MFALC Chapter 18: Meet and Mate
Chapter 18
TYRON's POV:
I was so worried about my wife, when the fight between her and Stephanie happened the other day. I don't know what goes into Amara's mind, why she puts our child's life in jeopardy.
I'm not totally mad at her pero ang sa'kin lang, why she didn't think about her condition? Buntis siya, pero kung umasta siya parang wala lang ito sa kanya. Haaayyy... Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanila ng anak ko.
I was in my deep thoughts when I heard someone knocking at the door, "Come in." I briefly answered and put back the papers on my desk.
I saw Ginger entered my office and handed me a brown envelope, "What is this?" I asked her while looking at her intently.
"Ms. Herrera, gave it to me. I told her to handed this directly to you sir but she don't want to, and immediately left the building." she said while standing in front of my table.
"Gano'n ba?" I said and put the envelope at my desk and thinking what this is all about.
"Is there anything I can help for you sir?" biglang pagtatanong nito sa akin.
"None," I quickly answered. "That will be all, Ginger. Thank you."
"Alright, just call me if you need anything sir." anito bago yumukod.
She was about to turn when I suddenly called her name, "Ginger..."
"Yes Sir." she said while her eyes were asking.
"N-nevermind... Sige na, balik ka na sa table mo."
"Okay po." anito bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
When Ginger finally got out of my office, I slowly walked to the full glass window. My hands was tucked in my pocket while facing the other building.
Ang totoo naman ay itatanong ko sana kay Ginger, if she has a family here because she looks familiar, parang may naaalala ako sa itsura niya. I'm not sure, but she have a resemblance to someone, na hindi ko maalala kung sino.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. I quickly took it and I saw my wife calling.
My pretty Babe ❤️
Calling...
Convo:
Tyron: Hello Babe, I miss you.
I sweetly said when I answered the call.
Amara: Babe, where are you?
Tyron: I'm here in the office, why?
Amara: What?! You're still there?
Nagtaka naman ako sa sinabi ng asawa ko, kaya tinanong ko agad ito nang,
Tyron: Yes Babe, bakit may problema ba?
Amara: Have you forgotten? Ngayon ang program ni Tyler sa school. Sinabi ko na sa'yo 'yon noong isang araw, remember?
Tyron: Sh*t! I forgot about it. Sige na Babe, I'm leaving the office, I'll be there in 15mins.
Amara: Haaayyy... Be careful okay? Hintayin ka namin, magsisimula na ang program.
Tyron: Okay po, see you Misis. I love you!
Amara: I love you too, Babe.
After that the line went off. I rapidly fix all my stuff before leaving my office. "Ginger, cancel all my meetings today."
"Okay po sir Tyron." mabilis na sagot nito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.
I glance at her face for a moment and wondering kung saan ko nakita ang babaeng 'to. Halos ilang buwan na siya sa opisina ko, pero bigla akong naging curious sa kanya. Parang may something eh.
"Sir, may problema po ba?" biglang pagtatanong nito sa akin.
"Ahh... N-nothing, sige na I have to go. Call me if anything happens here." ani ko saka dumiretso palabas ng aking office pad.
*****
AMARA's POV:
Ala una na nang tanghali pero wala pa rin si Tyron, sinabi ko naman kasi sa kanya na may program si Tyler sa school puro oo lang ang sinasagot nito sa akin.
Haaaayyyyy... Tinitingnan ko ngayon ang anak ko na nakabusangot ang mukha, habang pinapanood ang mga kaklase niya. Hindi kasi ito nakasali sa ibang activity dito sa school, dahil karamihan sa mga laro dito required ang Tatay.
Nagprisinta ako kung pu-pwedeng ako na lang ang maglaro para sa asawa ko, pero hindi pumayag ang mga teachers ni Tyler. Dahil nga wala pa ang magaling kong asawa hindi tuloy nakasali ito sa mga activities.
"Are you okay, little guy?" pagtatanong ko sa anak ko habang hinihimas ang buhok nito.
"Naynay, bakit wala pa po si Dad?" patatanong nito habang nakatingla sa akin.
"He's coming baby, na-traffic lang." pagpapalusot ko sa anak ko. Nakita ko na muling itinuon ni Tyler ang atensyon nito sa kanyang mga kaklase, kaya naman iniyakap ko na ito sa aking bewang. "Dadating din ang Daddy mo, promise."
Mabilis naman itong humiwalay sa akin bago ako muling tiningala, "Promise?" anito kaya nakangiting tumango na lang ako sa kanya.
"Tyler... Come join your classmates." biglang anyaya ng teacher nito kaya ngumiti na lang ako sa anak ko, dahilan para mabilis itong tumakbo sa gitna ng field.
