MFALC Chapter 16: Ginger's strange act
Chapter 16
AMARA's POV:
Nang malaman ko ang lahat tungkol sa kalokohang ginawa ni Tyron, pinarusahan ko agad ang loko-loko kong asawa. As my punishment for his foolishness, one month siyang hindi matutulog sa kwarto namin at hindi niya ako pwedeng yakap-yakapin at halik-halikan.
Halos dalawang linggo siyang natutulog sa guest room. Pero sa dalawang linggong lumipas na hindi ko siya nakakasama, parang hinahanap-hanap ko naman ang mga yakap at amoy niya.
"Haaaayyy... It feels so empty without him." saad ko sa hangin bago malalim na napabuntong hininga dahil miss ko na talaga si Babe, lalo na 'yung mga halik niya sa aking balat na hinahanap ng buo kong sistema.
"Argh! What the heck, Amara?!" I grumbled myself while staring at the ceiling.
Para na akong baliw na nagsasalita mag-isa dito sa kwarto namin ni Tyron. Simula nang magbuntis ako, palagi na lang ako nakahiga sa kama. Ewan ko ba, hindi naman ako bedridden pero ang lintik na katawan kong ito palaging gustong humilata.
Tumagilid na lang ako pakanan, kung saan nakapwesto si Tyron kapag kami ay natutulog. Hinaplos ko pababa ang bedsheet na parang ini-imagine ko na katabi ko siya ngayon.
Hindi pa ako nakuntento at mabilis kong kinuha ang unan niya para mahigpit itong yakapin, "Ang bango, amoy na amoy ni Babe." nakangiti kong sambit habang patuloy sa pagsinghot ng unan ng aking asawa.
Kung gaano katagal kong hindi nakakatabi si Tyron sa kama, ay ganoong katagal ko ring hindi pinapalitan ang punda ng aming unan.
"Bakit ba? Eh sa gusto ko ang amoy niya eh." nang maisatinig ko iyon ay bigla akong natauhan. "Pupuntahan ko si Babe." turan ko sa aking sarili bago nagmadaling pumunta sa banyo para maligo.
*****
Mabilis ang naging pag-aayos ko, dahil gusto ko na talagang makita si Tyron. Akala ko ay kaya ko siyang tiisin ng isang buwan, pero susme akala ko lang pala 'yon. Para na akong mababaliw ngayon, dahil gustong-gusto ko na siyang mahalikan at mayakap ng sobrang higpit.
Mabilis kong tinungo ang elevator at ilang minuto ang lumipas bago ko narating ang office pad ni Babe.
"Good Afternoon po Maam." bati sa akin ni Ginger saka ito tumayo para i-assist ako sa office ni Tyron.
Sinenyasan ko lang ito na 'wag maingay dahil gusto kong sorpresahin ang asawa ko, kaya mabilis itong tumango bago naupong muli sa kanyang kinauupuan.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng opisina ni Tyron, bago ko marahang itinulak ang pinto. Nakita ko ang aking asawa na seryosong nagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa. Hindi nito napansin ang aking presensya, dahil nakatutok ang atensyon nito diretso sa kanyang ginagawa.
Hindi ko na naman siya inistorbo pa, kaya't dahan-dahan akong naglakad papunta sa couch para maupo roon. Natatawa na lang ako ng palihim, dahil halos sampung minuto na akong nakaupo sa loob ng opisina niya, pero hindi pa rin namamalayan ni Tyron ang presensya ko.
Naka-crossed legs lang ako habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng aking asawa. Nagulat na lang ako nang biglang mapabaling ang paningin niya sa kinauupuan ko. Promise, kitang-kita ko kung paano nagulat ang gwapo nitong mukha at napa-second look pa kung tama ba ang nasisilayan niya. Hahaha!
"Babe... You're here?" hindi makapaniwalang sambit ni Tyron na ikinangiti ko naman ng husto.
"Hi Asawa ko." ngiting tagumpay kong saad sa kanya bago tumayo ng couch para maglakad papalapit sa office table niya.
Nang akmang tatayo ito para salubungin ako, ay mabilis ko itong pinigilan sa kanyang mga balikat gamit ang magkabilang kong kamay, para paupuin itong muli sa kanyang swivel chair.
Mabilis naman ako nitong hinagkan sa akin bewang ng sobrang higpit, na parang pinaparamdam kung gaano niya ako namiss, "God, I miss you so much." rinig kong usal ni Tyron habang nakasiksik ang kanyang mukha sa tiyan ko.
"And I miss you too." nang masabi ko ang mga katagang iyon ay mabilis itong humiwalay sa kanyang pagkakayapos bago ako tiningala.
"Really?" pagtatanong nito na parang isang batang musmos na humihingi ng kalinga ng isang Ina.
Nakangiting tinanguan ko lang ito bago naupo sa kanlungan niya. Mabilis naman akong inalalayan ni Babe, bago ipinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko para na rin maalalayan niya ako.
