MFALC Chapter 14: Strawberry Alert
Chapter 14
Matapos ang mainit na eksena ng mag-asawang Tyron at Amara, ay mabilis nagbihis ang mga ito para ipaghanda ng agahan ang kanilang mga anak.
"Ano ka ba Babe, kakaligo lang natin eh." natatawang saad ni Amara dahil sa kakulitan ni Tyron. Pilit nitong nilalagyan ng chocolate syrup ang kanyang pisngi habang abala sila sa paghahanda ng pancake ng mga bata.
"I didn't do anything." pagkukunwaring turan ng binata, na animo'y isang mabait na tupang walang bahid kasalanan.
"Tsss..." napapailing na lang si Amara sa kakulitan nito at nang mahawakan niya ang isang piraso ng pancake ay mabilis niya itong nilagyan ng strawberry syrup bago nilantakan. "Hmmm... Ang sarap." masayang saad ng dalaga habang patuloy sa paglasap ng kanyang kinakain.
Nang balingan naman ni Amara ang kanyang asawa ay nakakunot noo lang itong nakatingin sa kanya, na parang sinusuri ang bawat galaw na kanyang ginagawa.
Mabilis namang nginuya ni Amara ang pagkain sa kanyang bibig bago ito nagsalita, "Why are you staring at me like that, Babe?" nagtatakang tanong niya rito bago uminom ng tubig.
"B-babe... Since when did you like strawberry syrup?"
Natigilan naman si Amara sa pagsimsim ng kanyang inumin nang marinig ang sinabi ni Tyron. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na baso, bago binalingan ang kanyang plato na may lamang pancake with strawberry syrup.
Kahit kailan ay hindi nahiligan ni Amara ang pagkain ng strawberry. Hindi naman sa pagiging pilian at maarte, ngunit hindi gusto't hindi rin nakasanayan ng kanyang panlasa ang lasa ng nasabing prutas.
Unti-unting binuklat ng dalaga ang mga pancake na may strawberry syrup sa kanyang harapan, ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong sobrang dami pala nang nailagay niya rito. Marahan niyang nilingon si Tyron habang ang mga mata ay parang nagtatanong kung bakit niya kinakain ito.
"Babe, what's wrong?" pagtatanong nito bago hinaplos ang kanyang likuran.
Hindi na naman sumagot pa si Amara at nagmamadaling umalis sa kusina upang dumiretso sa kanilang silid.
"Babe!" rinig niyang tawag ni Tyron ngunit hindi na ito binigyang pansin pa ng dalaga.
Mabilis niyang ikinandado ang seradura ng pinto bago sumandal dito. Habol ang hiningang napahawak na lang siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng palo nito sa sobrang kaba.
"Is it possible that I'm..." hindi na naituloy ni Amara ang kanyang sasabihin nang mapagtanto ang kanyang naisambit. "I'm pregnant?!" namimilog ang mga matang anas nito sa hangin bago napatuptop ng kanyang bibig.
Sandali pang nag-isip si Amara kung anong magiging reaksyon niya nang mga sandaling iyon. Ang ipinagtataka niya ay kung paano siya mabubuntis, ganoong umiinom siya ng Birth Control Pills, na siyang dahilan para hindi makabuo ng supling ang dalawang taong nagtatalik.
"P-papaanong mangyayari 'yon?" nagtatakang saad ng dalaga. "Amara kalma, baka nagbago lang ang eating habit mo kaya biglang nagustuhan mo ang lasa ng strawberry." pangkukumbinsi pa nito sa kanyang sarili.
"Haaayyy... There's only one way to find out." tanging sambit niya bago tinungo ang kanilang banyo.
Maagap na hinagilap ni Amara ang kanilang kabinet para kumuha ng pregnancy kit doon. Nagmamadaling sinunod niya ang mga nakalathalang paggamit nito bago naupo sa gilid ng bathtub.
"Haaayyy..." buntong hininga ng dalaga habang hindi mapakali ang magkasaklob niyang mga kamay.
Makalipas ang tatlong minuto ay marahang tiningnan ni Amara ang pregnancy kit na nakapatong sa kanilang maliit na lababo. Ganoong na lang namilog ang kanyang mga mata nang makita ang dalawang pulang linya sa gitna ng nasabing bagay.
Dahan-dahang naupong muli ang dalaga sa gilid ng bathtub habang hindi mawalay ang kanyang paningin sa hawak na pregnancy kit, "H-how did it happened?" hindi makapaniwala niyang sambit sa hangin.
Hindi lubos maisip ni Amara, kung paano siya nabuntis gayo'ng hindi naman siya pumapalya sa paggamit ng pills. Para makasigurado ay kumuha pa ito nang dalawa pang pregnancy kit, para mas makasigurado kung totoo nga ba ang lumabas sa kanyang unang paggamit.
