MFALC Chapter 15: The Tricker Pill

Chapter 15


Tatlong araw ang lumipas simula nang magpatingin ang mag-asawa sa doktor. Napag-alaman nila, na tatlong linggo na palang buntis si Amara. Tanggap na naman ng dalaga ang kanyang pagdadalang-tao, ngunit hindi pa rin maalis sa kanyang isipan, ang isipin kung paano siya nabuntis ganoong regular naman ang pagpapainom sa kanya ni Tyron ng pills.

Nasa ganoong isipin si Amara nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang silid. Bumungad doon ang kanyang anak na si Reese, na nakasuot pa ng uniporme at may bitbit na supot,

"Naynay." bati nito bago humalik sa pisngi ng nakahiga niyang Ina.

"Hi Anak," nakangiti namang sambit ni Amara bago bumangon para isandal ang kanyang likod sa headrest ng kama. "May problema ba, Ate?" lambing niya sa dalagita.

Mabilis naman itong umiling bago sumagot nang, "Nothing po Naynay, I just came here to give you this." anito saka iniabot ang maliit na supot sa kanyang Ina.

"What's this?" kunot noong tanong naman ni Amara rito bago binuksan ang brown na supot. "Bakit nasa iyo ito?" saad niya rito bago inilagay ang gamot sa side table.

"Dad gave me that when he dropped me at school, he just told me to give it to you." kibit balikat na turan ni Reese bago nagpaalam kay Amara. "Naynay, punta lang po ako sa room ko." pamamaalam nito.

"Okay Anak, don't forget to eat your meryenda." nakangiting sambit ni Amara sa kanyang anak.

"Yes po Naynay," wika ni Reese saka dumukwang sa tiyan ni Amara para halikan ito. "Bye, baby." anito bago tuluyang makalabas ng silid ng kanyang Ina.

Binuklat naman ni Amara ang supot na inihatid sa kanya ni Reese, mabusisi niyang tiningnan ang mga nakalagay roon bago niya ito inumin.

Simpleng pampalakas resistensiya't vitamins lang naman ang nakapaloob roon, ngunit nang mabasa niya ang huling gamot na kanyang iinumin ay nangunot agad ang kanyang noo.

Nakita niya ang mga tabletang folic acid. Alam naman niya kung para saan iyon, ngunit ang pumukaw sa kanyang atensyon ay ang itsura nito.

Mabilis tumayo ng kama si Amara, para tingnan ang pills na pinapainom sa kanya ni Tyron. Ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang parehong-pareho ng tekstura, hugis, kulay at amoy ang nasabing gamot.

"Sh*t!" galit na turan ng dalaga nang mapagtantong hindi pala pills ang pinapainom sa kanya ni Tyron, kundi isa lamang normal na folic acid.

Nagmamadaling bumalik sa kama si Amara para hagilapin ang kanyang telepono, mabilis niyang tinawagan ang kanyang asawang si Tyron para masabi na nabuko na niya ang kalokohang ginawa nito.

Ilang ring lang ang kanyang pinaghintay nang marinig niya ang boses ng kanyang asawa,


Convo:

Tyron: Hello Babe

Amara: Wag mo akong ma-Babe Babe d'yan Tyron, nakakabwisit ka!

Tyron: Hey calm down, bakit ka ba nagagalit?

Amara: You tell me Tyron, may dapat ba akong ikagalit?!

Hindi naman agad nakasagot si Tyron sa sinabi ng kanyang asawa, kaya muling nagsalita ang dalaga.

Amara: All this time, hindi pala pills ang pinapainom mo sa akin! Talagang humanap ka pa ng folic Acid, na kamukang-kamuka ng pills ha! What a smart-ass!

Tyron: Babe...

Hindi na natuloy ni Tyron ang kanyang sasabihin nang putulin agad ito ni Amara.

Amara: Babe mo mukha mo! I hate you!

Bulyaw pa niya rito bago tuluyang pinatay ang tawag. Pabalang na inilapag ni Amara ang kanyang telepono sa side table sa sobrang kainisan.

"Argh!" inis na saad ni Amara bago nahigang muli sa kama. "How can he do this to me!" dagdag pa niya bago tinakpan ng unan ang kanyang mukha bago sumigaw ng malakas.


