MFALC Chapter 13: Forgiven
Chapter 13
Kinabukasan, nagising si Amara nang maramdaman niya ang mainit na hangin na humahalik sa kanyang leeg. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, para maisaayos ang paningin sa liwanag na diretsong tumatama sa kanyang mukha.
Pilit pinalinaw ng dalaga ang kanyang paningin hanggang sa ito'y tuluyan nang makamulat. Ramdam niya na may mabigat na bagay na nakadaghan sa kanyang tiyan at mga hita kaya mabilis niyang binalingan ito. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita ang gwapong mukha ng kanyang asawang si Tyron, na mahimbing na natutulog habang mahigpit na nakayapos sa kanyang katawan.
Dahan-dahang iniaalis ni Amara ang braso nito na nakadagan sa kanyang tiyan, ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay mas lalo lang humihigpit ang pagkakayapos nito sa kanya bewang.
"Haaaayyy..." buntong hininga ng dalaga bago tumingin sa kisame para makapag-isip.
Lingid sa kaalaman ni Amara, ay lihim na palang pinagmamasdan ni Tyron ang kanyang magandang mukha. Napangiti ito ng palihim dahil hindi nangahas ang dalaga na tanggalin ang kanyang braso na nakayapos sa tiyan nito.
Nagkunwari pa si Tyron na magtulug-tulugan, para maging malaya ang sarili sa pagsiksik ng kanyang mukha sa leeg ng kanyang asawa. Sinadya pa niyang gawaran ng mumunting mga halik ang leeg nito para makita kung galit pa ito sa kanya.
"Hmmm..." mahimig na tinig ang tanging kumawala sa lalamunan ni Amara, kaya't agad naman itong sinamantala ng binata.
Nagpatuloy si Tyron sa paggawad ng mumunting mga halik sa leeg ng dalaga, nakita niya na nasisiyahan ito sa kanyang ginagawa kaya't mas pinagbuti pa niya ang paghagod sa leeg nito gamit ang kanyang mga labi.
"Oohhh..." ungol ni Amara dahil ramdam niya ang mainit na palad ni Tyron na humahaplos sa kanyang balat, hindi niya namalayan na mabilis na palang naipasok ng binata ang kamay nito sa loob ng kanyang puting kamison kaya't malayang-malaya ito sa paghagod ng kanyang tiyan.
Mas lalo pang napasinghap si Amara nang umangat ang kamay ni Tyron sa kanyang kaliwang dibdib. Ramdam niya ang mainit na palad nito na patuloy sa paglalaro nang tuktok ng kanyang bulubundukin, kaya naman napapikit na lang ang dalaga ng mariin para labanan ang namumuong init sa kanyang sistema.
"Babe..." namamaos na bulong ni Tyron sa kanyang punong tenga, na dahilan para magtaasan lahat ng balahibo niya't mapabalik sa kanyang katinuan.
Mabilis na iniahon ni Amara ang kanyang sarili sa pagkakahiga bago nagpasyang bumangon na nang tuluyan sa kanilang kama. Ngunit nang tangkain niyang tumayo ay mabilis siyang hinablot ni Tyron dahilan para mapasigaw ang dalaga ng husto.
"Ahhh!" buong lakas ng sigaw ni Amara at naramdaman na lang niya na napaupo siyang muli ngunit sa pagkakataong iyon ay sa kandungan na ng binata, bago mahigpit na ipinulupot ni Tyron ang mga braso nito sa kanyang katawan. "T-Tyron ano ba." inis na saad pa niya rito habang pilit na kumakawala sa mga bisig nito.
Hindi naman agad sumagot ang binata, bagkus ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanyang asawa bago ipinatong ang kanyang baba sa kanang balikat ni Amara,
"Babe... Hear me out first, pretty please." malungkot na usal ng binata habang mahigpit na nakayakap sa nagpupumiglas niyang asawa. "I miss you." malambing na dagdag pa nito.
Mabilis na napahinto sa kanyang pagpupumiglas si Amara nang marinig ang mga sinabi ni Tyron. Ang kaninang inis at naghuhurementado niyang sistema ay biglang naglaho na parang bula, dahil sa tagus-tagusang hinaing ng kanyang asawa.
"Amara, please." anito kaya't bagsak ang balikat na napaupo na lang din ang dalaga sa kanlungan ni Tyron.
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa mag-asawa, puro buntong hininga lamang at pintig ng kanilang mga puso ang bukod tangi nilang naririnig.
"Babe..." pambabasag ni Tyron para masimulan ang kanilang pag-uusap. "I want you to listen and hear out everything I wanted to say."
Hindi naman sumagot si Amara sa sinabi nito kaya't muling nagpatuloy si Tyron sa kanyang sasabihin, "I lied about telling you the real reason why I didn't show up on Reese's Birthday."
"You don't have to tell me everything Tyron, alam ko na naman na doon ka galing sa haliparot na si Stephanie!" iritableng saad ni Amara at tinangka pang kumawala sa mga bisig ng binata, ngunit hindi niya nagawa dahil 'di hamak na mas malakas ito kesa sa kanya na balingkinitan ang pangangatawan.
"Babe, makinig ka muna please." sinserong saad nito kaya muling kumalma ang dalaga.
Ikinuwento lahat ni Tyron ang buong detalye at pangyayari kung bakit hindi siya nakadalo sa kaarawan ng sarili niyang anak.