Sabay itong ginamit ng dalaga, at makalipas ang tatlo pang minuto ay nasilayan niyang muli ang dalawang pulang linya sa magkabilang PT. Bagsak ang balikat na napatingin na lang si Amara sa salamin bago nabitawan ang mga katagang,
"Congratulations Amara, you're pregnant." aniya sa kanyang repleksyon bago ngumuti ng alanganin.
Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang biglang makarinig ito nang pagkatok, "Babe, what took you so long. Are you okay in there." kasabay ng katok na iyon ay narinig niya ang kanyang asawa sa kabilang bahagi ng pinto.
"Sumakit lang tiyan ko, Babe. Be there in a minute." pagpapalusot niya rito habang hindi mapakali kung saan itatago ang tatlong pregnancy kit na kanyang ginamit. Mabilis niyang isinilid ito sa tuwalyang nakapatas doon, bago mabilis na binuksan ang pintuan.
"Babe!" gulat niyang sambit nang makitang nasa bukana ng pintuan si Tyron.
"Are you alright?" nag-aalalang usal ng binata bago pinunasan ang kanyang pawisang noo.
"I-I'm fine Babe... Masyado lang akong nakipagbuno sa kinain ko." pagbibiro niya rito para hindi mapansin ang kanyang namumutlang labi.
"Sigurado ka, Babe?" pagtatanong pa ng binata.
Tanging tango lang ang isinagot ni Amara rito, bago isinara ang pintuan ng kanilang banyo, "Let's go, baka hinihintay na tayo ng mga bata." anyaya niya rito bago ikinawit ang kamay sa braso ng kanyang asawa.
Sabay-sabay na kumain ang mag-anak habang nagku-kwentuhan. Pilit na nagpapakasaya si Amara para hindi mahalata ni Tyron na may malalim siyang iniisip.
"Right Babe?" rinig niyang usal ni Tyron kaya mabilis siyang napabaling dito.
"H-huh?" wala sa sariling tugon ng dalaga rito.
"I said, Tyler can only change his phone when he promise to clean his room."
"O-of course..." utal niyang saad bago ngumiti ng alanganin.
Muli namang sumubo si Amara ng pancake, at nagulat nang biglang maramdaman niya na hinawakan ni Tyron ang malaya niyang kamay na nakapatong sa lamesa.
Mabilis naman niyang tiningnan ito sa mukha, at nakita pa rin niya ang pag-aalala sa itsura nito ngayon. Hinawakan naman niya pabalik ang kamay ng binata bago isinambit sa hangin ang katagang, "I love you." walang boses ngunit agad naman itong naintindihan ng kanyang asawa.
"I love you more." usal ni Tyron bago hinalikan ang noo ng dalaga.
Matapos ang agahan ay dumiretso sina Tyron at Amara, sa isang team park kasama ang kanilang tatlong mga anak. Masayang-masayang namasyal ang mga ito habang bitbit ni Tyron ang bunsong si Tyarra.
"Dad, let's go to the ferris wheel." masiglang saad ni Tyler habang nagniningning ang mga mata dala ng kasiyahan.
"Okay little guy," nakangiting usal ni Tyron bago ginulo ang buhok ng kanyang anak. "Are you coming with us, Babe?" pagtatanong nito sa kanyang asawa.
"No, no... We're fine here, papainumin ko pa ng gatas si Tyarra." ani Amara bago kinarga ang kanilang bunsong anak.
"Are you sure?"
"Yes po, sige na. Have fun!" masaya niyang turan sa mga ito bago pinalo ang pwetan ng kanyang asawa.
"Such a tease, Babe." napapailing na usal naman nito bago hinalikan sa labi ang dalaga. "Babalik din kami agad." saad ni Tyron bago tumalikod para sundan sina Reese at Tyler.
Nakangiting tinanaw na lang ni Amara ang kanyang mag-aama, bago umupo sa bakanteng upuan doon. Ipinuwesto niya si Tyarra sa stroller nito bago pinainom ng gatas.
Habang tinitingnan niya ang bunsong si Tyarra, ay biglang nanumbalik sa kanyang kaisipan ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Marahan niyang hinaplos ang kanyang sinapupunan para pakiramdaman ang munting supling doon.
"Hi baby, I know you're already in there," bulong niya rito at bahagya pang natawa sa kanyang sinabi. "H'wag mo sanang isipin na hindi ka gusto ni Naynay, biyaya ka ng Diyos, anak. Pero ang iniisip ko ay kung paano ka nabuo, gayong umiinom naman si Naynay ng pills." mahabang litanya niya rito habang patuloy sa paghimas ng kanyang tiyan.
"Di bale anak, aalagaan ka ni Naynay, gaya nang pag-aalaga namin sa mga kapatid mo." nakangiti niyang sambit bago narinig ang batang si Tyarra.