*****


Hapon na nang magising ang diwa ni Amara nang maramdaman niyang parang may mga matang nakatingin sa kanya. Binalewala na lang niya ito at muling bumalik sa kanyang pagtulog.

Masyadong naging antukin ang dalaga, dala ng kanyang pagdadalang-tao. Kaya naman tumagilid lang ito ng higa pakanan, para hanaping muli ang masarap na pwestong hinahanap-hanap ng kanyang katawan.

Babalik na sanang muli si Amara sa pagtulog, nang biglang maka-amoy siya ng isang mabangong bulaklak. Kahit inaantok pa ay pilit hinahagilap pa rin ng kanyang pang-amoy ito, segundo lang ang lumipas nang tuluyan na niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Nagulat si Amara nang makita ang isang malaking teddybear, tsokolate, at mga rosas na nagkalat sa kama. Bigla namang sumilip sa likod ng malaking teddybear ang kanyang asawang si Tyron, na halatang natatakot sa kanyang nagawang kasalanan.

"Tsss..." tanging sambit ni Amara bago umirap sa kawalan. "H'wag ka nang magpa-cute dahil hindi mo ako madadala sa ganyan!" iritableng saad pa nito bago nahigang muli sa kama.

"Babe... Sorry." malambing na usal ng binata habang hinahaplos ang kamay ng teddybear sa kanyang hita, na hindi natatalukbungan ng kumot.

"Tse!" ani pa nito saka tinampal ang kamay ng kanyang asawa.

"Babe, I'm so sorry. I know marami nang beses akong humingi sa'yo ng sorry pero this time, I mean it. Sinadya ko talagang painumin ka ng ibang gamot because I wanted you to be pregnant... Again." malungkot na usal ni Tyron nang sambitin nito ang huling salita bago yumuko.

Napatingin naman si Amara sa kinauupuan ng kanyang asawa at nakita niya na yakap-yakap nito ang teddybear na pasalubong sa kanya ni Tyron. Nakaramdam naman siya ng awa rito at naisip niya na mukang pinagsisihan naman ng binata ang kanyang ginawa.

Iniisip ni Amara kung bakit pa niya ipagkakait sa kanyang asawa ang kagustuhan nitong magka-anak muli, gayo'ng hindi naman ito nagkulang sa pag-aalaga't pagkalinga sa kanilang pamilya.

Dahan-dahang bumangon ang dalaga sa kama, bago marahang kinalabit ang kanyang asawa sa tagiliran, "Babe..." malambing niyang turan rito.

"Hmmm..." nakangusong sambit lang nito, na hindi man lang nilingon ang dalaga.

"Babe..." tawag pa ulit ni Amara, pero hindi pa rin siya iniimikan ng binata.

"Ihhhh... Babe naman eh!" saad niya pa rito habang pilit hinihila ang navy blue long sleeves nito.

"Hmmm..." sagot lang ni Tyron, na nakapagpainit nang husto ng ulo ni Amara.

"Kung ayaw mo, 'di 'wag!" inis na saad ng dalaga bago tumayo sa ibabaw ng kama para hakbangan ang mga rosas na nagkalat doon.

Ilang hakbang lang ang nagawa ni Amara nang maramdaman niyang nahablot siya ni Tyron sa bewang, dahilan para bumagsak siya sa kama. Nakita niya na pinaibabawan siya nito habang nasa gitna ng mga bisig ng kanyang asawa.

"Alis." pagpupumiglas niya sa binata ngunit mas hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kanyang magkabilang kamay. "Tyron ano ba!"

"Just say you love me, first." anito saka ngumisi ng sobrang laki.

"No!" singhal lang ni Amara bago umiwas ng tingin.

"Then, you leave me no choice." nang maisambit ito ng binata ay mabilis na hinalikan ni Tyron sa leeg ang kanyang asawa na parang nangingiliti.


"B-babe... S-stop it! N-nakikiliti po ako." halos mautal na si Amara sa ginagawa nito kaya naman napasigaw na lang siya nang, "Oo na! Oo na! I-I Love you!"

Mabilis namang tumigil sa pangingiliti si Tyron bago hinaplos ang buhok ng dalaga pataas, "And I love you too, Amara. Sorry if I did such thing but I swear to God, I have no bad intention to hurt nor strain you." sinserong usal nito sa kanyang asawa.

