahe ng binata. Parang nakaramdam siya ng lungkot na hindi niya maipaliwanag ng mga sandaling iyon.

Mabilis naman niyang iwinaksi ang isiping iyon bago naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Sandali pang nag-isip si Amara dahil parang iba ang kutob niya sa pag-alis nito.

"Baka mamimiss ko lang si Babe, kaya masyado akong emotional." kibit balikat niyang sambit bago binuksan ang makina para lisanin ang lugar na iyon.


*****


Lumipas ang maghapon hanggang umabot na sa gabi, ngunit wala pang natatanggap na tawag o mensahe man lang si Amara mula sa kanyang asawa.

Nagtataka ang dalaga kung bakit hindi man lang ito nag-abalang kamustahin siya, samantalang paulit-ulit ang kanyang pagpapaalala rito na tumawag sa kanya kapag nakalapag na ang eroplanong sasakyan nito sa Cebu.

"Amara kalma, baka nag-start na 'yung conference nila kaya hindi ka natawagan. Alas otso pa lang naman ng gabi, may mamaya pa." pagpapakalmang saad nito sa kanyang sarili habang nakatutok ang atensyon sa kanyang laptop.

Ilang minuto siyang nagbaka-sakaling tawagang muli ang binata, ngunit nabigo ito dahil hindi pa rin sinasagot ni Tyron ang kanyang mga tawag.

Abala siya sa pag-i-scroll sa Facegram nang biglang nag-pop out doon ang profile ng binata. Nakita niya na naka-online si Tyron sa Facegram, kaya mabilis niyang pinadalahan ito ng mensahe.


Facegram Convo:

Amara:

Babe, how are you? I've been calling you the whole day pero bakit hindi ka sumasagot?

Naghintay ng ilang minuto si Amara, bago nakitang nagta-type na roon si Tyron para sumagot sa kanyang mensahe.

。。。

Tyron:

I'm fine Babe, sorry napagod kasi ako.

Amara:

Awe... Poor baby, sana nandyan ako para matanggal ko ang pagod mo.

Tyron:

No need Babe, someone's already made me happy and cum.

Natigilan si Amara sa huling sinabi ni Tyron, nagtataka siya kung anong ibig sabihin nito sa salitang Cum. Kaya naman dala ng kanyang kuryusidad ay nanginginig ang mga kamay na nagpadala siyang muli ng mensahe rito.

Amara:

What do you mean by that? Did I read it right? Anong "Cum" ang sinasabi mo Tyron?!

Inis niyang inilapag ang kanyang laptop sa kama dahil sa kanyang nabasa, "Anong ibig sabihin ni Tyron sa chat niyang 'yon?" kunot noo niyang sambit sa hangin habang hinihintay ang sagot ng kanyang asawa.

Minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin sumasagot ito sa katanungan niya, kaya't mabilis siyang tumipang muli sa kanyang laptop.

Amara:

D*mn you Tyron! Anong katarantaduhan na naman 'yang sinasabi mo!

Amara:

Sumagot ka! Letche!

Amara:

Tyron, answer me you Assh*le!!!!!

Minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin ito sumasagot sa kanyang mga mensahe. Kaya naman sa sobrang inis na kanyang nararamdaman ay mabilis niyang pinindot ang Videocall ng Facegram, para makita ang ginagawa ng kanyang magaling na asawa.

Ilang segundo ang ipinaghintay ni Amara bago ito sinagot ni Tyron, "What the heck are you talking about, Babe?!" inis na anas niya rito nang makita ang kanyang asawa na nakapikit sa harap ng camera.

"Tyron! Wag kang magtulug-tulugan d'yan! Answer me!" singhal pa niya rito na halos mapatid na ang kanyang mga litid sa sobrang galit.

Nasa ganoong emosyon si Amara nang biglang may humalahak na babae sa likod ng camera. Nakita niya na hindi na nakatutok kay Tyron ang lente nito at segundo lang ang lumipas nang manlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

"C-cassie?" gulat niyang sambit dito bago napatakip ng kanyang bibig sa sobrang kabiglaan.

"I'm glad you still remember me, Amara." nakangising saad nito na halatang nang-aasar bago naupo sa gilid ng kama.

Kitang-kita ni Amara ang kanyang asawa sa gilid ng camera, na halatang tulog na tulog dahil sa itsura nito ngayon.

Madali naman itong napansin ni Cassie, kaya mabilis niyang sinabihan si Amara nang, "Oops! Sorry about that honey, napagod ko ata ang asawa mo." sarkastikong saad nito habang nilalaro pa ang kanyang buhok bago humiga sa tabi ng natutulog na si Tyron.

Itinutok pa ni Cassie ang lente sa mukha ng binata saka ito ginagawaran ng halik sa labi.

"You coquette slut! What did you do with my husband?!" bulyaw ni Amara rito ngunit patuloy pa rin si Cassie sa kanyang ginagawa.

Naluluhang pinanood na lang ni Amara ang eksenang kanyang nakikita ngayon. Para siyang nanonood ng isang p*rnographic video dahil sa ginagawang kalaswaan ni Cassie sa kanyang asawa.

"Tigilan mo 'yang kahalayan mo Cassie! I swear to God, mapapatay kita kapag nakita kita!" singhal pa niya rito habang humahagulgol sa sakit.

Nilingon naman ng dalaga si Amara sa videocall bago ngumisi ng sobrang laki, na halatang nag-e-enjoy sa kanyang ginagawang pananamantala sa walang malay na binata.

Mabilis namang ibinaba ni Amara ang tawag bago napahagulgol na lang sa sobrang sama ng loob.

"B-babe... Wake up! Fight for us, please!" sigaw niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi at niyakap na lang ang kanyang mga binti dahil sa kalungkutan.



*****

Argh! Nabuhay ang isa pang haliparot/higad na si Cassie! 😡😡😡


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top