Ikinawit ko naman ang aking mga braso sa kanyang balikat saka ko isinubsob ang mukha ko sa kaliwang bahagi ng leeg niya. "I miss you, Babe." lambing ko kay Tyron habang inaamoy ang masculine scent nito, na dalawang linggong hinahanap-hanap ng aking pang-amoy.
"Likewise Babe." anito bago ako niyakap ng sobrang higpit.
Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon bago ako humiwalay sa pagkakayapos kay Babe. Hinaplos ko ang kanyang kaliwang pisngi, habang pinagmamasdan ito na parang kinakabisado ko ang bawat sulok ng gwapo niyang mukha.
Segundo lang ang lumipas nang kabigin ko ang batok ng aking asawa para paglapatin ang aming mga labi. Napapikit ako ng aking mga mata, para sariwain ang tamis ng aming mga halik na dalawang linggo kong hindi natikman.
Matapos ang ilang minutong paglasap namin sa tamis ng bawat isa, ay mabilis na pinagdikit ni Tyron ang aming mga noo bago binitawan ang mga katagang,
"I miss those sweet kisses." nakangiting sambit ni Tyron habang nakahawak sa magkabila kong pisngi. "I love you, Babe." anito saka ako muling ginawaran ng halik sa labi.
"I love you too, Babe." sagot ko sa kanya bago mabilis na tumayo sa kanyang kanlungan.
"W-where are you going?" kunot noong tanong nito sa akin, dahil nakita niya na inaayos ko ang aking sarili.
"I'm going home." walang gana kong sambit sa kanya habang nililinis ang lipstick na nagkalat sa aking mga labi.
"W-what?!" hindi makapaniwalang anas nito.
Mabilis ko naman itong binalingan at natawa ako dahil hindi maipinta ang itsura nito ngayon. His face couldn't be painted in any canvass, kahit sinong pintor ay aayawan ang itsura ngayon ng asawa ko.
"Uwi na ako," saad ko bago ko hinalikan ang naka-awang na labi ng aking asawa. "I love you, Babe." nakangiting turan ko kay Tyron bago nagsimulang maglakad papalabas ng kanyang opisina.
Ngunit nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay mabilis akong hinablot ni Tyron sa braso, dahilan para mapasandal ako sa pintuan.
"Nah ah ah, you're not going anywhere. Naughty wifey." anito saka ako sinunggaban ng mapusok na halik sa labi.
Halos malunod na ako sa ginagawad niyang halik sa aking mga labi, hanggang sa tumugon na rin ako nang parehong intensidad sa kanyang mapupusok na halik.
"Hmmm..." ungot ko nang maramdaman kong binukat ako ni Tyron papunta sa couch.
Mabuti na lang at mabilis kong naikawit ang aking mga binti sa kanyang bewang, bago ito naupo sa couch. Nakaibabaw ako sa kanya, kaya't ramdam na ramdam ko ang paninikip ng kanyang pambabang kasuotan.
Masyado na akong nadadala sa mga halik ni Tyron at segundo lang ang lumipas nang biglang huminto ito sa aming mga halik. Namumungay ang mga matang tumingin lang ako sa kanya bago ito nagsalita nang,
"Not here Babe." ani Tyron saka ako inalalayan patayo sa couch.
Hawak kamay kaming naglakad papunta sa kwarto ng office pad niya at nang buksan niya ang pintuan nito, ay mabilis na bumaligtad ang aking sikmura. Nagmamadali kong tinungo ang banyo niya at doon inilabas ang bagay na gustong kumawala sa aking sikmura.
Uwaaaakkkk... Uwaaaakkk...
"Babe..." nag-aalalang sambit ni Tyron habang hinihimas ang likod ko.
Ilang minuto rin ang itinagal namin doon, bago ako inalalayan ni Babe pabalik sa couch. Kumuha ito ng tubig bago ipinainom sa akin, "Are you feeling better now?" punong-puno ng pag-aalalang sambit nito sa akin.
Hinaplos ko na lang ang kanyang pisngi bago tumango rito, tanda na ayos lang ang aking kalagayan. "Just stay here, sabay na tayong umuwi mamaya sa bahay." anito saka ako inalalayang mahiga sa couch.
Bago tuluyang bumalik sa kanyang ginagawa ay hinalikan muna ako ni Tyron sa aking mga labi sabay sabi nang, "I love you, Babe. Don't worry papabago ko ang scented air spray sa kwartong ito" nakangiting usal nito bago ako hinalikan sa noo.
*****
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa couch, kaya mabilis kong tiningnan ang relos ko. Alas syete na pala ng gabi. ani ko sa aking sarili bago tumayo sa aking pagkakahiga.
Nakita ko si Tyron na abala pa rin sa kanyang ginagawa, kaya naman tumayo ako ng couch para ipagtimpla siya ng kape. Ilang hakbang lang ang nagawa ko nang marinig kong nagsalita si Babe,
"Babe, where are you going?" pagtatanong nito kaya nakangiting binalingan ko na lang siya.
"Coffee." tanging saad ko rito.
"Wait, let me call Ginger." sagot nito at kita ko na iniangat ang intercom.