Sa una ay sarado pa ang isip ni Amara sa lahat ng sinasabi nito, ngunit kalaunan ay naliwanagan na rin siya dahil sa lakas ng loob ni Tyron na sabihin lahat ng pangyayari, ultimo ang naging kasalanan ng binata gamit ang kanyang mapaglarong kaisipan.
"Babe in ten years of marriage. I didn't do stupid things that can ruin our relationship." usal pa ni Tyron sa tahimik na dalaga.
"Marupok ako minsan but I know the consequences of making a terrible mistakes. It can totally destroy our family, so bakit ko pa gagawin right?" paliwanag pa nito habang pinapakiramdaman ang kanyang asawa na may malalim na iniisip.
"Babe..." tawag pa ni Tyron rito kaya narinig niya na napabuntong hininga na lang si Amara.
"Sige, I will forgive but in one condition." seryosong turan ni Amara, na siyang nakapagpakaba ng husto sa binata.
"Ano po 'yon?" lambing ni Tyron bago hinalikan ang leeg ng kanyang asawa.
"Tutal alam ko naman na hindi mo mapapaalis si Stephanie sa opisina mo, dahil kailangan mo ang shares ng Daddy niya sa kumpanya mo. Isa lang ang naisip kong paraan." mahabang litanya ni Amara.
"Hmmm..." tanging sagot lang ni Tyron habang patuloy sa paghalik sa leeg ng dalaga.
"I don't want to see both of you on the same room. Alam ko hindi maiiwasan, pero kapag ako ang nakahuli sa inyong dalawa. Mark my word Tyron! Kahit wala kayong ginagawa, kakaladkarin ko ang babaeng 'yon!" pagbabanta ni Amara rito bago binalingan patagilid ang kanyang asawa.
"Yes Babe, promise. I will stay away from her." ani Tyron saka mabilis na ninakawan ng halik sa labi ang dalaga habang minamasahe ang kanang dibdib nito.
"Manyak!" natatawang saad ni Amara bago kumawala sa mga bisig ng binata. Dumiretso ito sa kanilang walk-in closet para mamili ng damit.
"Hey Babe, where are you going? Wala namang pasok ang mga bata ha?" kunot noong tanong ni Tyron rito.
"Sorry Mr. Anderson but I have a date." mapang-asar na sambit ni Amara bago kinindatan ang kanyang asawa.
"With whom?" tiim bagang na usal nito nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa.
Mabilis naman siyang nilingon ni Amara bago nagkibit-balikat, na parang nagsasabing wala ka na doon look.
"Amara, I'm not joking around here. Tell me, who's that f*cking man?!" nagpupuyos sa galit na anas pa nito na halatang nagpipigil lang.
Nang makapili nang damit ay mabilis na hinarap ni Amara ang binata bago humalakhak nang husto, "Hahaha! Look at your face, Babe. Jealous?" nakangisi pang pambubuska ng dalaga rito na mas ikinakulo ng dugo ni Tyron.
"What kind of question is that Babe? Of course I am! I'm f*cking jealous, because my wife's having a date with another man." halos mag-isang linya na ang mga kilay ni Tyron nang sambitin niya ang mga katagang iyon.
"And who've told you that I have a date with a man, Mr. Anderson?" sarkastikong wika ni Amara na ikinakunot lalo ng noo ng binata.
"H-huh? W-what do you mean?"
"See? 'Yan ang napapala ng mga tamang hinala. Tsss..." nakangising sambit ni Amara bago hinalukipkip ang mga braso. "Ang mga bata ang ka-date ko, hindi lalaki Tyron. Hahaha!" humahalakhak na saad pa ng dalaga.
Namilog nang husto ang mga mata ni Tyron sa kanyang mga narinig, hindi niya lubos akalain na nabalot na ng selos ang buo niyang sistema kaya't gano'n na lang agad ang kanyang naisip nang sabihin ni Amara ang salitang Date.
Rinig pa niya ang malakas na tawa ni Amara kaya't para mai-ahon ang sarili sa pagkakapahiya ay mabilis niyang pinangko ito bago binitawan ang mga katagang, "You tricked me, Mrs. Anderson." hindi makapaniwalang usal ni Tyron habang buhat-buhat ang kanyang asawa pa-bridal style.
"I did not." ngisi ni Amara.
"Yes you did, you intentionally made me jealous para makaganti ka sa akin." napapailing na turan pa ng binata.
"Well ikaw ang nag-conclude hindi a..." hindi na natapos ni Amara ang kanyang sasabihin nang maagap siyang siniil ng halik ni Tyron sa kanyang mapupulang labi.
"That kissed, will surely serve the impishness inside of you." nagniningning ang mga matang saad ni Tyron.
"That's all you have got?" pang-aalaska pa ni Amara rito habang nagtataas-baba ang mga kilay, kaya naman napangisi ng husto si Tyron dahil alam na niya ang ibig sabihin nito.
"And this..." nang masabi ni Tyron ang katagang iyon ay mabilis niyang siniil nang halik si Amara sa labi at sabay nilang naisakatuparan ang tawag ng nag-iinit nilang sistema habang naliligo.
Photo CTTO
*****
TYMARA is finally back! 😍
Oh wag na kayong masyadong mapait kay Fafa Tyron. Good boy na raw siya kasi 2018 na. 😉 Hahaha! 😂
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top