Tinanaw ko na lang ang aking anak na papalayo sa aking kinatatayuan. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang may tumikhim sa aking likuran.
"Ehem..."
Rinig kong wika nito kaya mabilis ko itong binalingan. Nakita ko si Adam na ngayon ay nakangiting humarap sa akin, "Hey, how are you?" pagtatanong nito.
"Ayos naman ako." ngiti ko rin sa kanya bago ako umupo sa table namin ni Tyler.
Nakita kong mabilis namang humagilap ng upuan si Adam bago ito naupo sa tabi ko. Nginitian ko lang ito ng alanganin, dahil nahihiya ako sa kanya. Ikaw ba namang malasing sa harap ng lalaking hindi mo pa gano'n kakilala, hindi ka ba mahihiya? Nahihiya ako dahil baka kung ano-ano ang mga nasabi ko sa kanya noon.
"I'm glad you're here, ang tagal nating hindi nagkita." pambabasag nito para magsimula ng usapan.
"Ahh... Oo nga, palagi lang kasi akong nasa bahay, preggy eh." natatawa kong saad sa kanya saka inginuso ang tiyan kong may umbok na.
"W-wow! C-congrats!" usal nito kaya muli ko siyang nabalingan ng tingin. Parang biglang lumungkot ang mga mata niya nang sabihin ko sa kanya na buntis ako, hindi naman ako assumera ng taon pero lungkot talaga ang nakita ko sa mga mata niya eh.
"T-thank you." alanganing sagot ko naman dito saka umiwas ng tingin, masyadong nakakailang 'yung mga titig niya. Ang creepy.
Pumagitna na naman sa amin ang katahimikan, parang gusto ko nang umalis sa kinauupuan ko. Ang awkward lang sa pakiramdam ng ganito, lalo pa't alam kong pinagseselosan ito ng asawa ko.
"Oh shoot!" biglang bulalas ko dahil nakita ko si Tyron na papalapit na sa table na kinauupuan namin ni Adam. Seryosong nakatingin lang ito sa amin, kay Adam particularly. "B-babe!" bati ko rito bago humalik sa labi ng aking asawa.
Humalik din naman ito sa akin habang ang tingin niya kay Adam ay hindi napuputol. Inakbayan ako ni Tyron at pilit ko namang inililihis ang gawi namin papalayo sa kinauupuan ko kanina.
Nagulat na lang ako nang biglang harapin ni Tyron ang gawi ni Adam, "Mr. Cabrero." bati nito saka nakipagkamay sa binata.
"Nice to see you again, Mr. Anderson." magiliw na tugon naman nito sa asawa ko.
Sandali pang nakabinbin ang kanilang mga kamay sa ere, na parang nakikipagtagisan ng ego sa isa't isa. Wala ni isa sa kanila ang bumababa ng tingin, ni kumurap ay hindi nila ginagawa.
Kaya naman para mabawasan ang tensyon na namumuo sa aming tatlo ay mabilis akong yumakap sa bewang ni Tyron sabay sabi nang, "B-babe, kanina ka pa hinihintay ni Tyler." saad ko sa kanya at sa awa naman ng diyos ay bumitiw ito sa kanyang pakikipag-tagisan.
"Sige Mr. Cabrero, mauna na kami." pamamaalam ko kay Adam bago pilit na hinihila ang katawan ng asawa ko papalayo rito.
Nakita ko pa na nagtanguan ang dalawa bago kami tuluyang makaalis ni Tyron sa lamesang iyon. Nang balingan ko ang mukha ng aking asawa, nakita ko na sobrang dilim na nito. Kinakabahan na naman ako sa puntong ito, dahil kahit hindi ito umiimik alam na alam kong may malalim na naman itong hugot.
Nasa ganoong posisyon kami nang biglang yumakap si Tyler sa bewang ng kanyang Ama, "Daddy! Mabuti na lang at nakarating ka po." masayang wika nito bago hinila ang kamay ni Tyron. "Dad, doon po tayo."
Nakangiting tumango na lang ako sa aking mag-ama habang tinatanaw ang mga ito na papalapit sa mga activities ng eskwelahan. Haaayyy... Mabuti na lang at dumating ang anak ko, kahit papaano ay napawi niya ang galit na namumuo sa kay Tyron.
"Naynay!" sigaw ni Tyler habang naglalaro sa di kalayuan.
Kumaway na lang ako sa kanila habang nakangiti, nang balingan ko naman si Tyron ay blankong ekspresyon lang ang iginawad nito sa akin. Haaayyy... Patay na naman ako nito. Ang hirap talagang magkaroon ng selosong asawa. Tsss...