Sa puntong iyon ay agad tiningnan ito ni Amara diretso sa mata, nakita niya ang ningning sa mga mata nito na nagsasabi kung gaano kasinsero si Tyron sa kanyang mga isinatinig.

Segundo lang ang lumipas nang ngitian na rin ito ng dalaga bago binitawan ang mga katagang, "Thank you Tyron, for everything." simple pero bukal sa loob na turan ni Amara sa kanyang asawa habang hinihimas din ang buhok nito pataas.

"I should be the one to say that." ani Tyron bago ginawaran ng isang mapagmahal na halik sa labi ang kanyang asawa. "I love you Amara, I love you that I don't know how to live anymore without you and our children."

"I love you too, Babe." sagot naman ng dalaga bago kinabig ang batok ni Tyron, para paglapating muli ang kanilang mga labi.

Nang hapon ding iyon ay masayang namalagi sa garden ang pamilya Anderson, para makapag-bonding. Simula kasi nang malaman ni Tyron na buntis ang kanyang asawa ay mas naging maingat ito sa pagbabantay kay Amara.

Halos dalawang linggo na ring hindi pumapasok sa Three Ty's Pastelerya si Amara, dahil hindi maatim ng kanyang pang-amoy ang pinaghalo-halong amoy ng tinapay, cake at mga pastries roon.

Habang masayang-masaya sa pagba-bonding ang buong mag-anak, ay hindi nila alam na may mga matang nanlilisik na siyang nakamasid, sa bawat kilos at galaw nina Tyron at Amara.

"Oo masaya kayo ngayon, pero sinisigurado ko na ako naman ang hahalakhak ng husto, kapag nasira ko na ang relasyon niyo!" kasuklam-suklam na anas ng taong iyon habang tinatanaw sina Tyron at Amara sa 'di kalayuan.

Nakangiting pinagmamasdan lang ni Amara ang kanyang pamilya, na masayang nagkukulitan sa gitna ng kanilang hardin. Nakita niya ang walang humpay na kasiyahan sa mukha ng mag-aama ng mga sandaling iyon.

Nang akmang babalingan na niya ang magazine na kanyang hawak, ay biglang may nahagip ang kanyang peripheral vision kaya mabilis niyang nilingon ito.

Nakita niyang may taong nakatayo sa tapat ng kanilang gate, kaya naman mas pinalinaw pa ni Amara ang kanyang paningin para masigurado kung tama ba ang kanyang nakikita. Hindi niya gaanong maaninag kung babae ba ito o lalaki dahil sa nakasuot ito ng makapal na jacket, sumbrero at itim na sunglasses.

Nang akmang lalapitan na niya ito ay biglang may humawak sa kanyang kamay, dahilan para lingunin ito ng dalaga.

"Babe, where are you going?" biglang tanong ni Tyron ngunit hindi naman sumagot si Amara, bagkus ay muli niyang nilingon ang kinatatayuan ng taong kanyang nakita.

Ngunit nang tingnan itong muli ni Amara ay wala na ang taong nakatayo roon, pilit itong hinahagilap ng kanyang mga mata sa pagbabaka-sakaling makita niya itong muli, ngunit nabigo ang dalaga dahil nawala ito na parang bula.

"Babe..." rinig niyang usal ni Tyron bago nito pinisil ang kanyang kamay.

"B-babe." tanging sambit lang ni Amara rito.

"Is there a problem?" sa tono ng boses ni Tyron ay mababatid mo ang pag-aalala rito, kaya naman binalingan na ito ni Amara.

"N-nothing Babe, I thought there's s-someone... Nevermind... Balik na tayo do'n?" ngumiti na lang si Amara sa kanyang asawa bago siya inakbayan nito pabalik sa garden.

Habang naglalakad ay iniisip pa rin ni Amara kung sino ang taong iyon at anong pakay nito sa kanilang pamilya.

Sino kaya 'yon? Bakit bigla siyang nawala na parang bula? O baka naman namamalik-mata lang ako? mga katanungang bumabagabag sa isipan ng dalaga, na hindi na niya isinatinig pa.



*****

Wooohhh! Ka-lurkey! 😱😱😱
Sino kaya ang taong ito at ganoong na lang ang galit niya sa ating mga bida?

Abangan...

3 Days nang sira si Watty, kaya hindi ko alam kung nagno-notify itong update ko sa inyo, Lovies. 😭

Posted:
January 6, 2018 ( 1:17 p.m. )


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top