"N-naynay, nomur." mumunting sambit ng bata bago itinaas ang boteng wala nang laman.
"Wow! Very good naman si Ate Tyarra, no more milk na ang baby ko?" nakangiti niyang saad rito bago ikinandong ang kanyang anak.
"Nono... Nomur myilk." anito saka ngumiti ng sobrang tamis.
Ilang minuto rin ang ipinaghintay ni Amara, bago nasilayan ang kanyang mag-aama, na may bitbit na malaking kulay rosas na Teddy Bear at popcorn.
"Naynay! Naynay!" humahangos na wika ni Tyler nang makalapit ito sa kanyang kinauupuan.
"Yes anak?"
"Look what Daddy brought you." masiglang saad nito saka hinila ang kanyang Ama na may bitbit na teddy bear.
"Wow! That's a huge teddy, Babe." nakangiti niyang saad sa mga ito.
"For you babe," ani Tyron saka inabot ang stufftoy. "And for my baby Tyarra. Tadaaa!" sinorpresa niya ito nang minion style na laruan.
"Wow! Ang galing naman ni Daddy." saad pa ni Amara.
Nasa ganoong usapin ang mag-anak nang biglang maupo si Reese sa tabi ng kanyang Ina. Mabilis nitong binuksan ang popcorn na kanyang dala, kaya't mabilis na bumaligtad ang sikmura ni Amara, nang maamoy niya ang cheese flavor nito.
Maagap na napatakip ng kanyang bibig si Amara at nagmamadaling kumaripas ng takbo, papunta sa ladies room.
"Babe!" kunot noong sigaw ni Tyron ngunit hindi ito nilingon ng kanyang asawa.
Mabilis tinungo ni Amara ang banyo, at nang makakita ng bakanteng cubicle roon ay agad siyang pumasok rito.
Uwaaaaaakkk...
Halos maluha na ang kanyang mga mata dahil sa pinipilipit niyang sikmura. Ilang minuto rin ang itinagal ni Amara roon bago nagpasyang maghilamos ng kanyang mukha.
Nang mahimasmasan, ay tiningnan lang niya ang kanyang repleksyon sa salamin bago napailing, "You can't hide it forever, Amara." aniya sa kanyang sarili habang naghuhugas ng mga kamay.
Matamlay na lumabas ng banyo ang dalaga, bago bumalik sa kinauupuan ng kanyang mag-aama. Sinalubong naman agad siya ni Tyron, na halatang sobra sa pag-aalala, "Babe, anong nangyari? Bakit ka biglang tumakbo?"
"Babe, can we go home now, please? I'm not feeling well." matamlay niyang saad rito bago naupo sa tabi ni Reese.
"Okay Babe... Kids pack our stuff and we're going home." maotoridad na usal ni Tyron, kaya mabilis na nag-ayos ang mga bata.
*****
Mabilis namang nakarating sa kanilang tahanan ang pamilya Anderson. Bagsak ang mga balikat na inalalayan ni Tyron si Amara paakyat ng kanilang silid, bago ito inalalayang makahiga.
"Wait there, Babe. Kukuha lang ako ng gamot."
Nang akmang aalis na si Tyron ay mabilis itong pinigilan ng dalaga, "Babe, just stay here. I have something to tell you."
Kahit naguguluhan ay tumango na lang ang binata rito, bago naupo sa gilid ng kama.
"Babe..." malambing na sambit ni Amara.
"Yes Babe?" pagtatanong naman ni Tyron habang hinihimas ang kamay ng kanyang asawa.
"I-I'm pregnant." seryosong turan ng dalaga.
Natigilan naman si Tyron nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. At segundo lang ang lumipas nang rumihistro ang malaking ngiti sa mga labi ng binata.
"Hindi ka naman masyadong masaya n'yan ano po?" sarkastikong saad ni Amara bago hinampas ng bahagya ang dibdib ng kanyang asawa.
"A-aray naman Babe," hinaing ni Tyron saka hinawakan ang kamay ng dalaga. "Of course I'm happy, because finally natupad na ang gusto kong magkababy ulit." magiliw na usal pa nito bago hinalikan ang tiyan ni Amara.
Napangiti naman ang dalaga sa ginagawang panlalambing ni Tyron, nakita niya sa mga mata nito ang kasiyahan nang malaman nitong siya ay nagdadalang tao.
Siguro nga tama na ring nangyari ito, dahil minsan ko na lang makitang ganito kasaya si Tyron. Lord, thank you po sa panibagong blessing sa amin ng asawa ko. Sana po ay malagpasan namin lahat ng problema, basta palagi kaming magkasama. tahimik na panalangin ni Amara habang nakangiting pinagmamasdan ang kanyang asawang si Tyron.
*****
Yieee... Amara is pregnant! 😍😍😍
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top