*****
Matapos ang program ni Tyler ay dumiretso na kami ng uwi sa bahay, gabi na at napagod din kasi ako sa maghapong paikot-ikot sa eskwelahan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako iniimikan ni Tyron, kaya't minabuti ko munang maglinis ng aking katawan. Naupo ako sa gilid ng bathtub habang hinihintay kong mangalahati ang taas ng tubig nito.
Nasa ganoong sitwasyon ako nang marinig kong biglang nagsalita sa bukana ng pinto si Tyron, "Bakit magkasama kayo ni Mr. Cabrero kanina?" bungad nito sa akin kaya napairap na lang ako sa kawalan.
"Wala akong ginagawang masama, siya ang lumapit sa akin hindi ako." pagtataray ko sa kanya saka hinubad ang puting robang suot ko. Wala na akong hiya kay Tyron, kahit makita pa niya ang hubad kong katawan.
Mabilis akong lumublob sa tub saka isinandal ang aking likod dito, ipinikit ko na rin ang mga mata ko para damahin ang scented candle na sinindihan ko kanina. Alam kong nakatingin sa akin si Tyron pero bahala siya, tutal hindi naman niya papaniwalaan ang mga sasabihin ko, pwes manigas siya!
Nagulat na lang ako nang maramdaman kong biglang umangat ako sa ere, kaya napahiyaw na lang ako ng husto, "Babe! Ano ba!" sigaw ko sa kanya pero ang loko-loko hindi ako pinakinggan.
Diretso niya akong dinala sa kama namin bago ako ibinaba rito ng dahan-dahan, "What the heck Tyron, puro bula pa ang katawan ko oh." iritable kong saad sa kanya bago pilit na inaahon ang aking sarili sa malambot naming kama.
"Don't you dare, Amara." matigas na usal nito sa akin, na ikinabilog ng husto ng mga mata ko.
"Bakit, anong gagawin mo ha?!" anas ko pa rito.
"Simple lang." tanging sagot nito sa akin sabay sumampa sa kama.
"H-hoy Tyron, anong g-gagawin mo?" utal-utal kong sambit sa kanya habang umaatras ako papalayo rito.
Hindi ako sinagot nito at nakita ko na rumehistro ang nakakalokong ngisi sa mga labi ni Babe, na ikinakaba ko ng husto, "T-tyron, a-ano ba?!" singhal ko pa rito ngunit papalapit lang ito ng papalapit sa akin, hanggang sa wala na akong maatrasan.
Napapikit na lang ako ng mariin at hinintay ang kalokohang gagawin ng magaling kong asawa, ngunit segundo pa ang lumipas nang wala akong naramdaman na kahit ano.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Tyron, na seryoso lang na nakatingin sa akin, napakunot naman ako ng noo dahil sa itsura nito ngayon.
Ngumiti lang ito sa akin ng alanganin sabay sabi nang, "Babe... I'm jealous." malungkot na turan nito.
Haayyy... Mukang naglalambing ang isang ito, kaya naman mabilis kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Tyron sabay sabing, "You don't have to Babe, I'm yours and only yours for the rest of our lives." malambing kong sambit sa kanya saka ko hinalikan ang kanyang labi.
"Promise?" pagtatanong nito sa akin kaya napangiti ako ng matamis. Naalala ko kasi ang mukha ng anak kong si Tyler kanina, nang magtanong ito sa akin kung pupunta ang Daddy niya sa school. Ang cute lang.
"Opo... Kaya 'wag ka na magselos Mr. Anderson, dahil pag-aari mo ako simula pa nang ibinigay ko sa'yo ang katawan at buong pagmamahal ko." nakangiting wika ko sa kanya saka ko isinuklay ang daliri ko pataas sa buhok niya.
"Thank you Babe, thank you." anito saka ako niyakap ng sobrang higpit. Ang sarap talagang makulong sa mga bisig ng aking asawa.
Nang humiwalay si Tyron sa kanyang pagkakayapos bigla niyang tiningnan ang hubad kong katawan, bigla naman akong pinamulahan ng magkabila kong pisngi. Ewan ko ba, sanay na naman akong nakikita niya akong hubo't hubad, pero bakit parang nawala ang lakas ng apog ko ng mga sandaling ito.
Nagulat na lang ako nang muli niya akong buhatin sabay sabi nang, "Ituloy na natin ang pagligo, Babe." nakangising usal nito saka ako kinindatan.
"Hahaha!" napahalakhak na lang ako sa kapilyuhan ng magaling kong asawa. Mahilig talaga. Tsss...
*****
Asus! Para-paraan din ang dalawang ito eh. 😂😂😂
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top