"No Babe, gusto ko ako gagawa ng kape mo." mabilis kong wika sa aking asawa.
"Are you sure?" pagtatanong pa ni Tyron sa akin.
"Yes po." nakangiti kong turan sa kanya at nakita ko naman na tumango na ito, tanda ng kanyang pagsang-ayon.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng kanyang opisina, tahimik akong naglakad papunta sa mini pantry ni Tyron at nakita ko na may kausap si Ginger sa kanyang telepono. Akmang lalakad na ako para lampasan ang table niya, pero biglang may nakapukaw sa aking pandinig.
"Ang tanga-tanga mo talaga, di ba sinabi ko na sayo na bantayan mo siya ng maiigi? Pa'no kung mahuli siya?" pabulong na saad nito habang palinga-linga sa kanyang paligid.
Nang akmang lilingon na ito sa bukana ng opisina ni Tyron ay mabilis akong nagtago sa gilid ng pader, kung saan hindi niya ako mapapansin. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba, pero may nag-udyok sa akin na pakinggan ang mga sinasabi ni Ginger.
"Sige na, ako na ang bahalang maghanap sa kanya." iyon lamang at pinutol na nito ang linya.
Nakita kong naglakad ito patungo sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung papasok ba ako ulit sa opisina ni Tyron o itutuloy ko ang paglalakad papunta sa pantry.
"Bahala na." mahingang sambit ko sa hangin saka ako lumabas sa pader na kinatatayuan ko kanina.
Nagkasalubong kami ni Ginger at kita ko sa mukha niya ang gulat, gulat na parang nakakita ng multo. Seryosong tiningnan ko lang ito diretso sa kanyang mga mata at mabilis naman siyang umiwas ng tingin sa akin.
"M-maam, may kailangan po ba kayo?" anito sa akin.
"Ipagtitimpla ko lang ng kape ang asawa ko." matigas kong saad sa kanya.
"Ako na po Maam ang magtitimpla."
"No thank you, I can manage." tanging sambit ko rito saka ako naglakad at nilampasan ko siya.
Matapos kong magtimpla ng kape ay mabilis kong tinungo ang opisina ng aking asawa. Hindi ko na naman nakita pa si Ginger sa table niya, marahil ay tapos na ang oras ng trabaho nito.
"Babe... What took you so long?" pagtatanong ni Tyron habang nililigpit ang kanyang mga gamit.
"N-nothing Babe... May ginawa lang ako sa pantry." pagsisinungaling ko rito.
"Alright, give me that coffee." utos nito sa akin.
Mabilis ko namang iniabot ito sa kanya at nakita ko na mabilis niyang ininom ito, "Let's go." tanging saad nito bago kinuha ang bag ko sa table niya.
"Uuwi na tayo?" wala sa sariling tanong ko rito.
"Opo." sagot nito sa akin bago ako inakbayan.
"Bakit ininom mo pa 'yung kape? Baka mawalan ka ng ganang kumain niyan." ani ko sa aking asawa bago ipinulupot ang kaliwang braso ko sa balakang niya.
"I don't want to waste it, gawa kaya ng mahal ko 'yon." nakangising usal nito bago ako kinabig para mas pagdikitin ang aming mga katawan.
"Tsss... Bolero." napapailing ko lang na sagot kay Tyron bago kami tuluyang makalabas ng kanyang opisina.
Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng Anderson's Tower. Hinihintay ko kasi si Tyron, dahil kinuha nito ang kanyang sasakyan sa parking lot.
Habang abala ako sa pagmasid sa paligid ay biglang may pumukaw sa aking paningin. Nakita ko na may taong nakatayo sa tapat ng building kung saan ako nakatayo.
Pilit inaaninag ng mga mata ko ang itsura nito, ngunit ako ay nabigo dahil bukod sa nakasumbrero ito ay madilim na rin ang paligid. Nang akmang tatawid na ako para puntahan ito ay biglang humarang ang sasakyan ng aking asawa, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Hop in Babe." tanging sambit nito nang mabuksan niya ang pintuan ng shotgun seat.
Bago ako pumasok ay tiningnan ko ulit ang taong nakatayo sa kabilang building, ngunit wala na ito sa kanyang kinatatayuan kanina.
Napabalik na lang ako sa realidad nang marinig kong nagsalitang muli si Tyron, "Babe, come on. Baka mahamugan kayo ni Baby."
Ipinilig ko na lang ang ulo ko, para waksihan ang mga bagay na gumugulo rito. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ni Tyron habang bitbit ang isipin tungkol sa taong iyon.
Sino kaya iyon? tanong ko sa aking sarili bago pinaandar ni Babe ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.
*****
Hello Lovies! 😊
I know, ngayon lang ako nakapag-update.
Nakakatamad kasing gumawa ng chapter nitong mga nakaraang araw, dahil may sira si Watty.
Sana lang ayos na siya ngayon para naman mabasa niyo ito.
So kamusta naman ang mga saloobin niyo sa mga eksenang inyong natunghayan? 😁😁😁
Alright, see you next chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top